Share

KABANATA III: The Honeymoon

Nanlulumong pumasok ako sa kwarto nang maihatid kami nila Daddy dito sa resort sa Rose Hills.

Bakit Frank? Akala ko ba itatakas mo ko? Bakit hindi ka dumating? Akala ko ba mahal mo ko? Bakit hinayaan mo lang akong makasal sa kanya?

Nag-unahan ang mga luha kong maglandas sa mga pisngi ko.

'Pero ito ang tandaan mo. Pagsisisihan mo ang araw na ito dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo.' Mga salitang kanina pa tumatakbo sa isipan ko.

Napagpasyahan kong magbihis at lalabas na sana nang may marinig akong ingay sa labas. Alam kong nasa kabilang kwarto si Isaac at kaming dalawa lang nandito.

Bakit parang may babaeng humahagikgik? Tama ba pagkakarinig ko? Babae ba iyon?

Napatiim bagang ako at marahas na binuksan ang pintuan. Napangiwi ako nang makumpirma ang hinala ko.

Nag-iinom si Isaac at may babaeng nakakandong sa kanya ngayon. Masayang nag-iinuman ang dalawa habang ang babae ay walang sawang pinupog ng halik ang matipunong dibdib ng lalaki.

Ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko sa ulo kaya hindi na ko nag-isip at hinablot ang buhok ng malanding babae at hinila iyun palabas. Wala akong pakialam kung walang saplot pang itaas ito.

Mga hayop! Wala kayong karapatang iputan ako sa ulo.

Nang maisarado ko ang pintuan ng house villa ay tiningnan ko ng matalim ang lalaki pero katulad kanina ay wala itong emosyon at malamig ang mga matang nakatingin sa akin.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong sa 'kin nito sabay tungga ng brandy at tumayo para magpantay ang mga mukha namin. "Wala kang pakialam kung mang babae ako. Asawa lang kita sa papel at sa negosyo ng tatay mo!" sigaw pa nito habang dinudurò ang mukha ko.

Nanggigil naman ako sa ginawa nitong panduduro sa akin kaya binigyan ko ito ng isang malakas na sampal.

Tiningnan ako nito ng masama kaya nakipagsukatan naman ako ng tingin dito.

"Oo, sa papel nga lang tayo kasal. Pero sa tingin mo ba kagustuhan kong makasal sa 'yo!" Dinuro ko rin ang mukha nito.

"Bakit? Hindi ba?" galit na sigaw pa nito.

"Talagang hindi! Katulad mo, wala rin akong naging ibang choice. Kaya naman wag---"

"Kasalanan mo ito kaya magdusa ka!" Putol nito sa mga sasabihin ko at bigla akong nilayasan dala ang bote ng iniinom niyang brandy.

Magsasalita pa sana ako pero malakas nitong sinarado ang kwarto niya.

Marahas na sinaldak ko ang sarili paupo sa sofa na naroon. Napasabunot din ako at ginulo ang buhok ko sa sobrang nararamdaman na inis. Naiiyak din ako sa galit at parang gusto kong magwala.

Akala mo naman, siya lang ang nahihirapan. Parehas naman naming ayaw magpakasal sa isa't isa. Nasaan ka kasi Frank? Bakit hindi mo tinupad ang usapan natin?

Kinabukasan ay nagising ako sa marahas na katok. Parang gigibain na nito ang pintuan kaya binuksan ko agad iyun.

"Tanghali na, tulog ka pa. Magluto ka nga ng may silbi ka naman!" Bungad sa akin ni Isaac.

"Pakialam ko sa nararamdaman mo. Magluto ka kung nagugutom ka!" bulyaw ko dito.

Pero nagulat ako nang bigla ako nitong hawakan ng mahigpit sa magkabilang braso. Namumula rin ito sa galit. Bigla akong nakaramdam ng takot sa paraan ng pagtingin niya sa mga mata ko. Para akong kakainin nito ng buhay.

"Kapag sinabi kong magluto ka, magluto ka!" sigaw nito sa mukha ko. Amoy ko pa dito ang brandy na ininom niya kagabi. 

"Na-nasasaktan ako, Isaac! Ano ba?" Naluluha na sabi ko at pilit na inaalis ang mga kamay niya sa mga braso ko.

Marahas namang binitawan ako nito kaya napadaskol ako sa pintuan ng kwarto at napangiwi sa sakit. Hindi ko na mapigilan ang umiyak.

Makalipas ang ilang segundo ay pinunasan ko ang mga luha ko saka inayos ang sarili bago lumabas at magluto ng agahan namin. 

Kaya siguro umatras ang bride n'on dahil ang sama ng ugali niya. Nananakit ng babae. Tama lang ginawa n'on. Pero ang malas ko sa part na ito.

Nang matapos akong magluto ay tahimik kaming kumain. Panay din ang tingin nito sa mga braso ko pero hindi ito umiimik.

Nang matapos kami ay hinila ako nito sa salas at nagwika, "diyan ka lang. May kukunin lang ako."

Nangunot ang noo ko sa ginawi nito. 

Problema nito? Guilty lang sa pananakit?

Bumalik siya na may dalang ice bag at nilagay iyon sa braso ko na nagkaroon ng pasa dahil kanina.

Guilty nga ang lolo mo. Nyii! Ang gwapo naman nitong lolo.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. 

Napaaray ako nang medyo nadiinan niya ang ice bag nang ilipat niya ito ng pwesto. Pero napasinghap ako nang sa pagtaas ko ng tingin ay halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Isang pulgada na lang ang pagitan ng mga labi namin.

Natataranta na umiwas ako ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang pagbilis ng kabog sa dibdib ko at ang malamig na pawis sa noo ko. Parang may kung ano sa tiyan ko at hindi ako mapakali.

"I-ikaw na nga humawak niyan." Nilapag nito ang ice bag sa ibabaw ng hita ko. "Pagkatapos mo diyan, magbihis ka na. Uuwi na tayo." Naramdaman kong tumayo ito mula sa tabi ko at umalis.

Kinuha ko ang ice bag at nilagay iyun sa isang braso ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil para itong bata na nasilihan ang pwet.

Teka? Uuwi na? Ni hindi man lang ako nakalibot dito sa resort.

Tumingin ako sa labas at napangiti ako nang may maisip na plano.

Marahan kong binaba ang ice bag at mabilis na pumunta sa kwarto ko. Nagpalit ako ng itim na two-piece at tumingin sa malaking salamin para makita ang kabuuan ko.

Hmm… perfect!

Napangiti ako nang makitang bumagay sa 'kin ang nilagay ni Mommy na two-piece sa bag ko. Nagpatong lang ako ng pulang crop top at maong na dolphin short bago lumabas ng bahay na inokupa namin dito sa resort. 

Ang ganda talaga pagmasdan ang palubog na araw. Pakasaya ka muna, gurl. Huwag mo muna isipin ang paligid.

Pumunta ako sa part na walang masyadong tao. Nakangiting hinubad ko ang crop top at ang suot kong dolphin short saka patakbo na sumulong sa dagat pero hanggang sa part na abot ko lang.

Masayang pinagmasdan ko ang paglubog ng araw at ilang minutong nagtatampisaw sa dagat bago umahon. 

Kinuha ko ang damit ko at naglakad pauwi ngunit may humarang sa akin na lalaki. May itsura ito pero mukha pa lang, mukha ng manyakis. Lalo na ng kindatan ako nito sabay kagat ng labi.

"Hi. I'm James," pakilala nito pero hindi ko ito pinansin at dumiretso lang sa paglalakad.

"Bastos ka ah!" Hinablot nito ang braso ko at hinapit ako sa beywang dahilan para mapasigaw ako ng malakas.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba?" Malakas na tinulak ko ang malapad nito na dibdib saka tumakbo pero nahablot pa rin ako nito sa kanang braso.

Akmang yayakapin ako ulit nito nang biglang may sumapak dito. May mga kasama ito na mga kalalakihan na bumugbog sa bastos na lalaki at binitbit ito palayo.

Huminga ako ng malalim para makahinga ng ayos dahil sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa takot pero saglit akong natigilan at natulala nang mapagmasdan ko ang nakatalikod na lalaki. Nakasuot ito ng beach shorts at walang suot na pang itaas. Pamilyar ang malapad nitong likod.

Nang humarap ito ay hindi nga ako nagkamali.

"Ayos ka lang, Jessica?" tanong ng sobrang pamilyar na tinig na bakas ang pag-aalala sa tinig.

"Frank…" wala sa sariling nasambit ko at ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko. Ang dami kong gustong sabihin at itanong pero hindi ko magawang magsalita. Hindi ko alam kung saan magsisimula.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig kong may tumawag sa lalaking kaharap ko mula sa likod nito na pamilyar rin ang boses. Tinig pa lang nito ay ramdam ko na ang pagkulo ng dugo ko. 

Nang magkaharap kami ay lumingkis agad ito kay Frank at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin.

"J-jessica…" anas nito. Parang hindi ito makapaniwala na makita ako.

Farrah!

Sumingkit ang mga mata ko nang maalala ko ang mga ginawa niya sa 'kin nung gabing iyon. Hindi ko na mapigilan ang sarili at agad na sinugod ng mag-asawang sampal ang dati kong matalik na kaibigan. Hindi pa ko nakuntento sa ginawa ko kaya naman sinabunutan ko ito hanggang sa mapahiga siya sa buhanginan. Sumampa ako sa ibabaw nito at pinagkakalmot ang mukha niya sa sobrang galit ko.

Natigil lang ako nang buhatin ako ng kung sino man at niyakap.

"Jessica, please calm down. Tama na. S-she's---she's pregnant." Ramdam kong umiiyak ito at parang may isang malaking punyal ang bumaon sa puso ko sa mga sinabi niya na buntis ang dati kong kaibigan. "Baka mapano ang baby namin," saad pa ni Frank habang yakap ako. Halos manghina ang tuhod ko at hindi ako makahinga sa pagpipigil ng iyak ko. Parang dinurug-durog ng mga kataga niya ang puso ko. 

Nasasaktan man ay dahan-dahan akong lumingon dito para makita ang mukha niya na hilam ngayon sa luha.

B-buntis? Kaya ba hindi mo natupad ang pangako mo? Kaya ba hindi mo ko pinuntahan at itinakas?

Mga salitang gusto kong itanong pero mas pinili ko na lamang itikom ang bibig ko lalo na nung may mga taong naki-usyoso na sa amin. 

Tinulak ko ng malakas si Frank at sinampal ito at tumalikod dito. Hindi ko na mapigilan ang sarili at pinakawalan ko na ang iyak na kanina ko pa pinipigilan. Humakbang ako palayo pero natigilan ako nang nabangga ako sa isang matipunong dibdib. Pagtaas ko ng tingin… "Isaac."

"Are you okay? Sinaktan ka ba nila? Ano'ng nangyari?" sunud-sunod na tanong nito. May pag-aalala sa boses nito pero kung titingnan mo ang mga mata nito, blangko.

Nang hindi ako sumagot, hinila na nito ako pabalik sa villas.

Si Frank ba talaga ang ama ng dinadala ni Farrah? Pero paano? Sa pagkakaalam ko, bunsong kapatid ang turing niya sa demonyita na babaeng iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status