ANG pakikipagkita ni Beth kay Kirk Franklin Alfonso Ruiz ay tunay na isang hamon sa kanya. Pagkatapos ni Beth na makabalik sa opisina ay napapansin niya ang mga mata na nakasunod sa kanyang bawat galaw. Si Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang pinakamalaking kliyente sa kanilang firm. Lahat nang mga ka-trabaho ay pinaghahandaan iyon. Si Beth lang ang hindi. Ang pangyayari kanina makalipas ang tatlompu't-minuto ay hindi ni Beth iyon inaasahan. Pakiramdam niya ay pinapakuluan siya nang mainit na tubig sa pinaghalong sangkap na hindi ni Beth mawari. Si Kirk Franklin Alfonso Ruiz ay totoong napakadelikado. Taliwas sa ekspektasyon ni Beth na makikipag-usap siya sa isang matanda na literal na maamo at hindi mainitin ang ulo. Si Kirk Franklin Alfonso Ruiz ay napaka-lohikal. Hindi halos makuha ni Beth ang bawat punto nang mga sinasabi nito. Nasapo ni Beth ang noo. Ito na marahil ang kaso na totoong magbibigay kay Beth nang labis na sakit sa ulo.
"Ang bilis mo naman yatang nakabalik, Beth?" Mabilis na umupo si Yngrid sa harapan nang kanyang lamesa. "So what's happened? Oh gosh! May nangyari ba? May problema?" Sunod-sunod na tanong nito. Hindi sinagot ni Beth si Yngrid. "Hoy! Ano? Huwag mo akong titigan riyan! Ano ang nangyari doon?" Isinandal ni Beth ang likuran at tumingala. Ipinikit ang mga mata. Hindi ni Beth gustong magsalita. Paano niya sisimulan ang katotohanan na pagod na pagod siya? "Bethany Francheska Hamilton?" "Ano?" Hindi makapaniwala si Yngrid sa naging reaksyon niya. "Anong ano? Ipapaalala ko lang sa iyo, Beth. Baka kasi nakalimutan mo. Nakipagkita ka lang naman sa malaking tao na hindi kailanman nanaisin ninoman na makadaupang-palad iyon. And girl? Are you out of your mind? He is really a big predator. He's been hunting all of his prey using his own wealth. Hindi ka ba natatakot roon? Kaya nga ay gusto kong malaman kung ano ang nangyayari dahil baka ay mag-b-breakdown ka na naman bigla riyan. So tell me, what happened back there?" "Walang espesyal. Ang karaniwang meet ups kagaya nang nakasanayan." Napamaang na nakatitig lamang si Yngrid kay Beth. Mukhang hindi makapaniwala. "Iyon lang ba ang hindi espesyal na tinutukoy mo? Come on! I need some few details, Beth!" Nakukulitan na siya rito kaya ay kinuha ni Beth ang printed files na inirepresenta niya kay Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Inilapag sa mismong harapan ni Yngrid. "So, what?" "Open it." Sinunod naman ni Yngrid iyon. Hindi nga man lang nagbago ang reaksyon nito. Nababagot na minata si Beth. "Isa lamang itong kopya nang mga pagkakakilanlan ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. What I mean is, I want you to talk about it." "Iyan nga ang pinag-uusapan namin, 'Grid. Nothing more!" Nahilot ni Beth ang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa kakulitan nang kaibigan. "We were just talking about his case. And yeah, totoo ang sinasabi mo. Ang taong iyon ang hindi kailanman tumatanggap nang opinyon sa ibang tao. Kumbaga, he is opinionated by his own status. Nababagot ako habang kausap ang taong iyon." Hindi ni Beth sinabi ang totoong nararamdaman niya habang nakaharap at nakausap si Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Totoong nahihiwagaan si Beth. Masyadong misteryoso ang Kirk Franklin Alfonso Ruiz na iyon. Gusto ni Beth na malaman ang totoong katauhan nito. Ngunit may sarili rin naman siyang problema na dapat niyang iiwasan kung gugustohin niyang magkaroon nang tahimik at payapang buhay. "Kaya nga ay dapat mong aatupagin ang bigating kliyente natin, Beth. I owe you this one. Just this one and I will let you do what you want to do. Nakaantabay sa iyo ang trabaho nang iilan pang mga empleyado. They have been routing for you, Beth. Alam mo ba iyon? Kaya sa ngayon. I will let you slide. May tatlong hearing sa korte and for the first time is a trial. You can have your free time for that and I would like to make yourself comfortable with. But then again. Do not forget to entertain Kirk Franklin Alfonso Ruiz. He is a big catch. We have been routing for you, Beth. Always." Saka ito nagpaalam na lisanin ang opisina niya. Tama pa kaya itong ginagawa niya? She's been exposing herself a lot. Paano kung mamataan si Beth sa mga taong naghahanap sa kanya? Ano ang kanyang gagawin? Sa hinayon ay napagod si Beth kakaisip sa mga posibilidad na maaaring mangyari. Inubos lamang niya ang oras na pagbababad sa trabaho upang makalimutan ang nangyari sa araw na iyon. But that was not just ended there. Pagkatapos nang mahaba-habang trabaho ni Beth. Oras na upang makauwi. Sinigurado niya lagi na nag-aagaw na ang araw sa paglubog bago lisanin ang naturang firm. She was resilient. She must be. Ngayon na mag-isa siyang nanirahan na walang kasama kahit na isang kapamilya ay nararapat lamang na pagtibayin ni Beth ang ibayong pag-iingat. Sa halip nang makauwi sa apartment ay mayroon si Beth na hindi inaasahang bisita. Si Benedict. Ang ama niya. "Papa!" Niyakap ni Beth ang ama. Ganoon rin ang ginawa ni Benedict pabalik. H******n ang tuktok nang ulo ni Beth. Ngunit ang kaisipang narito ang ama ay hindi alam ni Beth. Kumalas siya sa yakap. Sinuri ang itsura nito. "Papa, may nangyari?" Nagkibit-balikat lamang si Benedict at sa halip ay iniba ang usapan ngunit hindi iyon pinalagpas ni Beth. Napipilitang magsabi si Benedict kung paano ito nawaglit sa kanyang apartment. Takot ang namayani sa kabuuan ni Beth habang nakikinig sa kanyang ama. "Kailangan mong mag-doble ingat, anak. Ikaw ang gusto nilang makuha. Hindi ko iyon hahayaan kaya kahit anoman ang mangyayari. Huwag na huwag kang sasama o ang magpakita sa kanila. Ang tiya Hilda mo ay disidedong makuha ka. Isa pa ay ingatan mo rin ang bagay na pinakaingat-ingatan natin. Iyan nalang ang natitira sa ating dalawa sa memorya nang yumao mong kapatid at ina. O siya, hindi na ako magtatagal. Kailangan ko nang umalis." "Papa! Hindi ka man lang ba dito matutulog pansamantala—" pinutol ni Benedict ang sasabihin ni Beth. "Gugustuhin ko man ay hindi pupwede. Mas mapanganib. Lalong-lalo sa iyo, anak. Sa ngayon ay ganito muna tayo ha? Tiis-tiis na muna. Sa hinaharap, alam ko na magkapiling na tayong dalawa. Mahal na mahal kita anak ko. Ingatan mo ang sarili mo." Pinahiran ni Beth ang luha na lumalandas sa kanyang pisngi. Bago umalis ay h******n ni Benedict ang kanyng noo kaya muling napahagulhol si Beth. "Papa, kung anoman ang mangyayari. Tumawag ka lang sa akin. Nakahanda akong sustentuhan ka sa pera na naipon ko bilang isang abogada—" "Hindi na kailangan anak. Ang makita kang ligtas ay sapat na sa akin upang mabuhay nang mas mapayapa. Mas kakailanganin mo iyang sa pang-araw-araw." Ngumiti si Benedict. Unti-unting nawawala ang ama sa kanyang paningin. Bumaba ang tingin ni Beth sa kanyang kamay. Hindi man lang tinanggap ni Benedict ang may kalakihang pera na gustong itulong ni Beth sa kanyang ama. Hanggang sa makapasok sa sariling apartment ay doon na tuluyang bumigay si Beth. Tanging ang pamilya niya lamang ang magiging dahilan kung bakit siya magiging mahina. Hindi ni Beth ninanais na magkalamat ang pamilya niya. Isang tao lamang ang puno't-dulo kung bakit nangyayari itong lahat. —TATLONG TAON ANG NAKALIPAS— Sa tahanan ng mga Hamilton ay palaging puno nang tawanan at kulitan. Si Beth ang puno at dulo niyon upang ngumiti ang mga magulang at kapatid. Nalalapit na ang kanyang pagtatapos sa kursong abogada. Hindi ni Beth alam kung bakit iyon ang naisipan niya. Masaya siya at palaging nakakaramdam nang excitement sa tuwing magsasalita si Beth sa harapan nang nakararami. Palaging nakabukas ang kanilang tahanan upang tumulong sa mga nangangailangan. Her father, Benedict Hamilton made his children more and more resilient. Palagi nitong bilin kay Beth na kung may paraan upang makatulong. Hindi na dapat pang magdadalawang-isip. Buhat niyon ay naisipan ni Benedict na pasukin ang mundo nang politika. Hindi iyon nagustuhan ni Grace—ang Ina ni Beth at Conrad. Sumang-ayon si Beth sa naging pasya nang kanyang ina, ngunit hindi roon naging ugat upang itigil ang kagustuhan ni Conrad para sa ama. Bilang mga anak ay nahahati ang kanilang kagustuhan at disgusto para sa mga magulang. Ang sabi ay susuportahan ni Conrad ang ama na tinototoo nito. Conrad is Bethany's oldest brother. Dalawa lamang silang magkakapatid. Si Grace at Beth ay walang nagagawa pa upang kontrahin ang desisyon nang kanyang nakakatandang kapatid at nang kanyang ama. Ang sabi ni Benedict ay mas makakatulong pa ito sa mga nangangailangan kung makikilala ang pangalan nito sa mundo nang politika. Subalit hindi iyon nagustuhan nang tiya Hilda ni Beth. Si Hilda ay ang matagal nang nanungkulan sa kanilang lugar bilang Mayor. At sa kasamaang palad nang sinubukang kalabanin ni Benedict ang kapatid ay natalo ito nang walang nilalabas na kahit anomang salapi. Pabor ang taumbayan sa naging plataporma ni Benedict. Nakahakot ito nang samut-saring interes. Karaniwan ay ang mga taong natulungan nang kanyang ama na hindi ni Bethany kilala ay lahat suportado nito si Benedict. Si Hilda ay lubos na nagalit. Hindi nito naisip na tatakbo bilang alkalde ang nakababatang kapatid na lalaki. Si Hilda ay mayroong adopted child na si Henry. Suwail at masama ang ugali. Iyon ang paraan nang pagpapalaki ni Hilda sa anak. Sa mahigit sampong taon na panunungkulan ay nagkalamat lahat nang pinaghihirapan ng mga ito. Both Hilda and Henry wanted to fire an outburst. Maging ang mga tauhan nito ay hindi nagustuhan ang naging pasya nang publiko. They started to threat the townspeople. Kabilang na roon ang pamilya ni Bethany at maging si Beth mismo. Makailang beses na siyang nabastos ni Henry at hindi ni Beth nagugustuhan iyon. "Ang ganda mong babae, Bethany. Balang araw ay gusto kitang maangkin at matikman nang paulit-ulit hanggang sa mawalan ka nang lakas dahil sa labis na sarap," Saka ito humalakhak na tila ay isang demonyo. "Mamatay ka muna bago iyan mangyayari, Henry!" Tanging patutyaba ni Beth na mas lalong ikinatawa nang lalaki. "Mamatay sa sarap ay pwede pa, Beth. Kung ikaw ang kakalampagin ko ay bakit hindi?" Kasama nito ang mga tropa na magkapareho ang mga pag-uugali. Ni minsan ay hindi nararamdaman ni Beth ang lukso nang dugo kay Henry sapagkat hindi nga naman sila tunay na magpinsan. Pareho sila ni Henry nang pinapasukang unibersidad sa law school. Iyon nga lang ay si Beth ang palaging inaasar nito. Alam ni Henry na adopted child lamang ito ni Hilda. Kung para kay Henry ay katuwaan lamang iyong lahat. Para naman kay Beth ay kabastusan iyon na hindi na umaayon sa coding nang batas. "Hija, bakit mo naman inireport sa Dean ang ginawa nang anak kong si Henry sa iyo kahapon? Hindi pa ba sapat ang ginawa ninyo nang ama mo sa akin at pati rito sa eskwelahan ay pinapahiya mo rin ako?" Nasa loob si Beth nang guidance office. Tumaas ang kilay ni Beth na inangat ang tingin kay Hilda. Kasuklam-suklam ang tingin na iginagawad ni Beth sa tiyahin. Kinukunsenti nito ang lahat nang kababoyang ginagawa nang anak-anakan kaya lumalaki lalo ang ulo. "Bakit hindi ko naman gagawin iyon, tiya Hilda? Ang anak mo ay mukhang walang alam sa coding nang batas kung makaasta ay daig pa ang tambay na walang mararating sa buhay." "Aba! Aba! Ang lakas nang loob mong pagsabihan nang ganyan si Henry." Pinutol ni Beth ang sasabihin nang tiyahin. Binalingan si Conrad na nakangisi sa kanya. Saka nito nahihinuha na tamang kurso pala ang napili ni Beth dahil hindi nga naman kasi si Beth papadaig. Si Conrad ang guardian ni Beth sa araw na iyon. Pareho nilang inilihim na dalawa sa mga magulang dahil baka mag-aalala lamang ang mga ito. "Kung hindi ba naman iyan literal na bastos ay walang sinoman ang gugustuhin na magreport. I hope na alam mo iyan tiya Hilda. Marami sa mga babae rito sa Unibersidad ang sapilitang sinisiping niyang si Henry. Now tell me, makatarungan pa ba iyang ginagawa nang magaling mong anak?" Batid ni Beth sa kanyang peripheral vision ay mataman siyang pinagmamasdan ni Henry. Nagpupuyos ito sa galit. Henry even greeted his teeth. Sa katapusan nang paghaharap sa guidance office ay ganoon pa rin. Hindi magagawang i-expel nang Dean si Henry. Malaki ang matrikula na ibinabayad ni Hilda para rito taon-taon kaya ay maihahambing na katulad nang dati. Walang aksyon ang nasabing unibersidad. Gamay ni Hilda lahat ng mga taong pera ang kailangan. "You did a great job back there, bunso. Come on, give me a hug!" Humalakhak si Beth habang niyayakap ang kapatid. "Balang araw ay magiging isa ka sa magagaling na abogado. Alam mo ba na ako ang kinakabahan sa iyo habang nakikipagsagutan ka sa tiyahin mong daig pa ang stepmother ni Cinderella?" Pareho na silang nakasakay ngayon sa sasakyan na ipinagmamaneho ni Conrad. "At dahil magiging magaling kang abogado. Ililibre kita ngayon sa McDonald's." Napanguso si Beth. "Napakaburaot mo namang tao Kuya. Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend e." Humalakhak si Conrad. Hinaplos ang buhok ni Beth. "Proud ako sa iyo bilang Kuya mo." Palalabas na ang kanilang sasakyan sa parking nang unibersidad at mabilis na nakausad sa main street. "Ang sabihin mo, Kuya ay proud kang ibalandra ang mukha mo sa mga babae rito sa Unibersidad." "E bakit hindi? Ang ganitong mga de-kalibreng mukha ay hindi lamang naglalagi sa bahay at trabaho. Dapat ay may oras rin ako para ipagyabang ang kagwapohan ko." Humalakhak si Beth at Conrad ngunit natigilan nang may marinig silang putok nang baril. Sa mabilis na pangyayari ay parehong kinakapos sa daraanan si Beth at Conrad. Natamaan ang nakakatandang kapatid sa balikat. Si Beth ay tinatawagan ang mga magulang. Sinuri ni Beth ang kapatid ngunit nakangiti ito hanggang sa makaalis sa delubyo. Akala lang pala iyon ni Beth. Pagkarating nila sa boulevard ay mistulang tubig na umaagos ang dugo na nagmumula sa ulo ni Conrad. "Kuya!!" Sa loob nang Morgue ay hindi mapigilan ni Beth ang pumalahaw nang iyak. Si Conrad lang ang tanging kapatid ni Beth sa lahat. Kahit ang mga magulang ay hindi na rin napigilan sa pag-iyak. Buhat nang mangyari ang pagkamatay nang nakakatandang kapatid ay hindi na ganoon ka-aktibo si Beth. Nawala ang taong pinaka-close niya sa lahat. Nawala na si Conrad. Sa puntong iyon ay mas lalong gumatla ang galit na nararamdaman ni Beth para sa tiya Hilda niya at kay Henry. Alam niya ang mga iyon ang pumatay sa kapatid niya. "What are you doing, Bethany?" "Pinatay mo si Kuya, Henry! Pinatay mo siya!" Nakalikha nang eksena sa eskwelahan ang pananampal ni Beth kay Henry dalawang linggo bago siya nakabalik sa klase. "Don't create an allegations. Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo?" Saka si Henry ngumisi nang ubod tamis kaya'y ninanais ni Beth na makalmot ang mukha ng lalaking pumatay sa nakakatanda niyang kapatid. "Asar talo ka, Beth. Wala namang silbi iyong si Conrad. Sa akin ka nalang sumama. Sigurado ako na ma-e-enjoy ka!" "Mamatay kang kriminal ka!" Beth was out of rage. Hinihila siya nang mga security palabas sa gate nang unibersidad. Nakalikha daw siya nang komosyon at naiistorbo ang mga nag-aaral na estudyante. Isa pa ang unibersidad na kinabibilangan ni Beth. Palagi nitong pinapanigan si Henry kahit na exposed ang mga katarantaduhang ginagawa ni Henry sa loob. Still the dean leave an eye on it.BATID ni Frank ay walang kaalam-alam si Mariano Enriquez. Inisa-isa niya ang mga tiyak na dahilan. Sinimulan na binanggit ni Frank iyong sa isyu sa kanyang Resort. Kasunod ay hindi ni Frank nakakaligtaan ang kaso nito na naitalo ni Bethany sa court of appeals. Nadedepina ang bawat mag-kakaibang reaksyon nito nang banggitin niya iyon. Mas lalong hindi ito makapaniwala sa sinabi niya na may koneksyon ito sa mga illegal na negosyo na human trafficking na kung saan ay pinamumunuan iyon ni Henry de La Cruz."Imposible! Imposible iyang sinasabi mo! Paanong nalalaman ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang mga impormasyon na iyan gayong wala naman kaming naging koneksyon o kahit ang kaunting ugnayan sa isa't-isa? Ni hindi ko pa nga nakadaupang-palad ang matandang lalaki na iyon. Imposible iyan!""Kung ganoon at hindi ka sa akin naniniwala. Sa tingin mo ba ay malalaman ko ang lokasyon mo dito upang dalhin ang daan-daang milyong piso na iyan dito?" Bumaba ang tingin ni Mariano Enriquez sa tatlong sa
TUMUNGHAY si Beth at tumingala. Nakababa ang tingin ng batang lalaki na si Axel sa kanya. Bumaba ang tingin ng bata sa nilaro-laro na tubig ni Beth. Sa mga sandaling iyon ay nasa gilid ng swimming pool si Beth. Nakasalikop ang mga binti at nakasiksik ang nakababang ulo sa magkabilang tuhod."Ano po ang ginagawa ninyo?" Ngumiti si Beth saka tumayo. "Gusto ko lamang aliwin ang sarili Axel. Apat na araw na kasi akong nandito na wala man lamang ginagawa.""May ginagawa po si Dada sa kusina. Gusto niyo po bang tingnan?" Hindi pa si Beth nakasagot. Kinuha ng batang si Axel ang kanang kamay niya at hinila palayo sa pool. Mabilis itong nanakbo habang hinihila siya kaya pinakiusapan ni Beth ang bata na magdahan-dahan dahil baka ay madapa ito. Malayo pa lamang sa kusina ay naaamoy ni Beth ang mabangong pagkain sa kanyang ilong. Huminto si Axel sa pananakbo at nilingon si Beth. "Alam po ba ninyo na magaling si Dada sa pagluluto? Palagi niya kaming nilulutuan ni Amber at Mommy Cass kapag wala si
IMBES na sa Villa de-Calibre Hotel dadalhin ni Frank si Beth ay nagbago ng isip ang binata. Sa halip ay ang bahay niya sa Laguna ang tinatahak na daan ng kanyang sasakyan. Magtakaka si Beth panigurado kung sakali mang doon ni Frank dadalhin ang dalaga. Katunayan, kamuntikan na nga siyang mabuko sa Resort dahil lamang sa lalaking service crew na iyon. Isa pa ay, kalahati na nang katauhan niya ang nalalaman ni Beth. Hindi pa man isang daang porsyento subalit nababatid ni Frank na sa ikalawa't-malaot. Malalaman rin ni Beth ang totoong katauhan niya nang hindi ni Frank mamamalayan. Kanina pa ni Frank napapansin ang pagsulyap-sulyap ni Beth sa kanya. He pulled over the car and stop. Binalingan si Beth ng may pag-aalala. "May problema?" Napakurap-kurap ito kalaunan ay nag-iwas ng tingin.Binalot sila ng katahimikan nang muling bumuntong-hininga si Beth. "Nagtataka lamang ako, Danger. Napapaisip ako sa sinabi mo. Ang sabi mo kasi ay sinanay ka upang sagipin at protektahan ang mga tao. Dumati
SI Beth na pabiling-biling sa kama ay hindi pa muna idinilat ang mga mata. Naririnig niya ang usapan ni Frank at nang matandang babae na siguro ay nasa kanang bahagi lamang ng kama na hinihigaan ni Beth. Seryoso ang usapan ng mga ito. Nahihiya si Beth na gumalaw. Ang pakay lamang sa naturang resort ay upang manatili kahit isang gabi. Batid ni Beth ay alas dyes na nang umaga sa mga sandaling iyon. Natataranta na napabalikwas si Beth ng bangon. Pareho ng nakalabas sa kwarto si Frank at ang matandang babae gawa na nga sa pagbukas-sara ng pinto. Para lamang malaman na nakatayo ang binata sa dulo ng kamang hinihigaan ni Beth ay tumikhim ito. Namilog ang mga mata na nilingon niya iyon.Nakapuyos ang mga braso ni Frank na nakapwesto sa bandang dibdib. Saka nito sinipat ang relo at muling tiningnan si Beth. "Alam ko na kanina ka pa nagigising. Tara na at bumaba. Nakahanda na ang makakain sa kumedor kanina pa. Bibigyan kita nang iilang minuto upang makapaghanda." Saka ito umalis sa kwarto na k
MASYADONG mabigat ang loob ni Beth. Mali. Malungkot si Beth na nagagalit sa palaisipang si Frank o kilala sa nalalaman ni Beth na pangalan nito ay Danger. Si Frank ang naisip ni Beth na espiya sa lugar kung saan si Beth nagtatago. At na kakuntyabo nito ang Mayor ng Quezon. Sa araw na iyon ay iniiwasan ni Beth na makadaupang-palad ito. Malaking pagkakamali ang mabilis na napalapit ang loob ni Beth sa lalaki. Naalala ni Beth ang sinabi ni Frank, ikatlong araw sa paglipat nito sa bakante na katabi lamang sa inuupahan ni Beth na apartment. Napilitan lang daw itong lumipat dahil sa trabaho. Ang trabaho pala na tinutukoy nito ay si Beth mismo. Bakit hindi ni Beth naisip iyon? Mas lalo siyang nahulog sa matalinhaga na patibong nito. Nag-impake si Beth ng mga gamit. Nagbabalak siya na lisanin ang apartment sa oras na tutuntong nang alas dose sa madaling araw. Sisiguraduhin ni Beth na walang makakapansin sa kanyang pag-alis.Bago ni Beth na maisasakatuparan iyon. Kailangan muna niyang makausap
IPINANGKO ni Frank ang sarili. Nakatuon ang atensyon niya sa pinapanuod na palabas sa telebisyon. Natigilan nang may marinig na mahinang katok. Nang mabuksan ni Frank ang pintuan ng kanyang apartment ay sumalubong sa kanya si Beth. Nakabihis ito nang panglakad na damit. Ang gusto lamang ni Beth sa araw na iyon ay hinihingi nito ang pabor kay Frank na mabantayan ang apartment nito from time to time."May lakad ako. Nag-demand ang kliyente na makipagkita sa kaso na kinasasangkutan nito." Sagot ni Beth pagkatapos ni Frank na magtanong. "Saan iyon at nang maihatid kita sa usapan ninyong lokasyon?""Ni wala ka ngang sasakyan e." Ani Beth na pawang makatotohanan iyon. "Lately ay parang napapansin ko na tila ikaw ay puno nang imahinasyon. Kumain ka kaya sa tamang oras para hindi ka naman mag-ha-hallucinate?" Pagbibiro ni Beth. Si Frank ay tila nakakaligtaan na wala nga pala siya sa Villa De-Calibre Hotel. Tumawa lamang si Frank. Sinakyan ang pagbibiro ni Beth. Nang makaalis ang dalaga ay kaa