Share

Billionaire's Hidden Heir
Billionaire's Hidden Heir
Author: waterjelly

CHAPTER ONE

SOPHIA 'SOPHIE' BENNETT'S POV.

Maingat kong binaba ang violin na hawak ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Naglakad ako palapit sa mesa at kaagad na kinuha 'yung cellphone.

'Call me when you received this text'

Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang mensahe ni Kate saakin.

Kahit na may katanungan sa isip ko ay tinawagan ko parin sya.

Ilang minuto lang sinagot nya kaagad.

"Hello--" naputol kaagad ang sasabihin ko nang biglang syang tumili sa kabilang linya.

"Sophie!!.." tili nya.

Nakangiwi kong inilayo ang cellphone sa tainga ko.

"Kate! You don't need to shout, okay?" saad ko.

I just rolled my eyes when I heard her laughing on the other line.

"Ano bang sasabihin mo at kailangan mo pang tumili?" tanong ko.

Hinila ko yung upuan sa may gilid ko at umupo habang hinihintay ko ang sagot nya.

"Remember may pinagawa si Mom sayo na painting?"

Tumango ako "Yes I remember that?Bakit anong meron doon?"

"Well nakasali sya sa auction kasi may potential talagang mabilis 'yon at na-sold nga at ang maganda pa dito is... may mga nagtanong kay Mom kung sino yung painter kasi gusto daw nilang bumili ng mga paintings mo!!" mahaba nyang saad.

Napatigil ako.

I can't believe what I just heard..

Nagpe-paint lang ako kapag may oras ako. Hobby ko lang talaga sya at hindi ko na naisip na ibenta kaya eto ako ngayon. Gulat.

"Sophie? Are you still there? "

Nakaupo lang ako at hindi gumagalaw hanggang sa unti-unting nag sink in sakin yung sinabi ni Kate.

1

2

3

"Oh my gosh!!! "tili ko

Napatayo pa ako sa sobrang saya at gulat. Parang hindi ako makahinga dahil sa narinig kong balita at sa nararamdaman ko ngayon.

I stopped walking around and took a deep breath.

'Sophie, you need to calm down' I said to myself.

"I thought no one should shout" Kate said on the other line, ruining my moment.

Agad kong inayos ang tayo ko at dahan-dang bumalik sa pagkaka-upo.

I rolled my eyes, "Nagulat ako eh, normal lang yun" depensa ko.

"Okay, sinabi mo eh. We should celebrate it but I'm at the salon with my mom"

I smiled genuinely "It's okay Kate, marami namang araw para makapag celebrate. Enjoy your time with your Mom"

"I promise I'll make it up to you. Bye"

"Bye.."

Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

Sumandal ako sa upuan.

Nakangiti parin ako. Hindi parin ako makapaniwala sa narinig kong balita galing kay Kate.

Nagpe-paint lang ako kapag may occasion at yun ang pinang-reregalo ko. At yung isang painting na binenta ng Mom ni Kate ay pinagawa nya sakin na may bayad. Ayaw ko sanang tanggapin 'yong bayad pero pinipilit nilang tanggapin ko, so walang akong choice kundi tanggapin yung payment ni Tita.

Hindi man ako yayaman sa mga ibebenta ko pero malaking tulong na' yon sakin kesa sa wala. Isa pa, malaki naman ang naiipon ko dahil sa pagtuturo ng violin instrument sa isang private school.

Tumayo ako at maingat na kinuha ang violin at inilagay sa balikat ko. Sinimulan kong tugtugin ang kantang laging kinakanta saakin ng nanay ko noong bata pa ako.

Habang tinutugtog ko ang musikang iyon ay bigla kong naalala ang mga masasakit na nangyari sakin bago ko naabot ang mga meron ako ngayon.

Mahirap mabuhay sa mundo kaya mas lalo kung pinag-iigihan ang pagta-trabaho ko para may pang tustus ako sa mga pangangailangan ko araw-araw.

Mag-isa nalang ako simula ng mawala ang mga magulang ko dito sa mundo. Pinatira naman ako ng isa sa mga kapatid ni Mama sa bahay nila pero puro pasakit lang ang inabot ko doon.

Ginawa akong alila o utusan sa pamamahay nila. Ginagawa ko rin naman ang mga gawaing bahay nung nakatira ako sa pamamahay nila dahil nakakahiya rin namang tumira sa bahay nila tapos wala akong ginagawa pero ibang level na ang ginagawa nila, kung itrato nila ako ay parang hindi nila ako kamag-anak kundi utusan lang.

Puro pagmamaltrato ang inabot ko sakanila. Kung hindi ko man sundin ang pinapagawa nila o di kaya ay nakalimutan ko lang dahil sa napakaraming gawain sa bahay ay ikinukulong nila ako sa bodega ng bahay nila at hindi ako papakainin ng ilang araw.

Maraming beses nang nangyari yun at nasanay na ako. May mga kapitbahay namang concern sakin pero hindi nila kayang labanan ang kapatid ni Mama dahil na rin sa napakasamang ugali ng tiyahin ko.

Ilang taon rin akong nagtiis pero isang araw hindi ko na talaga kaya kaya plinano kong tumakas. Hanggang sa isang araw nakatiyempo akong tumakas dahil wala silang lahat sa bahay.

Nagpalaboy-laboy ako sa kalsada noon.

Sabi ko pa sa sarili ko na mas okay pang manirahan sa lansangan kaysa sa bahay ng tiyahin ko. Mas mabilis pa yata akong mamamatay doon kaysa sa lansangan.

May mga taong tumulong sakin at dinala ako sa isang shelter. Doon ay nagkaroon ako ng mga kaibigan at tinuruan din kami na gumawa ng mga artwork pero sa pag-paint talaga ako magaling.

Umalis ako ng shelter nung may ipon at saktong nag-eighteen ako. Ayaw pa akong payagan nila Sister pero sabi ko sakanila kailangan kong mabuhay sa sarili kong paa.

Nakakuha ako ng scholarship at ginamit ko 'yin para makapag-aral ng mabuti hanggang sa nakapagtapos ako at ngayon ay nandito na ako nagta-trabaho sa isang private school bilang isang teacher.

Ibinaba ko ang hawak kong bow at mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa mata ko.

Kapag inaalala ko ang mga pangyayaring yun ng buhay ko ay naluluha ako. Ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi nya ako pina Ayaan. Kung nasan man ako ngayon ay dahil yun sakanya.

"Hindi ka dapat umiiyak Sophia, masaya ang araw na 'to kaya dapat hindi ka lumuluha" saad ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at inayos na ang mga gamit ko. Bukas na kasi ang simula ng klase kaya pumunta kami ngayon dito ayusin ang classroom.

Nagta-trabaho ako sa isang private music school at nagtuturo ako sa mga batang gustong matututong tumugtog ng mga musical instruments pero violin ang itinuturo ko dahil yun ang pinag-aralan kong instrumento bago mamatay ang mga magulang ko.

Pinatay ko ang ilaw nang makita kong maayos na ang lahat. Isinara ko na ang pintuan at naglakad paalis ng school.

Tinignan ko ang relo ko.

'5:38 pa lang'

Maaga pa naman kaya naisipan ko munang kumain sa paborito kong bakery shop malapit sa school. Ilang minuto lang naman ang lalakarin kaya minsan ay dito na ako nag la-lunch kapag wala akong oras na magluto ng pagkain ko.

Meron namang canteen sa loob ng school pero itong Golden Crust Bakery talaga ang favorite ko.

Tumunog ang bell nang buksan ko ang pinto ng shop.

"Ma'am kayo pala.." nakangiting saad sakin na isa sa mga nagtitinda bakery shop, si Patty.

Halos lahat ata nang nagta-trabaho dito ay kilala na ako dahil nga dito ako laging kumakain.

Dumiretso ako sa counter "I'd like to have a fruit tart and a classic latte today, please.."

Iginala ko ang tingin ko sa loob ng shop, marami pang tao ang nakatambay dito. Muntik pa akong hindi makahanap ng mauupuan. Buti nalang at meron akong nakita malapit lang sakin.

Naglakad ako palapit sa table at saka umupo. Habang hinihintay kong dumating ang in-order ko ay binuksan ko ang phone ko at nag scroll muna sa social media.

I was just scrolling lazily when I saw Kate's picture with her mom at the salon. I put a heart reaction and even commented on it.

Nag-scroll lang ako nang scroll hanggang sa dumating na yung order ko. I thanked the waitress that brought my food and she give me a friendly smile before leaving. Nahalata ko kaagad na bago lang sya dahil hindi pamilyar yung mukha nya.

Tahimik lang akong kumakain habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Malapit lang ako sa may glass wall kaya kitang-kita ko kung paano unti-unting nawala ang sikat ng araw sa aking paningin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status