Share

KABANATA IV: The Contract

Pareho kaming tahimik sa sasakyan habang bumabyahe pauwi. 

'Jessica, please calm down. Tama na. She's pregnant...' 

Kanina pa lumilitaw sa isip ko ang mga salitang binigkas sa akin ni Frank kanina. Kasama nito sa resort si Farrah. Ang babaeng itinuturing kong matalik na kaibigan at parang isang kapatid, ang taong gusto akong mamatay. Mukha rin namang masaya silang dalawa na nawala ako sa buhay nila.

Mga h*y*p! Mga taksil! Paano niyo nagawa sa akin ito? Lalo ka na, Frank. Akala ko ba mahal mo ko?

Tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi ko maiwasang humagulgol ng iyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kanina pa parang may mga kutsilyong bumabaon sa puso ko. Pinilit kong hindi gumawa ng ingay at huwag magpahalata kay Isaac na umiiyak ako.

In five years, kailan pa niya ko niloloko? Kailan pa sila nagkaroon ng relasyon? Naging panakip butas lang ba ako para hindi malaman ang tinatagong relasyon nila? Ginamit lang ba nila ako?

Isiniksik ko ang ulo sa bintana ng kotse kasabay ng pagtugtog ng isang instrumental song mula sa stereo ng sasakyan. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod at makatulog ako.

Kinabukasan, nagising ako sa katok.

Bumangon ako at nagtaka kung bakit nasa ibang kwarto ako. Bumukas ang pintuan at iniluwa n'on ang isang katulong.

"Señorita, pinapatawag na po kayo ni Señorito. Kakain na raw po," bungad na sabi nito nang makalapit sa akin.

Tumango ako dito bilang tugon at umalis na ito sa harap ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba sa kusina.

Nanibago at namangha ako sa lawak ng mansion. Mukhang bahay ito ni Isaac dahil may mga family picture nila. Pero napangiwi ako at hindi ko maiwasang sumimangot nang makita ang malaking picture ni Isaac kasama ang isang napakaganda at elegante na babae. Mukhang kuha ito sa kanilang prenup photoshoot. Marami pa kong nakitang picture ng babae na nakakalat sa mansion. Mayroong solo picture ito at meron din na silang dalawa. Para akong pumunta sa isang exhibition dahil sa dami ng larawan sa paligid. 

Nang makarating ako sa kusina ay napakaraming nakahain na pagkain. Puro paborito ko rin ito kainin tuwing umaga.

"Bakit dito mo ko dinala? Bakit hindi sa bahay namin?" tanong ko sa kanya.

"Asawa na kita kaya malamang dito ka titira sa bahay ko," sagot nito na may sarkastiko na tono. "Kumain ka na. Tinanong ko kay Mrs. Monterde kung ano ang gusto mo sa agahan," dugtong pa niya.

Inirapan ko na lang ito at kumain ng tahimik.

"After you eat your breakfast, follow me in the library.," sabi nito saka tumayo. "FOLLOW me, okay?" Dugtong pa nito na may diin ang salitang 'follow'.

"Follow mo mukha mo," bulong ko at inirapan ulit ito nang tumalikod sa akin.

Nang matapos ako kumain ay sumunod ako sa kanya sa library. 

"Yes?" Bungad ko nang pumasok ako sa kwarto.

"Hindi ka ba marunong kumatok? Bakit bigla ka na lang pumapasok?" tanong nito sa akin sa naiinis na tono at sinarado ng malakas ang binabasa niyang libro.

"Nagulat ba kita?" painosente na tanong ko dito kahit sa totoo lang ay nagpipigil ako ng tawa. "Sige ulitin natin." Lumabas ako ulit at kumatok muna ng tatlong beses bago pumasok.

Napaiwas agad ako ng tingin nang makitang namumula na ito sa galit at nanginginig ang mga kamay nitong nakakuyom na halatang nagpipigil ng galit sa akin.

Narinig ko rin itong marahas na nagmura at makailang buga ng hangin.

"Come in and sit down," malamig na wika nito habang hawak ang sintido niya.

Nang nakaupo na ako ay doon ko lang napansin ang hawak nitong dalawang papel.

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin doon at nagtanong, "ano iyan?"

"Contract," walang ganang sagot nito.

"Contract?" Pag-uulit ko.

"This is the contract for our marriage." Binigay sa akin nito ang hawak na papel na isa. "And this is our agreement." Inabot din niya sa akin ang isa pa. "Our marriage will be annulled after one year. Don't worry, may makukuha ka sa akin na alimony and hindi mababago ang napagkasunduan namin ni Mr. Monterde.But fo---"

"Ano ang napagkasunduan niyo ni Daddy? Iyan ba iyong papel na binigay niya at pinirmahan ninyo?" Putol ko sa mga sinasabi niya.

Tiningnan ako nito ng mataman at biglang tumalim ang titig nito.

"But for now, our agreement as a married couple will be the following. Una, we will be a sweet couple in the eyes of others. Especially to my mother. Para walang kumuwestiyon ng kasal natin. Pangalawa, we can do everything we want but no other significant person can enter our mansion. Kung gusto mo lumandi at magpagalaw kung kanino man, wala akong pakialam. Pangatlo, You will obey me. Or else, I'll punish you. And I think that's en---"

Pinutol ko ulit ang sasabihin niya, "pang-apat, you are not allowed to hurt me, and panglima, no se---" 

"P'wede bang tapusin mo muna ako sa mga sasabihin ko bago ka magsalita? Nakakabastos lang kasi. Kanina mo pa ako pinuputol," galit na saad nito na may kataasan ang tono.

Tinaasan ko lang ito ng kilay at nakipagsukatan sa titig nito. Namumula na naman ito sa galit at madilim ang aura.

"Anyway…" Humugot ito ng malalim na paghinga at marahas na bumuga ng hangin. "Hindi mo na kailangan pang pumasok sa trabaho mo. Ako na ang bahala sa lahat ng mga pangangailangan mo. Gawin mo ang lahat ng gusto mo with my money." Kinuha nito ang isang black card sa wallet niya at binigay iyun sa akin.

"Hindi ko naman kailangan iyan," tanggi ko dito.

"Rule number three, Mrs. Trinidad," nakangising sabi nito at inabot sa akin ang black card.

Inirapan ko muna ito bago tanggapin iyon saka umalis na sa library para iwan siya.

Mrs. Trinidad? 

'I want to spend my whole life with you, babe. So, Miss Jessica Monterde, if you don't mind, be my Mrs. Ortega.'

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga pumapasok sa isip ko. Ayaw ko munang maalala ang lalaking iyon.

Ipinasya kong pumunta ng kusina para uminom ng tubig nang madaanan ko ulit ang malaking litrato sa malaking salas.

Tiningnan ko ang imahe ng babaeng may magandang ngiti na kasama ni Isaac. Sweet na sweet silang magkayakap sa litrato. Bagay na bagay din sila at parang isang perfect couple.

Hmm… magada at elegante. May taste din naman pala ang lalaking iyun.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status