Share

Chapter 2- Makisama ka Tadhana!

Elieve POV’s

Ay talaga naman kapag minamalas ka oh. Talagang join force pa silang anim na dumating.

Agad akong umupo at yumuko, buti na lang di pa nila ako nakita.

Naman oh! Badtrip. Basag trip talaga 'tong mga 'to, trip ko ngang maging anti social ngayon tapos biglang dadating sila.

Tadhana naman makisama ka. Minsan na nga lang akong magpakatotoo eh.

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa pwesto ko.

Ay sheme, bingi si tadhana, sure ako jan, kakahiling ko lang na lumayo sila sakin tapos kabaligtaran naman ang nangyari.

At talagang sa kalapit na table ko pa sila pumunta.

Narinig kong nagsiupuan na sila.

May isang waitress na lumapit at nagsimula na silang magorder.

"Val, si Elie asan? Kahapon ko pa di nakikita yung babae na yun ah." Sabi ni Chae.

"Malay ko, baka nag momove on sayo." Patay malisyang sabi ni Val.

Biglang nag-init mukha ko. Sira ulong babae 'to, makalaglag sakin wagas. Pasalamat ka at wala ako sa mood magpakita sa inyo ngayon, naku kung hindi makikita mo mata mo lang ang walang latay.

Nakakainis.

"Move on? Sakin? Sus, matagal ng naka move on yun no, nag usap na kami." Chae.

"Tsong, porque ba nag-usap na kayo kailangan maka move on na siya?" Val.

I pursed my lips to suppress the pain that is building up in my chest.

"Di ba yun naman ang dapat. Val, 8 years na kaming break, saka bata pa kami nun, malamang siguro na misinterpret lang namin yung feeling namin sa isa't-isa." Chae.

Ouch...

Na-misinterpret?

Tanga ba siya. Ano pala yung mga pagmamakaawa ko na mag-kabalikan kami at yung lunok-pride na paki-usap ko sa kanya na kami na lang ulit, ano yun joke lang din sa kanya? 

Misinterpret your face!

"Pero sure ako na hindi namisinterpret ni Elie yung feelings nya." Val.

"Well if that's the case, nasabi ko naman na sa kanya before na talagang hanggang friends lang kami." Chae.

"Sigurado ka bang hanggang friends lang talaga." Tanong ni Kim.

"Oo naman pare." Sabi ni Chae.

"Eh bakit mo siya hinahanap?" Nangaasar na sabi ni Limuel.

"Oo nga, kahapon mo pa siya hinahanap samin, naka ilang missed calls ka nga sa kanya diba." Sabi din ni Val.

...

...

...

"Oh, bakit di ka makasagot? Sagot!" Naiinins ng sabi ni Val.

I can feel the tension.

"Ahm, ano... Ah... Eh... Minsan na nga lang kasi ako uuwi ng Pinas tapos di pa tayo makukumpleto, yun ang dahilan kaya ko siya hinahanap." Sabi ni Chae.

"Ah so pangkumpleto lang si Elie, kung baga panakip butas ganon." Val.

"Hindi naman sa ganun Val, namiss ko lang kayong lahat so I want to spend time with you guys." Chae.

"So na miss mo si Elie." Kuya Arriane.

"Ah, siguro... Oo, lahat naman kasi kayo namiss ko, syempre kasama na siya dun." Chae.

"Ow I see, so na miss mo nga siya." Kim.

"Kayo ngang lahat namiss ko." Chae.

"Ah so kahapon nung ako wala ok lang kasi di mo man lang ako tinawagan, pero si Elie nung tiningnan ko phone mo kanina nakarami ka ng missed calls sa kanya kahapon. Hmmm. Medyo kakaiba, selos ako pre." Limuel.

"Loko, nakikialam ka ng phone ng may phone." Chae.

"So sa lagay na yun di mo siya hinahanap at dimo siya namiss." Kuya Jepoy.

"Ano kasi yun... Ahm... Syempre ano... Ahm..." Chae.

"Anong ahm...ahm..., ang sabihin mo gusto mo si Elie maging friends... Friends with benefits..." Kim.

"Loko nito oh." Chae.

"Tanga, ang ibig sabihin ni Kim, since wala ka nang makikitang babae gaya ni Elie, you're keeping the friendship for your own sake. Talagang magbebenefit ka dahil kilala natin si Elie guys, isang tawag mo lang dun Chae dadating at dadating yun. Kapag kailangan mo ng kausap anjan siya. Kapag problemado ka, sa kanya ka lalapit. Laging siya ang takbuhan mo, bakit Chae, anong dahilan?" Val.

I hear Chae cleared his throat.

"Wait Val, bakit ba parang may galit ka sakin?" Chae.

"Nakakatawa ka naman oh, di mo alam? Kaibigan kita Chae pero kaibigan ko din si Elie, infact she's my best friend, at sa inyong dalawa sa nakikita ko siya ang dehado. Mahal ka pa niya just in case hindi mo alam at hindi nakakatulong yang mga ginagawa mo para maka move on siya. You're just making her life more chaotic.

Tanga pa naman yun. Mabilis maniwala sa mga bagay na pinapakita mo. Kaya please, ako na ang nagmamakaawa sayo, lubayan mo na siya, itigil mo na yang mga ginagawa mo dahil sigurado ako sobrang nahihirapan na yun ngayon. Utang na loob Chae, itigil mo na yang pa-fall effect mo na yan, kaya kung may natitira ka pang respeto sa kanya please itigil mo na yang mga ginagawa mo." Val.

Shemay, ang sakit. Parang mga karayom na isa isang tinutusok ang puso ko. Pero wala akong magawa eh, mahal ko talaga siya. Kung pwede lang turuan ang puso matagal ko nang ginawa.

Tama naman si Val, napaka laki kong tanga para isipin na may karugtong pa ang love story namin.

Masyado yata akong nabulag ng pag-mamahal ko sa kanya kaya hindi ko na nakikita kung sumosobra na ba ako sa pananakit sa sarili ko.

Naramdaman kong unti unti na namang tumutulo ang mga luha ko.

Mahabaging langit naman oh. Bakit ba ang weak ko pagdating sa kanya. Palaban akong babae, wala akong inaatrasan pero bakit ito, bakit ang hina ko pagdating sa kanya.

At saka kelan ba mauubos ang mga luhang ito.

Magcecelebrate ako kapag dumating ang time na yun promise!

"Hep, tama na yan kumain na tayo at gutom lang yan. Pero Chae pag-isipan mong mabuti mga sinabi ni Val, may point siya, maski ako I saw Elie when she was broken, well I think she's still broken so sana maintindihan mo ang pinaghuhugutan ni Val, at ikaw naman Val, wag masyado maiinit ulo, hayaan mong silang dalawa ang umayos niyan. Alam kong concern ka kay Elie pero kailangan mong maintindihan na sila lang dalawa ang makakaayos ng problemang yan, hanggang payo lang tayo so relax ka lang ha." Kuya Jepoy.

Matapos yon, nagsimula na silang kumain.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kapaligiran.

Sobrang sarap ba ng pagkain kaya walang nagsasalita sa kanila kahit isa.

Awkward.

Ayoko ng ganito.

Feeling ko ang unfair ko. Dahil sakin nagkakaganyan sila.

Pero totoo naman mga sinabi ni Val.

Naman oh, naguguluhan na ako.

Pero one thing is for sure, hindi makakatulong ang pagtatago ko.

Kailangan ko na siyang harapin.

Tahimik nilang natapos ang kanilang pagkain at nagpasya na ang lahat na uuwi na.

Isang oras pa akong namalagi sa loob bago ko napagdesisyuna na lumabas na at maglakadlakad upang makapag-isip.

Pinadpad ako ng aking mga paa sa malapit na park.

Para akong zombie na naglalakad.

Matapos yung nangyari kanina, napagdesisyunan kong magpahangin muna dahil sigurado ako na kapag umuwi ako sa bahay magmumukmok lang ako at baka matuluyan nga na maging kasing laki na ng maleta ang mga eyebags ko.

Umupo ako sa isang bench, buti na lang kaunti lang ang mga tao dito.

Nakatulala ako, sobrang daming tumatakbo sa isip ko.

Paano ba mag move on?

Paano ko ba siya kakalimutan?

Paano ko siya haharapin ngayon?

Ano ba ang dapat kong gawin?

Diyos ko po Lord...

Nakakabaliw.

Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at talagang nakakaramdam ako ng pagkapagod.

BOOOOOOGGSSHHHHH!!!!!

Something hit my head.

Ang sakit.

Naramdaman kong may likidong umagos sa aking mukha.

And then everything went blurred.

The last thing na nakita ko ay isang lalaking papalapit sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status