Share

Chapter 6 - Sometime in 2015...

Elieve Aragon

I look at him intently and I see a hint of hesitation in his face.

Then he finally breaks the silence.

"Sometime in 2015, these two guys met in Canada. Let's call them tanga and mas tanga. They became best of friends. They treated each other not just a friend but more likely a brother. Marami silang pinagkakasunduan lalo na sa babae. Girls are like toys for them. Kahit pa nga si tanga ay may girlfriend dito sa Pilipinas. Pero sabi nya mahal nya yung babae kaso magulo ang pamilya nya, ayaw nila sa babae dahil naka arrange marriage na siya sa isang family friend ng pamilya nila, pero kahit naka arrange na ang pagbitay sa kanya kahit kelan ay hindi pa niya nakikita ang kanyang long-lost fiancé, kaya naman hindi nya alam kung anong maaring mangyari sa future so he choose to let go her girlfriend na nandito”. Sabi niya.

The air around us turned thick with tension as he came to a sudden stop, his jaw clenching and eyes shutting tightly. I could feel the heat of his anger radiating off him in palpable waves, threatening to scorch me with its intensity. But I knew better than to break the heavy silence with any words.

“Sabi niya mahal pa niya kanyang kasintahan dito sa Pilipinas, pero ayaw nyang sumugal. He has obligations at gusto niyang patunayan ang sarili niya sa kaniyang pamilya.” sabi niya habang nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

He chuckled bitterly but eventually he became serious.

Nadepina ang galit sa kanyang mukha ng kumunot ang kanyang noo.

Nagmulat na siya at mas lalo kong nakita ang galit sa mga ito.

Nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kaniya. Hindi ko malaman ngunit may bumabagabag sa aking puso na hindi ko mapangalanan kung ano.

Nagpatuloy siya sa kanyang kwento.

“Dahil sa wasted life na meron si tanga   he chooses to get wasted, nambabae, nagpakalokoloko at nagpakahayok sa luho...and as his friend mas tanga just go with him, naiintindihan niya kasi ang pinagdadaanan ng kaibigan. Nanatiling ganoon ang buhay nilang magkaibigan hanggang dumating ang panahon na nakilala ni mas tanga   ang babaeng bumago sa kanyang buhay,” sabi niya.

Bahagyang lumiwanag ang kanyang mukha ng banggitin ang tungkol sa bababeng iyon.

May bahagyang kirot akong naramdaman sa aking puso.

Ay wait naman! Bakit may pain heart?

Tanong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.

Hindi na naman magkasundo ang puso at isip ko.

Nagpatuloy siya sa kaniyang kwento.

“He saw an angel.” He said in the gentlest voice.

Nababanaag ko sa kanyang mukha ang pinaghalong sakit at panghihinayang na habang nakatingin siya sa kawalan pakiramdam ko ibang dimensyon ang nag-rereflect sa kaniyang puso at isipan. Ito ay bumalik sa nakaraan kung saan siya sinaktan ng tadhana.

He continues again.

“His heart instantly beat a rhythm of love. He courted her, at hindi rin naman nagtagal sinagot siya nito. Sobrang nagbago ang buhay ni mas tanga.” Sabi niya.

I can’t help but to feel the pain in my heart. hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman habang pinakikinggan ko mga sinasabi niya.

He goes on again.

“Their relationship isn't perfect but for him every up and down are part of their life as a couple though ang laging dahilan ng pagaaway nila ay ang pamilya ng babae na sa buong panahon ng kanilang pagsasama ay hindi niya nakadaupang palad. Tanyag ang magulang ng babae dahil pagmamay-ari nila ang Monteverde Hospital, isa sa pinakamalaking ospital dito sa bansa. Ni minsan ay hindi siya pinakilala sa mga ito at tago lamang ang kanilang relasyon,” pahayag nito.

Ay wow! Isa palang tagapagmana. Nanliit tuloy ako sa sinabi niya.

Muli siyang nag-angat ng kanyang paningin ngunit sa pagkakataong ito ay nakatingin na sa aking mga mata.  

His face showed eminent pain rooted in anger. His eyes slightly reddened as he continued his story.

“Like tanga, mas tanga ‘s girlfriend is a slave of her own family. Hindi man siya pinakilala nito ay open naman siya sa mga problema niya sa kanyang pamilya. Wala siyang boses, pagdating sa kanyang pamilya, she needs to earn appreciation from them. Kailangan niyang pagtrabahuan ang pagmamahal mula sa mga magulang at maging ang mga personal na desisyon niya sa kanyang buhay ay dapat alinsunod sa mga ito. Dahil doon inintindi na lang niya ang lahat para lang maging maayos ang relasyon nila.  Pero kahit anong intindi at sakripisyo ang gawin niya  wala nga yata talagang forever,” he said bitterly.

As I looked at his face, anger was now very evident in his features. Kung kanina ay napipigilan pa niya ito ngayon ay makikita na mismo sa kaniyang mukha ang poot. His brows were furrowed, his jaw clenched, and his eyes seemed to have turned into fiery orbs. I felt a sudden pang of fear within me.

Nakaramdam ako ng takot. Alam kong hindi para sa akin ang galit na iyon ngunit ramdam ko mula sa aking kinauupuan ang kaniyang emosyon.

Natatakot ako ngunit nanatili akong nakikinig sa kanya.

He started again.

“Isang pangyayari ang sumira sa pagkakaibigan nilang dalawa at sa relasyon ni mas tanga at ng kanyang girlfriend.” Sabi niya na nasa tono ang poot at hinanakit.

Bahagya siyang huminto para ipikit ang mata, at sa muling pagmulat ng mga ito hinanap nito ang aking paningin.

Suddenly, his features shifted from anger to hesitation, his brow furrowing as he seemed to be lost in thought. He then closed his eyes again tightly and rested his head on the sofa. The silence in the room was thick, and I could feel the tension in the air. I wondered what was going through his mind, what demons were haunting him, causing him to shift between emotions so quickly. I waited for him to speak, to break the silence, but he remained still, lost in his own world.

Magsasalita na sana ako ng marinig ko siyang nagsalitang muli habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa sofa.

“A party was thrown by tanga’s family, ipapakilala daw ang long lost fiance nya. Well as his best friend nandoon din si mas tanga   para masaksihan ang pagbitay sa kaniyang kaibigan. Then the moment come, as the door open, iniluwa nito ang babaeng nagpapatibok sa puso ni mas tanga . Naguguluhan man pero ng ipakilala na ang dalawa sa isa’t-isa, naging malinaw na para sa kanila ang lahat, the long-lost fiancé of tanga is mas tanga’s girlfriend. Pain almost killed mas tanga . His love was engage to his best friend. And to his dismay mukhang hindi na mapipigilan pa ang lahat dahil parehong alipin ng pamilya. Kapwa naghahangad ng kakarampot na atensyon sa kanilang mga magulang at sa bagay na ito tiyak makukuha nila ang atensyon at pagtanggap na matagal na nilang hinahangad. Sinibukan ni mas tanga ang kaniyang girlfriend ngunit gaya ng kaniyang inaasahan pinili nito ang desisyon ng kanyang mga magulang.” Sabi nito habang nananatili sa kanyang posisyon.

Nawala ako sa kawalan sa aking narinig.

Parang pinipiga ang aking puso, hindi man ako ang nakaranas noon ngunit ramdam ko ang sakit, pait, galit at hinanakit.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

My heart was in a tumultuous state, unable to comprehend the overwhelming emotions that were surging through me. It was as if I had been transported to a different world, one that I couldn't entirely fathom. I sensed a strange familiarity with the unfolding events, like I had a part to play in the story that was unfolding before my very eyes. But, as much as I wanted to delve deeper into the mystery, a voice inside me held me back, telling me to wait for the right moment. I yearned to ask him about it, but deep down, I knew that the timing was not right.

Pakiramdam ko wala akong karapatang magtanong.

Bakit, sino ba naman ako diba.

Ngunit hindi matigil ang aking isipan sa pagtatanong.  Napakaraming ideya ang mabilis na dumadaloy sa aking isip.

May hinala akong siya ang isa sa tanga na kinukwento nya. Pero ano naman ang kinalaman ko bakit nya sinasabi ang mga bagay na ito sa akin.

Ano naman kaya ang kinalaman ko sa mga pinagsasasabi nya diba.

Trip lang kaya niya na ikwento sakin ito.

Baka wala siyang friend, tapos loner pa siya tapos feeling nya friend nya ako.

Wow, assuming!

O ayan na naman sila nag-aaway na naman.

Masyadong busy ang braincells ko sa pag-iisip at pakikipag away sa sarili kaya hindi ko namanlayan na nagmulat na pala siya at nakatingin na sa akin.

Naramdaman ko na lamang ang intensidad ng kanyang tingin na naging dahilan para mapadako ang tingin ko sa kanya.

"I didn’t know na ikaw pala yung ex ni Chae dito sa Pilipinas,” he said while shooking his head. “Mapaglaro talaga ang tadhana." sabi niyang habang mataman na nakatingin sa akin.

Nanlaki ang aking mata sa aking narinig, nagiwas ako ng tingin dahil hindi ko mahagilap ang tamang salita upang sagutin ang kanyang mga sinabi.

Tama ba ang aking narinig?

So tototo nga ang hinala ko kanina.

Sa wakas ay nakahanap ako ng lakas ng loob at muli akong tumingin sa kanya.

Nakita kong malalim ang pagkakatingin niya sa akin ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko maaninag ang mga emosyong nasa likod ng mga ito. Hindi kagaya kanina na malinaw kong nakikita ang nilalaman nito.

Malalim.

Hindi ko maabot ngunit sigurado akong may lihim sa likod ng mga emosyong iyon.

Ibinaling ko na ang aking paningin sa ibang direksyon dahil nalulunod na ako sa lalim ng nahahayon ng ipinapakita ng kanyang mga mata.

Habang tumatagal ang katahimikan ay unti-utning lumiliwanag sa aking isipan ang mga sinabi niya kanina.

My God.

Maraming naglalarong scenario sa isipan ko kaya hindi ko na napigilang magtanong.

“So, iniwan ka dahil kay Chae, tapos ako naman iniwan dahil kay Athena, tama ba?” tanong ko sa kanya.

Nakatitig lang siya sakin, Nakita ko na naman ang mga bagay na iyon sa kanyang mga mata.

Mas lalo lamang akong naguluhan. Kaya sandali kong ipinikit ang aking mga mata upang kumalma.

It’s so complicated.

Kahit ang pagpikit ko ay hindi enough para pakalmahin ang aking nararamdaman.

Nagmulat na ako ng aking mga mata at muling tumingin sa kanya.

Sinalubong ako ng mga mata niya ngunit hindi tulad ng sa kanina ang mga ito ay nakatingin na sa akin ng seryoso.

"In the past, Chae and I were best of friends," he said in serious tone.

Tatanungin ko sana kung bakit “In the past” pero syempre common sense naman.

Aba! Ikaw ba naman ang iwanan ng girlfriend mo tapos iniwan ka dahil may long-lost fiancé pala ito at ang masakit pa best friend mo pa yung long-lost fiancé nya.

“Athena,” sabi ko at pinagmasdan ko siya.

I caught him off-guard.

There it is again. A shed of longingness in his eyes.

May naramdaman na naman akong pamilyar na kirot sa puso ko ngunit ipinagsawalang bahala ko ito.

Hindi ko kayang intindihin ngayon ang kirot na nararamdaman sa aking puso dahil sobrang gulo ng aking isipan.

Minsan masarap hampasin yung sarili ko tapos ihulog sa bangin. Ang landi eh!

Nagmomove on pa lang diba tapos may ganyan na.

Naku tigilan ang kalandian.

Sermon ko sa aking sarili.

Bahagya akong na-distract sa pagkastigo ko sa aking sarili ng mapansin ko na nakatitig pa din siya sa akin.

“Bakit naman ganyan ka makatingin?”tanong ko sa kanya.

“Hindi ka ba galit?” balik tanong niya sa akin.

“Galit?”

Bahagya akong napahinto at binalikan ang nararamdaman ng aking puso.

Kinapa ko ang kaibuturan nito ngunit hindi galit ang aking naramdaman kundi sakit, lungkot at pagkalumbay.

“Masakit.” Maikling tugon ko.

Nakatitig lamang siya sa akin at naghihintay ng iba ko pang sasabihin.

“Masakit dahil tama pala ako sa hinala ko na hindi ako sapat.” Mapait na sabi ko.

Ako naman ngayon ang Nawala sa kawalan.

Tila nilamon ako ng nakaraan at kinain ng pait ng kahapon.

Ayoko na.

Nararamdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa aking puso. Hindi katulad ng kirot na nararamdaman ko kay Alex. Ito yung uri ng sakit na dinamdam ko sa mahabang panahon, bagay na 8 taong kong dinala sa aking puso.

Nagtama ang aming mga mata sa pag-angat ko ng aking paningin.

Muli, Nakita ko ang mga emosyong iyon.

Napakalalim.

Nakakalunod.

Misteryo.

Minimalista

Hello readers. Chap 6 is up :) Nawa po ay mag enjoy kayo sa unang revelation. Hintayin natin ang mga susunod pa. Please, wag po mahiyang mag comment. mabait po ako hindi nangangagat! pramis! ;D Announcement PALA! Sa LAHAT NG MAGCOCOMMENT! mention ko po sa next Update ko, if bet nyo lang naman na may special participation sa book, just comment "mention me!" Malay mo makadaupang palad mo si Alexandro davah! hahahahahahaha yun lang. babush! love lots ebriwan!

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status