"Zoe," tawag ni kuya sa akin nang magkita kami sa may company building. "Let's talk over lunch later. May sasabihin ako sa iyo."
Dumiretso agad ako sa opisina ko. Ibinaba ko ang dalang handbag sa may ibabae ng cabinet na malapit sa mesa ko at binuksan ang laptop. Financial statements and other reports are already sent to me. Kailangan ko ng i-check ang lahat ng iyon."Get me a cup of coffee, please," I said to my secretary via intercom.Sanay naman akong magpuyat pero iba yata ang pagod ko ngayon, parang pasan ko ang mundo sa dami ng inisip ko kagabi.Five years...Limang taon na ang dumaan mula nang huli kong makita si Jeremy. Sure we're in the same field. Sure, I am still updated with him. Paanong hindi, eh, halos buwan-buwan na iba't ibang magazine brand ang nagco-cover ng buhay niya.But it has been five years. Hindi ko alam na sa isang balita na iyon ay nagising ang mga damdaming pilit ko ng ibinabaon sa limot. The anger, the pain, the betrayal...Hindi ko alam ang gagawin ko, kung ano'ng plano ang dapat kong gawin at sundin, o kung dapat ba na may gawin ako o hayaan na lang lahat?"I want you to assign you for the new hotel we are building in the Philippines."Napanganga ako sa tinuran ni Kuya. Nasa opisina niya ako ngayon, nakaupo sa visitor's chair niya. His office is a bit larger than mine, more simple, but more intimidating."W-what?"Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ayos lang sa akin ang kahit na anong bansa sa Asya, 'wag lang ang Pilipinas. Five years... and in those five years, ni hindi ko ginustong umuwi ng pilipinas."It's a hotel and resorts business, Zoe, medyo malaking project iyon. Mag-o-open din tayo ng restaurant at cafe sa mismong lugar. Sa initial planning ay balak din na magtayo ng tennis center at iba pang sports activities. I can't just assign this to any staff."Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip. Is this even real?I gulped as I tried to compose myself. "Okay. Can you tell me what's the status of this project as of the moment?"Tumango siya at may pinindot sa laptop niya bago iniharap sa akin."The land and the area where each buildings will be built are already fixed. Makikita mo iyan dito." Itinuro niya isa-isa ang mga iyon sa tila mapang ipinakita niya. "May initial plan na pero...""Pero?"Huminga siya nang malalim. "I want you to get the Grays for this project. You're familiar with them, right?"Alam niya ang tungkol sa ex ko. Alam niya ang dahilan kaya ako nandito sa New York ngayon at wala sa pilipinas. Pero hindi alam ni kuya na ang taong dahilan ng lahat ng sakit na dinanas ko ay ang tanong namamalakad ng kumpanyang gusto niyang kunin para sa proyektong ito."Hmm." Tumango ako at ngumiti ng labag sa loob.Ayaw ko ng malaman niya pa kung sino ang ex ko. My parents knew who it was. Pero hindi na para sabihin pa kay kuya. The moment I left the Philippines, I don't want any connection with him anymore."Kung ganoon pamilyar ka rin na sila ang number one sa field ng engineering at architecture? They are now entering the field of furniture-making, at mas maganda sana kung tayo ang una nilang magiging partner sa furniture business nila. That would benefit both of us."Nakukuha ko na ang punto niya."You want me to offer partnership with them?""Bakit hindi?" Nagkibit siya ng balikat. "Katulad ng sabi ko, the Grays are best in this field. Isa pa, pangalan pa lang nila, malaking tulong na sa advertisement ng hotel and resorts na gagawin natin."Nalukot lalo ang mukha ko. I can't take it all in. This is just... too much.I'm going to go back to the Philippines and offer my ex-fiance a partnership. Wow? Just wow. Pagkatapos ng ilang taon kong hindi bumabalik doon para lang hindi siya makita ay ganito rin pala ang kahahantungan ng lahat.Hindi ko binigyan ng konkretong sagot ang kapatid ko at nanghihinang bumalik sa opisina. First is the idea of Ryla which is ask him for marriage. The now, partnership?Alam ko kailangan kong madaliin ang desisyon dahil kapag naikasal na siya sa iba ay mahihirapan na kami sa partnership na gusto namin."Sinabi sa akin ni Ry lahat."I sighed. Sumandal ako sa couch ng condo Ryla. Balak nila mag-clubbing kanina pero wala ako sa mood na makarinig ng malalakas na music at hindi ko rin trip makakita ng maraming tao ngayon.It's been a week since we last discussed about the Grays."Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?" tanong ko habang nilalaro ang hawak na wine glass.Lander heaved a sigh, looking like he's torn, too."Alam ko na mahihirapan ka, Zoe. Hindi ko rin alam kung tama ba na ayain mo siya ng kasal. May feelings ka pa ba sa taong iyon?""Duh. Wala na, ano!"Sakto namang pumasok si Ry sa sala galing sa kusina, dala-dala ang pizza na pinainit niya."Kung naka-move na kayong dalawa at pareho namang single, bakit hindi? You can just marry each other in paper and still live in different roofs," ani Ryla at umupo sa tabi ko."Ha?" Nagsalubong ang kilay ni Lander. "That also means that they are already tied together. Paano kung may ibang gustong pakasalan si Zoe? This is not a great idea, Zoe."Ryla scrunched her nose, a bit annoyed. "Single pa naman siya ngayon. And if ever she meets a man somewhere in the future, uso naman na ang divorce ngayon. Ang mahalaga ay magkaroon sila ng koneksyon.""That's not a great idea," pagpilit ni Lander.Of course. Alam ko na sa side ko siya dahil alam niya at nakita niya lahat ng nangyari noon.Lander is my ex-boyfriend and one od my closest friends up to now. Hindi naman kami nagkaroon ng isyu sa isa't isa. Hindi lang talaga nag-work."Lander, alam kong concern ka sa pinsan ko. And Zoe, of course, I'm also worried about you. Pero hindi naman ganoon kasama ang ideya. Marriage for convenience. Hindi naman ba tayo nakatira sa sinaunang panahon na kailangan sa isang bahay kayo nakatira."Pinag-uusapan na nila ang posibleng set-up pagkatapos ng kasal. Eh, ni hindi ko nga alam kung papayag iyon.Umiling-iling si Lander. Kitang-kita na hindi niya talaga gusto ang sinasabi ni Ryla. Ako naman ay nanatiling neutral sa dalawa. After all, kahit naman subukan ko ang sinasabi ni Ry ay medyo sure na rin ako na hindi papayag si Jeremy. Why would he? Well, unless it's all about the money and power."Ano naman ang mapapala sa kasal na iyon, kung sakali? Wala!" giit ni Lander. "P'wede namang i-push through na lang yung partnership na walang kasal na magaganap.""My gosh! Do you even understand, Lander? Jeremy Lucas Gray is one of the richest bachelor. At kung magpapakasal pa ito sa isang babae na bilyon-bilyon din ang ari-arian, they will definitely own everyone of us. Well, hindi literal. Pero nage-gets mo ba ang punto? The power will be vested upon them. Kung sino ang kakampi sa kanila ay iyon ang mananalo. Everyone will beg for their mercy. At isa tayo sa magiging apektado kung sakali."My God. This is too much information.Tumayo ako at kinuha na ang bag ko. Nahihilo pa rin ako pero kaya ko pa namang mag-drive pauwi."Saan ka pupunta?" sabay nilang tanong sa akin.I shrugged. "I want to think alone, okay?""Ihahatid na kita," sabay ulit nilang sabi. Nagkatinginan sila at nagsamaan ng tingin."Nevermind. Hindi naman ako lasing. Kaya kong umuwi mag-isa."Dire-diretso akong lumabas ng condo ni Ryla. At nang pasakay na ako sa elevator ay may nagharang ng kamay niya sa may pinto. It's no other than Lander."Lander--""Kung gusto mong mag-isip mag-isa, gawin mo iyon sa bahay niyo. But I can't just let your drive alone when you drunk."I rolled my eyes. "Hindi nga ako lasing.""Even just a tiny drop of alcohol, I won't allow you to drive."Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Wala namang sense na makikipagtalo pa ako sa kanya gayong nandito na rin siya.Sasakyan ko ang ginamit namin, magco-commute na lang daw siya pabalik."Zoe," I looked at him. "Do you still love him?"Love? Can you just love and unlove people?"Huwag na nating pag-usapan ito, Lander.""Are you willing to marry him, then?"Am I?Kung tungkol lang sa business, talaga bang iaalay ko ang kalayaan ko para lang doon?Partnership. Business deal. Iyon ang kailangan kong makuha sa kanya. I should get him sign the papers before he can even find a wife!Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize. I think I've got the plan."Lander.""No," he uttered like he knows what I'm thinking already. "Zoe--""I'm going back to Manila.""So, you're planning to have an outdoor bar area that is a bit different from the usual bar themes?"Napairap ako nang ulitin ni Jeremy ang sinabi ko. Nakatayo ako at nagpe-present sa harap ng team tungkol sa bago kong plano na gustong idagdag para sa hotel and resorts."Inulit mo lang ang sinabi ko, Mr. Gray," napipikon na sabi ko at muling hinarap ang ibang mga tao roon na tila nagulat sa pabalang kong sagot sa boss nila. "So, as I was saying..."Seryoso ako buong durasyon ng meeting. Wala ako sa mood makipagbangayan o asaran pa sa iba. Mabuti na lang at seryoso din naman ang mga engineers, architects, at designers na ka-meeting namin today. Parang walang gustong mag-aksaya ng oras dahil abala sila lahat."Meeting adjourned." Kinuha ko na ang mga gamit ko at umambang lalabas nang magsalita siyang muli. "Except you, Miss Morgan."Napairap ako sa ere. Bwisit!Makahulugang tingin ang pinukol sa akin ng mga kasama namin bago sila tuluyang lumabas ng conference room. Ako naman ay padabog
I'm in a good mood the next morning. May mga designs na akong naaprubahan at ngayon ay magkakaroon ng meeting for the final furnishing of details. Wearing a classy pink corporate attire, my hair is in tucked in a high ponytail, jewelries on point, I felt so good."Good morning!" bati ko kay Gina nang makarating ako sa desk namin. "Binilhan kita ng food. Nag-breakfast ka na?""Ayun, sakto, nagugutom na ako," aniya at nahihiyang humalakhak pagkatapos. "Maganda yata umaga mo, Zoe?"Nagkibit ako nang balikat. Hindi ko rin alam eksakto kung bakit pero pakiramdam ko isa sa dahilan ay si Sarah. Kagabi na-realize ko kung gaano naging okay ang lahat. Nagkasakitan kami ni Jeremy, naghiwalay, pero iyon yung point ng buhay namin na talagang nagpaganda ng buhay ng bawat isa.We both became successful. Siguro hindi talaga maganda yung relationship namin noon para sa isa't isa.At ngayon na-realize ko na ayos na ako roon. He's got Sarah now and I am also happy. Maybe it's time to face it all then mo
"Bakit iyan?" tanong ko kay Gina nang makita ang sandamakmak na paperbag at kung ano-ano sa mesa ko. "Good morning, Ma'am Zoe," bati ng empleyado na dumaan.I greeted her back with a smile before looking at my table again. Isang linggo na naman ang lumipas pero sa nagdaang linggo ay bihira akong pumasok dito. Malapit na rin magawa ang office ko na katabi ng opisina ni Jeremy at lilipat na rin ako roon marahil sa susunod na linggo.Madami akong ginawa noong nakaraang linggo. Dalawang beses lang yata ako napadpad dito at dahil lang sa mga meeting and updates. I haven't seen Jeremy for the past week, too. Balita ko ay abala raw siya sa maraming bagay at pati sa meeting namin ay hindi siya sumama, which I understand, nag-assign na siya ng mga professionals doon kaya baka hindi na rin siya magfo-focus sa project.Isa-isa kong tiningnan ang mga bagay sa mesa ko. Bouquet of flowers, chocolates, boxes with things I don't know about..."Pakisabi hindi ako nagbebenta ha," pabiro kong sabi kay
Sa likod ni Lander ay pansin ko ang bulungan ng mga kasama namin. Gusto kong matawa, alam ko na agad na ako ang pinag-uusapan nila. Kanina ay akala nila may something sa amin ni Jeremy at base sa tingin na ipinupukol nila kay Lander ay ito naman ngayon ang pinagkakamalan nilang kasintahan ko.I didn't dare to clear the rumours. Baka ako pa ang magmukhang defensive."Ginamit mo ang car ko?" tanong ko habang pinapakuha niya ang nga gamit ko sa ilang tauhan ng hotel."I used mine," sabi nito. "Binalik ko ang sasakyan mo sa may condo. Dito na tayo kakain ng lunch?"Oo nga pala. Bakit ko ba naisip na pagdating niya ay aalis kami agad. For sure napagod siya sa byahe, ilang oras din iyon. Mas gusto kong umalis dahil ayaw kong makita si Jeremy. After last night and what happened earlier, medyo naiilang ako sa kanya. Alam ko na pinapaikot niya ako ngayon sa laro niya pero naiinis ako sa sarili ko sa ginawa kong pagpasok sa kwarto niya kagabi.It's shameful!"Ikaw. Mas gusto mo ba rito o magha
Nag-inat ako at nakapikit na kinapa ang bedside table para kunin ang phone ko pero wala akong mahawakan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at agad nagtakip ng unan nang medyo masilaw sa chandelier na nasa ceiling. "Ugh!" Niyakap ko ang unan at tumulala sandali bago tuluyang umupo. Muli kong tiningnan ang bed side table at nagtaka bakit wala roon ang phone ko. And then I saw my bag at the small table near the door. Huh?Tumayo ako at mas lalong nangunot ang noo nang makita ang damit ko na suot ko kagabi. Damn you, Zoe. You reek of alcohol. Sa sobrang dami mong nainom, maski ang magbihis ay hindi mo nagawa!Naglakad ako patungo sa CR nang bigla itong bumukas at nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang lumabas mula roon.His upper body is naked. Ang ibabang bahagi ay natatakpan ng puting tuwalya. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatakip ng bibig sa gulat. Inikot ko ang hotel room. Doon ko lang napansin na medyo iba ito sa akin. Pareho ng disenyo pero may mga corner na iba sa p
Nine o'clock in the evening. May night bar na open sa tabi ng hotel namin. Open place siya, may mga benches, magagandang lights, aesthetically pleasing, retro style, as in maganda siya talaga. Malakas din ang sound pero hindi yung parang nasa loob ng club kasi medyo peaceful sa pakiramdam ang view ng dagat pati na rin ang tunog ng bawat paghampas ng alon.Nagkayayaan sila na uminom kami parang getting to know each other na rin at pa-congrats sa project na ito. Babalik pa kami sa beach property na pagtatayuan ng proyekto bukas kasama ang ilan pang mga professionals na kailangan namin sa project na ito. Ifa-finalize na rin kasi ang magiging area per building na itatayo."Unang tingin ko pa lang dito kay Zoe, alam ko ng hindi basta-basta, eh," ani Gina na medyo nagiging komportable na rin sa akin.Ngumiti ako at inalala ang una naming pagkikita. The day I left my friends at the airport and travel all the way from there to Jeremy's company.Ininom ko ng diretso ang whiskey na nasa shot gl