“Can you please let me go!” iritadong sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay ng lalaking ‘to sa wrist ko.
Is he insane? Bigla na lang siyang dumating, claiming he’s the father of my twins, and now kakaladkarin niya ako somewhere after niyang ipakaladkad ang mga magulang ko palabas ng building na ‘to. CONFERENCE ROOM—iyon ang nabasa ko bago niya ako hinila papasok. “Ouch! How dare you!” nakaduro kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Nilagpasan niya lang ako at naglakad sa harapan, umupo sa gitna. He just looked at me with his cold stare, and signaling me to sit near him. The audacity of this man to ignore me! Wala pang sinumang gumawa niyon sa akin! All men do their best just to get a little attention from me! Sinalubong ko ang tingin niya. Kung malamig ang tingin niya, nagbabaga naman ang mata ko sa galit habang nakatingin sa kanya. May kinuha siya mula sa bulsa ng suit niya. May inihagis siyang mga litrato sa harap ko. “Is that you?” tanong niya. Nakakunot-noo kong tiningnan ang mga iyon. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano ang mga larawan. It’s the picture of me inside a bar. It’s the day I ran away from my wedding. What is the meaning of this? “Why do you have this?” “Who is the father of the twins?” How does he know I’m pregnant with twins? “Who are you? How do you know so much about me? Don’t tell me kasabwat ka rin ng matandang ‘yon no?” “I don’t know what you’re talking about. Now, answer my question.” “I’m not pregnant, so I don’t know what you’re talking about. And stop asking those questions because I don’t know who you are.” Poker-faced na sagot ko. Nakita kong nandilim ang ekspresyon niya at napakuyom ang kamao. Who am I kidding? Of course, I know this man. I did my research. Liam Sinclair. No wonder his name is so familiar. It took me days, but I finally remembered where I first heard that name. It was exactly the name of the man I had a one-night stand with. I saw it on his business card. What do I expect from him? I didn’t expect him to be this much of a jerk and arrogant. I won’t entrust my twins to him! “Liar,” sabi niya gamit ang baritonong tono na halatang nagpipigil ng galit. Nagulat din ako nang malakas niyang hampasin ang lamesa. “What the h*ll is wrong with you!” sigaw ko. Nilapitan niya ako, pero hindi ako nagpatinag sa mga nagbabagang tingin niya. He thought he could scare me? No! May inilapag siya sa harapan ko. It looked exactly like the same ultrasound result I had from the hospital. Yumuko siya hanggang sa ang labi niya ay matapat sa tenga ko. Humawak rin siya sa likuran ng upuan ko. I held my breath dahil sa sobrang lapit niya sa akin. “This is from the hospital you ran away from. Now tell me, who is the father of your child?” Halos mapatalon pa ako nang magsalita siya, dahil nagdala iyon ng kung anong kuryente sa katawan ko. “I’m warning you, don’t you dare lie. I know you’re the woman I had a one-night stand with. I did my research. You really think you can just escape after stealing my money?” nanggigigil na sabi niya. Parang nawala ang katapangan sa katawan ko. Kaya ko siyang sungitan at sagut-sagutin, pero sa oras na singilin niya ako ngayon, alam kong wala akong maipambabayad! I hate being poor! Pinag-cross ko ang mga braso ko at humarap sa gilid ko kung saan siya nakayuko, dahilan para maging isang pulgada na lang ang distansya namin. “Why? Are you expecting these babies to be yours?” mapangutyang wika ko at bahagyang natawa. Nakita ko kung paano nagtiim ang bagang niya at mas nagbabaga pa ang tingin. Halatang na-offend sa paraan ng pagtatanong ko. Ibinaba ko ang tingin sa labi niya. Namula ako sa ideya na minsan ko na iyong natikman. Hindi ko nga lang maalala kung ano ang lasa dahil lasing ako! He still has that handsome face. Kung looks and body lang ang pag-uusapan, he’s exactly my type. Pero hindi kailanman ang ugali niya! I want someone who is gentle towards me—‘yung tipong hindi mayabang, masungit, at hindi masama ang ugali! But I can use him for now. If he wants these babies, then I want his money. “Answer me, Mr. Sinclair.” Sinalubong ko ang nagbabaga niyang tingin habang naghihintay ng sagot. “Yes,” tiim-bagang na sagot niya. Napangiti ako deep inside. Good. “Well—” Naputol ang sasabihin ko nang muling ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, at may bawat diin at pagbabanta sa salita niya. “And if ever they’re mine, I want you to get an abortion.” Napakuyom ako sa narinig. How dare he! Hindi ako aabot sa ganoong punto! Kung iyan ang nasa isip mo, well, no need for you to know or to recognize that you're the father of these babies! Galit ko siyang itinulak at tumayo ako. “Oh well, Mr. Liam Sinclair. Don’t worry, because before you, I already slept with other men, so this baby is definitely not yours.” I lied. He’s the only man who ever touched me. Hindi na ako naghintay ng reaksyon niya. Agad na akong lumabas at pumunta sa restroom. Doon ay sunod-sunod akong napabuntong-hininga. There’s this 1% hope inside me na kinapitan ko noon, hoping I would have someone who would accept these babies. Why do I feel hurt knowing that these babies are unwanted? Pero anong pinagkaiba ko? I’m even planning to have them adopted paglabas nila. I don’t want them to suffer with me. My option is better than his!***
I’m still annoyed, but I have no choice but to work. This is crazy, forcing yourself to work even when you don’t feel better. I never expected life to be this hard! This is why I hate being poor!
“Come here,” malamig na boses ni Liam ang nangibabaw sa intercom. Nasa labas ako ng office niya, may space rito para sa akin. Mabibigat ang hakbang ko papunta sa loob ng office niya. Nakaupo siya sa upuan niya, magkasalubong ang mga kilay, pokus na pokus sa binabasa niya. “What?” iritable kong tanong. “Make me a coffee,” sabi niya, hindi man lang ako tinitingnan. What? Is he serious? “Pinatawag mo ako for that?” iritableng tanong ko, dahilan para magtaas siya ng tingin at salubungin ako ng matatalim na tingin. But I don’t care. I am so mad right now! “What’s with the attitude, Ms. Hayes?” malalim ang boses niya habang nagtatanong. “Ano bang mahirap na sabihan mo ako sa intercom kanina na gawan ka na lang ng kape!” He smirked, which made me even more furious. “Not that hard. But I wanted you to come here,” sagot niya na may nakangising tono. Sol always reminds me that I’m a spoiled brat, the worst one in the world. Then here’s this guy, who’s much worse, trying to take the crown from me! Tumalikod na ako para lumabas. “Gusto lang ata ako nito makita, eh!” bulong ko sa sarili, na parang narinig niya dahil sa mahinang pagtawa niya. “You think highly of yourself, Ms. Hayes,” sabi niya kaya napalingon ako. I gave him a seductive smile and slowly walked in front of him. “Why, Mr. Sinclair? Don’t you find me attractive?” tanong ko, itinungtong ko pa sa lamesa niya ang magkabilang kamay ko at bahagyang yumuko. “Enjoying the view?” tanong ko nang makita kung saan siya nakatingin. I’m wearing a black dress today na hulmang-hulma ang katawan. Sinusulit ko pa ang pagsusuot ng ganito habang hindi pa lumalaki ang tiyan ko. Sumandal siya sa upuan at binalik ang tingin sa mga mata ko. “Actually… you’re not my type. So go out and bring me my coffee,” sabi niya at muling itinuon ang atensyon sa binabasa niya kanina. The audacity! Sinong hindi magkakagusto sa akin? ‘Yung mga ayaw sa ugali mo,’ bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Sol noon. The audacity of that woman too! Nagdadabog akong naglakad palabas. Pumunta ako sa pantry na para lang sa kanya. Mapaso ka sana ng kapeng ‘to! What? Ni wala man lang pagkain sa pantry niya. Sana pinapagiba na lang niya ’to. Dad’s pantry is full of sweet food. Dapat iyon ang tularan niya."Here," sabi ko, sabay lapag ng kape sa lamesa niya.
“Stupid coffee!” bulong ko nang may tumalsik sa kamay ko paglapag ko. “Clumsy,” sabi ni Liam habang tumatayo. Sinamaan ko siya ng tingin. May kinuha siya mula sa mini fridge. “Take this and leave.” Kinuha ko iyon mula sa kanya, at halos kuminang ang mga mata ko sa saya nang makita kung ano 'yon. “Oh my gosh. Red velvet cake! I’m craving this. It’s my favorite,” naiiyak kong sabi. Gosh, why am I so OA? Ganito ba talaga kapag buntis? “You never change. Now leave.” Ano bang ibig niyang sabihin sa ‘you never change’? But whatever, hindi ko na siya aawayin kasi he made me happy. “Thank you!” malapad kong nginitian siya bago lumabas. Pagbalik ko sa lamesa ko, agad kong kinain ang cake. Oh gosh, the first bite feels so good. Meryenda ko lang 'to dati, pero ngayon nahihirapan na akong bumili! I was even planning to buy this, pero sa payday ko pa sana. Life is really hard now! “Hi.” Sino na naman ‘to, nanggugulo sa eating time ko? “What?” masungit kong tanong. “Easy,” sabi niya, itinaas pa ang mga kamay niya habang nakangiti. He’s tall, looks like a chinito, pero naiirita ako sa ngiti niya. That’s exactly the kind of smile people give when they have a crush on me. “Forgive my friend’s stupid face. I’m Jarren, and this is my friend Patrick. We’re looking for Liam. Did he arrive already?” “Yeah, get inside,” sagot ko, hindi na nag-abalang itago ang iritasyon ko. “Dude, you’re home!” sigaw ni Patrick. Can he just speak normally? Magkalapit lang naman sila. “Ang ganda ng bagong assistant mo, ha. Medyo masungit nga lang.” Stupid. Hindi ba niya alam na naririnig ko sila? Hindi man lang nila isinara nang maayos ang pinto. Sliding door na nga 'yon, tinatamad pa. “So, nahanap mo na ba ‘yung hinahanap mo?” tanong ni Jarren. “Grabe, magkano nga ulit ang nakuha non sa’yo? 200k? That’s too much. Parang planado niya yata ‘yun na makipag one-night stand sa’yo, eh.” Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Are they talking about me? Of course, they’re talking about me! And there’s no way I planned to have a one-night stand with their heartless friend! “Let’s not talk about her. Besides, I’ll make sure she’ll pay for what she’s done.” Why do I feel like he’s directly saying those words to me instead of to his friends? Alright, Liam. Bring it on!“Hindi po kayo dapat na andito, Miss Amelia,” sabi ng kasambahay.Kilala ko ang boses na ‘yon—si Mary. Isa sa matagal nang kasambahay ni Raven. Dalawampung taon na itong nagtatrabaho rito. Lola niya ang mayordoma ni Raven na kasama na nito mula pagkabata, noon pa man sa Pilipinas.Kung may kahit papaanong puwede kong matanungan tungkol kay Raven, sa tingin ko, si Mary na ‘yon.Napapikit ako sandali, pinipigilan ang panginginig ng tuhod habang unti-unting bumalik ang bigat ng katawan ko sa mga talampakan.“What is the meaning of this, Mary?”Napahawak ako sa dibdib, parang may mga drum doon na tumutugtog. Ramdam ko rin ang panlalamig sa katawan ko, pati ang mga balahibo kong nagtatayuan na.“Hindi ko po masasagot ang tanong mo, Miss Amelia,” bahagya pang nanginginig ang boses nito.Hinawakan ko ang kamay niya—tila mga yelo iyon sa lamig.Napatingin ako sa mga mata niya at bakas ko roon ang matinding takot. Para bang may kinakatukan siya, at alam na niya ang masamang puwedeng mangyari k
“Kumusta flight niyo? Nakapagpahinga ka na ba?” tanong ni Raven. Naka-video call kami. Nakarating na kami ng Australia, habang siya ay nasa business trip pa rin.“Nagpapahinga na sila. Nagpapahangin naman ako rito saglit sa veranda,” sabi ko at ngumiti.Dito kami sa mansion niya dumiretso. Dito niya kami gustong mag-stay muna habang wala pa siya para samahan kami sa apartment. Kaya naman namin na kami lang, kaso hindi raw siya mapapanatag, nasanay na kasi siya na palaging andiyan para sa amin.“Nagpapahinga ka na rin dapat,” sabi niya.“Ikaw ba, nakakapagpahinga ka ba nang maayos diyan? Kumain ka rin sa oras ha, baka mamaya nalilipasan ka na,” pagpapaalala ko.Totoo ang pag-aalala kong iyon. Kahit paano concern din naman ako sa kanya.Nag-salute ito na parang sundalo at inalis din agad.Lumapad ang ngiti niya.“Asahan mo na kapag tumatawag ako, nagpapahinga na ‘ko. Ikaw kasi ang pahinga ko.”Gusto ko siyang tawanan, kasi akala ko biro lang ang mga iyon, pero hindi—natakot ako at nagu
“What’s wrong with you?”Naramdaman ko ang likod ng palad ni Liam sa noo ko.Tamad akong napatingin dito.Nakaupo ako sa bench sa garden habang nakatayo naman siya sa harapan ko at walang emosyong tiningnan ako.“You don’t have a fever,” sabi niya at nagsimula nang kumunot ang noo.Inalis niya na ang kamay sa noo ko at inilagay ang mga iyon sa bulsa. “Hangover?” tanong niya habang papaupo.Anong hangover, nawala nga ang tama ko kagabi dahil sa mga nalaman ko. Kaya wala rin akong ganang makipag-away o sungitan siya ngayon kasi napuyat ako kakaisip at kakaresearch tungkol kay Raven. Pero hirap akong makahanap ng article about him.Napapikit ako to clear my mind again. Ganyan din naman ako kay Liam dati, wala ako masyadong mahanap na article about him. Siguro ganyan nga talaga kapag mayayaman at private ang buhay. Kaya mukhang wala akong dapat ipag-alala.Pero napamulat agad ako nang maisip na nagawa nga ni Liam magloko. Tss.Nilingon ko ito at masamang tiningnan.“Why are you looking at
“I will attend our high school reunion later. Medyo malayo ’yon rito kaya iiwan ko na muna sa’yo ang mga bata,” sabi ko kay Liam.Nasa dining table kami at kumakain ng breakfast. Abala siya sa pagpapakain sa dalawa.“Okay,” simpleng sagot niya.Tiningnan ko lang ito. Tapos na siyang subuan si Koa at ngayon ay inihahanda na niya ang isusubo kay Liana.“My gosh, Liam. Malalaki na ang mga anak mo. They can eat on their own,” sabi ko at napairap.Hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya dahil sa pagpo-focus sa mga bata.“Mommy, you feed daddy,” sabi ni Koa.Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Liam.Nakangiting binuksan nito ang bibig at parang batang naghihintay na masubuan.Nakatingin sa akin ang kambal kaya napilitan akong ngumiti at kunin ang kutsara sa harapan ko.Kumuha ako ng maraming kanin at napakaliit na slice ng bacon. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Liam.Napaangat ang labi ko at may nang-aasar na matang tiningnan ito. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng ulam.“Open your
Namilog ang mata ko. Para akong nilagnat bigla—mainit ang pisngi, at malamig ang palad. Mukhang ako pa ’yung nasurpresa sa surprise na sinabi ko sa kambal kanina.Alam kong hindi naririnig ni Liam ang kambal dahil sa AirPods na suot niya, pero hindi ko na rin naman pwedeng sundan at pigilan ang dalawa dahil harapan na nila mismong nakita ang daddy nila. Kaya naman nanatili na lang ako sa pwesto ko at naghintay sa paghaharap nila.Naghalo ang kaba, lungkot, at kirot. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung makita mong magkakasamang muli ang mag-aama mo.Mukhang napansin ni Liam sa peripheral vision niya na may tumatakbo papalapit sa kanya, kaya kunot-noo itong napalingon. Pero nang makita ang kambal, unti-unting kumalma ang ekspresyon sa mukha nito, at sandaling nagkaroon roon ng tila pangamba—marahil ay nagtaka siya bakit andoon ang dalawa. Napatingin ito agad sa paligid, na parang may hinahanap—hanggang sa magtama ang mga mata namin.Parang nagtatanong ang mga mata niya—tanging tipid
“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal
“Where do you want to go next?” tanong ni Raven sa kambal.Napahawak naman si Koa sa chin na para bang nag-iisip. Nagpalinga-linga na rin ito sa paligid.Namilog ang mga mata nito sa excitement nang may makita.“There,” masiglang sabi niya habang may tinuturo.Napatingin kami roon at nakita namin ang isang malaking giant trampoline kung saan may mga batang nagsisigaw sa tuwa habang tumatalon.Kukunin na sana ni Raven ang kamay ko nang bigla siyang hilahin ng dalawa papalayo.“Susunod ako,” sabi ko na lang, at pareho kaming natawa dahil sa pagiging excited ng dalawa.Tiningnan ko sila hanggang sa unti-unti silang lumayo sa paningin ko.Napatingin ako sa likod ni Raven.Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Flashback“What the hell is he doing?!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong muli na susuntukin ni Liam si Raven.Gustohin ko man na sumigaw para pigilan sila, wala pa ring saysay dahil sa layo nila sa pwesto ko, idagdag pa ang maingay na musika.Dali-dali akong bumaba ng hagdan na
Wala ‘to sa plano. Ang akala ko ay yayayain niya pa lang ako maging girlfriend. Pero bakit biglang napunta kami sa kasalan?Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot, naghihintay ng magandang balita. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mahilo at himatayin. Or magpanggap na lang kaya akong mahihimatay? Gosh!Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipahiya si Raven sa harap ng mga kakilala niyang may malaking respeto sa kanya.Bukod sa tingin ng mga taong andito, may isang matang nararamdaman kong mainit at tumatagos ang tingin sa akin.Pasimple kong tinapunan ng tingin ang taong iyon—si Liam. Binibigyan niya ako ng madilim na tingin, at parang ang mga mata niya ay nagsasabing huwag akong pumayag. Kasabay no’n ay ang pagkakita ko kung paano ipulupot ni Limaire ang mga kamay nito sa braso niya, may mapanuksong tingin pa ito sa akin.Naghahalo ang emosyon sa puso ko k
Gusto kong sumimangot habang nakikita ang dami ng taong invited sa party ni Raven. Iniisip ko pa lang na kailangan kong makisalamuha sa kanila mamaya, napapagod na ako.Sa garden ng mansion niya ginanap ang birthday niya ngayon.Mahilig ako sa mga ganitong party noon at nakikipag-socialize ako, pero ewan ko ba, sa paglipas ng panahon, ayoko na talagang makipag-socialize—lalo na noong ma-bankrupt ang pamilya namin at nakita ko kung gaano kaplastik ang mga taong nasa paligid ko.May dumaan na naman sa harap ko at nginitian ako kaya napilitan na rin akong ngumiti.Nakatayo lang ako rito sa cocktail table habang hinihintay magsimula ang party. Si Raven naman ay nasa loob pa at inaayusan. Wala rin naman akong maitutulong kaya naisipan ko na dito na lang maghintay. At saka baka mamaya andon pa ang parents niya—nahihiya pa ako.“Drink, Miss?” alok ng waiter na may bitbit na wine.“Thank you,” sabi ko at tinanggap ang isang baso ng wine na binigay niya.Walang pagdadalawang-isip ko iyong agad