Share

Billionaire's Affair
Billionaire's Affair
Author: Gossip Girl

Chapter 1 Meeting

Xander Pov...

Nagpasya si Steve na palawakin ang negosyo kaya naman hindi siya tumigil sa paghahanap ng magandang lugar kung saan pwede magpatayo ng hotel at resort para sa mga turista at lokal. Nagset up si uncle Harold ng meeting sa Manila para sa kanyang mga kakilala sa larangan ng negosyo.

Excited kami ni Steve na makita at makilala sila dahil lagi silang ibinibida sa amin. Sinamahan ko si Steve para sa meeting na ito. So far, ito na ang pinakamalaki na deal na pipirmahan ni Steve simula siya ang humawak ng Vida Corp. Kasama din sa meeting na ito ang pinakatanyag at istriktong negosynate. Sabi ni tito Harold na gustong pasukin ni Mr. Salas ang Visayas at Luzon na siyang target ngayon ni Steve kasama ang Manila na teritoryo naman ni Mr. Salas.  

Excited na pinaghandaan ito ni Steve dahil naniniwala din siyang makukuha niya ito. Hindi lang siya kaibigan sa akin kundi kapatid na ang turing ko sa kanya. Alam ko ang lahat sakanya pati ang kanyang hilig at mga gawain. Trentay otso na siya pero binata pa rin siya at hindi naniniwala sa long time commitment at pag ibig. 

Para sa kanya ang commitment ay kalokohan lamang kaya naman patuloy siyang namumuhay na malaya. Ako nga lang responsable sa kanyang mga hook-up malalokal man o sa ibang bansa. Kumbaga para siyang isang audition na maghahanap ako ng mga babaeng hindi naman naaggrabyado na ginamit, swertehan kung may single sa kanila.

Mayroon din siyang isang kapatid na babae na kanyang mahal at inaalagaan katulad ng kanyang mga magulang. Si Steve ay isa sa mga pinakabatang negosyante na namamayagpag ngayon dito sa Asya at Europa. Wala akong masasabi sa kanyang pagiging negosyante pero sa kanyang personal na buhay marami. Hindi naman sa pang aano sa kanya pero kailangan  niyang mag asawa para umupo na siya sa isang tabi.

"Hey, buddy! How was your morning?" Tanong ko sa kanya pagkarating ko sa mesa.

"Great buddy! I'm ecstatic about this meeting." Kanyang nakangiting sagot.

"Yeah! I'm sure you can close this deal as you used to." Sabi ko naman sabay higop sa aking kape. Naniniwala ako sa kanyang kakayahan.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa aming silid para makapagbihis. Napangisi akong makita siyang nakangiti palabas ng kanyang kwarto. Yeah! That's Steve, the young business tycoon who can pull off everything.

Pagkapasok namin sa conference meeting room ay wala pa si Mr. Salas. Mabuti naman kami ang nauna kaysa ang metikulosong negosyante. Pagkatapos ng labinlimang minuto ay bumukas muli ang pintuan at iluwa ang seryosong si Mr. Salas. Ramdam mo agad ang bigat ng paligid sa kanyang pagpasok. Mahirap basahin kung anu ang nasa isip niya tanging ang mabigat at intimidating na awra ang mararamdaman mo.

Maganda ang naging resulta ng kanyang presentasyon. Natuwa din ang ibang mga investors at pinalakpakan siya. Perfect na sana ang lahat pero hindi pala pasado kay Mr. Salas. Hindi namin inaasahan ang kanyang naging komento. Hindi kasi tungkol sa presentasyon kundi sa kanyang pagkatao. Natuwa sa presentasyon pero hindi niya gusto si Steve!

"I love your business proposal, Mr. Montano, it is really perfect. The theme, place, and everything." Saad ni Mr. Salas. Pinalakpakan siyang muli at ngumiti naman si Steve. 

"Thank you, Mr. Salas." Sambit ni Steve na may galak.

"But, I'm not sure about you! Masyado kang bata para sa ganitong negosyo. Hindi ko sigurado kung magagampanan mo at mapalawak ito ayon sa inaasahan ko. Nag aalala akong maglabas ng milyones sa pamamalakad mo." Kanyang malalim pasabog. Hindi nagpahalata si Xander na apekatdo siya sa panlalait ni Mr. Salas. Paano ito naging kaibigan ni tito Harold? Magkaibang magkaiba sila ng ugali. Powerful and intimidating ang kanyang approach samantalang approachable si tito Harold.

"I don't think you can judge me by that, Mr. Salas. Sa edad kung trentay otso ay labinlimang taon akong namamahala sa aming negosyo. As far as I know I surpass my father's. Naniniwala akong kaya kong mapalago ang negosyo kahit saan!" Deretsahang sagot ni Steve. 

"But you are still Junior for this business even if you have been working on it for fifteen. I also managed my business for twenty - eight years, local and international." Palaban na saad ni Mr. Salas. Natigilan ang ibang nasa mesa at nakikinig sakanila. Alam kong malapit ng sumabog si Steve pero nanatili siyang nakangiti. 

"Okay, Mr. Salas. I'm sorry if being a young entrepreneur is not a good sign to do business with you." Nakangiting sagot ni Steve. Tinanggap niyang wala siyang laban sa kanya at talo siya.

"Thank you, Mr. Montano. I hope you can find more business partners and be more diligent." Kanyang sagot bago pulutin ang kanyang gamit at umalis. Bakit pa niya pinahabulan ng diligent! Anung tingin niya kay Steve? 

"Not to mention Mr. Salas. Thank you for joining us today and I'm sorry for the inconvenience!" Turan ni muli ni Steve na nanatiling nakangiti kahit umuusok na siya sa inis at kailangan niyang ilabas.

Ito ang unang pagkakataon na napahiya siya ng wagas sa harapan ng ibang tao. Siya ang nagpalago ng Vida Corp. Recently nag invests siya sa Australia ng malaking lupain. Sampung ektarya ang binili niya para mag alaga ng baka at ibang root crops. Gusto niyang sakupin ang export buisness. Naghahanap din siya uli ng mabibili niyang lupa para gawing rancho.

Kung ako nga lang ay isang babae papatulan ko na siya. Isa siyang package eh! Pero sayang hindi siya naniniwala sa commitment at malabong papasukin niya ang buhay na yan! Tapos ngayon huhusgahan siya ni Mr. Salas for being incapable! Masyadong malaking salita at masakit yun ha! 

Pagkatapos niyang umalis ay bumalik muli sina Steve at ang iba pang natira para pag usapan ang magiging pagbabago. Siya ang pinakamalaking investor dito pero ngayong tumanggi siya ay kailangang maghanap ng magiging kapalit niya. This is actually his idea chasing Visayas pero ngayon kami nalang. Papatunayan namin sa kanya na kaya naming lumipad kahit wala siya. 

Mas kilala si tito Harold sa business sa Cebu kahit na accomplishment ni Steve. Ayaw niya kasing hahabulin siya ng mga babae kapag malaman na mayaman siya. Actually isa lang itong INN sa pamamalakad ni tito Harold. It was Steve who upgraded into a Hotel & Resort pero si tito Harold ang nakafront line kasi. Tumingin ako kay Steve, pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag mag alburuto. Everyone agreed before they left. 

"Steve." Tawag ko sa kanya.

"Ah! Yeah! Let's go. Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin Xander!" Kanyang mabigat na saad bitbit ang kanyang mga gamit. Tahimik akong sumunod sa kanya kung saan kami dalhin ng kanyang paa. Pumasok siya sa isang sizzling restaurant. 

"One bottle of beer after a meal, Xander?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya bago orderin ang paborito kong rib eye medium rare steak.

"Sure buddy, best for a bottle of beer." Sagot ko sa kanya. Tahimik akong nakatingin sa kanya. Sumandal siya sa aknayng upuan na nakadekwatro. Kapag ako ang nasa kalagayan niya paniguradong kumukulo na rin ako ngayon sa galit at inis! How could he underestimate someone's ability because of age? Age is just a number, but ability and talent are something that is not measured by age. Siguro intimidated si Mr. Salas kay Steve dahil bata pa lamang siya ay may ibubuga na! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status