Share

Kabanata 3

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2024-12-13 11:45:35

Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na siya. Sa pinakamataas na floor ang opisina ni Craig. Exclusive iyon para rito kasama siya at isang sekretarya. Hindi nga lamang iyon basta-basta opisina.

Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang bumukas ang elevator. Hindi naman siya nagugulat ngunit sa pagkakataong iyon ay mismong si Craig ang nakatayo sa harap ng elevator. Dahilan iyon ng biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Bakit bigla-bigla na lamang siyang nagkakaganoon?

Ngunit hindi lamang si Craig ang nasa harapan niya ngayon. Napansin niya na amy kasama ito. Medyo nasa likuran nito iyon. Maingat na hinila ang magandang babae sa tabi nito. Hindi na niya kailangan pang magtanong dahil kilala na niya ito mula dokumentong hawak na agad niyang itinago sa kanyang bag. Simple niyang isiniksik doon kahit na magusot pa.

"You just came?" tanong ni Craig. Kunot-noong sinipat nito ang relong nagsusumigaw ng karangyaan. It was the latest model, a gift from her. Mahilig kasi ito sa relo kaya niregaluhan niya ito.

Para makaiwas ang paningin sa dalawa ay kunwari din sinipat niya ang lumang relo na suot. Nanlaki ang mga mata niya nang matantong five minutes late siya. Ni-compose niya ang sarili at hindi nagpahalata nang muling balingan ang dalawa.

"Hmmm, kanina pa ako narito. May dinaanan lang ako sa HR department," aniyang napatingin sa babaeng nakatayo lamang at nakamata sa kanya.

Nang mapansin nito na tumingin siya ay tila nahihiya itong ngumiti. Napayuko pa ito. Tila maamong tupa. Inosenteng inosente ang hilatsa ng mukha.

"Miss Salvador, nice to meet you. I'm Sofia Alegre, bagong secretary ni Craig," pakilala nitong nahihiya pa rin. Hindi pa rin makatingin sa kanya ng tuwid. Napakapit pa nga sa braso ng lalaking katabi. Nagmukha tuloy siyang lobo na anumang oras ay lalamunin ito ng buhay.

Gusto niyang taasan ng kilay ang babae pero nagpigil siya. Tahimik na lang siyang natawa. Mukhang binigyan na talaga ng special treatment ni Craig si Sofia. The fact that she's calling him by his name is enough proof of that.

Tuluyan siyang lumabas sa elavator. Hindi siya nagpakita ng anumang emosyon habang patuloy na nakaalalay si Craig sa bagong empleyado nila. Nilagpasan niya ang mga ito para pumasok na sa kanyang opisina.

"I want you to train Sofia personally, Maxine," saad ni Craig na nakasunod sa kanya.

Napatigil siya sa paghakbang dahil sa narinig. Humarap siya sa mga ito. Napatingin muna siya kay Craig bago balingan ng tingin ang babaeng may tipid na ngiti sa mga labi.

Napakainosente talaga nitong tingnan. Parang walang masamang tinapay ito sa katawan. Pero ewan niya, may kakaiba siyang pakiramdam sa babae. Hindi siya komportable sa presensiya nito. Maging ang ipinapakita nitong kainosentehan.

"Craig, can I talk to you for a minute," aniya. Imbes na ang opisina ang pupuntahan ay humakbang siya palapit sa opisina ng lalaki.

"Go back to your desk, Sofia. Mag-uusap lang kami," rinig pa niyang sabi ni Craig sa babae bago sumunod sa kanya.

Nag-isang linya ang nga labi niya habang nagpatuloy na lamang na naglakad patungo sa opisina nito. May inis sa kalooban niya pero gaya ng dati, alam niya kung paano itago iyon at kontrolin ang emosyon.

"What's the matter?" agad na tanong ni Craig sa kanya nang pareho ng nasa loob.

Humarap siya sa lalaki pagkatapos kalmahin ang sarili. Matamang tinitigan niya ito. Gusto niyang basahin ang nilalaman ng isip nito. Pero gaya ng dati, hindi siya binigyan ng pagkakataon.

"Is there a problem?" muling tanong nito.

Kakaiba ang awra nito ngayon. Maliwanag. At ayaw man niyang aminin, alam niyang dahil iyon sa bagong sekretarya nito.

"What?" aniyang tila nainip sa kasagutan niya. Humakbang ito palapit sa kanya. Nilagpasan siya nito kaya muli siyang humarap kung saan ay umupo ito at hinarap ang mga papel sa mesa

"You bypass my decision. Why?" nagawa niyang itanong. Sinubukan niyang maging kalmado at normal sa pakikipag-usap dito. Marami na silang mga argumento dahil sa mga impulsive na desisyon nito. At sana, isa lang iyon sa personal na pagha-hire nito ng sekretarya.

"May problema ba? Gusto ko lang na ako mismo ang mamili this time..." aniya.

Napabuga ng hangin si Maxine. "Walang problema doon pero hindi mo ako ininform, Craig."

"It doesn't matter," ika nitong ikinagulat niya. "Isa pa, dumaan si Sofia sa screening and security checks. She passed all of that," ayon pa rito. Pinaninindigan ang desisyon.

"Not that I'm against that, Craig..." gusto niyang umapela.

"Then what?" Pabagsak nitong nilapat sa mesa ang papel na binabasa. Agad itong tumayo. Humakbang palapit sa kanya. "Dahil ba sa ikaw ang gusto kong mag-train sa kanya. You don't want to do that?"

Tiningala niya ang lalaki nang makalapit na ito sa kanya. Nakipagmatigasan siya rito ng titig. Una nga lamang siyang nagbaba. Hindi niya matagalan ang titig ng lalaking tila laging hinahalukay ang kaluluwa niya.

"Are you jealous?" biglang tanong nito dahilan upang muli siyang mapatingin dito. Bigla rin sumikdo ang puso niya. Sinubukan niyang umiling.

"Nagseseslos ka ba kasi maaaring mahati ang oras na binibigay ko sa iyo? Or maybe mawalan ng tuluyan?"

His words pierce a piece of her heart. Lantaran at diretso itong magsalita.

Nasaktan siya sa sinabi nito. Pero naitago niya gaya ng dati. Napraktis na niyang maging manhid. Showing that she doesn't care. Sa paraang iyon, kahit papaano ay protektado niya ang sarili. Maloloko niya ang lahat na wala lang sa kanya iyon. Maloloko niya maging ang sarili.

Umiling siyang mas determinadong pabulaanan ang akusa nito habang nakatitig sa lalaki.

"Good!" aniyang hinapit siya bigla sa beywang. "Know where you stand."

Napakurap siya nang makitang nakatitig ito sa mga labi niyang napaawang na lamang. Gusto niyang magsalita pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sofia.

"Oh, I'm sorry..." aniyang gulat na gulat batay sa panlalaki ng mga mata nito. Mabilis na tumalikod nang makita ang pagkakapuwesto nila ni Craig.

"Wait," pigil naman ni Craig nang paalis na sana ito. Binitiwan siya ni Craig at mabilis na nilapitan si Sofia. Hinawakan nito ang babae at pinaharap. "Do you need anything?" malambing ang pagkakatanong ng lalaki dito.

Lihim na napairap si Maxine patalikod sa dalawa.

"May tawag sa iyo, Craig. Hindi ko alam paano i-transfer sa opisina mo kaya pumasok ako para sabihin. Sorry kung naistorbo ko kayo," ika naman ng babae na sumulyap kay Maxine. "Sorry, Miss Salvador. Hindi ko sinasadya na makaistorbo..."

Tuluyan nang napatawa ng mahina si Maxine. Humarap siya at tinaasan ng kilay ang babae. Hindi niya itinago iyon sa paningin ni Sofia. Hindi naman iyon nakita ni Craig dahil nakatalikod ito sa kanya. Naiinis siya dahil basang basa niya ang babae. Hindi naman siguro ito bobo para hindi alam ang gagawin. Sinadya nitong pumasok sa opisina ni Craig.

"Una sa lahat Miss Alegre, knocking first before entering a room is a common courtesy. Alam mo naman siguro at napag-aralan iyan. Kahit hindi nga pag-aralan, sa bahay pa lang natututunan na ang bagay na iyon. We called that respect!" mariin niyang pangangaral dito. Humakbang siya palapit sa dalawa.. Gumawa ng tunog ang takong na suot niya sa marble na sahig.

"I'm... sorry. Unang araw ko kasi kaya kinakabahan ako..." naiiyak na paliwanag nito. Tiningala pa si Craig habang naiiyak. Nagpapasaklolo.

Lalo siyang napairap nang tuluyang lumuha ito. Agad naman na ni-comfort ito ni Craig na siyang lalong nagpataas sa kilay niya

"Shhhh. You didn't do anything that was wrong. It's okay," pang-aalo ng lalaki. Kinulong pa ang babae sa bisig nito. Nilingon din siya nito.

"Don't be harsh, Maxine. Remember, it's her first day," pagtatanggol pa ng lalaki.

Lalong nagpuyos ang kalooban ni Maxine. Hindi na nga lamang siya nakipag-argumento dahil wala na siyang magagawa. Matatalo lamang siya. Ayaw na niyang ubusin ang enerhiya niya sa mga ito.

Nagpatuloy siyang naglakad hanggang sa malagpasan niya ang mga ito. Tumigil lamang siya saglit at nagsalita.

"You can't survive kung sa maliit na bagay na ganito ay umiiyak ka na at tumatakbo sa kanlungan ng boss mo, Miss Alegre. This is work, hindi palaruan ng batang kailangan alagaan!" aniya bago umalis.

Imbes na pumunta siya sa opisina niyang katabi lamang ng opisina ni Craig ay dumiretso siya sa washroom ni-lock niya ang pinto saka nanghihinang napaharap sa salamin.

Napatitig siya sa sarili niya doon. Mapait niyang inismiran ang sariling repleksiyon. Ang nakikita niyang babaeng naroon ay isang talunan. Mahinang nilalang na hinahayaan ang sariling mahulog sa patibong na hindi na niya yata kayang makaahon.

Kahit anong pigil niya ay pumatak ang kanyang mga luha. In realization of something.

It is because of love. She has loved Craig for a very long time now. Nasasaktan siya dahil mahal na mahal niya ang lalaki. Pumayag siya sa sitwasyon nila ngayon dahil mahal niya ang lalaki...

It is because of love.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Lee Ya
parang natatakot na ako kung itutuloy ko pa o recess muna hsha
goodnovel comment avatar
love
miss a kaaiba ang story mo sana my ending ito sayang
goodnovel comment avatar
Joche3134s
Iyak Malala to Malamang
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's Bed Warmer   Chapter 198

    Ginanap ang kasal nila Maxine at Criag sa madaling panahon. Sa hacienda na rin iyon ginanap. Tanging mga nalalapit na mga kaibigan lamang nila ang mga dumalo. Naroon sila Aivan at Yvonne na ngayon ay buntis na. Si Baron na hindi niya inaasahang dadalo ay nagpakita rin. Sobrang saya ni Craig dahil buo na naman silang magkakaibigan.Gaya ni Craig, sa una ay natakot si Aivan pagkakita kay Sharon. Inakala din nitong nagmumulto ang pinsan niya. Akala nila ay aatakihin na ito sa puso. Wala naman naging pakialam si Baron nang makita si Sharon. Sa tingin ni Craig ay matagal ng alam ni Baron ang tungkol kay Sharon. Hindi lamang ito nagsasalita.Sa side naman ni Maxine, tanging mga naroon sa hacienda ang kanyang inimbitahan. Inimbitahan niya si Sergio ngunit matigas na humindi ito. Alam niyang imposible talagang mapadalo niya ito. Nasaktan niya ang damdamin ni Sergio. Kaya lihim na lang niyang hinihiling sa Diyos na sana makahanap ito ng babaeng magmamahal dito ng totoo."You may kiss the bri

  • Billionaire's Bed Warmer   Chapter 197

    "Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Maxine?" tanong ni Sharon sa kaibigan."Oo," tipid na sagot naman ni Maxine. Sigurado na siya. Gagawin niya iyon kahit pa halos pigilan na siya ni Elias. "Why do you need to do that? Hindi ba dapat ay siya ang gumawa niyan sa iyo!" Parang gusto ng pilipitin ni Elias ang leeg niya. Talagang hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari.Nakauwi na sila sa hacienda. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Pabalik na si Craig galing sa Australia. Ilang linggo rin ito doon dahil sa ina nitong may sakit. Hindi na kayang bumiyahe ni Mrs. Samaniego kaya binibilisan na rin nila ang proseso sa mga passports ng kanilang mga anak para kahit papaano ay magkaroon ito ng panahon para makasama ang mga apo. Nakakausap naman nila ito thru face app. Masayang masaya nga itong makausap at makita ang mga apo. "This is the only way for me to make up the years he was left alone by me..." ani Maxine. Noong nalaman niya ang buong pangyayari, kinain siya ng malaking panibugho at lungk

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 196

    "Craig..." Mula sa paanan ng hagdan ay tawag ni Sharon sa pinsan. Isang malaking surpresa sa kanya ang biglang pagdating ng mga ito. Pero mas ikinasiya niya kesa ang gulat. Ang makitang magkasama si Maxine at Craig ay nangangahulugang naayos na ang lahat para sa mga ito. Sa lahat ng mga pinagdaan ng mga ito ay alam niyang nabigyan na ng tuldok. Magiging buo na muli ang kaibigan at pinsan. Ang inaasam na buong pamilya ay makakamit na ng mga ito. "Sha, you are alive?" bulalas na tanong ni Craig. Hindi pa rin halos makapaniwala sa nakikita. All this time, inakala niyang patay na ang kanyang pinsan. Sinisi niya ng ilang taon ang sarili dahil sa nangyari dito. Pero heto, buhay na buhay sa harapan niya. Paanong nangyari iyon? Bakit hindi siya nito kinontak? Ano nga ba talaga ang nangyari dito? Ngumiti si Sharon. Pagkatapos ay mabagal na lumapit kay Craig. "I am. Iniligtas ako ni Elias sa kapahamakan," sagot niya. Kinuha ang kamay ni Craig at mahigpit na hinawakan. Sa pagkakataong iyo

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 195

    "Are you ready?"Hinarap ni Maxine ang anak na si Rain. Siya pa ang mas kabado ngayon. Paanong hindi? Makakaharap na ni Rain ang donor nito at kung magiging maganda ang pagtanggap nito kay Craig. Ipakikilala na rin niya si Craig bilang ama ng mga ito.Tumango na may ngiti si Rain sa kanyang ina. Masigla itong nag-thumbs up pa. Dahil makakapagpasalamat na siya sa taong nagdugtong sa buhay niya.Rain is doing well. Ilang buwan pa na monitoring, makakauwi na siya.Maxine thought she was ready. Naisip at na-imagine na niya ang senaryo na iyon. Pero bakit sobra yatang kinakabahan siya ngayon? Kinakabahan siya hindi para sa anak kundi para kay Craig.Paano kung hindi ito tanggapin ng mga anak niya? Paano kung magalit at sumbatan ng mga ito ang kanilang ama. Paano kung...Naipilig niya ang kanyang ulo. Kay raming agam-agam na kumakain sa kanya ngayon. Pero alam niyang hindi naman siya nagkulang. Sinigurado niyang naging mabuti sa paningin ng mga anak niya si Craig kahit sa mga kuwento laman

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 194

    Kasalukuyang nakabantay sina Maxine at Elias sa labas ng emergency room kung saan ginagawa ang procedure para sa transplant. Parehong nasa loob sina Craig at ang anak nilang si Rain. Inakbayan ni Elias si Maxine nang makita kung paano nag-aalala ang kanyang kapatid. Nanlalamig ang mga kamay nito at talagang hindi mapakali. "Everything will be okay..." aniya. "They are in good hands..." Naniniwala doon si Maxine. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak niya at ni Craig. Everything is smooth before the procedure. They make sure na lahat ng kailangan ay ginawa nila. Rain is in the best shape para gawin ang transplant. "Extracting must be take some time. But after that, they will be okay..." Napayakap si Maxine sa kanyang kapatid. Napapikit siya at taimtim na dumalangin. Gusto na lang niyang mapabilis ang oras at matapos na ang lahat. Ilang oras din ang hinintay nila bago bumukas ang pinto sa emergency room at inilabas doon si Craig. Agad na lumapit si Maxine dito. Nakatulog ang l

  • Billionaire's Bed Warmer   193.2

    Ang kamay ni Craig ay pumasok sa suot niyang t-shirt. Humaplos iyon sa kanyang balat. Nang iangat nito ang damit niya ay pinigilan niya ito.Maraming stretch mark ang kanyang tiyan. Nagkaroon na rin siya ng love handle dahil sa pagbubuntis. Hindi na rin siya kasing seksi gaya ng dati. Naitago lamang iyon ng magandang kasuotan kaya hindi halata. Magaling pa rin siya magdala ng damit. Pero hindi na kasing ganda noon ang minahal at sinamba nitong katawan. Iyong katawan na inasam-asam nito noon. Binago ng pagbubuntis niya ang katawang sinamba nito noon.Naitulak niya si Craig gamit ang buo niyang lakas. Mabilis siyang umiwas dito. Palayo sa pintuan. Ang mga mata niya ay napuno ng hinanakit."Hindi na ako gaya ng dati, Craig..."Napaatras siya nang humakbang ito na hindi pa rin nagsasalita. Nakatitig lamang ito sa kanya. Titig na para bang gustong higupin ang buo niyang kaluluwa. Habang pahakbang ito palapit sa kanya ay paatras naman siyang papalayo. Napasinghap na lang siya nang tumama n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status