Share

Kabanata 4

Author: jhowrites12
last update Huling Na-update: 2024-12-13 11:45:40

Wala siya sa mood i-train si Sofia kaya naman sinabihan niya si Craig na bukas na lamang niya gagawin iyon. Hindinniya rin talaga kayang harapin ang babae ngayon dahil sa nangyari kanina lang. Binigyan na lamang niya ng task ang babae para kahit papaano ay may pakinabang naman itong naroon.

She instructed her to get the phone when it rings. Sinigurado pa niyang alam nito ang gagawin. Binilinan niya na huwag lang istorbohin si Craig lalo kung hindi naman importante ang tawag.

Mula sa desk niya ay hindi naman mapigilan ni Sofia na maghimutok ang kalooban. Hindi niya gusto ang ipinapagawa sa kanya. Naiinis siya kasi gusto niyang makasama si Craig. Naroon na siya. Nagbunga na ang matagal niyang plano na mapansin ng lalaki at makatungtong doon para mapalapit dito. Hindi niya lamang inaasahan na may pangit na babaeng magiging sagabal pa yata sa pakikipaglapit niya sa lalaki. Though halata niyang nahulog sa kamandag niya si Craig ay hindi pa rin niya maiwasang magdalawang isip.

Pumasok na muli sa isipan niya ang nasaksihan kanina. Hindi niya inaasahang makikita si Craig at ang babae na halos maghalikan na. She's positive. May pakiramdam siyang may mas malalim pang nangyayari. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para mawala sa eksena ang babae.

Nagtataka nga si Sofia kung bakit ang pangit at manang na babae ay hinahayaang nasa tabi ni Craig. Para sa kanya hindi ito nababagay sa opisinang iyon o kaya ay ang makasama ni Craig. Nakakahiya kasi ang itsura ng babae para sa guwapong amo. Mukhang tama nga ang mga naririnig niya. May kung anong espesyal na treatment sa babae. Kung hindi, bakit hinahayaan ito roon? Ang ikinangingitngit pa ng kalooban niya ay mukhang malapit din ito kay Craig.

Napalingon si Sofia sa saradong pinto ng opisina ni Craig. Nangangati na ang mga paa niya upang puntahan ito at katukin. Pero anong idadahilan niya? Wala din naman tawag para dito.

Bumuga siya ng hangin. Bagot na bagot na siya pero tiniis niya dahil gusto niyang magpa-impress muna dito. Gusto niyang magkunwaring isang masunuring empleyado.

Napalingon din siya sa saradong pinto ng opisina ni Maxine. Hindi niya maiwasang magduda. Hindi kaya may ginagawa ng kababalaghan ang dalawa dahil kanina pa hindi lumalabas ang mga ito sa kani-kanilang mga opisina? Kanina sa loob ng opisina ni Craig ay napansin niya ang connecting door papunta sa opisina ni Maxine. Hindi siya maaaring magkamali sa nakita. Baka ipinagpatuloy ng mga ito ang naudlot na ginagawa nang maistorbo niya ang mga ito.

"Bullshît!" bulalas niyang napatampal ang kamay sa mesa. Padarag siyang napatayo at nagmamadaling humakbang papunta sa pinto ng opisina ni Craig. Akma na siyang kakatok nang bigla naman bumukas ang pinto ng opisina ni Maxine at iluwa doon ang babae.

"What are you doing, Miss Alegre?" agad na sita sa kanya ni Maxine. Napatigil naman siya at tila napahiya. Kahit na nanggigigil siya sa galit ay minabuti niyang magkunwaring natakot sa babae.

"Ah, Miss Maxine, magpapaalam lang sana ako kay Craig. Lunch time na, bababa sana ako sa canteen. Baka may gusto rin si Craig na ipabili," aniya. Kunwari ay nahihiya kaya napayuko siya.

Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Maxine sa sinabi ng babae. Kung alam lang nito na kanina pa niya pinagmamasdan ito mula sa kanyang opisina.

Salamin ang dingding ng kanyang opisina ngunit hindi siya nakikita sa loob. Siya naman ay malayang napagmamasdan ang babaeng kanina pa nakasimangot at tila nayayamot sa pagsagot sa telepono. Tila pa nga binabagsakan na nito ang mga tuwatawag. Ayaw na lamang niyang sawayin ito dahil siguradong sila ni Craig ang magkakainitan. Hindi iyon malabong mangyari. How Craig this morning? Siya pa ang siguradong mapapasama.

"Don't worry about his food. Nagpadeliver na ako ng food for him," sabi niya sa babae.

"Ganoon ba, Miss Maxine?"

Tumango siya. "Isa pa, Miss Alegre. Hindi mo na kailangan pang magpaalam. It's lunch time and it stated to your contract that you can have your lunch break. Hindi mo na kailangan pang istorbohin ang amo mo para lang diyan. You can go anytime basta bumalik ka sa tamang oras," pangangaral niya dito.

"Pero..."

"You can go," pagtataboy niya dito. Hindi binigyan ng pagkakataong umapela. "Nasa online meeting si Craig kaya hindi siya puwedeng maistorbo," aniyang nilagpasan na ang babae ngunit napatigil at muling bumaling dito. "Kapag may kailangan ka, sa akin ka muna magtanong o magpaalam. Not directly to our boss. Dahil unang una, you are under to me, not...him," madiing ika niya bago tuluyang iwanan ang babae.

Nagngitngit na naman sa galit si Sofia. She clenched her fist tightly. Parang gusto na lamang niyang sabunutan si Maxine. Pero nagpigil siya ng sarili. Bago lamang siya. In the eyes of others specially their boss, dapat ay mabuti siya na tila anghel. Dapat ay si Maxine ang gawin niyang masama.

"May araw ka rin sa akin. Humanda kang pangit ka!" piping banta niya habang nakayuko pa rin. Nang tuluyang mawala na si Maxine ay padabog siyang lumapit sa mesa niya. Napilitan rin siyang bumaba na mag-isa sa canteen ng kompanya.

Sa elevator pa lamang ay nakatawag na siya ng pansin lalo na sa mga kasabayan niya. Paano ay lamang ang ganda niya sa ilang kababaihang naroon. Hindi naman siya katangkaran pero lumulutang ang kaputian at kagandahan niya sa lahat.

"Miss, bago ka rito?" hindi na napigilang tanong ng isang kasama sa elevator. Lalaki iyon at mukhang galing sa accounting department. Nakita niya kasi sa suot na ID nito.

Matamis siyang ngumiti.

"Yeah. I just started today. Secretary ni Mr Samaniego," matamis na pagpapakilala niya. Nahihiyang ngumiti pa siya rito at sa ibang naroon.

"Wow, siya yata iyong sinasabing special appointment ni Mr Samaniego, "ika ng nasa likod niya.

"Tama ang ang naging usap-usapan. Maganda talaga," ayon pa sa iba. Lantaran ang pag-appreciate sa beauty niya.

Tila lumaki ang teynga ni Sofia sa mga narinig. Masaya ang kalooban niya dahil maganda ang impression ng iba sa kanya. She needs that. Kailangan niya ang mga tao sa kompanya para lalong makuha ang atensiyon ni Craig.

"I'm Sofia. Sana ay maging kaibigan ko kayong lahat. Bago pa lamang ako at mahirap makipaglapit, lalo na kay Miss Maxine kaya heto, mag-isa akong kakain ng lunch..." aniya. Pasimpleng sinisiraan si Maxine sa iba. Kailangan na niyang umpisahan ang pagpapabagsak sa babae. And it will start to their co-workers.

"Naku!" biglang singit ng isang babae. Lumapit ito kay Sofia. Iyon ay walang iba kundi si Hannah

"Masama talaga ugali ng babaeng iyon. Kaya mag-iingat ka Sofia..."

Umugong ang bulong-bulungan sa loob ng elevator. Natigil lang iyon nang biglang may tumawa ng malakas. Binalingan ng lahat ang taong iyon na nasa gilid lamang.

"Masama ang ugali? So sinong mas masama ang ugali ngayon na bina-back stab ninyo ang isang tao na wala naman kaalam-alam sa mga pinagsasabi ninyo!" ika ng babaeng nakahawak ng maraming folders. Galing ito sa advertising department. Hinahawakan din kasi ni Maxine ang departamentong iyon.

Umirap si Hannah sa babae. "Naku Sharon, ipinagtatanggol mo pa talaga. Sabagay, pareho kasi kayong kapit sa taas..." aniya nito sa babaeng nagtaas lamang ng kilay.

Immediate family si Sharon. Pinsan nito si Craig at naging matalik na kaibigan ni Maxine.

"Look who's talking! For your information Miss S****p, we work hard for it, kung nasaan man kami ngayon ay dahil sa abilidad namin at talino!" Ipinagdiinan niya ang huling salita bago balingan ang bagong empleyadong nag-umpisa ng usapan tungkol kay Maxine.

"Hindi kami gumamit ng ganda..." Tumingin ito kay Sofia mula ulo hanggang paa. "O paninipsip para lamang tumaas ang ranggo sa kompanya," aniya ulit na si Hannah naman ang binalingan. "Ewan ko na lang kung anong klaseng s****p ang ginagawa..." makahulugan nitong saad.

Nang tumunog ang elevator ay naglakad si Sharon palabas. Bago muling sumara ang elevator ay muli siyang nagsalita. "Huwag kayong pahuhuli sa ginagawang pagsipsip. Baka mahuli kayo, kahiya-hiya lang kayo! Lalo na ikaw Miss S****p," aniya kay Hannah.

Natahimik ang lahat maliban kay Hannah na nagpupuyos ng galit. Alam niyang siya ang pinapatamaan ng babae. Kung anong alam nito ay labis niyang ikinagagalit.

Lumapit naman sa kanya si Sofia para pakalmahin.

"Don't worry, hindi ako naniniwala sa kanya. Isa sa talento ko ang kilitasin ang isang tao. So batay sa nakikita ko, alam kong mabuti kang tao at hindi makagagawa ng bagay na gustong ipahiwatig ng babaeng iyon," ika niyang ngumiti ng maluwang. "Alam kong magiging magkaibigan tayo..." sabi pa nitong lalong ngumisi. Nakakita siya ng kakampi sa pamamagitan nito.

"Thank you, Sofia..." sabi naman ni Hannah na tila nabunutan ng tinik. Nakikita niyang maaari niyang magamit ang babae para mas makaakyat pa sa kinalalagyan niya. Kung hindi niya makuha ang boss nila dahil obvious naman na si Sofia na ang panalo, at least, kapag malapit siya dito ay maambunan siya ng suwerte.

Ngumiti lamang si Sofia ng makahulugan. Agad silang naging magkaibigan ni Hannah. She wants to learn more about Maxine. At sa tingin niya, si Hannah ang tamang tao para malaman ang lahat tungkol sa babae.

Hindi na magtatagal ay mapapatalsik niya ito sa kinalalagyan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lee Ya
nakkhb nmn
goodnovel comment avatar
Joche3134s
nagsama pa Ang 2 Impakta
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Billionaire's Bed Warmer   Chapter 198

    Ginanap ang kasal nila Maxine at Criag sa madaling panahon. Sa hacienda na rin iyon ginanap. Tanging mga nalalapit na mga kaibigan lamang nila ang mga dumalo. Naroon sila Aivan at Yvonne na ngayon ay buntis na. Si Baron na hindi niya inaasahang dadalo ay nagpakita rin. Sobrang saya ni Craig dahil buo na naman silang magkakaibigan.Gaya ni Craig, sa una ay natakot si Aivan pagkakita kay Sharon. Inakala din nitong nagmumulto ang pinsan niya. Akala nila ay aatakihin na ito sa puso. Wala naman naging pakialam si Baron nang makita si Sharon. Sa tingin ni Craig ay matagal ng alam ni Baron ang tungkol kay Sharon. Hindi lamang ito nagsasalita.Sa side naman ni Maxine, tanging mga naroon sa hacienda ang kanyang inimbitahan. Inimbitahan niya si Sergio ngunit matigas na humindi ito. Alam niyang imposible talagang mapadalo niya ito. Nasaktan niya ang damdamin ni Sergio. Kaya lihim na lang niyang hinihiling sa Diyos na sana makahanap ito ng babaeng magmamahal dito ng totoo."You may kiss the bri

  • Billionaire's Bed Warmer   Chapter 197

    "Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Maxine?" tanong ni Sharon sa kaibigan."Oo," tipid na sagot naman ni Maxine. Sigurado na siya. Gagawin niya iyon kahit pa halos pigilan na siya ni Elias. "Why do you need to do that? Hindi ba dapat ay siya ang gumawa niyan sa iyo!" Parang gusto ng pilipitin ni Elias ang leeg niya. Talagang hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari.Nakauwi na sila sa hacienda. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Pabalik na si Craig galing sa Australia. Ilang linggo rin ito doon dahil sa ina nitong may sakit. Hindi na kayang bumiyahe ni Mrs. Samaniego kaya binibilisan na rin nila ang proseso sa mga passports ng kanilang mga anak para kahit papaano ay magkaroon ito ng panahon para makasama ang mga apo. Nakakausap naman nila ito thru face app. Masayang masaya nga itong makausap at makita ang mga apo. "This is the only way for me to make up the years he was left alone by me..." ani Maxine. Noong nalaman niya ang buong pangyayari, kinain siya ng malaking panibugho at lungk

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 196

    "Craig..." Mula sa paanan ng hagdan ay tawag ni Sharon sa pinsan. Isang malaking surpresa sa kanya ang biglang pagdating ng mga ito. Pero mas ikinasiya niya kesa ang gulat. Ang makitang magkasama si Maxine at Craig ay nangangahulugang naayos na ang lahat para sa mga ito. Sa lahat ng mga pinagdaan ng mga ito ay alam niyang nabigyan na ng tuldok. Magiging buo na muli ang kaibigan at pinsan. Ang inaasam na buong pamilya ay makakamit na ng mga ito. "Sha, you are alive?" bulalas na tanong ni Craig. Hindi pa rin halos makapaniwala sa nakikita. All this time, inakala niyang patay na ang kanyang pinsan. Sinisi niya ng ilang taon ang sarili dahil sa nangyari dito. Pero heto, buhay na buhay sa harapan niya. Paanong nangyari iyon? Bakit hindi siya nito kinontak? Ano nga ba talaga ang nangyari dito? Ngumiti si Sharon. Pagkatapos ay mabagal na lumapit kay Craig. "I am. Iniligtas ako ni Elias sa kapahamakan," sagot niya. Kinuha ang kamay ni Craig at mahigpit na hinawakan. Sa pagkakataong iyo

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 195

    "Are you ready?"Hinarap ni Maxine ang anak na si Rain. Siya pa ang mas kabado ngayon. Paanong hindi? Makakaharap na ni Rain ang donor nito at kung magiging maganda ang pagtanggap nito kay Craig. Ipakikilala na rin niya si Craig bilang ama ng mga ito.Tumango na may ngiti si Rain sa kanyang ina. Masigla itong nag-thumbs up pa. Dahil makakapagpasalamat na siya sa taong nagdugtong sa buhay niya.Rain is doing well. Ilang buwan pa na monitoring, makakauwi na siya.Maxine thought she was ready. Naisip at na-imagine na niya ang senaryo na iyon. Pero bakit sobra yatang kinakabahan siya ngayon? Kinakabahan siya hindi para sa anak kundi para kay Craig.Paano kung hindi ito tanggapin ng mga anak niya? Paano kung magalit at sumbatan ng mga ito ang kanilang ama. Paano kung...Naipilig niya ang kanyang ulo. Kay raming agam-agam na kumakain sa kanya ngayon. Pero alam niyang hindi naman siya nagkulang. Sinigurado niyang naging mabuti sa paningin ng mga anak niya si Craig kahit sa mga kuwento laman

  • Billionaire's Bed Warmer   Kabanata 194

    Kasalukuyang nakabantay sina Maxine at Elias sa labas ng emergency room kung saan ginagawa ang procedure para sa transplant. Parehong nasa loob sina Craig at ang anak nilang si Rain. Inakbayan ni Elias si Maxine nang makita kung paano nag-aalala ang kanyang kapatid. Nanlalamig ang mga kamay nito at talagang hindi mapakali. "Everything will be okay..." aniya. "They are in good hands..." Naniniwala doon si Maxine. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak niya at ni Craig. Everything is smooth before the procedure. They make sure na lahat ng kailangan ay ginawa nila. Rain is in the best shape para gawin ang transplant. "Extracting must be take some time. But after that, they will be okay..." Napayakap si Maxine sa kanyang kapatid. Napapikit siya at taimtim na dumalangin. Gusto na lang niyang mapabilis ang oras at matapos na ang lahat. Ilang oras din ang hinintay nila bago bumukas ang pinto sa emergency room at inilabas doon si Craig. Agad na lumapit si Maxine dito. Nakatulog ang l

  • Billionaire's Bed Warmer   193.2

    Ang kamay ni Craig ay pumasok sa suot niyang t-shirt. Humaplos iyon sa kanyang balat. Nang iangat nito ang damit niya ay pinigilan niya ito.Maraming stretch mark ang kanyang tiyan. Nagkaroon na rin siya ng love handle dahil sa pagbubuntis. Hindi na rin siya kasing seksi gaya ng dati. Naitago lamang iyon ng magandang kasuotan kaya hindi halata. Magaling pa rin siya magdala ng damit. Pero hindi na kasing ganda noon ang minahal at sinamba nitong katawan. Iyong katawan na inasam-asam nito noon. Binago ng pagbubuntis niya ang katawang sinamba nito noon.Naitulak niya si Craig gamit ang buo niyang lakas. Mabilis siyang umiwas dito. Palayo sa pintuan. Ang mga mata niya ay napuno ng hinanakit."Hindi na ako gaya ng dati, Craig..."Napaatras siya nang humakbang ito na hindi pa rin nagsasalita. Nakatitig lamang ito sa kanya. Titig na para bang gustong higupin ang buo niyang kaluluwa. Habang pahakbang ito palapit sa kanya ay paatras naman siyang papalayo. Napasinghap na lang siya nang tumama n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status