Share

CHAPTER TWENTY-NINE

"ITO PO ANG SUKLI nyo, Ma'am" saad ng babae.

Kinuha ko ang sukli na inaabot nya at binuhat ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga pinamili ko. Nagpunta ako sa mall ngayon para bumili ng mga gagamitin ko sa pagpaint.

Marami namang bumibili ng mga paintings ko lalo na at sinusuportahan ako nila Tita Margaret, Tita Patricia, at si Luke. Karamihan ay mga bigating tao ang bumibili, sila 'yong mga taong mahihilig sa pagkolekta ng mga paintings.

Simula ng pansamantalang pagsara ng eskwelahan ay itinutok ko na ang aking sarili sa pagpaint. Matagal ko na rin 'yong hindi nagagawa.

"Sophia?"

Napatigil ako sa paglabas ng store nang may narinig akong tumawag sa akin. Tumingin ako sa gilid ko. Bumungad sa akin ang mukha ng isa sa mga taong kinaiinisan ko. My cousin.

"Sophia! Ikaw nga!"

Tumakbo ito palapit sa akin, may kasama pa itong dalawang babae. Tinignan ko lang sya, hindi ako nagpakita ni isang emosyon. Pinipigilan ko ang aking sarili na magalit sa harap ng maraming tao.

"Kumusta ka na?"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status