Share

KABANATA V: The Pranks

"Shit! Ano ang ginagawa mo dito?" singhal ko nang pag-taas ko ng tingin mula sa pagtutuyo ng buhok ay prenteng nakaupo si Isaac sa kama ko. Nakatitig din ito sa kabuuan ko. 

Mabilis kong tinakpan ng maikling tuwalya ang katawan ko nang hagudin niya ako ng malagkit na tingin mula ulo hanggang paa at tumaas ulit iyon sa may dibdib ko. Kalahati lang natatakpan ng tuwalya kaya nakaluwa doon ang maputing cleavage ko.

Hindi ko rin maiwasan na mapalunok ng laway at natataranta na mapaatras nang tumayo ito saka humakbang palapit sa akin.

"I-isaac… diyan ka lang," nauutal at natataranta na saad ko. 

"What? You're my wife, anyway." Pinagpatuloy pa rin nito ang paglakad palapit sa akin.

"A-ano ba kailangan mo? Bakit nandito ka?" natataranta na tanong ko nang mapasandal ako sa pintuan ng banyo.

Sh*t! Bakit kasi sinara ko ang pinto?

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang hindi ito magsalita at patuloy lang ito sa paghakbang.

Nang ilang pulgada na lang ang layo niya, marahan itong yumukod ng kaunti at itinaas ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko para kulungin ako sa mga braso niya. 

"I-isaac…" nanghihina na sambit ko.

Napasinghap ako nang unti-unting ibaba niya ang mukha palapit sa akin. Lumakas din lalo ang kabog ng dibdib ko at parang may kuryente na dumaloy nang hawakan ng isang kamay niya ang mukha ko. Ang isa naman hinapit ako sa beywang. Napigil ko ang paghinga at mariing napapikit nang isang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

Sh*t, sh*t, sh*t! What to do?

"It's a prank," anas niya sa punong tainga ko.

Napadilat ako nang tumawa ito ng malakas at nagwika, "Do you think, pinagnanasaan ko ang tulad mo?" Ngumisi ito ng may pang-uuyam. Natigilan at napanganga naman ako sa sinabi nito.

Lumakad ito palabas habang tumatawa pa rin ng malakas habang umiiling.

Wala sa sariling napaupo ako sa sahig. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa hiya at inis.

Kung akala mo palalampasin ko ito, p'wes nagkakamali ka! Ika nga nila, lintik lang walang ganti.

Agad akong tumayo at nagbihis.

Lumitaw ang nakakalokong ngiti sa mukha ko nang makita ang binigay ni Isaac na black card sa akin. Wala sa sariling napangisi at napa-sway ako sa saya dahil sa naiisip kong kalokohan.

Hmm… You'll pay for what you've done earlier, Isaac.

Humuhuni na lumabas ako ng malaking mansion habang pinapaikot sa daliri ko ang susi ng kotse ko nang harangin ako nung isang naka-black suit na lalaki sa bungad ng parking lot. Kung saan may limang mga mamahaling sasakyan. Pang anim iyung akin. 

"Anong meron? Bakit hinaharang mo ko?" walang ganang tanong ko.

"Miss Jessica, ang utos po ni Mister Isaac ay bantayan po namin kayo kung lalabas po kayo ng mansion." Nakayuko ito at tuwid ang tindig. "Sa lahat ng lakad niyo po ay kasama niyo kami," sabi nito at itinuro iyung dalawa pang tao sa may gilid niya. Isang nakasuot na pang-driver at iyung isa naman ay katulong. Sa likod nila ay mayroong itim na Montero. "Kami po ang magsisilbing personal maid, driver at bodyguard niyo," dagdag pa nito.

"Pero hindi ko kayo kailangan," sambit ko at lalakad sana palayo pero humarang yung lalaki na naka-black suit.

"Pasensya na, Miss. Pero hindi po kayo maaaring lumabas ng mansion na ito kung hindi nyo kami kasama," matigas at may awtoridad na wika nito.

Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Malapad ang katawan nito at matikas din ang tindig. Matigas ang hulma ng mukha rin nito dahil sa cheekbone niya at panga.

Mukhang hindi naman ako mananalo kaya sumunod na lang ako sa kanila at nagpunta sa Rose Hills Mall. Gamit ang black card ay umorder ako ng maraming pagkain, damit at mga laruan para sa mga bata ng Angels Of Love Orphanage. Binilhan ko rin ng damit iyung bodyguard ko saka iyong personal maid at driver ko. Bumili rin ako ng kung anu-anong branded clothes, shoes and bags pati na rin mga alahas. Hindi ko na tiningnan at inalala pa ang mga presyo dahil ito ang ganti ko kay Isaac.

Nakangiti at magana ang pagkain ko sa isang sikat na Italian restaurant sa mall kasama iyung tatlo nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko dito, unregistered number ang tumatawag pero sinagot ko pa rin ito.

"What the fuck are you doing?" Agad na singhal nung nasa kabilang linya bago pa ko makapagsalita. Natawa ako sa pamilyar na boses nito. "What's so funny, Jessica? I'm fucking serious. Two million within an hour? Really?" dagdag pa nito na halatang naaasar.

Pinigil ko ang tawa at tumikhim saka nagsalita, "Who's this?"

"It's Isaac. Where the hell are you?" sagot na tanong nito na halatang umuusok na ang ilong kahit hindi ko nakikita.

Natatawa na binigay ko ang cellphone ko sa bodyguard. Nung una ay ayaw pa nitong tanggapin ang aparato pero kinuha pa rin naman niya kalaunan.

Nang maubos namin ang pagkain ay lumabas na kami sa restaurant at uuwi na sana nang biglang may mga humarang na apat na naka-black suit sa harap ko.

Lumapit sa akin ang personal bodyguard ko na nagpakilalang si Joaquin. Kunot ang noo na tumingin ako dito at inaantay na magsalita.

"Miss Jessica, may urgent po tayong pupuntahan. Sumama na lang po kayo." Hindi ko na nagawang makapagsalita nang bigla akong hinawakan nung dalawang naka-black suit sa magkabilang braso ko at iginiya sa elevator para bumaba sa parking lot. Maingat pero mabilis nila akong isinakay sa itim na kotse.

"Miss Jessica, nakasunod po kami sa inyo," sabi ni Joaquin bago isarado ang pinto ng sasakyan. Napanatag naman ako sa sinabi nito at umandar na ang sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas, huminto ang sasakyan namin sa isang kilala at sikat na boutique sa Rose Hills. The Beauty Queen's Place.

Pagpasok namin sa entrance ay sinalubong ako ng mga stuff na mga nakapila sa gilid.

"Welcome, Misis Trinidad." Nakayukong bati ng mga ito sa akin. Pero hindi ko maiwasang magkunot ng noo nang makita ko ang apat na babae sa may gitna. Mga nakangisi ito at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa ng may pang-uuyam na tingin.

Tumaas ang kilay ko sa isa sa mga babae na parang nagsisilbing leader nila. Matalim ang titig nito sa akin at parang gusto akong kainin. Nakaismid din ito.

Aba! M*****a to…

"Hmm… so, ikaw pala ang babaeng trending ngayon dito sa lugar namin. The stranger bride. Well, you're beautiful but Aliyah is much better than you," tahasang sabi nito sa akin. Napanganga ako sa pagiging prangka at pagkukumpara nito sa akin sa ex fiancée ni Isaac. 

"Excuse me? Ang pangit ng bunganga mo," nasabi ko na lang habang magkasalubong ang mga kilay.

"Sabihin mo, ano ginawa mo para mapikot ang isa sa mga bilyonaryo dito sa Rose Hills?" tanong pa nito na nakapamewang habang lumalapit sa akin. Nagbubulungan naman ang iba. Pero natigil din bigla nang tumikhim si Joaquin.

Bilyonaryo? Si Isaac? Teka! Ano pinagsasabi nitong mapikot? Hindi ko naman pinikot ang lalaking iyon.

Ramdam ko ang pag-iinit ng bunbunan ko at pagtaas ng dugo sa ulo ko. Alam kong namumula rin ako ngayon sa galit dahil napangisi ang babae at nagtatawanan naman ang tatlo. 

Magsasalita pa sana ako nang lumapit sa akin yung babae kasama ang tatlong alipores niya na mga mukhang mangkukulam sa kapal ng make-up. 

Hinila ako ng apat paupo sa isa sa mga foldable chair sa harap ng vanity na may mga ilaw sa paligid ng salamin.

"Magpakabait ka kung ayaw mong sunugin ko buhok mo," sabi nung babaeng may masamang tabas na dila.

Sinamaan ko ito ng tingin pero ngumiti lang ito ng nakakaloko at kumuha ng gamit mula sa itim na drawer.

Iyung dalawa naman na may dalang nail polish bag ay pumuwesto sa magkabilang gilid ko. Ang isa ay sa kamay ko habang ang isa ay sa paa ko.

Iyung isa naman ay lumapit sa harap ko at inumpisahan ang paglalagay ng kolorete sa mukha ko.

Ano bang meron? Bakit may nalalaman pa na ganito si Isaac? Dahil ba ito sa paggastos ko ng walang pakundangan?

Makalipas ang ilang oras na pag-aayos ay hinila naman nila ako sa dressing room na naroon. Pinasuot nila sa akin ang isang itim na fitted mermaid evening dress na may mahabang slit sa gilid kaya kitang-kita doon ang makinis saka mapuputi kong hita at binti. V-line off shoulder din ito kaya kita rin ang cleavage at balikat ko. 

Paglabas ko sa fitting room ay napanganga ako sa gulat at parang binuhusan ng malamig sa nagsalita.

"You always take my breath away, Jessica."

Inara Syndrome

Pasensya na po kung sobrang tagal mag-update. Sumama lanf pakiramdam. Sana ay nagustuhan niyo ang pagbabasa ng aking nobela. Lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagbibigay ng atensyon at pagsubaybay sa kwentong ito. Salamat din kung idinagdag mo ang libro ko sa iyong library at nagbigay ng boto/gems.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status