Sophia Bennett, the enchanting violin teacher of a private musical school. Not just a violinist but also a great painter. Lumaki sya kasama ang batang inabandona at mga wala ng magulang. A woman who will do everything to survive in this cruel world. Lukas Harrington, the ruthless and intelligent CEO. Tingin ng mga tao sakanya ay isa syang walang awang tao pero hindi nila alam, sya ay mapagmahal na kapatid at anak sa kanyang pamilya. Sa kanilang pagtatagpo, he will be captivated by the beauty of the woman. Marami na syang nakita at nakilalang magagandang babae pero iba ang babaeng nasa harapan nya. Bumibilis ang tibok ng puso nya kapag nakikita nya ito, hindi sya mapakali kapag hindi nya ito nakikita. Gusto nyang angkinin ang babaeng nagparamdam sakanya ng ganito.
View MoreSOPHIA 'SOPHIE' BENNETT'S POV.
Maingat kong binaba ang violin na hawak ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.Naglakad ako palapit sa mesa at kaagad na kinuha 'yung cellphone.'Call me when you received this text'Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensahe ni Kate saakin.Kahit na may katanungan sa isip ko ay tinawagan ko parin sya.Ilang minuto lang sinagot nya kaagad."Hello--" naputol kaagad ang sasabihin ko nang biglang syang tumili sa kabilang linya."Sophie!!.." tili nya.Nakangiwi kong inilayo ang cellphone sa tainga ko."Kate! You don't need to shout, okay?" saad ko.I just rolled my eyes when I heard her laughing on the other line."Ano bang sasabihin mo at kailangan mo pang tumili?" tanong ko.Hinila ko yung upuan sa may gilid ko at umupo habang hinihintay ko ang sagot nya."Remember may pinagawa si Mom sayo na painting?"Tumango ako "Yes I remember that?Bakit anong meron doon?""Well nakasali sya sa auction kasi may potential talagang mabilis 'yon at na-sold nga at ang maganda pa dito is... may mga nagtanong kay Mom kung sino yung painter kasi gusto daw nilang bumili ng mga paintings mo!!" mahaba nyang saad.Napatigil ako.I can't believe what I just heard..Nagpe-paint lang ako kapag may oras ako. Hobby ko lang talaga sya at hindi ko na naisip na ibenta kaya eto ako ngayon. Gulat."Sophie? Are you still there? "Nakaupo lang ako at hindi gumagalaw hanggang sa unti-unting nag sink in sakin yung sinabi ni Kate.123"Oh my gosh!!! "tili koNapatayo pa ako sa sobrang saya at gulat. Parang hindi ako makahinga dahil sa narinig kong balita at sa nararamdaman ko ngayon.I stopped walking around and took a deep breath.'Sophie, you need to calm down' I said to myself."I thought no one should shout" Kate said on the other line, ruining my moment.Agad kong inayos ang tayo ko at dahan-dang bumalik sa pagkaka-upo.I rolled my eyes, "Nagulat ako eh, normal lang yun" depensa ko."Okay, sinabi mo eh. We should celebrate it but I'm at the salon with my mom"I smiled genuinely "It's okay Kate, marami namang araw para makapag celebrate. Enjoy your time with your Mom""I promise I'll make it up to you. Bye""Bye.."Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Sumandal ako sa upuan.Nakangiti parin ako. Hindi parin ako makapaniwala sa narinig kong balita galing kay Kate.Nagpe-paint lang ako kapag may occasion at yun ang pinang-reregalo ko. At yung isang painting na binenta ng Mom ni Kate ay pinagawa nya sakin na may bayad. Ayaw ko sanang tanggapin 'yong bayad pero pinipilit nilang tanggapin ko, so walang akong choice kundi tanggapin yung payment ni Tita.Hindi man ako yayaman sa mga ibebenta ko pero malaking tulong na' yon sakin kesa sa wala. Isa pa, malaki naman ang naiipon ko dahil sa pagtuturo ng violin instrument sa isang private school.Tumayo ako at maingat na kinuha ang violin at inilagay sa balikat ko. Sinimulan kong tugtugin ang kantang laging kinakanta saakin ng nanay ko noong bata pa ako.Habang tinutugtog ko ang musikang iyon ay bigla kong naalala ang mga masasakit na nangyari sakin bago ko naabot ang mga meron ako ngayon.Mahirap mabuhay sa mundo kaya mas lalo kung pinag-iigihan ang pagta-trabaho ko para may pang tustus ako sa mga pangangailangan ko araw-araw.Mag-isa nalang ako simula ng mawala ang mga magulang ko dito sa mundo. Pinatira naman ako ng isa sa mga kapatid ni Mama sa bahay nila pero puro pasakit lang ang inabot ko doon.Ginawa akong alila o utusan sa pamamahay nila. Ginagawa ko rin naman ang mga gawaing bahay nung nakatira ako sa pamamahay nila dahil nakakahiya rin namang tumira sa bahay nila tapos wala akong ginagawa pero ibang level na ang ginagawa nila, kung itrato nila ako ay parang hindi nila ako kamag-anak kundi utusan lang.Puro pagmamaltrato ang inabot ko sakanila. Kung hindi ko man sundin ang pinapagawa nila o di kaya ay nakalimutan ko lang dahil sa napakaraming gawain sa bahay ay ikinukulong nila ako sa bodega ng bahay nila at hindi ako papakainin ng ilang araw.Maraming beses nang nangyari yun at nasanay na ako. May mga kapitbahay namang concern sakin pero hindi nila kayang labanan ang kapatid ni Mama dahil na rin sa napakasamang ugali ng tiyahin ko.Ilang taon rin akong nagtiis pero isang araw hindi ko na talaga kaya kaya plinano kong tumakas. Hanggang sa isang araw nakatiyempo akong tumakas dahil wala silang lahat sa bahay.Nagpalaboy-laboy ako sa kalsada noon.Sabi ko pa sa sarili ko na mas okay pang manirahan sa lansangan kaysa sa bahay ng tiyahin ko. Mas mabilis pa yata akong mamamatay doon kaysa sa lansangan.May mga taong tumulong sakin at dinala ako sa isang shelter. Doon ay nagkaroon ako ng mga kaibigan at tinuruan din kami na gumawa ng mga artwork pero sa pag-paint talaga ako magaling.Umalis ako ng shelter nung may ipon at saktong nag-eighteen ako. Ayaw pa akong payagan nila Sister pero sabi ko sakanila kailangan kong mabuhay sa sarili kong paa.Nakakuha ako ng scholarship at ginamit ko 'yin para makapag-aral ng mabuti hanggang sa nakapagtapos ako at ngayon ay nandito na ako nagta-trabaho sa isang private school bilang isang teacher.Ibinaba ko ang hawak kong bow at mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa mata ko.Kapag inaalala ko ang mga pangyayaring yun ng buhay ko ay naluluha ako. Ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi nya ako pina Ayaan. Kung nasan man ako ngayon ay dahil yun sakanya."Hindi ka dapat umiiyak Sophia, masaya ang araw na 'to kaya dapat hindi ka lumuluha" saad ko sa sarili ko.Huminga ako ng malalim at inayos na ang mga gamit ko. Bukas na kasi ang simula ng klase kaya pumunta kami ngayon dito ayusin ang classroom.Nagta-trabaho ako sa isang private music school at nagtuturo ako sa mga batang gustong matututong tumugtog ng mga musical instruments pero violin ang itinuturo ko dahil yun ang pinag-aralan kong instrumento bago mamatay ang mga magulang ko.Pinatay ko ang ilaw nang makita kong maayos na ang lahat. Isinara ko na ang pintuan at naglakad paalis ng school.Tinignan ko ang relo ko.'5:38 pa lang'Maaga pa naman kaya naisipan ko munang kumain sa paborito kong bakery shop malapit sa school. Ilang minuto lang naman ang lalakarin kaya minsan ay dito na ako nag la-lunch kapag wala akong oras na magluto ng pagkain ko.Meron namang canteen sa loob ng school pero itong Golden Crust Bakery talaga ang favorite ko.Tumunog ang bell nang buksan ko ang pinto ng shop."Ma'am kayo pala.." nakangiting saad sakin na isa sa mga nagtitinda bakery shop, si Patty.Halos lahat ata nang nagta-trabaho dito ay kilala na ako dahil nga dito ako laging kumakain.Dumiretso ako sa counter "I'd like to have a fruit tart and a classic latte today, please.."Iginala ko ang tingin ko sa loob ng shop, marami pang tao ang nakatambay dito. Muntik pa akong hindi makahanap ng mauupuan. Buti nalang at meron akong nakita malapit lang sakin.Naglakad ako palapit sa table at saka umupo. Habang hinihintay kong dumating ang in-order ko ay binuksan ko ang phone ko at nag scroll muna sa social media.I was just scrolling lazily when I saw Kate's picture with her mom at the salon. I put a heart reaction and even commented on it.Nag-scroll lang ako nang scroll hanggang sa dumating na yung order ko. I thanked the waitress that brought my food and she give me a friendly smile before leaving. Nahalata ko kaagad na bago lang sya dahil hindi pamilyar yung mukha nya.Tahimik lang akong kumakain habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Malapit lang ako sa may glass wall kaya kitang-kita ko kung paano unti-unting nawala ang sikat ng araw sa aking paningin."Sa dami ng tao sa supermarket sila Ilaria at Theo pa talaga ang nakausap ni Kairus?!" Sumandal ako sa upuan habang tinitignan si Kairus na gumagawa ng sandcastle sa tabi ng dagat kasama ang ibang bata. Nasa Boracay kami ngayon, tapos na kasi si Kate sa trabaho niya noong nakaraang araw. "Iyan din ang nasa isip ko noong araw na iyon, Kate" Kinuha ni Kate ang baso sa maliit na mesa, "Ang liit talaga ng mundo, Sophia" Tumahimik ako. Ang liit nga ng mundong ginagalawan namin. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong ng kung ano-ano. Umuwi agad kami pagkatapos naming mamili. "May sinabi o tinanong ba sila?" Tinignan ko si Kate na nakatingin sa akin, "Tinanong nila kung si Luke ba ang ama ni Kairus" Napangiwi ako nang maibuga ni Kate ang iniinom niyang juice. "What?!" sigaw niya pa. Nagkibit balikat nalang ako. Inilibot ko ang tingin ko Isla pero natigil iyon nang may nakita akong bata na napaupo sa buhangin dahil itinulak siya nung isang bata. Tumayo pa iyong bata at pilit na i
Sa isang linggo naming pagbabakasyon dito sa Pilipinas ay naging maganda naman ang resulta. Masayang-masaya si Kairus dahil kahit saan siya dinadala o pinapasyal ni Kate. Ako naman ay nakasuporta lang sa anak ko kung saan siya masaya. Ngayong araw ay wala kaming pupuntahan dahil nagpapahinga kami dahil sa susunod na araw ay may pupuntahan nanaman kami. "Mommy, is Tita Kate coming today?" tanong ni Kairus habang kinukulayan ang bawat pahina ng coloring book na binili namin kahapon. Saglit akong tumigil sa pagse-selpon, "No, baby. May kailangang gawin si Tita Kate ngayon" "What is it, Mommy?" tuluyan na siyang lumapit sa akin dito sa sofa. Nasa carpet kasi siya kanina. "Its about their business, baby" tugon ko. "But we're still going to swim right?" Ibinaba ko na ang cellphone ko at tuluyang itinuon ang pansin sa aking anak. Binuhat ko siya at pina-upo sa aking kandungan. "Yes, baby.." pinisil ko ang pisngi nito, "... now, who wants to go the supermarket with me?" galak
"Let me take off your jacket, Kairus" saad ko habang nasa loob na kami ng sasakyan ni Liam at si Kate naman ay nasa passenger seat. Tinanggal ko na ang jacket niya dahil mainit na ngayon dito sa Pilipinas at nagsisimula na rin siyang pagpawisan. "Mommy, I want to drink milk po" hingi niya nang matapos kong tanggalin ang jacket niya. "Wait, baby" Tinupi ko ang jacket ni Kairus at inilagay iyon sa loob ng bag ko. Binuksan ko naman ang maliit na bag ni Kairus at kinuha ang milk bottle niya tsaka nilagyan iyon ng gatas at tubig. Nang maihalo ko na iyon ay ibinigay ko na iyon sa aking anak. "Sophie, doon muna kayo ni ba ay Kairus sa condo ko" saad ni Kate. Napatingin ako sa harapan, "Huh? e, saan ka titira niyan?" "Doon muna ako sa bahay para wala na kayong pro-problemahin ni Kairus" "Sigurado ka d'yan, a?" paninigurado ko Nakita ko ang pagtango ni Kate, "Oo, gusto rin kasi nila Mama na doon muna ako sa bahay. Nami-miss daw kasi nila ako" "Okay, thank you" I already exp
"Kahit bakasyon lang, Sophie" pamimilit sa akin ni Kate habang kausap ko s'ya sa video call. Kanina n'ya pa ako pilipilit na umuwi sa Pilipinas pero wala naman na akong babalikan doon atsaka maayos na ang buhay namin dito sa Amerika. Bumuntong hininga ako, "Sige na nga. Tignan ko muna kung anong araw ako available" Umirap si Kate, "Hindi ba't may dalawang linggo ka pang natitira bago bumalik sa trabaho? Ngayon pa lang bumili ka na ng ticket". Natigilan ako doon sa sinabi niya. Oo nga no? Bakit hindi ko naisip 'yon kanina? Napatawa ako, "Oo nga pala" Pagkatapos ng kwentuhan namin ay nagpaalam na ako at kaagad na tinawagan ang secretary ko para bilhan kami ng ticket ni Kairus papuntang Pilipinas. "Ma'am Sophia, mamayang six ng gabi po 'yong flight n'yo" saad sa akin ng aking sekretarya. Tumango ako habang kumukuha ako ng damit sa cabinet, "Sige, salamat Tin" Pagkatapos at pinatay ko na ang tawag at ipinatong ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Inilatag ko nama
"Kairus! Baby, don't go there" sigaw ko nang makita kong naglalakad papalayo ang aking anak.Tumigil ito sa paglakad at ngumuso. Tumingin sya sa kung saan bago ibinalik ang tingin sa akin, mukhang pinag-iisipan kung susundin ba ako o tutuloy sa paglalakad.Lumapit ako sa kanya at binuhat sya, "Where are you going, hmm?""Fwowers, Mommy" itinuro nito ang malaking kumpol ng bulaklak na kulay violet. Napangiti ako. Kaya naman pala siya naglakad palayo sa akin dahil nakita niya ang paborito niyang kulay. Nang mag nine months na siya ay doon ko napansin ang pagkagusto niya sa kulay violet. "You want that?" I asked even it's obvious. Sunod-sunod ang tango na ginawa ni Kairus at nagsimulang lumikot sa braso ko. Hinawakan ko siyang mabuti at naglakad palapit sa puwesto kung saan ang bulaklak. Nagsimula agad syang kumuha ng kulay violet na bulaklak nang ibaba ko sya sa lupa. Pinagmasdan ko lang sya, natawa ako nang mapansing nakanguso siya habang namimitas ng bulaklak. Maraming nangyari s
I WAS PULLED out of my reverie when Mr. Sanford called me. Ibinalik ko ang tingin ko sa mag-asawa. Naka-upo na sila at ang mga tingin nila ay nasa’kin. May pagtataka sa kanilang mukha kung bakit hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako.Pinilit kong ngumiti para ipakita na walang problema pero meron. Umupo na ako at kinuha ang menu na nasa ibabaw ng mesa. Habang nakatingin ako doon ay sinusulyapan ko si Luke. Ngayon pa lang ay marami nang katanungan ang nabubuo sa aking isipan at gusto ko ay masagot agad niya ito.Bakit may kasama siyang buntis na babae? At bakit ngiting-ngiti siya habang kausap ang babae? Gusto kong isipin na kamag-anak lang niya ang babae pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang hindi. Nasagot na nang mga kilos nila ang mga katanungan sa isip ko.Gusto kong puntahan si Luke para ipaliwanag niya sa akin ang mga nangyayari pero ayokong maging bastos. Ayokong gumawa ng gulo dito sa loob ng restaurant. Ayokong ipahiya ang mga kasama ko ngayon kaya kahit sumasabog na ako sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments