Chapter 6
Asaran with the Delivery Boy "Mama, wake up na! Maga na po, may pasok ka sa work. Kailangan natin ng pera dahil matakaw kami kumain po," malakas na sambit ni Jan. "Yung promise mo, Mama, na kakain tayo kay pareng Jabebe," dagdag naman ni Jon. What? Pareng Jabebe? Gusto kong tumawa sa sinasabi ng mga anak ko. Gusto ko na sanang magkunwaring tulog, kaya lang may pasok pala ako sa trabaho ngayon. Pero mamaya pa naman iyon. "Mama, gugutom na kami. Gusto na naming kumain po," sabi rin ng aking babae na anak. Naramdaman ko na humalik pa ito sa pisngi ko. Sumunod naman ang dalawang lalaki kong anak na humalik sa akin. Kaya nagmulat na ako ng aking mga mata. "Good morning, mga anak," ngiti ko. Pero ang mga anak ko ay nagtakip agad ng kanilang mga ilong. Napasimangot naman ako. "Mumog ka muna, Mama, bago mag-talk," sabi agad ng anak kong si Jan sabay takip ulit sa kanyang ilong. Humagikhik naman ang dalawa ko pang anak. "Mga bully na bata," sabay kiliti sa mga bewang nilang tatlo. Bigla silang sumigaw sa pagkagulat. "AHHHH!" sigaw nilang tatlo at nagkatawanan kaming lahat. Nagkulitan muna kami bago bumangon mula sa higaan. Nagtulong-tulong kaming tinupi ang higaan namin bago kami nagtungo sa kusina. Inakay ko na sila sa kusina para makapagluto na ako ng almusal naming apat. Nagmumog na muna ako bago naghanda ng lulutuin ko. Nang tapos na kaming kumain, naligo na ako. Palabas na ako ng banyo nang nagsisigaw ang tatlo kong anak. Kahit sakit sa ulo ang kaingayan at kakulitan nila, mapagpasensya ko pa rin silang sinasabihan. "MAMA! MAMAAAAA!" sigaw ng tatlong bata. Nagmadali naman akong lumabas ng banyo dahil sa sigaw nila. "Mama, may lisad, may lisad po!" sigaw ni Jon sabay turo sa ilalim ng mesa namin. "No! It's a baby Crocodel, Mama!" sigaw ni Jan. "It's butikiki, hindi baby Crocodel o lisad. Butikiki ang tawag diyan!" singit ni Jam. "Ewan ko sa inyo, mga anak," sabi ko naman. "It's a baby Crocodel, Mama, tingnan mo po sa ilalim ng mesa," sabi pa ni Jan. Englesero talaga ng anak kong ito. Ang cute nila, nakakagigil. Nakalimutan kong takot pala sila sa butiki. Kaya hinuli ko na muna ito at tinapon sa labas bago magbihis. "Magbibihis pa si Mama, ma-late na ako sa work ko. Wala tayong pang-Jabebe," sabi ko pa. "Sige po, bihis na po, Mama, bilis po, bihis na po," tulak pa sa akin ni Jon. Excited ito palagi na kakain sa fast food restaurant kaya ganito siya. Nagluto na muna ako ng tanghalian nila bago ako pumasok sa trabaho. Iniiwan ko ang mga bata sa landlady ng tinutuluyan naming apartment. Mabait ito kaya imbes na kumuha ako ng kasama nila, nagpresenta si Aling Eda. Kaya siya na ang sinasahuran ko. "Hey! Miss Rider! Long time no see, huh! Did you miss me?" kindat pa ng gago. "Huwag mong sirain ang maganda kong aura ngayon. Baka mabalibag kita!" biro ko lang naman. "Miss Sungit pa rin pala talaga ang bagay na pangalan mo," tumawa pa talaga. "Ano na naman ang ginagawa mo dito?" tanong ko. "May hinatid lang akong delivery. Tara, kain tayo," yaya nito. "Oras na ng duty ko. Kaya sa iba ka na lang mag-aya. Hindi tayo bati!" ingos ko sabay lakad na paalis. "Ang ganda pa naman ng aura mo ngayon." "Please try again later. Wala ako sa mood," irap ko. Humalakhak naman ito. "Gaganda ka pa lalo kapag ako ang kasama mo," nagtaas-baba pa talaga ang kilay nito. Imbes na ngumiti, sumimangot na lang ako para hindi na niya ako asarin pa. "WHOAH!" sigaw nito na ikinalingon ko. "Huwag kang sumimangot, nagmumukha kang itik!" Hinampas ko agad siya sa dibdib. Malakas naman itong tumawa. Walang pakialam sa paligid kung may nakakarinig o wala. Pasaway na lalaki eh. "The person you are talking right now is currently unattended. Please don't talk to the person again," seryoso kong sagot na ginaya pa ang boses ng tagapagsalita sa cellphone. Humagalpak naman ito ng tawa. Buhay na buhay ang tawa niya at nakakadala. Kaya lang ayokong tumawa. Nagulat ako sa panghihila niya. "Let's go, treat kita. Bayad ko na sa pagliligtas mo sa buhay ko," mahinahon na sabi ng lalaki. "May trabaho ako, gago! Pang-hapon ang trabaho ko kaya hindi ako makakasama sa'yo!" inis na sambit ko. "Akong bahala. Swerte mo nga kasi ako na ang nagyaya, ako pa ang lilibre sa'yo. Aba, san ka pa!" hila niya sa akin. "Kapag ako nasesante dito dahil sa'yo, humanda kang h*******k ka!" bulyaw ko na. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at ilan sa mga katrabaho ko. Nakita ko pa ang kaibigan kong si Rosey na nakangiti sa sulok. Kumaway pa nga ito sa akin na parang kinikilig pa. Umirap ako. "Hindi ka masesesante. Mabait ang may-ari ng mall na ito. Kaya relax, okay?" baliwala ang pagsusungit ko. "Alam ko! Pero paano ang manager sa department store, huh? Paano kung gawan ako ng memo at ipasa sa nakakataas sa HR? Gago ka eh!" hampas ko pa sa braso niya. "Hindi ka lang masungit at mahilig magmura. Amasona ka pa!" pag-iiba nito sa usapan. Nasa canteen na silang dalawa. "Just sit here, ako na ang mag-order ng pagkain natin. Huwag kang aalis sa upuan mo, Miss Sungit na gumanda dahil kasama niya ako," paalala pa nito. Umirap lang ako!Coffee with Him Jela Sa dulo kami naupo sa harapan ng salamin. Gusto ko kasing panoorin ang mga sasakyan at mga taong dumadaan dito sa may café. Pinatong ni Jupiter sa lamesa ang gamit niyang bag, at sabay kaming nagtungo sa counter para bumili ng kape at slice ng cake. May dalawang babae na bumibili pa, at ang aarte nila. Mukhang binubully pa nila ang maliit pero napakacute na cashier. Kinalabit ko si Jupiter sabay turo sa dalawang babae. Gusto kong sitahin niya ang mga ito. Kapag ako kasi ang sisita, baka murahin at laitin pa nila ako. Baka masapak ko sila agad. Na-gets naman niya agad ang gusto kong mangyari, kaya tumango ito sabay tikhim. Napatigil ang dalawang babae na nasa harapan namin at napalingon sila sa likuran. Nagulat sila nang makita si Jupiter. Sabay takip pa sa mga bunganga nila. "Ang OA," sambit ko. "Kuya Jupiter? May iba ka na naman?" bulalas ng isa. "Iba na naman?" ulit ni Jupiter. "Nakita ko kayong nag-uusap ng pinsan kong si Marianne
His Sweet Gesture Jela May dalawang Amerikana na pumasok sa department store. "Hello, good afternoon! Welcome to Cromwell Mall." "Hi, good day too," bati ng isa sa Amerikana. "Let me know if you need any help," friendly kong sabi. "Sure," ngiti rin nila. Pero sinundan ko pa rin sila habang nagtitingin ng mga dress at mga trendy na damit. "Is there another size for this dress?" tanong ng mas matangkad. "It's a free size," sagot ko. "That's the only one left," sabi ko pa. Tumango-tango naman ito. Pero kinuha pa rin nito. 'Sure akong di kasya sa kanya dahil masikip iyon kapag isusuot niya,' sa loob-loob ko. May ilan pang damit ang kinuha at nagtungo na sila sa fitting room. Nasa gilid lang ako, just in case they need help. Maya't maya ay tinawag ako ng isa. Pinapasok nila ako sa fitting room, sabay pa talaga sila sa iisang cubicle nagsukat ng damit. "Please help me take off this dress," pakiusap ng mas matangkad. Hirap na hirap siyang tanggalin ang damit na
Ex-boyfriend Jela "Jela, wait! Can we talk?" hinihiling ng ex ko sa akin. Pinigilan ko ang kamay niyang nakahawak sa siko ko. "Don't touch me! Wala na dapat tayong pag-usapan pa. I'm already changed and moved on!" mas seryoso kong sabi. Hindi ako nagpakita ng anumang emosyon kundi galit lang. "Matagal na kitang hinahanap, and now I found you here. I miss you!" naririnig ko sa boses niyang puno ng pangungulila. Napasimangot ako. "Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa akin! Kung na-miss mo ako, dapat ako ang unang pinuntahan mo noon. Ako ang unang tatawagan mo. Pero ano ang ginawa mo, ha?" mariin at galit na sambit ko. "I didn't know na pupuntahan ako ni Charlotte sa bahay. Kararating ko lang rin noong araw na iyon. Hindi ko sinasadya ang nangyari," paliwanag nito. "Wow ha! Hindi sinasadya? Halos babuyin niyo na ang sahig sa kahalayan ninyong dalawa! Kung hindi mo sinasadya, bakit nagse-sex kayo? Ang cheap niyo dahil sa sahig pa kayo naglambungan! Tapos sasabihin mong
Accidentally saw her ex Jela Message from Jupiter - "Hey! Jelaxy ko, wake up, mugmog, maghilamos and smile bago magluto ng breakfast para hindi mahawaan ng panis mong laway ang mga lulutuin mong ulam! Good morning!" with laugh emoji - Naiiling na lang ako at nangingiti. Kahit kailan, bwesit ang lalaking ito. My reply to him - "I regret na binigay ko sayo ang number ko!" with angry emoji - Maraming laugh emoji ang reply nito. "Gigil mo ako!" sabi ko na lang habang masamang nakatingin sa screen ng phone ko. Maya't maya, may message ulit ito. His message - "Jelaxy, I'm going to be busy this coming week, kaya I hope na maging mabait ka sa work mo. No boys to stare, look, or even smile at them. Remember it's prohibited. Missing me is a yes, is a must!" with a smirk emoji - - "Take care with the kids, always eat good food, drink water moderately, and eat on time. Don't go into the rooftop alone. Go home kapag tapos na ang trabaho. See you soon, Jelaxy." - Napa-roll
Happy feelings Jela Hindi naman naging awkward matapos kaming naghalikan. Nagulat ako dahil pakiramdam ko pamilyar ang halik niya. Ganito lang siguro talaga kapag matagal nang tigang ang labi ko. After six years na lumipas mula ng huli akong may nakahalikan. At worst, hindi ko pa kilala ang lalaking nakahalikan ko at nakabuntis sa akin. Nawala ang malalim kong pag-iisip ng magsalita si Jupiter. "Gusto mo bang mag-watergazing?" tanong ni Jupiter nang nasa loob na kami ng sasakyan. "Water gazing? Meron ba ditong tubig? Kung sa kanal lang naman, ikaw na lang mag-isa, wag mo na akong idamay pa. Water gazing in the dark and dirty water of the kanal. No thanks!" umiling-iling kong sabi. Umakbay siya sa akin habang natatawa. "Syempre, hindi sa kanal. Ayoko naman na lumanghap ka ng mabahong amoy sa kanal, 'no! Baka magkasakit ka pa. Paano na ang puso ko at ang katawan ko kung mawala... aray naman, Jela!" hinaplos nito ang hita na kinurot ko. "Umuwi na lang tayo, ihatid mo na ak
Their First Kiss Jela "Wow! My favorite!" bulalas ko nang i-serve na nila ang pagkain. Natakam na ako agad. Seafood paella, at grilled veggies ang pagkain namin. Lime juice naman ang drink. Meron pang salmon baked potatoes with garlic oil and butifarra—Spanish sausage, shiitake mushrooms, and onion stew. "Do you like the food?" magiliw na tanong nito sa akin. Masaya akong tumango habang nakatingin sa kanya. Nagulat pa ako nang magtama ang aming mga mata. Sumikdo bigla ang puso ko nang magkatitigan kami. Matamis itong ngumiti sa akin na ikinakilig ng puso ko. "Mas maganda ka kapag wala kang make-up sa mukha," puna nito habang nakatitig ito sa akin. Nailang ako sa paraan ng pagtitig nito sa mukha ko. "Mas maganda ako kapag kasama kita," sabi ko naman na ikinatawa niya. "Kaya dapat araw-araw tayong magkasama para araw-araw kang maganda," ganting biro naman niya. Napangiti ako. "Mas okay kapag tumawa ka, wag kang ngingiti dahil pakiramdam ko inaakit mo ako." Bigla