Share

Kabanata 171

Penulis: jhowrites12
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-17 22:13:10

Nakatanaw si Maxine sa kapaligiran. Dahil mataas ang kinalalagyan niya ay tanaw na tanaw niya ang buong hacienda. Kay sarap pagmasdan ang mga pananim nilang hanggang ngayon ay hitik sa bunga.

"Max, anak," tawag ng kanyang ama sa kanya. Agad naman siyang bumaling dito. Naglakad itong paika-ika. Gamit ang tungkod ay nakarating sa kinaroroonan niya.

Agad niyang pinaupo ang ama sa kanyang tabi. Nasa duyan ang kambal at natutulog kaya tahimik ang buong paligid.

"Tulog ang mga anak mo, bakit hindi ka rin matulog..."

Humilig siya sa balikat ng ama. Naalala niya noong maliit pa siya. Lagi siya nitong karga. Kahit nga noong medyo lumaki-laki na siya ay lagi pa rin siyang nagpapakarga dito. Masasabi niyang papa's girl siya. Kung hindi lang nasira iyon ng kabit nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Heto na naman siya. Hindi na naman niya matanggal sa isipan ang mga nangyari sa nakaraan.

Napapikit siya nang haplusin ng kanyang ama ang kanyang buhok.

"I'm so proud of you, my princess..." Napangit
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Scarlet David
Miss A where are you na? absent ka kahapon miss A dapat triple updtae ka hehe
goodnovel comment avatar
Heav
Pa update po please miss a ng 172
goodnovel comment avatar
Angelyne Millo
tingin si Sergio tunay na kalaban dyan
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 174

    "Alfred!"Humalakhak si Alfred. Umalingawngaw iyon sa buong silid. Habang nasisiyahang pinagmamasdan ang matanda na nagmamakaawa."Walang ginawa sa iyo si Craig, Alfred!" sabi ng matandang nanghihina na. Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ni Alfred. Bumaba siya para mas malapit sa matandang nakahiga na halos sa sahig. "Walang kasalanan? Pinapatawa mo naman ako 'papa'. Siya nga ang mas masarap patayin ngayon..." Nanlilisik ang mga mata niyang hinawakan ang mukha ng matanda. Pinisil sa may baba."Alfred...ako na lang ang parusahan mo. Spare my grandson. Wala siyang kinalaman sa naging kasalanan ko sa iyo at sa ina mo..."Marahas niyang binitiwan ang matanda. Tumayo siya at naglakad. Tumigil siya sa may pinto. "Seeing you like this. Ang nahihirapan is more satisfying than killing you right away. Mas maganda ang unti-unti kang papatayin ng kunsensiya mo!" aniya bago iwanan ang matanda.Humagulhol ang matanda dahil sa kawalang pag-asa. Dahil sa kaalamang ang sarili niyang anak ang ma

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 173

    REVELATION!!Walang sinayang na oras sila Craig. They traced where the call came from. Napag-alaman nilang sa isang sari-sari store iyon."Nakiusap ang magandang babae na tatawag. Naawa ako. Akala ko nga baliw dahil madumi siya at may mga sugat. Pero maayos naman na kausap. Iniwan sa akin ito bilang pasasalamat," aniya ng tindera. Ipinakita ang hikaw na may diyamante. Iisa lamang iyon pero may halaga ang hikaw na iyon. "Gusto ko sanang papasukin para gamutin, kaya lang nagmamadali. Parang may tinataguan. Biglang tumakbo paalis," dagdag nito.Inutusan ni Baron ang mga tauhan na maghanap. They spread out para mas madaling maghanap. Kung sugatan si Althea, malamang hindi pa ito nakalalayo. Lalo na kung naglalakad o tumatakbo lamang ito."We need to find her! I will find her myself!" aniya ni Craig. Hindi niya ma-contain ang sarili. Kung si Althea ang magiging susi sa lahat. Then gagawin niya ang lahat para mahanap ito. Para maliwanagan na ang lahat. "Craig..." pigil sa kanya ni Aivan s

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 172

    Madali lang para makuha ni Sergio ang buong kompanya sa mga Samaniego. He has all the means to do that. Sayang ang kompanyang naging katunggali nila ng ilang dekada para hayaan lang niyang bumagsak lang ng ganoon. Bumagsak na walang kalaban-laban."Walang thrill kapag hindi ko man lang siya bibigyan ng laban," aniya sa sarili. Talking about Craig. Gusto pa niya itong makitang maghirap. Unti-unting bumagsak. He's a businessman, after all."Boss, ready na sila sa meeting area," anang Eleoreph. Dahil sa pag-alis at pagbalewala sa kanya ni Craig hindi naging madali ang naging usapan nila ng mga tauhan nito. Halos nagpapanic ang lahat at wala sa focus. Kaya binigyan niya ang mga ito ng panahon para maihanda ang mga sarili. He have a thirty percent of the shares. At anumang oras, alam niyang makukuha niya ang majority ng shares na iyon."Okay," aniyang tumayo na. "Let's do this!"Tumango-tango naman si Eleoreph na sumunod sa kanya..Samantala halos paliparin na ni Craig ang kanyang sasakya

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 171

    Nakatanaw si Maxine sa kapaligiran. Dahil mataas ang kinalalagyan niya ay tanaw na tanaw niya ang buong hacienda. Kay sarap pagmasdan ang mga pananim nilang hanggang ngayon ay hitik sa bunga."Max, anak," tawag ng kanyang ama sa kanya. Agad naman siyang bumaling dito. Naglakad itong paika-ika. Gamit ang tungkod ay nakarating sa kinaroroonan niya.Agad niyang pinaupo ang ama sa kanyang tabi. Nasa duyan ang kambal at natutulog kaya tahimik ang buong paligid."Tulog ang mga anak mo, bakit hindi ka rin matulog..."Humilig siya sa balikat ng ama. Naalala niya noong maliit pa siya. Lagi siya nitong karga. Kahit nga noong medyo lumaki-laki na siya ay lagi pa rin siyang nagpapakarga dito. Masasabi niyang papa's girl siya. Kung hindi lang nasira iyon ng kabit nito.Nakagat niya ang ibabang labi. Heto na naman siya. Hindi na naman niya matanggal sa isipan ang mga nangyari sa nakaraan.Napapikit siya nang haplusin ng kanyang ama ang kanyang buhok. "I'm so proud of you, my princess..." Napangit

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 170

    "Saan ninyo ako dadalhin?" tanong ni Althea sa mga lalakeng kasama niya sa sasakyan. Mukhang malayo-layo na ang nalalakbay nila. Nangawit na ang mga paa niya at nakaramdam siya na naiihi na. Puputok na ang pantog niyang kanina pa niya pinipigilan."I need to go. I can't hold it anymore," aniyang nakikiusap sa kung sino. "Ano daw Pre?" tanong ng nasa tabi niya. Hindi yata siya naintindihan kaya naman inulit niya ang sinabi."Naiihi na ako...""Pre..." alanganing tinawag ng katabi niya ang nagmamaneho. "Gusto daw jumingle..." may halong tawa pa na sabi nito. "Kung ayaw ninyo akong pababain. I'll just pee here! Iihi—" Nagulat siya nang bigla na lang nagpreno ang sasakyan. Muntikan siyang mahulog sa kinauupuan kung hindi lang siya nahawakan ng katabi niyang lalake. "Pare, dahan-dahan naman baka mapano itong si Miss Maganda..." Kinilabutan si Althea. Paano ay kakaiba ang tono ng lalaking nagsalita. Maging ang hawak nito sa kanya na may kaunting pisil at gigil. May pahaplos pa sa kanya

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 169

    Nakatitig si Maxine kay Elias habang karga nito si Rain. Pinapatulog nito ang sanggol at sinasayaw-sayaw. Nasa balkonahe sila dahil maganda ang simoy ng hangin doon."Be a good boy, buddy. Mawawala ang Dada ng ilang araw kaya magpakabait ka," bilin pa nito na dahilan para mapangiti siya.Iyakin ang anak niyang lalake habang ang batang babae ay tahimik lamang. Ni mabibilang sa daliri ang pag-iyak nito. Nagagawa na rin nitong ngumiti at halatang masayahin. Samantalang ang baby niya na lalake ay laging aburido at iyakin. Namumuyat lagi sa gabi. Halatang may pinagmanahan ito.Biglang napawi ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng lungkot. Pagkatapos ng balita tungkol kay Sharon ay hindi na siya muling nakibalita tungkol kay Craig. For her peace of mind. For her emotional health. Dahil kung maaalala niya ang lalake ay masasaktan lamang siya. Sapat na sa kanya ang kanilang mga anak. At ang buhay niya kasama ang kanyang ama. Hinayaan niya si Rain kay Elias habang hawak niya naman si Rai

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 168

    Gabi na ay nasa labas pa si Elias. May kausap ito sa telepono at hindi mapakali."Muntikan makatakas boss," aniya ng kausap.Humigpit ang hawak niya sa telepono habang ang kamay niya ay naglabasan na ang ugat. Nagtagis ang mga bagang niya dahil sa sinabi ng tauhan. "Boss...""Bantayan ninyong mabuti. Mahirap na kung makatakas. Luluwas ako sa makalawa. May aasikasuhin lamang ako dito. But now, make sure you do your job well. Nagawa niyo ba ang pinapagawa ko?""Yes, boss...""Good. I am sure they will start moving on their pace now. I'll be there. Ready the package. Huwag ninyong hayaang makawala..."Binaba niya ang kanyang telepono nang maramdaman na may tao sa kanyang likuran."Max," medyo gulat na sambit niya sa pangalan ng babae. Kanina pa ba ito roon? Narinig ba ang pinag-usapan nila ng tauhan niyang nagbabantay? "Bakit narito ka? Gabi na, baka mahamugan ka," aniyang tinanggal ang jacket na suot at ibinalabal sa likod ng babae."Gusto ko lang magpahangin, Elias. Tulog naman ang m

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 167

    *REVELATION*"Althea..."Naiiyak na saad ni Sofia. Naglakad ang babae papunta sa loob ng kinaroroonan niya dahil itinulak ito ng lalaking nasa likuran niya. Tahimik lang na pumasok si Althea. Alam niyang hindi na siya makakatakas pa. Kahit anong gawin niya hindi na niya matatakasan pa ang lalakeng ngayon ay nakangising nakamasid sa pagpasok niya. Kanina pa siguro siya nito hinihintay. Alam niyang tauhan nito ang biglang lumapit sa kanya sa airport at wala siyang nagawa kundi ang sumama. Or else, mapapahamak siya maging si Sofia. At labis din niyang iniiwasan na mapahamak ang ibang nakapaligid sa kanya. Mga tumulong katulad na lang ni Aivan."Why are you doing this to us? We did our part. Ginawa namin lahat ng inutos mo. Lahat ng gusto mong mangyari..."puno ng diin na sumbat niya dito.Humalakhak ang lalake."Ginawa ang lahat? Pinapatawa mo ba ako, Althea?"Ang pagkakasabi nito sa pangalan niya ay naging dahilan upang panindigan siya ng balahibo sa katawan."Althea, you had your chan

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 166

    REVELATION 1"What does this mean?" tanong ni Aivan. Kinuha niya ang envelope na may lamang litrato na kuha sa cctv sa airport.Nanlaki ang mga mata niya nang makita na larawan iyon ni Althea. Inisa-isa niya ang mga litrato. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa dalawang kaibigan."She trick you! Pinaikot niya sa kanyang palad," ani Baron. Matamamg nakatitig sa kaibigan.Ayaw sanang maniwala ni Aivan. Pero naroon na ang ebidensiyang nakalap ni Baron. A picture where she is literally standing and walking. May nakaalalay ditong dalawang lalaki. Magkabilaan ang mga ito like they we're guarding her.Guarding? It doesn't look like a guarding."Where is she now?" tanong niya kay Baron. Naroon pa rin ang concern sa babae."We still tracking her whereabout...""Do you think she has to do with Sharon's passing?" tanong niyang muli. Alam niyang ito ang huling pinuntahan nila Craig at Sharon bago sumabog ang sasakyan ng babae. Maaring kinonekta ni Craig ang lahat kaya nito pinaimbestigahan si

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status