PAGPAPATULOY....
Maraming beses na nararamdaman ni Beth ang stress. Nakikinita pa rin ng dalaga ang anyo nang nakakatandang kapatid na binibigyan siya nang lakas nang loob. Ang sigalot sa pamamagitan nang pamilya ni Beth ay mas lalong lumala. Sa ikalawang pagkakataon nang eleksyon. Muli, natalo ni Benedict si Hilda sa pag-aalangang diskusyon. Ang pera na naigastos ni Hilda sa mga pekeng plataporma ay hindi gumana sa taumbayan. Si Benedict pa rin ang binoto nang mga ito. Hanggang sa isang araw, inaanyayahan si Benedict, Grace at Beth ni Hilda na pumunta sa isang pagtitipon na kung saan gaganapin sa kinikilalang resort. Magiliw ang anyo nang tiyahin at masyadong palakaibigan nito. Sa likod nang isip ni Beth ay may masamang binabalak si Hilda at Henry. "Hindi ako papayag na pupunta kayo roon mama, Papa! Hindi pa ba sapat ang pagkawala ni Conrad? Sila ang pumatay kay kuya mama, papa!" Bumuga nang marahas na hangin si Benedict at tinapik ang balikat ni Beth. "Alam ko na nahuhumaling ka pa rin hanggang ngayon sa kapatid mo, Beth. Pero ang akusahan si Hilda ay hindi sakop sa kinikilala nating batas." "Hindi ka naman naniniwala sa akin e. Di'ba mama?" Nilingon ni Beth ang Ina. Bumaling ito sa kabilang direksyon bago muling binalingan siya. "Natatakot ako na baka totoo ang sinasabi ni Beth, Benedict. Paano kung sila nga ang pumatay kay Conrad? Maraming mga tauhan iyang kapatid mo. Marami rin siyang mga illegal na negosyo kabilang na roon ang pagbebenta nang mga menor de edad na mga batang babae upang gawing sex slaves sa mga matatanda. Hindi tayo pupunta. Naniniwala ako sa mga sinasabi ni, Beth. Hon." "Ang lahat nang mga naririnig natin ay walang katotohanan lahat, Beth, Grace. Pawang ang mga iyon ay haka-haka lamang. Sa loob nang dalawang taong hindi namin pagkakasundo ni Hilda. Sa wakas ay ito na ang pagkakataong hinihintay ko na lumapit siya upang makipag-ayos. I mean no harm to help people, Beth, Grace. At alam ko na pati ang kapatid ko ay ganoon rin ang reputasyon." Sa huli ay hindi napipigilan ni Beth na umalis ang mga magulang. Maski si Grace ay nag-aalangan na samahan ang asawa subalit naging matigas ang ulo ni Benedict kaya ay wala na siyang nagagawa pa. Bago sina Benedict at Grace na umalis ay may inihabilin ang kanyang ina. "Isarado mo lahat nang pintuan, Beth. Huwag na huwag mong bubuksan kung hindi man kami darating. Kung hindi mo maririnig ang boses namin. Dito ka lang sa loob maglagi. Naiintindihan mo?" Hindi alam ni Beth na iyon na ang kahuli-hulihang sandali na masisilayan niya ang Ina na si Grace. Nang sumapit ang gabi. Hindi napanatag ang kanyang loob kaya'y hindi si Beth nakatulog. Bumaba siya mula sa kwarto patungong living room kahit na nakapatay ang mga ilaw. Tinungo ni Beth ang refrigerator upang makakuha nang tubig sa pag-inom. Natigilan nang may marinig siyang mga kaluskos at ang iilang ingay na nagmumula sa labas. Mabuti at nakapatay ang ilaw. Lihim na pinalis ni Beth ang kurtina na nakatabing sa pinakamalapit na bintana at nagulat siya sa nakita. Apat na mga armadong kalalakihan ang nakatayo malapit sa pintuan nang pamamahay nila. Kung hindi si Beth nagkakamali, ang isa sa mga taong iyon ay si Henry. Sinipat ni Beth ang relo. Mag-aalas-dose na nang gabi. "Natutulog pa marahil si Beth sa mga oras na ito, Henry. E diba kanina ka pa ganado na lisanin ang resort upang tunguhin si Bethany rito." Narinig ni Bethany na mahinang humalakhak si Henry. "Kailangan ko munang gawin ang mga bagay na hinihiling ni mommy. Pagkatapos maihulog ang mga katawan ni tiyo Benedict at tiya Grace sa laot ay matutuloy na ang matagal ko nang pinaplano kay Beth. Masyadong makaluma ang style nang babaeng iyon pero hindi ko alam kung bakit ginaganahan ako." "Sigurado ka bang patay na ang dalawa nang sa ganoon ay tuloy-tuloy mo nang maisakatuparan ang plano mo kay Beth?" "Sinuri ko iyon nang husto. Nilagyan ni mommy nang lason ang espesyal na alak na binigay niya sa uto-uto na mag-asawang iyon kaya ayun. Deadbol!" Natutop ni Beth ang bibig. Mabilis siyang nakakilos at tumungo pabalik sa kanyang kwarto. Nasa ikalawang palapag ang kwarto ni Beth. Sa kanang bahagi ay may bintanang yari sa salamin. Inabot ni Beth ang upuan at pumatong roon. Nang masigurong nasa tuktok na siya sa pinakamalapit na salamin ay pinatid ni Beth ang upuan. Natumba iyon sa sahig. Nasa likurang bahagi nang bahay ang kwarto niya. Hindi nakalinya sa kanilang main door. Gamit ang hagdanan ay malayang nakababa si Beth sa ikalawang palapag. Maingat siyang nakalayo. Subalit nang makarinig nang sunod-sunod na putok ay natilihan si Bethany. Isiniksik niya ang sarili sa makakapal na dayami. Naaaninag niya ang hindi maimprentang mukha ni Henry. Mukhang napag-alaman na nitong nakatakas siya. Tinakpan ni Beth ang bibig upang hindi makakalikha nang ingay. Nang tuluyang makalayo sa paningin ang mga lalaki ay doon na lumabas si Beth sa pinagtaguan. Hindi si Beth makapaniwala sa narinig. Pinatay ni Hilda at Henry ang mga mahal niya sa buhay. Nang makarinig nang kaluskos ay mabilis muling nakapagtago si Beth sa makapal na damo. Napamura si Henry nang sunod-sunod. Nag-uugat ang leeg nito kakasigaw. "Balak ko pa man din siyang ipagbili sa mga dayuhan pagkatapos kong makaraos pero lintik! Masyadong malakas ang radar nang babaeng iyon. Mukhang natakasan pa yata tayo." Muli ay nawala ang mga ito sa paningin ni Beth. Nakabalik si Henry kasama ang tatlong tauhan sa resort kung saan ginugunita ang naturang pagtitipon. Kaswal ang anyo. Binulungan ito ni Hilda. "From the looks of it mukhang hindi naging maganda ang lakad ninyo, ah!" Mahinang napamura si Henry. Sinabi ang dahilan nang pagka bad mood nang lalaki sa ina. "Oh my poor son. Huwag kang mag-aalala. Hindi makakalayo sa lugar na ito iyong si Bethany. Bukas na bukas rin. Dapat aalis ka nang mas maaga. Suriin ang mga lugar na pupwedeng mapagtataguan ni Beth." Ngumiti si Henry. H******n sa pisngi ang Ina. "You're the best mom I have ever had." "Sure you do. You're always welcome, sweetie." —————————— NAPAPAGOD na si Beth sa paglangoy. Anomang sandali ay nakahanda nang bibigay ang kanyang katawan. Hindi na niya maikampay ang mga kamay at binti. Nang makarinig nang tunog nang bangka ay natigilan si Beth. "Beth, anak!" Si Benedict iyon. Napaluha si Beth. Kanina niya pa pinipigilan iyon. Sa mahinang boses ay nagawa niyang sagutin ang tawag ni Benedict sa kanya. Sa kabilang banda ay sugatan naman si Benedict sa tagiliran. Ang asawa niyang si Grace ay hindi na nakaligtas. "Mayor, nandoon si Beth." Nilangoy ni Karding ang kinaroroonan ni Beth. Si Karding ang may ari nang bangka na tumulong kay Benedict upang makatakas sa mga kamay nang kapatid. Marahil ay hindi ni Hilda napag-alamang iniluwa ni Benedict ang inumin nang makaramdam siya bigla nang kagustuhang umubo. Iyon pala ay may lason ang kupita na ibinigay sa kanilang dalawa ni Grace. Nagpapanggap siyang patay kasama ang bangkay nang asawa. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Binaril ni Henry si Grace sa tagiliran at pati si Benedict. Pinigilan niya ang sariling hindi mapaigik sapagkat ramdam niya ang labis na sakit. Hanggang sa inihulog ang kanilang mga katawan sa laot. Mas lalong kumikirot lalo at tubig-alat ang nakapasok sa napuruhang tagiliran ni Benedict. It was a tough times. He had to give up his wife. Napapaluha na lamang siya habang papalayo sakay sa bangka ni Karding na sa nang gabing iyon ay nangingisda. Nahila ni Benedict ang katawan nang anak. Basang-basa ito at kinakapos sa paghinga. "Beth, anak..." Nawalan nang malay si Beth. Si Karding ay patuloy ang pagsagwan hanggang sa makarating sila sa ikalawang bahagi nang port. Ang unang port ay napag-alamang konektado kay Hilda. Binigyan ni Benedict nang sapat na halaga si Karding bilang pabuya. "Hindi ko matatanggap iyan Mayor. Hindi kailanman nababayaran nang kahit anong salapi ang kabutihang-loob na iyong iginawad sa aming magpapamilya." Sa halip ay may binunot na pera si Karding sa bulsa. "Ito 'ho. Alam ko na maliit na halaga lamang iyan pero malaking maitutulong na rin sa inyong dalawa ni Beth. Magpakalayo-layo kayo rito Mayor. Magsimula kayo muli. Makasisuguro kayo na mananatiling tikom ang aking bibig tungkol sa pagtakas ninyo ngayong gabi." Nagpasalamat si Benedict sa matandang lalaki. Kalaunan ay bumalik sa pinanggalingan dahil nagbabadya na ang pagsikat ng araw. Sa labis na pagsubok na sumambulat sa kanilang pamilya ay may nakilala rin si Benedict na isang binata. Nang makita siya nitong kargang-karga ang anak sa gitna nang hindi ganoon mataong daan ay hinintuan siya nito at tinulungan. Hindi ito nagdadalawang isip na papasukin siya sa kotse. Hindi rin ito nagtatanong kung ano ang nangyayari. Isang bagay na kinutuban nang husto si Benedict subalit may sinabi itong nagpagising kay Benedict at napapaisip. Nairekomenda nang binatang lalaki ang isang bahay ampunan sa pinakamalapit. Pinasakay si Benedict sa kose nito at ipinagmaneho siya patungo roon. Napapansin ni Benedict ang munting sulyap nang lalaki sa kanyang anak na si Beth. Patay-malisya lamang siya roon. Ang mas importante sa ngayon ay ang masisiguro ang kaligtasan nang anak. Sa mga kasunod na segundo ay ang pinakaimportanteng punto para kay Benedict. He had to do that for his child. For Beth. Ngayon ay hindi alam ni Benedict kung saan sila ngayon pupunta ni Beth. Sa makatuwid ay naisipan niyang iwanan ang walang malay na si Beth sa isang bahay amponan. Tinanggap ni Benedict ang naging Alok nang binatilyo. Babalikan na lamang niya ang anak kung may malaking halaga na siyang naipupundar. Iniwan ni Benedict ang titulo nang lupa na siyang binalak na makuha ni Hilda mula sa kanya. Inilagay ni Benedict iyon sa tabi nang natutulog na dalaga. Hindi na nagawa pang makipagkilala ni Benedict sa mabait na binatilyo dahil agad na itong umalis. Nagbilin nang kakarampot na pera para sa kanya. Ang sabi ay magiging ligtas ang anak sa loob nang bahay ampunan na binanggit. Ngunit ang pinili niyang desisyon ay mas lalong nagpapahirap kay Benedict sa mga panahong nagdaan. Binalikan niya si Beth sa isang bahay-amponan subalit wala na roon si Bethany. Hindi madali ang kanyang naging pasya. Palaging nakakaramdam si Benedict nang kalungkutan sa tuwing naiisip ang nawalay na mga mahal sa buhay. Palipat-lipat rin siya nang tinitirhan. Sa puntong iyon ay alam ni Benedict na tinutugis nang mga tauhan ni Henry ang kanyang anak na si Beth. Isang araw ay nahanap niya ang anak. Isa na itong bigating abogada. Imbes na maging masaya sa nakamtan na trabaho ay nakikinita ni Benedict na masyadong malungkot ang mga mata nang anak. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nilapitan ni Benedict si Beth upang makipagkilala sa makalipas na maraming taon. ———KASALUKUYAN—— Tiningnan ni Beth ang kanyang repleksyon sa salamin. Namumugto ang mga mata niya. Sa mahigit tatlong taon nang mangyari iyon ay noon lang siya dinalaw nang isang bangungot. Bangungot na para sa kanya ay siyang pinakamaganda sa lahat. Masaya silang pamilya at walang kahit na anomang problema. Pero alam ni Beth na hindi na kailanman iyon maibabalik. Hinding-hindi na. Sa araw na iyon ay walang gana si Beth na pumasok si firm. Nagpadala na lamang siya nang mensahe kay Yngrid na kailangan muna niyang magpahinga. Kalakip niyon ay kailangan rin niyang pag-aralan ang iilang impormasyon tungkol kay Kirk Franklin Alfonso Ruiz. "Ikaw ang bahala, Beth." Sagot ni Yngrid sa mensahe niya. Dalawang minuto bago ni Beth ipinadala. Wala namang maganda sa araw na iyon. Ang tanging karaniwang araw at nakasanayan ni Beth. Magmumukmok sa kwarto at lalabas lamang kung mag-aagaw na ang sinag nang araw sa paglubog. Namimi-miss ni Beth ang kanyang pamilya. Iyon ang palaging umukilkil sa ilalim nang kanyang pag-iisip. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang makarinig nang sunod-sunod na pagkatok. Nitong mga nakaraang araw ay parami nang parami ang mga taong napag-alaman ang kanyng lokasyon maliban na lamang kay Yngrid at sa kanyang ama na si Benedict. Sino naman kaya ang taong iyon na sinusubukang istorbohin ang kanyang pananahimik? Sinipat ni Beth ang relong-pambisig. Alas singko y media na nang hapon. It is unusual for a visitor to come at this hour. Sinilip ni Beth ang peephole. Walang tao. Ngayon ay naisipan ni Beth na baka ay nagpa-prank lamang ang gumawa niyon na katukin ang pintuan nang kanyang apartment. Uso pa naman sa ngayong henerasyon ang tinatawag ng mga kabataan na social experiment. Bumalik si Beth sa pagkakaupo sa sofa. Muling isang katok ang pumukaw sa kanyang atensyon. Tumayo si Beth at walang pag-aalangang binuksan ang pintuan. Sinalubong siya nang lalaking nakapwesto ang mga braso sa bisig. Nakasandal ang likuran sa mini-terrace. Diretso kay Beth ang tingin. "Ano ang ginagawa mo rito?" Kinabahan si Beth. Wala siyang sinabi sa lalaki patungkol sa kanyang pribadong buhay. Nagkibit-balikat lamang ito bilang tugon. "May isang importanteng bagay akong sasabihin sa iyo tungkol sa hinaharap kong kaso." Si Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang hindi inaasahang bisita ni Beth. Tumaas nang bahagya ang kilay niya. Napansin naman iyon ng lalaki. "Hindi mo man lang ba ako iimbitahang papasukin sa apartment mo?" Hindi si Beth kailanman nagpapapasok nang mga bisita kung hindi man lamang iyon si Yngrid o ang kanyang ama na si Benedict. Nang hindi agad si Beth nakasagot ay muling nagkibit-balikat si Kirk Franklin Alfonso Ruiz. "Nevermind. Dito nalang tayo sa labas kung hindi ka komportable." Hindi karaniwang reaksyon nang lalaki ang totoong nagbibigay ng kakaibang kilabot sa kaibuturan ni Beth. Wala sa postura nito ang pagka-pasensyoso lalo at kilala ang lalaki na isang halimaw sa labas o loob nang alta-sosyedad. Dumistansya si Beth ilang dangkal ang layo mula sa pintuan. Gumilid naman si Kirk Franklin Alfonso Ruiz upang mabigyan siya nang daan. Ngayon ay pareho na silang nakaharap sa labas. Nakamasid sa kapaligiran o kahit sa mga taong masyadong busy sa hanapbuhay sa ibaba. "Ano ang gusto mong sabihin?" Pero hindi iyon ang gustong tanungin ni Beth. Gusto niyang malaman kung paano natunton nang lalaki ang kanyang apartment. "Nakuha ko ang address mo kay Yngrid." Sa halip ay nasabi nito na tila ay nababasa ang kanyang iniisip. "Hindi mo kailangang mag-aalala sa akin. May gusto ka nang pribadong buhay. Ganoon rin naman ako. Alam ko ang pakiramdam nang inaagawan nang espasyo." Isang mahabang katahimikan. Walang maidugtong si Beth. Gusto rin niyang hindi na magtanong. Kalaunan ay may inabot si Kirk Franklin Alfonso Ruiz sa kanya. Isa iyong brown envelope. "Gusto kong pag-aralan mo ang nasa loob niyan. Isa siyang importanteng tao para sa akin." Saka ito nagpaalam na upang umalis. Nang makapasok si Beth sa apartment ay binuksan niya agad ang brown envelope. Tatlong magkaparehong tao ang nasa litrato na naroon. Magkaiba ang petsa at ang mga lugar. Mas lalong nahihiwagaan si Beth sa pagkatao ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Isang batang babae ang nasa litrato. Mayumi at maganda. Sino ang batang iyon na gusto ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz na pag-aaralan ni Beth para maisama sa kaso nito? Could this be his daughter?BATID ni Frank ay walang kaalam-alam si Mariano Enriquez. Inisa-isa niya ang mga tiyak na dahilan. Sinimulan na binanggit ni Frank iyong sa isyu sa kanyang Resort. Kasunod ay hindi ni Frank nakakaligtaan ang kaso nito na naitalo ni Bethany sa court of appeals. Nadedepina ang bawat mag-kakaibang reaksyon nito nang banggitin niya iyon. Mas lalong hindi ito makapaniwala sa sinabi niya na may koneksyon ito sa mga illegal na negosyo na human trafficking na kung saan ay pinamumunuan iyon ni Henry de La Cruz."Imposible! Imposible iyang sinasabi mo! Paanong nalalaman ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang mga impormasyon na iyan gayong wala naman kaming naging koneksyon o kahit ang kaunting ugnayan sa isa't-isa? Ni hindi ko pa nga nakadaupang-palad ang matandang lalaki na iyon. Imposible iyan!""Kung ganoon at hindi ka sa akin naniniwala. Sa tingin mo ba ay malalaman ko ang lokasyon mo dito upang dalhin ang daan-daang milyong piso na iyan dito?" Bumaba ang tingin ni Mariano Enriquez sa tatlong sa
TUMUNGHAY si Beth at tumingala. Nakababa ang tingin ng batang lalaki na si Axel sa kanya. Bumaba ang tingin ng bata sa nilaro-laro na tubig ni Beth. Sa mga sandaling iyon ay nasa gilid ng swimming pool si Beth. Nakasalikop ang mga binti at nakasiksik ang nakababang ulo sa magkabilang tuhod."Ano po ang ginagawa ninyo?" Ngumiti si Beth saka tumayo. "Gusto ko lamang aliwin ang sarili Axel. Apat na araw na kasi akong nandito na wala man lamang ginagawa.""May ginagawa po si Dada sa kusina. Gusto niyo po bang tingnan?" Hindi pa si Beth nakasagot. Kinuha ng batang si Axel ang kanang kamay niya at hinila palayo sa pool. Mabilis itong nanakbo habang hinihila siya kaya pinakiusapan ni Beth ang bata na magdahan-dahan dahil baka ay madapa ito. Malayo pa lamang sa kusina ay naaamoy ni Beth ang mabangong pagkain sa kanyang ilong. Huminto si Axel sa pananakbo at nilingon si Beth. "Alam po ba ninyo na magaling si Dada sa pagluluto? Palagi niya kaming nilulutuan ni Amber at Mommy Cass kapag wala si
IMBES na sa Villa de-Calibre Hotel dadalhin ni Frank si Beth ay nagbago ng isip ang binata. Sa halip ay ang bahay niya sa Laguna ang tinatahak na daan ng kanyang sasakyan. Magtakaka si Beth panigurado kung sakali mang doon ni Frank dadalhin ang dalaga. Katunayan, kamuntikan na nga siyang mabuko sa Resort dahil lamang sa lalaking service crew na iyon. Isa pa ay, kalahati na nang katauhan niya ang nalalaman ni Beth. Hindi pa man isang daang porsyento subalit nababatid ni Frank na sa ikalawa't-malaot. Malalaman rin ni Beth ang totoong katauhan niya nang hindi ni Frank mamamalayan. Kanina pa ni Frank napapansin ang pagsulyap-sulyap ni Beth sa kanya. He pulled over the car and stop. Binalingan si Beth ng may pag-aalala. "May problema?" Napakurap-kurap ito kalaunan ay nag-iwas ng tingin.Binalot sila ng katahimikan nang muling bumuntong-hininga si Beth. "Nagtataka lamang ako, Danger. Napapaisip ako sa sinabi mo. Ang sabi mo kasi ay sinanay ka upang sagipin at protektahan ang mga tao. Dumati
SI Beth na pabiling-biling sa kama ay hindi pa muna idinilat ang mga mata. Naririnig niya ang usapan ni Frank at nang matandang babae na siguro ay nasa kanang bahagi lamang ng kama na hinihigaan ni Beth. Seryoso ang usapan ng mga ito. Nahihiya si Beth na gumalaw. Ang pakay lamang sa naturang resort ay upang manatili kahit isang gabi. Batid ni Beth ay alas dyes na nang umaga sa mga sandaling iyon. Natataranta na napabalikwas si Beth ng bangon. Pareho ng nakalabas sa kwarto si Frank at ang matandang babae gawa na nga sa pagbukas-sara ng pinto. Para lamang malaman na nakatayo ang binata sa dulo ng kamang hinihigaan ni Beth ay tumikhim ito. Namilog ang mga mata na nilingon niya iyon.Nakapuyos ang mga braso ni Frank na nakapwesto sa bandang dibdib. Saka nito sinipat ang relo at muling tiningnan si Beth. "Alam ko na kanina ka pa nagigising. Tara na at bumaba. Nakahanda na ang makakain sa kumedor kanina pa. Bibigyan kita nang iilang minuto upang makapaghanda." Saka ito umalis sa kwarto na k
MASYADONG mabigat ang loob ni Beth. Mali. Malungkot si Beth na nagagalit sa palaisipang si Frank o kilala sa nalalaman ni Beth na pangalan nito ay Danger. Si Frank ang naisip ni Beth na espiya sa lugar kung saan si Beth nagtatago. At na kakuntyabo nito ang Mayor ng Quezon. Sa araw na iyon ay iniiwasan ni Beth na makadaupang-palad ito. Malaking pagkakamali ang mabilis na napalapit ang loob ni Beth sa lalaki. Naalala ni Beth ang sinabi ni Frank, ikatlong araw sa paglipat nito sa bakante na katabi lamang sa inuupahan ni Beth na apartment. Napilitan lang daw itong lumipat dahil sa trabaho. Ang trabaho pala na tinutukoy nito ay si Beth mismo. Bakit hindi ni Beth naisip iyon? Mas lalo siyang nahulog sa matalinhaga na patibong nito. Nag-impake si Beth ng mga gamit. Nagbabalak siya na lisanin ang apartment sa oras na tutuntong nang alas dose sa madaling araw. Sisiguraduhin ni Beth na walang makakapansin sa kanyang pag-alis.Bago ni Beth na maisasakatuparan iyon. Kailangan muna niyang makausap
IPINANGKO ni Frank ang sarili. Nakatuon ang atensyon niya sa pinapanuod na palabas sa telebisyon. Natigilan nang may marinig na mahinang katok. Nang mabuksan ni Frank ang pintuan ng kanyang apartment ay sumalubong sa kanya si Beth. Nakabihis ito nang panglakad na damit. Ang gusto lamang ni Beth sa araw na iyon ay hinihingi nito ang pabor kay Frank na mabantayan ang apartment nito from time to time."May lakad ako. Nag-demand ang kliyente na makipagkita sa kaso na kinasasangkutan nito." Sagot ni Beth pagkatapos ni Frank na magtanong. "Saan iyon at nang maihatid kita sa usapan ninyong lokasyon?""Ni wala ka ngang sasakyan e." Ani Beth na pawang makatotohanan iyon. "Lately ay parang napapansin ko na tila ikaw ay puno nang imahinasyon. Kumain ka kaya sa tamang oras para hindi ka naman mag-ha-hallucinate?" Pagbibiro ni Beth. Si Frank ay tila nakakaligtaan na wala nga pala siya sa Villa De-Calibre Hotel. Tumawa lamang si Frank. Sinakyan ang pagbibiro ni Beth. Nang makaalis ang dalaga ay kaa