Share

Billionaire's Bride: The Stranger
Billionaire's Bride: The Stranger
Author: Inara Syndrome

KABANATA I: The Arrangement

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napahawak rin ako sa ulo ko nang sumigid ang sakit doon pero isang malakas na tili ang pinakawalan ko nang makitang may nakadagan sa akin na lalaki at pareho rin kaming walang saplot.

Malakas na tinadyakan ko ito paalis sa ibabaw ko at mabilis na tinakpan ang dibdib ko. Narinig ko pa itong nagmura at umaray sa sakit  nang tumama ng malakas ang ulo niya sa kanto ng center table.

Luminga ako sa paligid at mabilis na kinuha ang tuwalya sa lapag para matakpan ang h***d kong katawan mula sa lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Anong ginawa mo sa akin?" isterikong tanong ko at pumalahaw ng iyak pero agad din akong natigilan at mahinang napamura nang biglang umagos sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Wala sa sariling napasabunot ako sa ulo ko.

Oh my! Ano ba itong nangyayari sa akin?

"L-let me explain, Jessica. S-sa pagkakatanda ko, nag-iinuman lang tayo kagabi. H-hindi ko maalala ang iba pang mga nangyari," natataranta na sabi ng lalaking nagpakilala kagabi sa pangalang Isaac. "Look. Based on our situation right now…" Tiningnan nito ang sarili at saka bumaling sa akin kaya naman mas niyakap ko pa ang sarili. "It was a mistake, okay? Ikakasal na ako bukas at ikaw naman ay engaged na sa lalaking mahal mo." Nakatingin ito sa kamay ko na may engagement ring. "Can we forget what happened last night? Would you?" sabi pa nito at lumuhod sa harap ko. Nagsusumamo ang mukha nito at nagmamakaawa ang mga matang nakatingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin nang bumaba ang mga mata ko, ang pribadong ari niya ang nakita ko. Napansin naman niya iyon at agad na tinakpan ang alaga niya ng kamay saka nagwika, "sh**! Sorry." Kinuha nito ang throw pillow na malapit sa amin at nilagay iyun sa kandungan niya. "Walang ibang p'wedeng makaalam nito. Kalimutan na lang natin ang isang gabing pagkakamali. Please?" dugtong pa nito at nagsusumamo ang mga mata na tumingin ulit sa 'kin. Hinawakan din nito ang dalawang kamay ko.

Kalimutan ang isang gabing pagkakamali? Tama! Hindi dapat malaman ni Frank ito o ng pamilya namin.

Sasagot na sana ako nang…

"No!" May nagsalita mula sa pintuan ng cabin.

"Dad…" Nanlalaki ang mga mata at nanghihina na saad ko.

"Pakakasalan mo ang anak ko o…" Nilabas nito mula sa likod niya ang isang Beretta M9 pistol at ikinasa iyon saka tinutok sa ulo ni Isaac. "Pasasabugin ko iyang bungo mo," may awtoridad na sabi pa nito.

"Dad!" sigaw ko at lumapit sa kanya. "It was a mistake, okay. Don't shoot him!" sabi ko pa. "Iniligtas niya ko sa pagkakalunod kagabi," dagdag ko pa pero hindi nito pinansin ang mga sinabi ko.

"You touched my daughter, Mr. Trinidad. I was about to give up on our deals at sa mga Ortega na lang ituloy ang pakikipagnegosasyon but I guess, it was the start of our partnership," nakangiting sabi ni Daddy. Hindi ko maiwasan na mapanganga sa gulat sa mga narinig ko.

Naguguluhan na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaki na nasa harap ko.

Ano'ng nangyayari? Magkakilala sila? At ano ang negosasyon ba ang tinutukoy ni Daddy? Bakit kasali rin ang mga Ortega?

"Kung alam ko lang na anak mo ang babaeng iyan na nalulunod kagabi sa dagat, hindi ko na sana siya iniligtas!" madiing sabi nito na halatang nagpipigil ng galit. Nakatiim bagang din ito saka tumingin sa akin ng matalim. "O baka naman sinadya mo iyon para makalapit sa akin? Oo nga naman, saktong nag-iinom ako. Uminom tayo hanggang sa malasing. Ni-set up niyo ko!" galit na sigaw pa nito.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Hindi ko nga alam na magkakilala kayo ng Daddy ko. Saka totoong nalulunod ako kagabi at hindi ko iyun gawa-gawa lang!" ganting sigaw ko. Ramdam ko ang mabilis na pagpatak ng mga luha ko sa pisngi at lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ni-hindi ko nga alam kung ano pinag-uusapan nila tapos pagbibintangan niya akong ni-set up namin siya.

"Ang dami nyo namang dada!" sigaw ni Daddy sa naiinis na tono. Hindi ko maiwasang magulat sa ginawi nito dahil hindi ko naman nakasanayan na sumisigaw ito kapag naiirita at lumaki akong kalmado lang ito palagi saka cool na tatay. Ngunit ngayon ay naninibago ako sa ginagawa nito. Ang ipinagtataka ko pa ay kung anong negosyo ang tinutukoy niya kanina kay Isaac at bakit may baril itong dala.

"Oh my darling, I'm so worried for you." Napalingon ako sa nagsalita. Si Mom. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Here's your clothes and get dressed now. May pag-uusapan lang ang Daddy mo at ang soon-to-be groom mo," malunanay na sabi ni mom at itinulak ako ng bahagya papunta sa may banyo.

Bago ko isarado ang pinto ay nanlaki ang mga mata ko nang may mga pumasok na limang lalaki na pare-parehong malalaki ang mga katawan. Mga naka-all black din ang mga ito at ang isa ay may inilapag na itim na attache case sa center table. Ang apat na lalaki naman ay itinayo si Isaac at marahas na inupo sa mahabang couch.

May inilabas na papel at ballpen ang isang lalaki mula sa attache case at nilagay iyun sa harap ni Daddy. Nang makapirma naman ang ama ko ay inilagay yun sa harap ni Isaac.

Ano iyong papel na iyon? Contract ba iyun? At bakit may mga lalaking kasama sila Daddy? Sino ang mga iyon? Ano bang business ang tinutukoy nila? Bakit kailangan kong madamay? Pati na rin ang mga Ortega?

Sinarado ko na ang pinto at isinuot ang ibinigay na damit ni Mommy. Nangunot naman ang noo ko nang makita na puting fitted na lace dress ito. Long sleeve at hanggang tuhod ang haba. Meron ding stiletto na puti at may mga makintab na beads.

Lumabas ako ng banyo. Tiningnan ko si Isaac ngunit wala itong expression pero maitim ang aura nito. Nakasuot na rin ito ng damit.

"You look so beautiful, darling." Lumapit sa akin si Mom. "But let me enhance your beauty." Hinila ako nito sa kwarto ng cabin at nilabas sa handbag niya ang makeup pouch niya.

Nang matapos ako nitong lagyan ng kolorete sa mukha ay sunod naman nitong inayos ang wavy kong buhok na blonde.

"Mom…"

"I know, naguguluhan ka. It's for our business. Nag-iisang anak ka lang namin. Para rin naman sa iyo ang ginagawa ng Daddy mo." Putol nito sa mga sasabihin ko.

"But Mom! Hindi ko siya mahal Saka enggage na ako kay Frank." Tinaas ko ang kaliwang kamay ko para maipakita dito ang engagement ring. "Isa pa, anong negosyo ba ang tinutukoy ni Daddy? Bakit kailangan pang ikasal kaming dalawa ni Isaac?" tanong ko pa dito.

"Like what I've said earlier. It was for our business. Huwag ka nang magtanong pa ng kung anu-ano," naiinis na sagot nito at pinaikot pa ang mga mata.

Kumunót ang noo ko sa paraan ng pagsasalita nito sa akin. Malamig ang tono nito at mataray. Bagay na hindi ko rin nakasanayan.

"Mom, sino yung mga lalaking kasama niyo ni Dad? Saka saan ba galing ang pistol na hawak niya kanina?" tanong ko pa. Pero hindi na ito sumagot.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto nang may kumatok doon at iniluwa n'on si Daddy.

"Okay na ba kayo? Let's go," sabi nito at tiningnan ako. "You look so beautiful, darling," dagdag nito saka ngumiti.

"Dad, ayokong magpakasal sa kanya. Eng---"

"Magpapakasal ka sa kanya. He touched your precious body. Panindigan niya." Putol niya sa mga sasabihin ko saka lumabas na.

Tiningnan ko si Mommy ngunit hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Lumabas na rin ito kaya sumunod ako.

Umalis na kami sa yacht ni Isaac pero bago kami sumakay sa yate ni Daddy ay may sinabi ito sa lalaki. "Huwag mong tangkaing hindi tumupad sa usapan, kung 'di ang nanay mo ang magbabayad."

Nang makarating kami sa pampang, nakita ko si Frank na nag-aantay sa akin habang nakasandal sa pintuan ng kotse niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito nang makita ako. Namumula rin ang mga mata nito na parang galing sa pag-iyak.

"Babe…" nanghihina na saad ko. Ramdam ko ang mga nag-uunahan na luha sa mga mata ko nang magtama ang mga mata namin. Tumakbo ako palapit sa kanya saka yumakap.

"Babe, thank God that you are alive. Umamin sa akin si Farrah sa ginawa niya sa 'yo. And I swear, ginawa ko ang lahat para mahanap ka," sabi nito at hinawakan ang mukha ko.

Pinagdikit nito ang noo namin at h******n ako sa labi. Lalo akong naiyak nang maalala na may ginawa akong malaking kasalanan dito kagabi.

"Babe, I'm sorry! I'm really sorry," paulit-ulit na sabi ko habang humahagulgol ng iyak.

"Sshh!" Pinunasan nito ang mga luha ko. "I know," dagdag nito at may mga tumulo rin na luha sa mga mata niya. Napanganga ako sa gulat sa sinabi nito. 

"What?" naguguluhan na tanong ko.

"Tama na iyan. Halika na, Jessica." Hinila ako ni Daddy palayo kaya hindi nagawang ituloy ni Frank ang mga sasabihin.

"Mr. Monterde w*---"

"Nag-usap na tayo! Lalayuan mo ang anak ko o hindi?" galit na sigaw ni Daddy at tinutukan ng baril si Frank. 

"Dad, no. Please!" Humarap ako sa baril para takpan si Frank. "Please!" Nakapikit na pakiusap ko sa kanya nang di pa rin nito tumitinag. Makalipas ang ilang minuto, binaba naman nito ang baril at marahas na napabuga ng hangin.

Humarap ako kay Frank habang umiiyak. "Umuwi ka na, Frank," sabi ko pero niyakap ako nito.

"Antayin mo ko bukas, tatakas tayo sa kanila," bulong nito. Agad naman akong tumango sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Jessica!" sigaw ni Daddy at sumilip pa sa bintana ng kotse. Masama na ang tingin niya sa akin kaya napilitan akong pumunta ng kotse.

Nilingon ko muna si Frank at pilit na ngumiti ako dito bago sumakay ng sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status