Mabilis na lumipad ang tingin niya sa lalaki sa akusa nito. Kumunot ang noo niya. Hindi niya inaasahang si Sofia ang dahilan kung bakit naparoon ito. She was taken aback for a moment. Pero agad niyang na-compose ang sarili. Itinago ang dismayang nararamdaman.
Ibinalik niya ang mga mata sa ginagawa. "Nagsumbong ba sa iyo?" tanong niya. Hindi pinabulaanan o inamin ang akusa nito. Hindi rin naman siya nito paniniwalaan. "Sumbungan ka na pala ngayon?" ayaw niyang himigan ng tampo ang tono ng boses niya pero hindi niya mapigilan. Mas naging madiin din ang kutsilyo sa bawat hiwa niya sa patatas. Narinig niya ang paghila ni Craig sa isang upuan sa dining table. "She's crying when I drop her home. She wants to quit," aniya. Na para bang kasalanan nga niya na mag-ku-quit ito. "So it's my fault?" sarkastiko niyang tanong. "Magku-quit siya dahil kasalanan ko? Nagpapatawa ba kayo?" Hindi niya mapigilan ang sariling bulalas. She's hurt. Bakit parang kasalanan nga niya? Ramdam ni Maxine ang bigat ng titig ni Craig sa kanyang likuran. Tahimik ito ng ilang sandali nago muling magsalita. "Huwag mo naman siyang pahirapan..." malumanay na saad nito. Tila nakikiusap pa sa kanya. Alam niyang may ganoong side si Craig. Soft. Ilang beses na rin na ganoon ito sa kanya. Sa tuwing masama ang pakiramdam niya o may problema siya. He was emphatic sa emotions ng mga taong malapit dito. But not to the ones he just knew. O kaya sa mga taong matagal naman na nitong kasama pero hindi malapit ang loob nito. Anong kaibahan ni Sofia para agad nitong itrato ito ng espesyal? Talaga bang na-inlove ang lalaki dito? "You really like her, huh?" hindi niya mapigilang pahayag. Hindi niya mapigilang mapaluha. Paano ay sibuyas na ang hinihiwa niya. O sinisi na lamang niya ang sibuyas kahit na ang totoo. Nasasaktan talaga siya. "Inaamin ko, naaakit ako sa ganda niya, that's why I want to know her better. Sabi nga nila, kung gusto mong makilala ng mabuti ang isang tao, ilapit mo sa iyo. Paano ko magagawa iyon kung ngayon pa lang sumusuko na siya? She wants to quit, lalayo siya sa akin," aniya. "And you think, it was really because of me, huh?" Binagsak niya ang kutsilyo. Gamit ang laylayan ng kanyang damit ay pinunasan niya ang luha sa mga mata. Humarap siya sa lalaki kahit namumula ang mga mata dahil sa pagluha. "You dont know her that well! Pero naniwala ka na agad sa sumbong niya na pinapahirapan ko siya? Craig, you know me as well! Ilang taon na tayong magkasama sa trabaho at kilala mo ako! Alam mo kung paano ako sa trabaho at sa mga tao..." hindi na niya mapigilan ang frustration. Pinagbibintangan na siya ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ang masaklap, mas piniling paniwalaan ni Craig ang babaeng... Gusto nito. Mariin na napatitig ito sa kanya. Napansin niya ang paggalaw ng panga nito habang matamang siyang pinag-aaralan. "Baka kasi nagseselos ka kaya iba ang trato mo sa kanya..." Malaking akusasyon! Pagak siyang natawa. Malakas iyon dahilan upang hindi nito ipagpatuloy ang sinasabi. Lalong naging mabigat ang titig nito sa kanya. Napaismid pa siya at hindi iyon itinago sa lalaki. "Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko, Craig. Alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan magselos at wala akong karapatang pigilan ka sa gusto mo. Kung sinasabi niyang pinapahirapan ko siya, then it's not because of you! Para iyon sa kompanya. Dahil nakasasalalay din sa sekretarya mo ang mga trabaho namin! Kung magkamali siya sa pagbook ng meetings. Sa pagsagot sa mga importanteng tawag, ang mga trabaho namin at ikaw ang mananagot," asik niya. Tuluyan nang iniwan ang hinihiwa. Padabog siyang humarap sa lababo para hugasan ang mga kamay niya. Halos mamula ang mga kamay niya sa ginawang pagkuskos para mawala ang amoy ng sibuyas. Halos ubusin niya ang sabon sa inis. Paulit-ulit niyang sinabunan ang kamay hanggang sa humapdi na ang mga kamay niya. Pero may hahapdi pa ba sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso? "Max..." tawag nito ngunit hindi niya pinansin. Mabigat ang dibdib niyang tila dinaganan ng kung anong mabigat na bagay. Gusto niyang umiwas dito. Naglakad siya at lalagpasan na sana ang lalaki pero mabilis itong nakatayo para pigilan siya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Pinayungan siya ng malaking katawan nito. Nakayuko itong pilit hinuli ang mga mata niya. Matikas ang pangangatawan ni Craig. Matangkad na siya ngunit di hamak na mas matangkad ito. Bumuga ito ng hangin. Ayaw niya itong tingnan ngunit hinawakan nito ang baba niya at pilit na ipinaharap ang mukha niya sa gawi nito. Napilitan siyang tingalain ito habang pigil na pigil ang pinaghalo-halong mga emosyon sa kanyang dibdib Naiiyak siya at nagagalit. Pero gaya nga ng gusto nitong ipahiwatig. Wala siyang anumang karapatan para maramdaman ang mga iyon. "You know that since Althea left me, hindi ko magawang pumasok o magseryoso sa isang relasyon. This time I want to try..." Napalunok siya habang nakatitig sa lalaki. Alam niya ang istorya ng love life nito. Kaya nga hindi siya makapasok-pasok sa puso ng lalaki dahil nag-iisang babae lamang ang iniibig at laman ng puso nito. Ang kababata at firts love nitong si Althea. Ang babaeng kahit iniwanan ang lalaki ay mas minahal pa nito. "Matagal na akong naghintay for her to comeback. I'm tired of waiting..." Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Craig. Hindi mapigilan ni Maxine na iangat ang kamay niya at haplusin ang mukha ng lalaki. Tila biglang natunaw at naglaho ang galit niya nang makita ang kahinaan nito. Gusto niyang aluin ito at pawiin ang kalungkutan. Tila may sariling isip ang katawan niya. Tumingkayad siya upang halikan ang lalaki. Halik na nagsasabing... Kung maghahanap lang din naman ito ng ipapalit kay Althea, bakit hindi na lamang siya? Handa siyang maging rebound o panakip butas para lang tuluyang makalimot si Craig. Naipagkaloob nga niya ang sarili ng buong buo dito. Bakit hindi na lamang siya? Bakit ibang babae pa kung naroon naman siya? Hindi ba talaga siya nito puwedeng mahalin?Ginanap ang kasal nila Maxine at Criag sa madaling panahon. Sa hacienda na rin iyon ginanap. Tanging mga nalalapit na mga kaibigan lamang nila ang mga dumalo. Naroon sila Aivan at Yvonne na ngayon ay buntis na. Si Baron na hindi niya inaasahang dadalo ay nagpakita rin. Sobrang saya ni Craig dahil buo na naman silang magkakaibigan.Gaya ni Craig, sa una ay natakot si Aivan pagkakita kay Sharon. Inakala din nitong nagmumulto ang pinsan niya. Akala nila ay aatakihin na ito sa puso. Wala naman naging pakialam si Baron nang makita si Sharon. Sa tingin ni Craig ay matagal ng alam ni Baron ang tungkol kay Sharon. Hindi lamang ito nagsasalita.Sa side naman ni Maxine, tanging mga naroon sa hacienda ang kanyang inimbitahan. Inimbitahan niya si Sergio ngunit matigas na humindi ito. Alam niyang imposible talagang mapadalo niya ito. Nasaktan niya ang damdamin ni Sergio. Kaya lihim na lang niyang hinihiling sa Diyos na sana makahanap ito ng babaeng magmamahal dito ng totoo."You may kiss the bri
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Maxine?" tanong ni Sharon sa kaibigan."Oo," tipid na sagot naman ni Maxine. Sigurado na siya. Gagawin niya iyon kahit pa halos pigilan na siya ni Elias. "Why do you need to do that? Hindi ba dapat ay siya ang gumawa niyan sa iyo!" Parang gusto ng pilipitin ni Elias ang leeg niya. Talagang hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari.Nakauwi na sila sa hacienda. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Pabalik na si Craig galing sa Australia. Ilang linggo rin ito doon dahil sa ina nitong may sakit. Hindi na kayang bumiyahe ni Mrs. Samaniego kaya binibilisan na rin nila ang proseso sa mga passports ng kanilang mga anak para kahit papaano ay magkaroon ito ng panahon para makasama ang mga apo. Nakakausap naman nila ito thru face app. Masayang masaya nga itong makausap at makita ang mga apo. "This is the only way for me to make up the years he was left alone by me..." ani Maxine. Noong nalaman niya ang buong pangyayari, kinain siya ng malaking panibugho at lungk
"Craig..." Mula sa paanan ng hagdan ay tawag ni Sharon sa pinsan. Isang malaking surpresa sa kanya ang biglang pagdating ng mga ito. Pero mas ikinasiya niya kesa ang gulat. Ang makitang magkasama si Maxine at Craig ay nangangahulugang naayos na ang lahat para sa mga ito. Sa lahat ng mga pinagdaan ng mga ito ay alam niyang nabigyan na ng tuldok. Magiging buo na muli ang kaibigan at pinsan. Ang inaasam na buong pamilya ay makakamit na ng mga ito. "Sha, you are alive?" bulalas na tanong ni Craig. Hindi pa rin halos makapaniwala sa nakikita. All this time, inakala niyang patay na ang kanyang pinsan. Sinisi niya ng ilang taon ang sarili dahil sa nangyari dito. Pero heto, buhay na buhay sa harapan niya. Paanong nangyari iyon? Bakit hindi siya nito kinontak? Ano nga ba talaga ang nangyari dito? Ngumiti si Sharon. Pagkatapos ay mabagal na lumapit kay Craig. "I am. Iniligtas ako ni Elias sa kapahamakan," sagot niya. Kinuha ang kamay ni Craig at mahigpit na hinawakan. Sa pagkakataong iyo
"Are you ready?"Hinarap ni Maxine ang anak na si Rain. Siya pa ang mas kabado ngayon. Paanong hindi? Makakaharap na ni Rain ang donor nito at kung magiging maganda ang pagtanggap nito kay Craig. Ipakikilala na rin niya si Craig bilang ama ng mga ito.Tumango na may ngiti si Rain sa kanyang ina. Masigla itong nag-thumbs up pa. Dahil makakapagpasalamat na siya sa taong nagdugtong sa buhay niya.Rain is doing well. Ilang buwan pa na monitoring, makakauwi na siya.Maxine thought she was ready. Naisip at na-imagine na niya ang senaryo na iyon. Pero bakit sobra yatang kinakabahan siya ngayon? Kinakabahan siya hindi para sa anak kundi para kay Craig.Paano kung hindi ito tanggapin ng mga anak niya? Paano kung magalit at sumbatan ng mga ito ang kanilang ama. Paano kung...Naipilig niya ang kanyang ulo. Kay raming agam-agam na kumakain sa kanya ngayon. Pero alam niyang hindi naman siya nagkulang. Sinigurado niyang naging mabuti sa paningin ng mga anak niya si Craig kahit sa mga kuwento laman
Kasalukuyang nakabantay sina Maxine at Elias sa labas ng emergency room kung saan ginagawa ang procedure para sa transplant. Parehong nasa loob sina Craig at ang anak nilang si Rain. Inakbayan ni Elias si Maxine nang makita kung paano nag-aalala ang kanyang kapatid. Nanlalamig ang mga kamay nito at talagang hindi mapakali. "Everything will be okay..." aniya. "They are in good hands..." Naniniwala doon si Maxine. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak niya at ni Craig. Everything is smooth before the procedure. They make sure na lahat ng kailangan ay ginawa nila. Rain is in the best shape para gawin ang transplant. "Extracting must be take some time. But after that, they will be okay..." Napayakap si Maxine sa kanyang kapatid. Napapikit siya at taimtim na dumalangin. Gusto na lang niyang mapabilis ang oras at matapos na ang lahat. Ilang oras din ang hinintay nila bago bumukas ang pinto sa emergency room at inilabas doon si Craig. Agad na lumapit si Maxine dito. Nakatulog ang l
Ang kamay ni Craig ay pumasok sa suot niyang t-shirt. Humaplos iyon sa kanyang balat. Nang iangat nito ang damit niya ay pinigilan niya ito.Maraming stretch mark ang kanyang tiyan. Nagkaroon na rin siya ng love handle dahil sa pagbubuntis. Hindi na rin siya kasing seksi gaya ng dati. Naitago lamang iyon ng magandang kasuotan kaya hindi halata. Magaling pa rin siya magdala ng damit. Pero hindi na kasing ganda noon ang minahal at sinamba nitong katawan. Iyong katawan na inasam-asam nito noon. Binago ng pagbubuntis niya ang katawang sinamba nito noon.Naitulak niya si Craig gamit ang buo niyang lakas. Mabilis siyang umiwas dito. Palayo sa pintuan. Ang mga mata niya ay napuno ng hinanakit."Hindi na ako gaya ng dati, Craig..."Napaatras siya nang humakbang ito na hindi pa rin nagsasalita. Nakatitig lamang ito sa kanya. Titig na para bang gustong higupin ang buo niyang kaluluwa. Habang pahakbang ito palapit sa kanya ay paatras naman siyang papalayo. Napasinghap na lang siya nang tumama n