Bumuga siya ng hangin. Nasapo niya ang noo habang naiisip ang mas malalim pang dahilan kung bakit hindi siya kayang mahalin ni Craig. Iisa lang naman ang mabigat na dahilan...
His ex-girlfriend. Ang babaeng mahal na mahal nito. "Aasa akong pupunta ka, Maxine. Hindi na kita nakikita. Ni hindi mo na ako dinadalaw..." ang mga katagang iyon ang nagpabalik kay Maxine mula sa malalim na pag-iisip. "Sorry lo..." hinging paumanhin niya. Para mawala ang tampo nito ay tinawag niya ito sa gustong itawag niya. "Naging busy ako sa trabaho. Hayaan ninyo, asahan ninyong dadalo ako sa birthday mo, Lo," aniya. Marami pa silang napag-usapan. Tungkol kay Craig, sa trabaho, sa mga proyekto. Pero sa tagal ng pag-uusap nila sa telepono, bumabalik sila sa usapang kasalan. Gustong gusto na talaga nilang lumagay sa tahimik si Craig. Alas sais y medya na noong nakababa siya sa parking lot. Pinindot niya ang remote starter para i -unlock ang kanyang sasakyan. Lumang sasakyan iyon. May sentimental value sa kanya dahil dating minamaneho iyon ng kanyang inang namayapa na. Hindi siya agad umuwi. Dumiretso siya sa supermarket upang mamili ng mga kulang sa condo niya. Gusto niya ring magluto kaya naman pagkatapos sa super market ay sa wet market naman siya dumiretso para bumili ng fresh na karne ng baboy, baka at manok. Bumili na rin siya ng isda at pinalinis na iyon. Nang mabili lahat ng nasa listahan niya ay umuwi na siya. Mga pasado alas otso na siya nakarating sa kanyang condo. Medyo mabigat ang dala niya kaya naman habang papataas ang elevator sa condo niya ay ibinaba niya ang reusable bag sa sahig ng elevator. Nangawit ang balikat niyang sinabitan ng bag kaya minasahe niya iyon. Napapikit pa siya nang madiinan ang masakit na parte at nabigyan ng ginhawa dahil sa pressure na nilagay niya roon. Maging ang leeg niya ay ginalaw niya para maehersisyo. Nakakaramdam din siya ng pananakit ng ulo. As usual, it's a tension headache again, lalo na at marami siyang iniisip na nagko-cause ng stress sa kanyan. Dumagdag pa ang bagong sekretarya ni Craig kung kaya ay hindi mapanatag ang kalooban niya. Maingat at mabagal siyang humakbang patungo sa kanyang condo. Maging ang pagbukas roon ay tila wala siyang gana. Her energy was drained enough for her to do more at home. Gusto na lang niyang magpahinga. Maligo pagkatapos ay matulog. Hindi niya ininda ang kumakalam na sikmura. Ngunit ang pahinga na balak niya ay mukhang hindi mangyayari. Muntikan niyang mabitiwan ang mga dala dahil sa nahintakutan siya at nagulat nang mabuksan ang pinto ay may maaninag siyang bulto ng taong nakaupo sa kanyang sofa sa dilim. Nawala din naman ang takot niya nang mapagsino iyon. Kahit sa dilim ay nakilala niya ang lalaki. "Craig?" tawag niya sa lalaki. Bakit nandito ito? Hindi ba ay hinabol nito ang babaeng kinahuhumalingan ngayon? Inaasahan niyang hindi ito makikita ngayon gabi. Inaasahan nga niyang baka kinabukasan ay magkarelasyon na ang mga ito. Pero sa itsura ng lalaki, parang kanina pa ito roon. Hinihintay ba siya nito? Dito na naman ba ito matutulog? It gives her chills thinking of that. Parang may humalukay sa kanyang tiyan at naglilarang mga paru-paro. Thoughts of them in the bed crossed her mind. Agad niyang ipinilig ang ulo at sinuway ang sarili sa isiping iyon. Inapuhap niya ang pindutan para sa ilaw. Nang lumiwanag ay muli siyang napalingon sa lalaki. Nakapikit pa rin ito habang nakasandal ang likod sa sofa. Ang noo nito ay medyo lukot at salubong ang mga kilay, hudyat na hindi naman ito tulog Parang pagod na pagod din ang mukha nito. Hinayaan na lamang niya ito at hindi na muli siyang nagsalita. Sinara niya ang pinto at naglakad patungo sa kusina. Dinala niya agad ang mga pinamili sa lababo para hugasan. Ilalagay niya ang mga iyon sa container para i-freezer. Iniwan niya ang karne ng baboy para iluto. Hindi na sana niya balak pang magluto sa gabing iyon dahil pagod na siya at masakit ang ulo, pero dahil naroon ang lalaki, mapipilitan siyang ilutoan ito ng paboritong ulam ang lalaki. Nagpatuloy lamang siya sa ginagawa habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan. Hindi na rin niya nagawang magbihis pa dahil gusto niyang makaluto agad. Sabi niya ay hindi siya gutom pero iba ang sinasabi ng kanyang tiyan. Rinig na nga niya ang pagkalam nito. Kung wala lang sana ang lalaki ay baka itinulog na lamang niya ang gutom. Ganoon naman siya lagi. Pagdating sa lalaki, kahit pagod na siya. Kahit nasasaktan siya. Inuuna pa rin niyang isipin ang kalagayan nito. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng mga gulay nang maramdaman niya ang mga yabag palapit sa kusina. Hindi siya lumingon at nagpatuloy lamang sa ginagawa pero alam niya, si Craig na iyon na nagpasyang puntahan siya. Alam niyang may pakay ito sa kanyang importante kaya ito naparoon. "Pinagalitan mo ba si Sofia, Max? I warn you not to do that, right?" And just like that. Isang maling akusasyon lang pala ang ipinaroon nito.Ginanap ang kasal nila Maxine at Criag sa madaling panahon. Sa hacienda na rin iyon ginanap. Tanging mga nalalapit na mga kaibigan lamang nila ang mga dumalo. Naroon sila Aivan at Yvonne na ngayon ay buntis na. Si Baron na hindi niya inaasahang dadalo ay nagpakita rin. Sobrang saya ni Craig dahil buo na naman silang magkakaibigan.Gaya ni Craig, sa una ay natakot si Aivan pagkakita kay Sharon. Inakala din nitong nagmumulto ang pinsan niya. Akala nila ay aatakihin na ito sa puso. Wala naman naging pakialam si Baron nang makita si Sharon. Sa tingin ni Craig ay matagal ng alam ni Baron ang tungkol kay Sharon. Hindi lamang ito nagsasalita.Sa side naman ni Maxine, tanging mga naroon sa hacienda ang kanyang inimbitahan. Inimbitahan niya si Sergio ngunit matigas na humindi ito. Alam niyang imposible talagang mapadalo niya ito. Nasaktan niya ang damdamin ni Sergio. Kaya lihim na lang niyang hinihiling sa Diyos na sana makahanap ito ng babaeng magmamahal dito ng totoo."You may kiss the bri
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Maxine?" tanong ni Sharon sa kaibigan."Oo," tipid na sagot naman ni Maxine. Sigurado na siya. Gagawin niya iyon kahit pa halos pigilan na siya ni Elias. "Why do you need to do that? Hindi ba dapat ay siya ang gumawa niyan sa iyo!" Parang gusto ng pilipitin ni Elias ang leeg niya. Talagang hindi sang-ayon sa gusto niyang mangyari.Nakauwi na sila sa hacienda. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Pabalik na si Craig galing sa Australia. Ilang linggo rin ito doon dahil sa ina nitong may sakit. Hindi na kayang bumiyahe ni Mrs. Samaniego kaya binibilisan na rin nila ang proseso sa mga passports ng kanilang mga anak para kahit papaano ay magkaroon ito ng panahon para makasama ang mga apo. Nakakausap naman nila ito thru face app. Masayang masaya nga itong makausap at makita ang mga apo. "This is the only way for me to make up the years he was left alone by me..." ani Maxine. Noong nalaman niya ang buong pangyayari, kinain siya ng malaking panibugho at lungk
"Craig..." Mula sa paanan ng hagdan ay tawag ni Sharon sa pinsan. Isang malaking surpresa sa kanya ang biglang pagdating ng mga ito. Pero mas ikinasiya niya kesa ang gulat. Ang makitang magkasama si Maxine at Craig ay nangangahulugang naayos na ang lahat para sa mga ito. Sa lahat ng mga pinagdaan ng mga ito ay alam niyang nabigyan na ng tuldok. Magiging buo na muli ang kaibigan at pinsan. Ang inaasam na buong pamilya ay makakamit na ng mga ito. "Sha, you are alive?" bulalas na tanong ni Craig. Hindi pa rin halos makapaniwala sa nakikita. All this time, inakala niyang patay na ang kanyang pinsan. Sinisi niya ng ilang taon ang sarili dahil sa nangyari dito. Pero heto, buhay na buhay sa harapan niya. Paanong nangyari iyon? Bakit hindi siya nito kinontak? Ano nga ba talaga ang nangyari dito? Ngumiti si Sharon. Pagkatapos ay mabagal na lumapit kay Craig. "I am. Iniligtas ako ni Elias sa kapahamakan," sagot niya. Kinuha ang kamay ni Craig at mahigpit na hinawakan. Sa pagkakataong iyo
"Are you ready?"Hinarap ni Maxine ang anak na si Rain. Siya pa ang mas kabado ngayon. Paanong hindi? Makakaharap na ni Rain ang donor nito at kung magiging maganda ang pagtanggap nito kay Craig. Ipakikilala na rin niya si Craig bilang ama ng mga ito.Tumango na may ngiti si Rain sa kanyang ina. Masigla itong nag-thumbs up pa. Dahil makakapagpasalamat na siya sa taong nagdugtong sa buhay niya.Rain is doing well. Ilang buwan pa na monitoring, makakauwi na siya.Maxine thought she was ready. Naisip at na-imagine na niya ang senaryo na iyon. Pero bakit sobra yatang kinakabahan siya ngayon? Kinakabahan siya hindi para sa anak kundi para kay Craig.Paano kung hindi ito tanggapin ng mga anak niya? Paano kung magalit at sumbatan ng mga ito ang kanilang ama. Paano kung...Naipilig niya ang kanyang ulo. Kay raming agam-agam na kumakain sa kanya ngayon. Pero alam niyang hindi naman siya nagkulang. Sinigurado niyang naging mabuti sa paningin ng mga anak niya si Craig kahit sa mga kuwento laman
Kasalukuyang nakabantay sina Maxine at Elias sa labas ng emergency room kung saan ginagawa ang procedure para sa transplant. Parehong nasa loob sina Craig at ang anak nilang si Rain. Inakbayan ni Elias si Maxine nang makita kung paano nag-aalala ang kanyang kapatid. Nanlalamig ang mga kamay nito at talagang hindi mapakali. "Everything will be okay..." aniya. "They are in good hands..." Naniniwala doon si Maxine. Alam niyang nasa mabuting kamay ang anak niya at ni Craig. Everything is smooth before the procedure. They make sure na lahat ng kailangan ay ginawa nila. Rain is in the best shape para gawin ang transplant. "Extracting must be take some time. But after that, they will be okay..." Napayakap si Maxine sa kanyang kapatid. Napapikit siya at taimtim na dumalangin. Gusto na lang niyang mapabilis ang oras at matapos na ang lahat. Ilang oras din ang hinintay nila bago bumukas ang pinto sa emergency room at inilabas doon si Craig. Agad na lumapit si Maxine dito. Nakatulog ang l
Ang kamay ni Craig ay pumasok sa suot niyang t-shirt. Humaplos iyon sa kanyang balat. Nang iangat nito ang damit niya ay pinigilan niya ito.Maraming stretch mark ang kanyang tiyan. Nagkaroon na rin siya ng love handle dahil sa pagbubuntis. Hindi na rin siya kasing seksi gaya ng dati. Naitago lamang iyon ng magandang kasuotan kaya hindi halata. Magaling pa rin siya magdala ng damit. Pero hindi na kasing ganda noon ang minahal at sinamba nitong katawan. Iyong katawan na inasam-asam nito noon. Binago ng pagbubuntis niya ang katawang sinamba nito noon.Naitulak niya si Craig gamit ang buo niyang lakas. Mabilis siyang umiwas dito. Palayo sa pintuan. Ang mga mata niya ay napuno ng hinanakit."Hindi na ako gaya ng dati, Craig..."Napaatras siya nang humakbang ito na hindi pa rin nagsasalita. Nakatitig lamang ito sa kanya. Titig na para bang gustong higupin ang buo niyang kaluluwa. Habang pahakbang ito palapit sa kanya ay paatras naman siyang papalayo. Napasinghap na lang siya nang tumama n