Nag-inat ako at nakapikit na kinapa ang bedside table para kunin ang phone ko pero wala akong mahawakan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at agad nagtakip ng unan nang medyo masilaw sa chandelier na nasa ceiling. "Ugh!" Niyakap ko ang unan at tumulala sandali bago tuluyang umupo. Muli kong tiningnan ang bed side table at nagtaka bakit wala roon ang phone ko. And then I saw my bag at the small table near the door. Huh?Tumayo ako at mas lalong nangunot ang noo nang makita ang damit ko na suot ko kagabi. Damn you, Zoe. You reek of alcohol. Sa sobrang dami mong nainom, maski ang magbihis ay hindi mo nagawa!Naglakad ako patungo sa CR nang bigla itong bumukas at nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang lumabas mula roon.His upper body is naked. Ang ibabang bahagi ay natatakpan ng puting tuwalya. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatakip ng bibig sa gulat. Inikot ko ang hotel room. Doon ko lang napansin na medyo iba ito sa akin. Pareho ng disenyo pero may mga corner na iba sa p
Sa likod ni Lander ay pansin ko ang bulungan ng mga kasama namin. Gusto kong matawa, alam ko na agad na ako ang pinag-uusapan nila. Kanina ay akala nila may something sa amin ni Jeremy at base sa tingin na ipinupukol nila kay Lander ay ito naman ngayon ang pinagkakamalan nilang kasintahan ko.I didn't dare to clear the rumours. Baka ako pa ang magmukhang defensive."Ginamit mo ang car ko?" tanong ko habang pinapakuha niya ang nga gamit ko sa ilang tauhan ng hotel."I used mine," sabi nito. "Binalik ko ang sasakyan mo sa may condo. Dito na tayo kakain ng lunch?"Oo nga pala. Bakit ko ba naisip na pagdating niya ay aalis kami agad. For sure napagod siya sa byahe, ilang oras din iyon. Mas gusto kong umalis dahil ayaw kong makita si Jeremy. After last night and what happened earlier, medyo naiilang ako sa kanya. Alam ko na pinapaikot niya ako ngayon sa laro niya pero naiinis ako sa sarili ko sa ginawa kong pagpasok sa kwarto niya kagabi.It's shameful!"Ikaw. Mas gusto mo ba rito o magha
"Bakit iyan?" tanong ko kay Gina nang makita ang sandamakmak na paperbag at kung ano-ano sa mesa ko. "Good morning, Ma'am Zoe," bati ng empleyado na dumaan.I greeted her back with a smile before looking at my table again. Isang linggo na naman ang lumipas pero sa nagdaang linggo ay bihira akong pumasok dito. Malapit na rin magawa ang office ko na katabi ng opisina ni Jeremy at lilipat na rin ako roon marahil sa susunod na linggo.Madami akong ginawa noong nakaraang linggo. Dalawang beses lang yata ako napadpad dito at dahil lang sa mga meeting and updates. I haven't seen Jeremy for the past week, too. Balita ko ay abala raw siya sa maraming bagay at pati sa meeting namin ay hindi siya sumama, which I understand, nag-assign na siya ng mga professionals doon kaya baka hindi na rin siya magfo-focus sa project.Isa-isa kong tiningnan ang mga bagay sa mesa ko. Bouquet of flowers, chocolates, boxes with things I don't know about..."Pakisabi hindi ako nagbebenta ha," pabiro kong sabi kay
I'm in a good mood the next morning. May mga designs na akong naaprubahan at ngayon ay magkakaroon ng meeting for the final furnishing of details. Wearing a classy pink corporate attire, my hair is in tucked in a high ponytail, jewelries on point, I felt so good."Good morning!" bati ko kay Gina nang makarating ako sa desk namin. "Binilhan kita ng food. Nag-breakfast ka na?""Ayun, sakto, nagugutom na ako," aniya at nahihiyang humalakhak pagkatapos. "Maganda yata umaga mo, Zoe?"Nagkibit ako nang balikat. Hindi ko rin alam eksakto kung bakit pero pakiramdam ko isa sa dahilan ay si Sarah. Kagabi na-realize ko kung gaano naging okay ang lahat. Nagkasakitan kami ni Jeremy, naghiwalay, pero iyon yung point ng buhay namin na talagang nagpaganda ng buhay ng bawat isa.We both became successful. Siguro hindi talaga maganda yung relationship namin noon para sa isa't isa.At ngayon na-realize ko na ayos na ako roon. He's got Sarah now and I am also happy. Maybe it's time to face it all then mo
"So, you're planning to have an outdoor bar area that is a bit different from the usual bar themes?"Napairap ako nang ulitin ni Jeremy ang sinabi ko. Nakatayo ako at nagpe-present sa harap ng team tungkol sa bago kong plano na gustong idagdag para sa hotel and resorts."Inulit mo lang ang sinabi ko, Mr. Gray," napipikon na sabi ko at muling hinarap ang ibang mga tao roon na tila nagulat sa pabalang kong sagot sa boss nila. "So, as I was saying..."Seryoso ako buong durasyon ng meeting. Wala ako sa mood makipagbangayan o asaran pa sa iba. Mabuti na lang at seryoso din naman ang mga engineers, architects, at designers na ka-meeting namin today. Parang walang gustong mag-aksaya ng oras dahil abala sila lahat."Meeting adjourned." Kinuha ko na ang mga gamit ko at umambang lalabas nang magsalita siyang muli. "Except you, Miss Morgan."Napairap ako sa ere. Bwisit!Makahulugang tingin ang pinukol sa akin ng mga kasama namin bago sila tuluyang lumabas ng conference room. Ako naman ay padabog
"Ma'am may appointment po ba kayo?" magalang na tanong ng sekretarya niya.Tiningnan ko ang babae. Natitiyak kong hindi na ito dalaga dahil bukod sa itsura nitong mga nasa more or less forty na ay halatang-halata pa ang wedding ring na suot niya habang nakahawak sa iPad."I have no appointment with Mr. Gray but I need to see him today," sabi ko.Willing naman ako magpa-appointment o magpa-schedule pero dahil biglaan ang pag-uwi ko rito sa Pilipinas ay hindi ko na iyon naharap pa. And what are the chances he'd like to have a meeting with me anyway? Natitiyak ko na hindi niya hahayaang maisulat man lang sa schedule niya ang pangalan ko kaya bakit ko pa iyon gagawin?"I'm sorry, ma'am, we're following strictly the rules given by Sir Gray and..." Mukha siyang namomroblema. "What is your name again po, ma'am?""Zoefia Chelsea Morgan," sabi ko na literal na binuo ang pangalan. "Nandiyan ba siya sa opisina niya?""Oo, ma'am, kaso--""May kasama sa loob?""Wala po. Marami kasi siyang kailang
- Zoefia Chelsea Morgan -"Hi, baby!" Nagulat ako nang may humalik sa pisngi ko habang nagpupunas ako ng mesa sa coffee shop.Napangiti ako nang makita si Jeremy, my boyfriend for almost two years. Mag-a-anniversary na kami sa susunod na buwan. Hindi ko akalain na magtatagal kami lalo na't ang dami ring nakapalibot na babae sa lakaking ito. Akala ko ay magsasawa siya agad sa akin at iiwan ako.But he did not.He keeps on reassuring me I'm the only one.Masaya ko siyang niyakap pero agad ding bumitaw nang ma-realize na nakasuot pa ako ng apron ng coffee shop kung saan ako nagtatrabaho. Medyo pawis na rin ako dahil sa pagod dahil kanina pa rin ako galaw nang galaw rito."Bakit ang aga mo?" tanong ko dahil kapag sinusundo niya ako ay pasara na kami pero ngayon ay isang oras pa bago magsara ay nandito na siya.Ngumuso siya. "I missed you." Nagkamot siya ng batok niya at saka ako niyakap ulit. "Dinner tayo."Natatawa ko siyang itinulak dahil nakatingin na ang mga kasamahan ko sa amin. Nanu
Ngayon ang ikaapat na araw mula nang umalis si Jeremy. Panay naman ang text at tawag nito sa akin mula ng makaalis. Pakiramdam ko nga ay mas marami pa siyang time sa cellphone kaysa sa pakikinig sa seminar niya.At apat na araw na rin mula nang may nagpapadala sa akin na mga larawan niya na may kasamang babae. Wala namang malisya ang mga larawan kaya naiinis ako sa patuloy na nagse-send. Halatang gusto lang kami sirain na dalawa.(Guess what?) bungad niya ng magsimula ang panibagong video call namin.Nakapantulog na siya at mukhang wala ng balak lumabas kahit maaga pa. Minsan nagi-guilty ako na hindi na siya masyadong nakiki-socialize. Hindi naman ako selosa at may tiwala naman ako sa boyfriend ko, but he just don't want to create an issue. Ayaw niya rin naman daw lumabas na hindi ako kasama."You look happy," puna ko at nakangiti siyang pinagmasdan.(Pinayagan ako ni dad magbakasyon sa anniversary natin. Saan mo gusto pumunta? Should we go abroad? Kahit saan mo gusto, babe.)That's w