HINIGOP ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang may kainitang kape na boluntaryo niyang dinaanan sa Starbucks. Magandang alyansa para kay Frank ang makipag-organisasyon sa panibago niyang abogada. Si Beth ay palaging nakatuon ang atensyon sa trabaho. Iyon ang hinahangaan ni Frank sa dalaga. Hindi ni Frank nakikitaan si Beth na naiistorbo ito sa tuwing nasa malapit lamang siya. Katunayan ay mistula itong walang pakialam sa presensya niya. Bukod roon. He noticed a bit of vulnerability yet a lot of resiliency in Beth. Napangiti si Frank. A tough woman and a weak indeed. Isang hindi pangkaraniwan ang katangian na nakikinita ni Frank kay Beth. Through her help, sigurado si Frank na mapapawalang sala siya sa kaso na inihain sa kanya. Si Beth mismo ang inirekomenda ni Yngrid nang minsang hinahanapan niya ito nang magaling at wais na abogada. Si Beth ang taong iyon na hinahanap niya.
Binunot ni Frank ang isang bagay sa bulsa. Ang pitaka niya iyon. Binuklat niya iyon at itinutok ang atensyon sa litrato. Litrato iyon ni AC. Hindi ni Frank mapangalanan kung gaano niya pinanabikan ang kapatid. Si Ashley Cate o mas kilala sa tanyag na AC ay ang nawawala niyang kapatid. Kung paano siya nadawit sa kaso ay isang tao lamang ang may kagagawan niyon. It was one of his target. Si Henry. Si Henry ang matagal niyang nakilala sa alta-sosyedad. Hindi kailanman sila nakadaupang palad subalit may mga illang impormasyon na nalalaman si Frank mula rito. Bigatin itong tao. Nitong nakaraan lamang ay napag-alaman ni Frank na may lihim itong itinatago. May pinapatakbo itong illegal na negosyo. Ang human trafficking at sigurado si Frank na si Henry mismo ang may kagagawan kung bakit biglang nawala ang nakababatang kapatid na si AC. That man was a whore. Si Frank pa ang nagawang baliktarin. Siya ang nawalan pero siya pa ang kinasuhan. Hindi iyon makatarungan. He has to play as a vulnerable one. Hanggang sa mapapasakanya ang huling halakhak. Matagal na siyang nagtatago sa likod nang maskara. Ang paglaruan ang mga taong may atraso sa kanya ay hindi sapat ang kanyang katauhan upang magpanggap na isang mahinang negosyante na matanda. Kailangan ni Frank na pairalin ang matinik na paraan. Ayaw ni Frank nang foul. Gusto niya ay bala de-kalibre. "Hindi ka na nakabalik dito sa LA, anak. Busy ka ba riyan?" Si Cassandra ang kanyang ina. Palagi nitong nilalambing ang lugar na alam ni Frank ay hindi siya kailanman magiging komportable. They were migrating in California for half of his life. Dalawampo't taong gulang lamang siya nang lumipat ang kanyang pamilya roon. Ang buong nalalaman ni Cassandra ay isa siyang CEO. Ngunit hindi lang iyon ang kanyang trabaho. Ang isa ay literal na napakadelikado. Inilihim ni Frank iyon sa ina. Ayaw niyang mag-aalala ito. "Uuwi ako riyan mama pero hindi ko pa masisiguro." "Huwag mong sabihin sa'kin na mag-aasawa ka na! Anak naman. Lagpas kalendaryo ka na! Gusto ko nang magkaroon nang apo." Tumawa si Frank sa kabilang linya. "There's always the right time, mama. Hindi ko kailangang madaliin. May tamang proseso ang lahat." Ang pamilya ni Frank ay may sariling pamamahay at iilang maliliit na negosyo sa Pilipinas. Mas tinangkilik nga lang ng mga foreign consumers ang negosyong pinangungunahan ni Frank higit sa lahat ay sa US. Ang negosyong pinangungunahan niya rito sa Pilipinas ay isa lamang sakop sa kung saan nakabase sa US. Alam ni Cassandra na hindi totoong kaanyuan ang ipinakita ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz sa mga nakasosyo nito. At sa anomang kadahilanan ay napapanatag ang loob ni Frank nang hindi man lang nagtatanong ang ina. Isang araw niyon ay harap-harapan siyang kinausap ni Cassandra. Nandoon si Frank sa US. nakikipag-business meeting sa isa sa mga kaibigan ni Cassandra na nagmamay-ari nang kompanyang konektado sa kompanya niya. Hindi sila inaasahang nagkita roon. Tutok ang atensyon ni Cassandra kay Frank. Pinili naman niya ang manahimik o ang mag-focus sa nakasosyo subalit hindi si Frank nakatakas sa ina. Naalala niya pa kung gaanong naghuhurumentado ang Ginang nang makauwi na sa pamamahay nila. "What was that for? Ano ang pakulo mo sa puntong ito, anak?" Nahilot nito ang sentido na nagpalakad-lakad sa may patio. "Really? An old business magnate pa talaga ang naisipan mong i-cover up sa katauhan mo? Bakit mo ginagawa iyon? O kahit ang mga ito? Aren't you proud of yourself for who you really are?" He had to hide himself from the enemies. Lalo at target ni Frank ay iyong mga taong may kinalaman sa pagkawala ni AC. Dahan-dahan niyang pinakikitunguhan ang mga taong iyon. Sa mahigit-malaon, gusto ni Frank na tugisin ang mga responsableng tao sa pamamagitan nang mga ari-arian ng mga ito. Gayunpaman, ang pinaka-interesanteng trabaho ni Frank ay ang totoong nagpapabuhay sa dugo niya. It was dangerous, but he felt excited and fun everytime na bibigyan siya nang misyon. Subalit Sa mga panahong iyon. Hindi muna siya tumatanggap nang kahit anong trabaho galing sa kataas-taasan. He has to focus for his company until he could finally recovered with his previous terrible mission in Afghanistan. "You're one fine man, Frank! Bakit hindi mo kaya subukang mag-explore. Lalong-lalo na sa mga babae." Nagtawanan si Elixir at Chaos. Kasamahan ni Frank sa trabaho. They were all SEAL's. Naroon sila sa villa de calibre ni Frank. Nagpapalipad-hangin. Umiling-iling na lamang siya. "I heard you had a new lawyer. Nakita ko ang babaeng iyon noong isang araw sa lounge nang Cate's estate. Aba'y! Masyadong malakas ang dating pare! Hatak ang atensyon sa mga guest. Iyon nga lang ay napaka-self-centered. Walang pakialam sa paligid." Mayabang na nginitian lamang ni Frank ang mga kaibigan. Nakita iyon ni Elixir. "Anong klaseng ngiti iyan, Ruiz? Tinamaan ka ba sa bagong abogada mo?" "I am just proud." Nagkatinginan sina Elixir at Chaos. Walang naiintindihan. Si Chaos ang naunang ibinalik ang tingin sa kanya. Halata sa reaksyon ang pagtataka. "Bakit ka naman proud? Saan ka ba proud?" "To my new lawyer. Her name is Bethany Francheska Hamilton." Sagot ni Frank na taas ang noo. Si Elixir ay siniko siya sa balikat. "At talagang nalaman mo na rin ang buong pangalan ha? Bagong level na ba iyan? Sa katunayan. Maging ako man. Kung may pagkakataon akong makipagkilala. Magiging proud din ako sa bagong abogada mo. We men, are more interested in those independent woman. Hindi na natin kailangan pang mangamba kung ano ang dapat na gawin. Kung ano man ang mangyayari. Because those independent woman only knows the right thing. And I admired those kind of. Napaka-astig!" "Oh shit!" Pareho si Frank at Elixir na nabaling ang tingin kay Chaos. Tumayo ito. "I gotta go." "Saan ka pupunta?" Tanong ni Frank. Napakamot naman sa batok si Chaos. "Nagpadala nang mensahe si Cassiopeia. Kailangan niya daw nang tulong." "Sa kanyang bagong misyon tungkol sa mga batang iyon? Akala ko ba ay easy-peasy lang kay Cassiopeia ang mga bata? Bakit ngayon ay pati ikaw ay magiging baby-sitter pa?" "The kids are in danger." Magkasabay na tumayo si Kirk Franklin Alfonso Ruiz at Elixir nang banggitin ni Chaos iyon. Nabaling ang tingin ni Chaos kay Frank. Inilingan siya. "Okay na itong si Elixir, Frank. We can handle the kids as well as Cassiopeia. Armadong mga lalaki 'raw ang dumukot sa mga bata. Nahihirapan si Cassiopeia na mag-asinta. Sa ngayon ay hinahabol niya pa rin ang sasakyang may plate number na ZX2285Y." "Sigurado kayo na kaya ninyo?" Tumango ang dalawa. "Besides. Naka-on leave ka. Kung ayaw mong mabigyan nang pangkalahatang parusa. Manatili ka dito sa Villa de Calibre mo at nang makapagpagaling ka sa mga sugat na natamo." Tumango si Frank kasabay niyon ay ang pag-alis ni Elixir at Chaos. Bumalik siya sa pagkakaupo at binabalik-tanaw kung ano ang nangyari sa karanasan niya sa Afghanistan. It was a terrorist attack. He had to take an action to made those Afghans's hostages came back alive. Ang nangyari ay muntikan niya nang ikamatay. He was good in disguise subalit nakilala pa rin siya sa isa sa mga terorista. They made him being a part of the hostages. Even made him a bunch of terrible punishments. Maraming paso sa sigarilyo at metal ang namamantal sa balat ni Frank. Ang pinaka-leader nang teroristang grupo ay desididong maparusahan siya sa mga sandaling iyon. He was beaten badly. Thrice a day without any food consumptions. All he had to do was breath. Above that, nothing more. Mabuti at nakakonekta ang tracker ni Frank kay Elixir at na-locate ang kanyang pinaka-destinasyon. The hostages were alive, but the rest of his body tissues and organs almost gave up. Iyon ang dahilan kung bakit naantala ang pag-uwi ni Frank sa Los Angeles. Namamata niya na ang magiging reaksyon nang kanyang ina na si Cassandra. Baka ito magulat o higit sa lahat ay aatakehin. Kaya pinili niya munang manatili sa Pilipinas upang magpa-alim hanggang sa tuluyang gumaling. At some point. May magandang naidudulot naman ang pananatili ni Frank sa Pilipinas. May kaunting pag-usad ang ninanais niyang makamtan. Tumunog ang cellphone ni Frank. Mensahe iyon mula kay Chaos. Kailangan ng mga ito nang tracker upang makatakas sa mga taong umuusig sa mga ito nang mabawi ang kambal na dinukot. Agad nagtipa nang mensahe si Frank at inabot ang laptop na nasa lamesang salamin. Iginapay ang mapa kung saan nakalokasyon ang pinanggalingan nina Elixir, Chaos at Cassiopeia kasama ang dalawang inosenting mga bata. Nakaantabay si Frank sa isang malaking tuldok. Ang katibayan na iyon ang lokasyon nang tatlo. He had to reached his audio phone at narinig ni Frank ng agaran ang boses ni Chaos sa kabilang linya. Naririnig niya ang hagibis nang sasakyan. Si Elixir ang nagmamaneho sa sasakyan. A monster in manipulating cars. Si Cassiopeia naman ay hawak ang dalawang bata na nakayakap sa dalaga base sa inisyal na report ni Chaos sa kanya. "Kumaliwa sa pinakadulo. May maliit na daanan roon. May kaunting blind spot pero lulusot naman ang sasakyan. Sa dulo niyon ay may isa pang mahaba-habang makitid na daan. Kumanan ka, Elixir." Nakikinita ni Frank ang pagkilos nang pulang tuldok mula sa mapa. Lumilikot ang bawat sulok nang lugar habang pinapalaki niya ang magkaibang pangalan nang bawat sulok niyon. Bahagya ginanahan si Frank sa ginagawa. Minsan sa sobrang napakadelikado nang kanyang trabaho ay gugustuhin lamang niya ang magkaantabay sa kanyang mga computer. Alinman sa mga iyon ay totoong nabubuhay ang natutulog niyang dugo. Kirk Franklin Alfonso Ruiz wants challenges day by day. Ang makaalyansa ang mga taong may parehong kakayahan sa kanya ay isang tunay na nakakapagpagaan nang kanyang loob. May mga polisiya na dapat nilang sundin bilang Navy SEAL's. Sea, Land and water. Iyon ang kanyang isa pang trabaho. Bilang isang SEAL's, may mga patakaran sila na nararapat na sundin. Iyon ay ang kung naka on leave o hindi kaya ay hindi on-duty. Kinakailangang hindi makikipagsagawa nang kakaibang pisikal na aksyon. O kung hindi naman, ang isa ay ang legal na proseso kagaya nang ginagawa ni Frank sa puntong iyon. "Woah! Thank you for that, incredible brink of death experience, Frank!" Si Cassiopeia na sa wakas ay nakakapagsalita na. "That was really really close!" "Anytime, Cassiopeia. Ingatan mo ang mga bata. Big time Billionaire ang mga magulang ng mga iyan. Baka kapag may mga kaunting gasgas lang ay kakasuhan ka pa." Humalakhak si Cassiopeia. Nagmungkahi nang panibagong reaksyon at opinyon bago tuluyang nagpaalam sa kanya. Si Elixir at Chaos ay sumunod na ring nagpaalam. Si Cassiopeia ay ang bukod-tanging babae na nasa departamento nila. The woman was a monster and a big threat of all goons. Mahina nga lang ang loob nito sa mga mata. For whatever reasons. Iyon ay minsan na rin itong naging ina. Iyon nga lang, dahil sa napakadelikadong trabaho ay nakunan. Hindi ni Frank masisisi si Cassiopeia kung bakit panatag ang loob nito sa mga bata bilang isang misyon nito. Magkaiba ang kanilang mga misyon. May mga pagkakataon naman na tumutulong ang bawat isa kung sakaling napakadelikado nang sitwasyon. Frank closed his laptops. Isinandal ang likuran sa sofa. Ipinwesto ang magkabilang braso sa likurang bahagi nang ulo at malayang nakatanaw sa nagniningning na bituin sa kalangitan. Sa isang iglap. Sumagi sa isip ni Frank ang taong natulungan niya tatlong taon ang nakalilipas. Bahagyang nagtaka si Frank. Ipinilig niya ang ulo. Bakit hindi nalang ang bago niyang abogada ang iisipin gayong totoo ang lahat na sinasabi ni Elixir. Bethany Francheska Hamilton was gorgeous in her own way. Ayaw nga lang ni Frank na maiuugnay ang pangalan niya sa kung sino o anoman ang may kinalaman sa negosasyon nilang dalawa. Naninibago lamang siya sapagkat noon pa man. Kung makikinita nang babae ang mukha niya ay nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Si Frank ay ang taong mabilis mabasa ang intensyon nang tao sa kanya. Women mostly fascinated with his wealth. Especially when he is using his disguise. Wala man ang mga itong sinasabi. Nababasa naman ni Frank ang pandidiri. Natigilan si Frank nang tumunog ang cellphone niya. Ang cellphone na ginagamit kung may panibagong misyon sila. Kumunot ang noo ni Frank. He was on leave for pete's sake! Tinawagan ni Frank si Rudolph Clarksville Indiana. Ang kanilang big boss. "It was an order from the highest position, Frank. You have to accept the mission." Si Rudolph sa kabilang linya. "Besides. I was asked to inform you that your new mission was a fragile woman. She needs a hidden body guard." Isang babae at...body guard? "You just have to make her safe. Iyon lang." Sadyang ibinaba ni Rudolph Clarksville Indiana ang telepono. Upang bigyan ng panibagong mensahe si Frank. Tumunog muli ang cellphone ng binata. Binasa ni Frank ang nilalaman niyon. Ang nakapaloob ay ang address ng tao para sa kanyang panibagong operasyon.MASYADO lang ba niyang binibigyan nang kahulugan ang ikinikilos nito at mga pananalita?Mariin ni Beth na itinatanggi sa sarili ang mga bagay na iyon. She maybe is just hallucinating something. Nagkalamat na nga ang kanyang karera bilang isang abogada, ang huling kliyente na nais siyang makapanlaban sa korte ay naglaho na lamang na parang bula. She was sure of everything na hindi na niya gamay ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay.Ang potensyal ni Beth bilang isang abogada ay napapalitan na iyon ng isang posisyon bilang isang may-ari ng kompanya. At na, si Frank o Danger na kaagapay niya'y binibigyan pa siya nang palaisipan upang lituhin ang kanyang malalim na pang-uunawa.Wala siyang mapagpipilian.Hinuli ni Bethany ang mga mata nang binata ngunit masyado itong mailap. May bumabagabag kay Frank o Danger ngunit hinahayaan niya na lamang.Siguro ay hindi pa ito handa upang sabihin sa kanya kung anoman iyon.Umupo si Bethany sa swivel chair. Hindi niya napapansin ang nakasunod n
KAHIT anong paraan ni Beth sa pagpipigil. Hindi siya ni Cassandra pinapakinggan. Natatawa na lamang ang saleslady sa kanilang dalawa ni Cassandra sapagkat hindi naman nagpapaawat sa kanyang ang ginang. Sumuko na si Beth. Hinayaan na lamang niya itong gawin anoman ang gusto nitong bilhin.Alas kwatro na itong natapos. Nababagot si Beth kakahintay. Masyadong metikulusa si Cassandra upang siguraduhin ang mga bagay-bagay. She wondered how wealthy Frank or Danger was. Wala itong sinasabi sa kanya ngunit ang ina nito ay wais kung paano waldasin ang pera. She was curious, ngunit hindi niya pinili ang magtanong kay Cassandra. Baka iba ang paraan nito ng pagkakaintindi sa kanyang itatanong. Iyon pa marahil ang magiging dahilan kung magkakasamaan man sila ng loob nito.Hindi ni Beth gugustuhin na mangyayari iyon.Cassandra gives her one golden necklace. May nakapaloob roon na isang initial na pangalan na nagsisimula katulad nang sa kanya. Ibinahagi ni Cassandra kung kaninong initia ng pangalan
SA bahaging silangan nang Quezon si Beth ay dapat na magtungo. Hindi naman ganoon kalayo sa kung saan ang orihinal niyang lokasyon. Sa katunayan ay makakaya niyang ipagmamaneho ang sarili nang hindi nakakaramdam ng pagod o kahit ano pa man. Ang imahinasyon kung saan si Beth ay nakakausap nang marahan at masinsinan si Cassandra. Nagbibigay iyon sa kanya nang labis na galak.Hindi gaanong kabilis ang kanyang pagpapatakbo. Sinakto lamang niya sa tamang metro na naaayon sa dala niyang sasakyan. The car she is driving ay ang sasakyan niyang nabili noong nagsisimula pa lamang ang karera niya bilang abogada. She could say, hindi iyon ang latest model subalit hindi rin naman ang sasakyan niya nahuhuli kung ang kahalagahan ang pag-uusapan.Sa makabagong henerasyon, nauuso ang mga materyal na bagay upang may maipagmamayabang sa mga kabarkada. Mostly teenagers na hindi na pinoproblema ang pera. She had seen a lot of people noong nasa Cavite pa siya. Laklak ang mga kabataan—lalong-lalo na sa mga
NILINGON ni Rudolph Clarksville Indiana si Frank o Danger. Seryoso ang mukha nang lalaki. Bahagya itong gumilid upang talikuran si Beth at harapin ang binata. Sinukat nito ang kabuuan ni Frank. Rudolph Clarksville Indiana gives Frank a challenging look. Tila ba ay sinusukat nito kung hanggang saan nakatago ang kakayahan nito.Hindi iyon maganda sa naging paningin ni Bethany. Tila ba ay may nagaganap na paligsahan sa pagitan ng mga ito nang hindi niya alam kung ano ang posibleng magiging premyo.Rudolph Clarksville Indiana plastered a squint smile. "Show me. Hindi ko magugustuhan na may mangyayaring masama kay Bethany. O kahit ang masaktan siya." Matigas na pagkakasambit nito."Hindi iyan mangyayari, Indiana." si Frank o Danger."Nasisiguro mo ba?"Ibinulsa ng binata ang mga kamay. Tinapunan nito nang paningin si Beth. "Hindi ko alam pero sisiguraduhin ko iyon," wika nito nang sa kanya lamang nakatuon ang kabuuang tingin.Nilingon siya ni Rudolph Clarksville Indiana na sumusuko na.Hin
"WHY not make your office a little bit cozy, Beth. Iilan sa mga taong gustong gawin ang meeting ay mas komportable sa ganoong klase ng atmospera."Suhestiyon ng binata. Kakatapos pa lamang nila ni Frank na kumain sa umagang iyon. Sa dating gawi, ang binata mismo ang laging tagapag-luto. Magkasabay rin silang pinapaliguan ang sarili pagkatapos nang isang mainit na pagtatalik sa unang umaga na sila ay magkatabi sa pagtulog.Sa mga sandaling iyon, pareho na nilang tinatahak ang daan papuntang opisina ni Beth.Panandalian niyang binalingan ng tingin ang binata. Nagkaroon na si Beth nang ideya kung anong klaseng ambiance ba nararapat magkaroon ang kanyang opisina. Ngunit hindi pa siya sigurado noong una. Hanggang sa iyon na ang ipinunto ni Frank o Danger. Siguro sa mga sandaling iyon ay maigi naman na paluluguran niya ang sariling suhestiyon."I am not typically liking that time of attraction. Lalo na at sa loob ng opisina iyon, Danger. Mostly kasi sa mga obserbasyon ko. Karamihan sa mga c
ANG unan sa kanyang tabi ay masyadong napaka-komportable. Iginilid ni Beth ang kanyang katawan. Pikit ang mga mata habang nakangiti. Nang maramdamang tila ay hindi ordinaryong hugis ang unan na yakap, sa hindi ito ganoon kalambot ay iminulat niya ang mga mata. Tumambad sa kanya ang katawan ni Frank o Danger. Ito pala ang niyayakap niya sa simula pa lang.Payapa ang gwapong mukha nito. Hindi man lamang nagkaroon ng mulat sa ginagawa ni Beth na anomalya.She does not creates any sound. Sa halip ay pinirmi niya ang sarili upang sulitin ang pagkakataon. Nang mapansin ang kanyang damit pantulog, muling namutawi ang malalaking ngiti ni Beth sa labi. Frank changed her clothes last night. Nasisiguro niya iyon. Siguro ay natamaan rin ito sa labis na pagod kaya'y pinili na lamang ng binata na mahimlay sa kanyang tabi. And Beth was delighted with that thoughts.Inangat niya ang kalahating katawan. Nakatuko ang kanyang kaliwang palad sa kanyang ulo. Ang bahaging tagilid na kanyang posisyon ay nag