“Natatakot ako, hindi ko kakayanin kung mawala ka sa akin!”
“Hindi ako mawawala, ipinapangako ko sa’yo lahat ay gagawin ko para manatili tayong magkasama. Hindi ako mawawala sa tabi mo dahil mahal na mahal kita Haira,”
“Mahal din kita, sobrang mahal,”
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, ngunit patuloy sa paglandas ang mga luha ko at tila wala itong planong tumigil. Muli, ang masakit na panaginip na iyon ang siyang gumising sa akin. Halos tatlong buwan na rin nang magsimula akong managinip ng mapanakit na eksena ng dalawang magkasintahang hindi ko naman kilala. Gustuhin ko man silang kilalanin ay hindi ko naman makita ng malinaw ang mga mukha nila sa aking panaginip.
“It’s just a dream, pero bakit ang sakit?” pabulong kong sambit saka muling ipinikit ang aking mga mata. Ngunit agad din akong napadilat at muling napatitig sa kisame ng aking kwarto.
“Teka nasaan ako?”
Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sapagkat hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ba ako? Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto hanggang sa mapadako ako sa kama kung saan nanatili akong nakaupo. Sa halip na unan ay likod ng isang lalaki ang nakita ko. Sa gulat ay hindi agad ako nakakilos ngunit nagawa ko paring tingnan ang aking sarili. Nakahinga ako ng maluwag sapagkat may suot parin akong damit ngunit isang manipis na pantulog lamang.
Muli kong pinagmasdan ang lalaki na ngayon ay nahihimbing parin sa pagkakatulog. Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyare at kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Subalit wala akong maalala kaya’t nagpasya akong gawin ang kanina ko pa naiinisip. Kinakabahan man ay sinilip ko mula sa puting kumot kung may suot ang lalaking katabi ko ngayon.
“Oh my God!” sambit ko matapos makitang wala itong suot na kahit ano, ngunit agad ko ding natutop ang bibig ng bahagyang gumalaw ang lalaki. Dahan dahan akong umalis sa kama ng masiguradong tulog parin ito. Kay bilis ng tibog ng puso ko, takot ang siyang lumukob sa puso ko.
“Ara, what did you do?” inis kong bulong. Hindi na ako mapakali, nagsimula na ring mangilid ang mga luha ko pero pinilit kong kumalma. Hinanap ko ang mga damit ko at ng makita ito ay agad akong nagbihis. Kailangan kong makaalis dito bago pa tuluyang magising ang lalaking iyon.
Sa taxi ay tahimik akong nag-isip, pilit kong hinalukay sa isipan ko kung ano ang nangyare. Ang huling natatandaan ko ay naroon ako sa isang condo unit habang kausap ang isang babae. Pero bakit nga ba ako naroon? Nagsimulang bumalik sa alaala ko ang pag-uusap namin ng pamilya ko kasama ang fiancé kong si Theo sa isang family dinner.
“Do you like it?” matamis ang ngiting tanong ng Dad ko habang pinagmamasdan ko ang pictures ng isang condo unit na regalo niya sa amin ni Theo.
“Yes, I like it, thank you Dad!” masayang sambit ko. Tumayo ako at lumapit sa aking Daddy upang bigyan ito ng mahigpit na yakap.
“Thank you Tito, this is perfect for us to start our family,” sambit naman ni Theo.
“Alagaan mo ang anak ko Theo, I want her to be happy,” sagot ni Daddy kasabay ng pagtayo at paglahad ng kamay na siya namang tinanggap ng nobyo ko.
“Congratulations anak, sana ay magmahalan kayo sa lahat ng oras,” singit naman ng aking Mommy. Naluluha akong lumapit saka ito niyakap ng mahigpit.
Ayon sa mommy ko 5 taon pa lamang ako ng mamatay ang tunay kong ama, si Daddy na stepdad ko ang siyang tumayong ama sa akin sa mahabang panahon. Napakabuti niya, walang araw na hindi ko naramdam ang pagmamahal niya sa akin. Ngayon na isang linggo na lamang ay ikakasal na ako, ramdam na ramdam ko ang patuloy niyang pagsuporta.
“Let’s continue our dinner, magkokwentuhan pa kami ni Theo mamaya,” masayang biro ni Daddy kaya’t natawa kaming lahat. Gustong gusto ni Daddy si Theo, kayat sa tuwing nagkikita sila ay madalas silang nagkokwentuhan, nagkakasundo sila palibhasa ay puro negosyo ang madalas nilang topic.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang saya ng mga magulang ko kasama ang lalaking mapapangasawa ko, si Theo Rivas, ang lalaking una at huling mamahalin ko.
“How nice naman, kompleto ang family at mukang masayang masaya ang lahat!”
Nawala ang ngiti ko matapos makilala ang boses na iyon. Lahat kami ay napatingin sa babaeng kadarating lamang, si Sarah ang stepsister ko.
“Hi sis!” Napasinghap ako ng yakapin ako ni Sarah, tipid na ngiti lamang ang tinugon ko sa kanya na tila hindi naman niya alintana. Iniwan din ako nito pagkatapos ay nagmamadaling humalik sa Mommy ko at syempre sa Daddy niya.
Si Sarah Hernandez, ang tunay at nag-iisang anak ng stepdad ko ay nagbalik na. Ang sayang nararamdaman ko kanina ay agad na naglaho at napalitan ng takot sa muling pagbabalik ni Sarah. Ilang buwan ng hindi umuuwe si Sarah, madalas ay nasa ibang bansa ito kaya’t madalang namin siyang makasama. Ngunit sa tuwing umuuwe siya ay hindi ko maiwasang mangamba sapagkat ipinapahiwatig non na hindi na naman magiging madali ang mga araw ng buhay ko.
“Theo! It’s nice to meet you again!” Nagbalik ako sa aking sarili matapos marinig ang maarteng boses ni Sarah. Kitang kita ko kung paano niya yakapin ng mahigpit ang nobyo ko, habang si Theo naman ay tila walang pakialam kahit parang puputok na ako sa selos. Sino ba naman ang hindi, sobrang sexy at hapit na hapit ang suot ni Sarah na alam kong sinadya niya, nakalabas din ang malulusog niyang mga dibdib na lalong idinikit sa nobyo ko. Naiinis ako sapagkat heto na naman siya sa gawain niya, sinasamantala niya ang pagiging mabait ni Theo lalo at alam niyang hindi ako aalma dahil iniiwasan kong magkagulo kami alang-alang kay Daddy.
“Anak, kain na,” nakangiting wika ni Mommy, ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko. Sa totoo lang ay nawalan na ako ng gana sapagkat mula kaninang maupo kami ay hindi na natigil ang pagkokwentuhan nilang lahat. Kuhang kuha ni Sarah ang atensyon ni Daddy sa mga kwento nya, pero ang mas nakakainis maging ang nobyo ko ay tila nakalimutan ang presensya ko.
“Hon, I’m sorry, I know you’re mad about what Sarah did earlier,”
“Ofcourse I do, ilang beses na ba siyang nagtangka na akitin ka at hanggang ngayon pakiramdam ko hindi parin siya titigil,” inis kong sagot kay Theo, kasalukuyan kaming nasa labas ng bahay sapagkat pauwe na siya.
Mahigpit na yakap at halik sa labi ang ginawad sa akin ni Theo, tila bulang naglaho ang inis na nararamdaman ko kanina.
“Ikaw lang ang mahal ko, Sarah and I was just a friend. She’s nice so please try to forgive her besides sinabi naman niya na wala siyang intensyon na manggulo, aksidente lang—
“Theo hindi aksidente ang isang bagay na paulit ulit. She tried to flirt with you so many times!”
“You’re just being paranoid Hon, I think ganon lang talaga ang personalities niya. But believe me walang namamagitan samin, ikaw lang ang pakakasalan ko, ikaw lang ang mahal ko,”
“Promise?”
“I promise,” masuyong sambit ni Theo, ramdam ko ang sinseredad niya kayat nawala ang agam-agam na nararamdaman ko.
“Sige na, okay na ako. Mag iingat ka sa pag-uwe,”
Wala naman akong duda sa pagmamahal ni Theo sa akin, dahil sa loob ng dalawang taon naming relasyon kailanman ay hindi siya nagloko at kahit anong pagpapansin ni Sarah ay hindi niya ito pinatulan. Sadyang wala lang akong tiwala sa stepsister ko sapagkat pailalim kung lumaban ang babaeng iyon. Plastic at may tinatagong kamalditahan na tanging sa akin niya lamang pinapakita.
“A condo unit ha! Do I need to marry a wealthy man too para bigyan mo din ako ng mamahaling properties Dad?” Napahinto ako sa pagkatok ng marinig ko ang boses ni Sarah mula sa bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto ni Daddy.
Magpapasalamat sana akong muli dahil sa early wedding gift ni Daddy pero mukang may pinagtatalunan sila ni Sarah.
“Stop messing around, and don’t do any trouble that could make our family ashamed. Stop doing unnecessary things and be a worthy daughter just like—
“Just like Ara? You’re pathetic stepdaughter?” sarcasm na wika ni Sarah.
“One day you will see, you will hate that precious stepdaughter of yours. Sinusumpa ko, ilalagay ka niya sa kahihiyan, at marerealized mo na ako lang ang karapat dapat na maging anak mo!
Nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon matapos kong marinig ang yabag ni Sarah ng papalapit na ito sa pinto. Hindi ko nais na magtalo din kami dahil lalong madadagdagan ang sama ng loob ni Daddy. Batid kong hindi niya gusto ang nagiging takbo ng relasyon nilang mag-ama at sa isang banda ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.
Gaya ng tatay ko, maaga ding namatay ang Mommy ni Sarah. Sa pagkakaalam ko nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ama mula ng pakasalan ni Daddy ang Mommy ko. Iniisip niyang inaagaw naming mag-ina ang lahat ng sa kanya lalo na ang Daddy niya.
Matapos ang gabing iyon ay iniwasan ko na si Sarah. Inabala ko ang sarili ko sa pag aasikaso sa mga huling detalye ng kasal namin ni Theo upang sa ganon ay wala ng mangyaring problema. Hindi ko gustong mag-away pa kami ni Sarah sapagkat ayaw kong bigyan ng problema at sama ng loob si Daddy.
“Yes Hon, I’m already here. The unit was good, and I felt blessed because it suited my taste,” hindi ko maitago ang galak habang kausap si Theo sa phone. Pinuntahan ko agad ang condo unit na regalo ni Dad ng i-message niya ako na maaari ko na itong silipin.
“Sure, no problem magtaxi na lang ako. Sa restaurant na lang tayo magkita. Okay bye,” malapad parin ang ngiti ko ng ilagay ko sa bag ko ang phone ko. Nagpasya na akong magtungo sa pinto upang umalis ng makaramdam ako ng pagkahilo. Iyon ang mga huling naaalala ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
“Someone set me up,” gigil kong sambit matapos maalala ang mga nangyare. Kasalukuyan parin akong nakasakay sa taxi pauwe sa amin, pilit iniisip kung paano ako humantong sa sitwasyong ito. Ngunit wala na akong maalala pa, hindi ko na maalala pa paanong napunta ako sa isang hotel kasama ang isang estrangherong lalaki.
Naiinis ako sa sarili ko, ikakasal nako pero heto at nagawa kong ibigay ang sarili sa ibang lalaki. Paano kung malaman ito ni Theo, paano ang kasal namin? Si Daddy siguradong magagalit iyon, hindi ko siya pwedeng bigyan ng kahihiyan.
“Sinusumpa ko, ilalagay ka niya sa kahihiyan,” agad na sumagi sa isip ko ang sinabi ni Sarah noon.
“Hindi kaya si Sarah ang nagset up sa akin?”
“Hmmn you smell good Hon, you still have your natural scent which I like the most,” nanindig ang mga balahibo ko hindi dahil sa sinabi ni Jiro, kundi dahil sa ginawa nito. Kasalukuyan akong nakasandal sa kanya dahil ang isang kamay niya ay naroon sa likod ko at nakayakap sa bewang ko. Ramdam ko ang paghaplos nito sa tagiliran ko kayat hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable dahil sa takot na baka may makakita sa amin, idagdag pa na kakaibang init na rin ang nararamdaman ko dahil sa panay na paghalik niya sa balikat ko.Hindi matalo ng lamig mula sa sasakyan ang init na nagmumula sa sa kanyang hininga sa tuwing lumalapit ang labi niya sa balat ko.Agad kong sinulyapan ang mga kasama namin sa sasakyan, nakahinga ako ng malalim ng makitang halos lahat ay natutulog. Nasa unahan namin si Doña Melissa at Nay Ising, habang kami ni Jiro ay naupo sa bandang dulo. Si Jiro ang nag- insist na dito kami maupo, pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong makatabi si Doña Melissa. Bakit? Upang
Maliwanag na ang labas ng magmulat ako ng mga mata, marahil kung hindi tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw ay hindi pa ako magigising. Ang plano ko sana ay gigising ako ng maaga upang magluto ng breakfast ni Jiro at ni Doña Melissa ngunit naalala kong malamang ay hindi rin iyon papansinin ni Jiro. Isa pa hindi rin ako sigurado kung makakagising ako ng maaga dahil madaling araw na ata ng makatulog ako, dahil sa pag-iyak. Kagabi ay lumabas pa ako ng kwarto upang doon umiyak, hindi ko kase napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako nitong mga nakakarang araw. Kung bakit nasasaktan ako kahit wala man akong karapatan.“Nababaliw na ata ako,” Awtomatikong napatingin ako sa gilid ko ng maalala si Jiro, ngunit na-disappoint lang ako matapos makitang mag-isa na lamang ako sa kwarto. Ano pa nga bang aasahan ko tanghali na, malamang pumasok na iyon sa trabaho.“Hindi ka naman tunay na asawa para magpaalam sayo bago pumasok,” sigaw ng utak ko. Napatango tuloy
“Johara nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo babasahan mo ko ng kwento bago ako matulog. Si Jiro na naman ang kasama mo, nagtatampo na talaga ko sa sayo,”Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi matapos marinig ang boses ni Doña Melissa. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ako nagtangkang lumingon sa kanya. Nang magkaharap kami ay saka ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng pajama at tila handa na upang matulog, dala na rin kase nito ang manikang palagi niyang yakap sa pagtulog. Hindi ko nais na malaman ni Jiro na narito ako sa labas ng kanyang silid, lalo na ang isiping nakita at narinig ko ang lahat. Kaya naman agad akong lumapit at hinawakan sa braso ang Doña upang igiya pabalik ng kanyang silid bago pa kami abutan ni Jiro.Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa braso ng Doña, hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa pananahimik nito kayat naisipan kong marahil ay nagtatampo na nga ito sa akin gaya ng sabi niya kanina.Bigla
Napatango si Ara, ngumiti ito ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang mag-iwas ng tingin sa pag-aakalang maitatago ang kirot na kanyang nadama buhat sa sinabi ni Jiro. Kanina ay wala siyang nararamdaman ni katiting na selos sa pagpapahayag ni Jiro ng paghanga kay Johara. Ngunit ng sabihin nitong hanggang ngayon ay naghihintay pa ito sa pagbabalik ng babae, tila sinaksak ang puso niya sobrang lalim. Kanina lamang ang mga luha niya ay para sa awa kay Johara, ngunit ngayon ay lumuluha na siya para sa kanyang sarili. Hindi inaasahan ni Ara na mabilis niyang mahuhulog sa lalaki, gayon din ang mabilis na pagpaparamdam sa kanya ng sakit. “Sir,” Napahinga si Ara matapos makarinig ng boses, naisip niyang baka isa sa mga tauhan ni Jiro ang dumating. Tila dininig ng Panginoon ang dasal niya, may dumating upang iligtas siya sa awkward na sitwasyong iyon. “Ahm babalik na muna ako sa loob, baka hinahanap na ako ng mama mo,” nakayukong wika pa niya, akmang aalis na
Napadilat ako ng tila may maramdaman akong mainit sa dumampi sa aking noo. Nang idiliat ko ang aking mga mata ay nabanaag ko ang gwapo ngunit pagod na muka ni Jiro. Batid kong ang labi niya nag siyang dumampi sa aking noo sapagkat naramdaman ko ang lambot noon na kilalang kilala na ng aking balat. Dala ng sobrang kaantukan ay hindi ko na pinilit bumangon, sa halip ay kusang humaplos ang kamay ko sa mukha niya. Saglit siyang pumikit ngunit dumilat din agad at sinalubong ang tingin mula sa mga mata kong nahihirapan pang dumilat ng tulayan.“Anong oras na, kumain ka na ba?” tanong ko. Bahagya pa akong nahiya sa bandang huli sapagkat nagtutunog asawa na ang pagtatanong ko. Hindi ko lang kase maipigilan ang sarili, sapagkat batid kong madaling araw na.Excited akong naghintay sa pag-uwe nya kanina ngunit gaya ng mga nakakaraang araw ay late narin siyang nakaumuwe ngayon. Pasado alas dose ng magpasya akong mahiga kanina dahil hindi ko na kinaya ang antok, hanggang sa nakatulog na pala ako.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang unti unting pagdilat ng mga mata ni Jiro, namumungay itong nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya’t agad akong nag-iwas ng tingin. Handa na sana akong tumayo upang magtungo na sa kabilang parte ng kama dahil nais ko na lamang itulog itong nararamdaman ko. Ngunit bago ko pa man iyon magawa ay agad na akong nahawakan ni Jiro sa aking batok. Bahagya pa itong umangat upang maabot ng kanyang labi ang labi ko nan a bahagya pang napaawang. Dahan dahan, kumilos na ang labi niya, ako naman ay nagawa pang lasapin ang sarap na hatid ng banayad niyang paghalik. Nang hapitin niya ako ay tuluyan na akong bumagsak sa kanyang katawan kayat nakadagan na ako sa kanya. Naramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa aking braso, hanggang sa likod ko na siyang nagbibigay kiliti sa akin. Ginaya ko ang ginawa niya, ang mga palad kok ay hinaplos ko naman sa kanyang muka. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nagsisimulang lumalim ang aming m