Share

KABANATA II: The Wedding

Marahan at mabigat ang loob ko habang lumalakad papasok ng simbahan. Panay rin ang lingon ko sa likod. Umaasang darating siya bago pa ko makarating sa dulo.

"Ma'am dito ka lang po kayo sa harap tumingin. Naka-video po kayo for documentations," tawag pansin sa akin ng lalaki na may hawak na video camera.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang magkagulo sa loob at napuno ng bulungan ang simbahan.

"Oh my god! Who's that girl?"

"Bakit ibang babae iyan? Nasaan si Aliyah?"

"Hala! Sino iyan? Nasaan ang pinsan ko?"

Mga ilan sa mga salitang narinig ko habang marahang naglalakad.

Tama ba ito? Frank, nasaan ka na? Ang sabi mo itatakas mo ko?

Tumigil ako saglit at lumingon ulit sa malaking pintuan ng simbahan.

Hindi. Hindi tama ito. Ayaw kong makasal sa lalaking hindi ko mahal. Si Frank lang. Si Frank lang ang pakakasalan ko.

Tumingin ako sa unahan. Nakita ko doon si Isaac na nakasuot ng three piece suit na white and gold. Walang emosyon ang mukha niya at nakatingin lang sa akin ng blangko.

Pumihit ako patalikod at lalakad na sana palabas ng simbahan nang pumasok ang mga magulang ko.

Lumingon si daddy sa likod at may sinenyasan. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may mga pumasok na mga armadong lalaki. 

Sino na naman yung mga lalaking iyan? Bakit ba may mga tauhan sila Daddy na puro armado?

Nabalot naman ng takot at sigawan ang lahat ng tao sa loob. Lalo na nung palibutan sila ng mga armadong lalaki at tinutukan ng baril.

"What's the meaning of this? Isaac Trinidad, what is this? And who's that bride? Where's my daughter?" pagalit na tanong kay Isaac ng lalaking tumayo na parang nasa edad singkwenta na.

Nagsarado rin ng malakas ang malaking pintuan ng simbahan saka lumapit sa akin ang mga magulang ko. Lalong nagkagulo sa loob. Napuno rin ng tilian at hiyawan.

"Mom, dad, sino iyang mga kasama niyo?" tanong ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin at bparang mga walang narinig.

"Itali niyo sa gilid ang pamilya ng napalitan na bride," utos nito sa mga lalaki.

"Huwag!" sigaw ng groom. 

Doon ko lang nakita na biglang nagkaroon ng emosyon ang mukha nito. Kita sa mga mata nito ang takot nang magsimulang hatakin ng mga armadong lalaki ang mga pamilya ng nasabing bride.

Nakita ko pang ngumisi na parang isang demonyo si Daddy bago niya hawakan ang braso ko saka iginiya sa harap ng altar. Wala akong ibang magawa kung'di ang sumunod lalo na nang tingnan niya ako ng masama.

Tiningnan ko naman si Mommy upang humingi ng tulong ngunit malawak ang ngiti nito sa mukha saka nagwika, "sumunod ka na lang sa ama mo."

Ilang hakbang na lang, nasa harap na kami ng altar. 

Isang lingon pa ulit ang ginawa ko sa likod ngunit  nananatiling kalmado ang pintuan. Kahit boses niya ay hindi ko marinig doon.

Frank, nasaan ka na ba? Dapat nandito ka na kanina pa.

Nabalik sa unahan ang atensyon ko nang pisilin ni Daddy ang braso ko.

Nandito na pala kami sa harap ng groom. Tiningnan ko ito at napayuko ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin, siguro kanina pa ako bumulagta sa kinatatayuan ko.

"Dad, I do---"

"Kunin mo na ang kamay ng anak ko at panindigan ang ginawa mo sa kanya," putol ni Daddy sa mga sasabihin ko.

Lumingon ako kay Mommy ngunit hinila na ako ng groom. 

Halos madapa ako sa paraan nito ng paghila sa akin. Nalukot din ang mukha ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Parang gusto na niya itong baliin.

"Mula sa araw na ito, kayo ay kasal na. Maari mo na siyang halikan, hijo. Congratulations, Mr. and Mrs. Trinidad." Napanganga ako sa sinabi ng pari. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ito. Halatang pilit ang kanyang ngiti at nanginginig ang mga kamay nito. Pinagpapawisan rin ng tagaktak ang noo niya.

Pagkaalis ng pari ay saka ko lamang nakita ang isang lalaki sa likod nito at may hawak itong kalibre 45 na baril. Nakatutok yun sa tagiliran ng matanda. Hinatid ito ng lalaki hanggang sa loob nang umalis ito sa harap namin.

Nangilid ang mga luha ko lalo na ng iharap ako ng groom sa kanya at tinaas ang suot kong belo. Mabilis niya akong ginawaran ng halik at pinunasan agad ang labi niya na parang sobrang nandidiri. Halos magsingkit ang mga bilugang mata nito habang nakatingin sa akin ng masama.

"Let's proceed to the reception," sabi ng Daddy ko saka lumabas ng simbahan.

Pagdating namin sa reception ay nagulat ako nang makita ko doon ang angkan namin.

Pinagawa sa amin ng mga host ang traditional na ginagawa ng isang bagong kasal hanggang sa pinatayo kami ng mga ito para magkaroon ng sweet dance.

Pumailanlang ang tugtog at hinila ako ni Isaac sa gitna ng reception hall sa isang 5 star hotel.

Nilagay nito ang isang kamay ko sa leeg niya at ang isa naman ay hawak niya. Ang isang kamay naman niya ay nasa tagiliran ko.

Nagsimula kami na sumayaw. Nabalot naman ng hiyawan at kantiyawan ang paligid. Kita ko ang sobrang kasiyahan sa angkan namin. 

Kung alam lang nila ang totoo… 

Tumingin ako sa paligid at may nakita akong pamilyar na pigura ng lalaki sa kalayuan. Napangiti ako ng malapad.

Alam kong darating ka, Frank. 

"Ang ganda naman ng ngiti mo." Natigilan ako nang biglang bumulong si Isaac. "Huwag ka masyadong magpakapanatag. Wala lang ako magawa ngayon dahil hawak ng pamilya mo ang buhay ng nanay ko sa ibang bansa. Pero ito ang tandaan mo. Pagsisisihan mo ang araw na ito dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo," madiin at puno ng galit na dagdag pa nito.

Napalunok ako sa sinabi niya at pilit na nginitian ang mga taong naroon na kinukuhanan kami ng litrato. Ramdam ko rin ang pamamasa ng mga mata ko at ang milyun-milyong karayom na parang tumutusok sa puso ko. Magsasalita na sana ako nang matapos ang sayaw namin at bumalik sa table.

Tumingin ulit ako sa kinatatayuan kanina ng pamilyar na lalaki ngunit wala na ito doon. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na makita ito.

Marahas na napabuga ako ng hangin at nanlulumong napayuko.

Nasaan ka na iyon? Hindi ako maaaring magkamali. Siya yung nakita ko sa kalayuan. Si Frank iyon. Alam na alam ko ang wangis niya. Nasaan na ba siya? Bakit hindi niya pa ako itakas? Sa kanya dapat ako ikinasal at hindi sa lalaking ito. Kami dapat ang magsasama. Sabi niya darating siya at magpapakalayu-layo kami. Pero bakit bigla siyang nawala? O hindi talaga siya dumating at namamalikmata lang ako?

Unti-unting tumulo ang mga luha ko lalo na nang maalala ko ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status