Share

Kabanata II

“Ara, buti naman dumating kana,” Lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko ng pagkababa ko sa taxi ay agad akong sinalubong ni Anie, isa sa mga kasambahay namin at kaibigan ko.

Madating pa lamang ako ay natatanaw ko na siya sa labas ng gate namin na tila hinihintay talaga ang pagdating ko.

“Anong problema Anie?” nagawa ko pang itanong ngunit sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng takot.

Paano kung nalaman na nila ang nangyare sa akin? Hindi ko pa batid kung paano ako humantong sa ganong sitwasyon kaya’t hindi ko magagawang ipaliwanag sa kanila ang totoo. Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung maging ako ay hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyare ng gabing iyon. Ngunit ang pinaka kinatatakutan ko ay ang malaman ni Theo, siguradong manganganib ang relasyon naming dalawa.

“Si Sir Theo kanina kapa hinihintay,mukang galit ito at-

“Si Theo?” halos pabulong kong tanong ng marinig ang pangalan ng nobyo ko. Isang tango ang isinagot sa akin ni Anie, ngunit takot ang mababakas sa kanyang mga mata.

“Nag-away ba kayo? Iba ang awra niya kanina pa,”

“Nasaan siya?” tanong ko habang lakad takbo ang ginagawa ko makarating lamang sa pinto ng mansion.

“Nariyan sila sa sala, kausap ng Daddy mo, kanina pa nga pinakakalma eh,”

Hindi na ako kumibo, binilisan ko na lamang ang pagtakbo dahil pinagpapawisan na ako sa sobrang takot. Ano na ang gagawin ko nito, mukang nalaman na nila ang nangyare sa akin. Kung may nagset-up sakin siguradong ipaparating na nila iyon sa pamilya ko lalo na kay Theo. Paano ko ito lulusutan ngayon, anong paliwanag ang maaari kong sabihin sa isang one night stand?

“Hijo Theo, huminahon ka baka naman may maayos na paliwanag si Ara kung bakit niya nagawa iyon,” Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng marinig ko ang sinabi ni Daddy. Nangyari na nga ata ang kinatatakutan ko.

“Anong paliwanag Tito, mukang ginusto talaga ni Ara yon, isa mang paliwanag ay wala akong narinig mula sa kanya. I even called her last night but she kept rejecting my calls, at ngayon wala parin siya,” nagsisimula ng lumakas ang boses ni Theo sensyales na galit na nga ito. Naalala ko ang cellphone ko, hindi ko na iyon nakita kanina.

“Pumasok kana,” bulong ni Anie. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang pumasok sa loob.

“Theo,” nanginginig ang boses ko ngunit pinilit ko paring magkapagsalita. Sabay pa silang napatingin sa akin, naroon din ang aking Mommy na agad napatayo buhat sa pagkakaupo.

Mabilis ang mga hakbang na lumapit sa akin si Theo, halos hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

“Where have you been last night? Tell me the truth!” Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Theo, hinila pa niya ang braso ko kayat lalo akong natakot.

“Let me explain please,”

“Talagang magpaliwanag ka!” gigil nitong wika saka dinampot ang mga litratong nasa lamesa saka iyon pagalit na inabot sa akin.

Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha iyon. Tumulo ang mga luha ko matapos makita ang sarili ko kasama ang--

“May usapan tayong magkikita sa restaurant hindi ba? Alam mo ba kung ilang oras akong naghihintay sayo, sobra ang kaba ko, takot na takot ako na baka kung anong nangyare sayo, yun pala nakikipagparty ka lang!”

“Theo Hijo kumalma ka,” awat na ang Mommy ko. Pumagitna na rin si Daddy dahil labis na ang galit ni Theo, habang si Mommy naman ay yakap na ako sapagkat hindi ko na napigil ang pagluha ko.

Hindi ako makasagot, pilit kong iniisip kung paano ako nagkaron ng picture habang nakikipag-inuman. Hindi ko gawain ang makipagparty, lalo ang makipag-inuman sa mga lalaki. Kung itatanggi ko na hindi ako iyon siguradong hindi sila maniniwala sa akin, lalo pa at muka ko ang makikita sa pictures.

Ara mag-isip ka, kailangang malusutan mo ito. Hindi mo pwedeng sabihin sa kanila na nakipag one night stand ka dahil siguradong magkakagula ang lahat.

“Bridal !”

Maging ako ay nagulat sa nasambit ko, ngunit hindi ko na iyon maaaring bawiin. Kailangan ko na itong panindigan sa halip na aminin ang totoo, mas mabuti na ito mas mapapatawad ako ni Theo.

“Im sorry Hon, binigyan kase ako ng surprise bridal shower ng mga kaibigan ko. Hindi ko nagawang tanggihan kase pagdating ko naaayos na ang lahat, nakakahiya naman na iwan ko sila diba,” abot abot ang kaba. Patawarin nawa ako ngMaykapal sa pagsisingungaling ko.

“Bakit hindi ka man lang tumawad Anak,” tanong ni Daddy kayat napalunok ako.

“Sana nga sinagot mo nalang yung tawag ko. I called you many times,”

“Ano kase, ahm yung cellphone ko kase,”

“Where is your phone?” Napaatras ako ng lumapit si Theo, paano ko ba sasabihin na wala ang cellphone ko, wait tama  nawawala.

“Na snatch kase yung cellphone ko, marahil yun ang pumapatay ng tawag mo Hon,”

“Anak nasaktan kaba? Anong nangyare?” nag aalalang saad ni Mommy. Tila naman nawala ang galit ni Theo, bahagya itong kumalma.

“Pasensya na po kayong lahat kung pinag alala ko kayo. Naipit lang po talaga ako sa sitwasyon, tapos nakitulog na ako sa kaibigan ko kase nasobrahan ako ng lasing. Alam nyo naman po na hindi ako sanay uminom at dahil nga wala akong cellphone hindi ko kayo nsabihan,” mahabang pagsisinungaling ko, lulubusin ko na kailangan kong malusutan ito.

“Sana nakitawag ka at nagpasundo sa akin,” wika ni Theo, niyakap ko ito sa braso buti na lamang at hindi na ako itinaboy.

“Im sorry Hon, please wag kana magalit, hindi na ito mauulit promise,”

Hindi na sila nagtanong pa, nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na alam kung malulusutan ko pa ang mga itatanong nila kunng sakali. Hindi ko gustong malaman nila ang totoo, hanggang hindi ko batid kung ano ang nangyare ay ililihim ko ito. Ikakasal na kami na kami bukas at hindi pwedeng hindi iyon matuloy.

Maghapon akong nagkulong sa bahay ng araw na iyon. Pilit kong inalala kunng ano ang mga naganap noong gabing nawalan ako ng malay ngunit sumakit na ang ulo ko kakaisip pero wala parin akong maalala. Si sarah lang ang naiisip kong maaaring magset-up sa akin ngunit wala naman akong ibedensya. Gusto ko siyang kausapin ngunit wala akong lakas ng loob lalo at ayaw niya akong makausap o makita man lang.

Kahit sinabihan ako na maagang matulog bago ang kasal ay hindi ko nagawa dahil sa labis na pag-iisip. Hindi ko magawang magsaya dahil narito parin ang kaba sa dibdib ko. Natatakot ako na baka isang araw ay bigla na lamang malaman ng pamilya ko at ni Theo ang nangyare sa akin. Isa pa sa inaalala ko ay paano ko ipagtatapat kay Theo na hindi na ako virgin gayong ang alam niya ay ibibigay ko sa kanya sa araw ng kasal namin. Paano ko ba ipapaliwanag iyon, paniguradong magtatanong at magagalit sa akin si Theo.

“Miss Ara, nandito na po tayo,” Nabalik ako sa sarili buhat sa pag-iisip ng magsalita ang driver ng bridal car ko. Narito na kami sa venue ng kasal ko at mula dito ay tanaw ko na ang magandang set-up at mga taong naghihintay sa akin. Beach wedding ang theme ng kasal ko kayat narito kami sa tabing dagat. Sandaling narelax ang isip ko dahil sa simoy ng hangin at sa ganda ng tanawin kaya’t nakaramdam ako ng panandaliang kapayapaan.

Nang magsimula na ang kasal, nawala na ang lahat ng takot ko matapos kong makita ang matamis na ngiti ni Theo habang naghihintay sa akin. Ngunit nang nasa gitna na ako ay biglang nagbukas ang mga TV na naroon, noon ko lamang napansin na may dalawang TV na nasa unahan.

Rinig na rinig ko ang mga singhap ng mga tao, kasabay ng pagkabitaw ko sa hawak kong bulaklak ng mapagmasdan ang mga litratong nasa screen ng TV. Nanlambot ako, pakiramdam ko ay mabubuwal na ako ano mang oras.

“Ara what is this?!” umalingawngaw ang malakas na boses ni Theo. Kung hindi niya ako hinawakan sa mga braso ko malamang ay bumagsak na ako.

“Niloloko mo ko?!”

“No Theo, hindi ko alam kung paanong nagkaroon ako ng pictures na yan. Please listen to me, let me explain,” nag uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Theo, tila nagliliyab ito.

“How can you explain that, you were kissing someone while naked!” Hindi agad ako nakasagot, napako ang mga mata ko sa mga luha ni Theo. Kitang kita ko ang sakit doon na lalong nagpadurog sa puso ko.

“Hon, maniwala ka hindi ko rin alam ang nangyare. Nagising na lang ako nasa isang kwarto na ako, wala akong matandaan at--

“So it’s true, ikaw nga ang nasa pictures na yan. You were sleeping with another man before our wedding,” Sunod sunod ang naging iling ko. Pilit kong hinahalukay ang isip ko ngunit wala akong maisip na paliwanag para paniwalaan niya ako.

“Hon, please calm down, pakinggan mo muna ako,” Sinubukan kong yakapin si Theo ng mapaluhod ito at panay ang pagluha. Nahihrapan ako habang nakikita siyang nasasaktan ngunit wala naman akong magawa.

“Ano pang ipapaliwanag mo Ara? How you and that bastard do it? How many times? Yun ba ang gusto mong pakinggan ko?”

“No,”

“Then what? Ara nirespeto kita, dahil ang sabi mo you want to be clean until our wedding day, but you betrayed me. Minahal kita pero nagawa mo akong lokohin? I’ve been loyal to you, pero anong sinukli mo? Sa araw pa talaga ng kasal natin, winasak mo ang puso ko,” Inalis ni Theo ang mga kamay ko buhat sa pagkakahawak sa kanya saka ito tumayo.

Sinukan ko pang magmakaawa, niyakap ko ang mga paa niya kayat napahinto siya sa pag alis. Kapwa kami umiiyak, panay ang hingi ko ng tawad ngunit wala akong naririnig na sagot mula sa kanya.

“Tingnan mo nga naman oh, pa virgin ka pang nalalaman ibibigay mo din pala sa iba! Hindi ka pa nakapaghintay na makasal kayo ni Theo, kating kate ka sis?” Nag-init ang ulo ko matapos marinig ang boses ni Sarah. Maging si Theo ay napatingin kay Sarah na nakalapit na pala sa amin.

“Wag kang makialam dito Sarah, hindi ka nakakatulong!” inis kong bulyaw dito ngunit tinawanan lang ako.

“Ang tapang mo na ah, bakit sino ba ang lalaki na yun at mukang pinagmamalaki mo pa?”

“Manahimik ka sabi!” Sa galit ko ay nagawa kong tumayo upang hablutin sana si Sarah ngunit agad akong pinigilan ni Theo.

“Ara tumigil kana, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya pwede ba wag kana gumawa ng gulo!” sigaw sa akin ni Theo. Nasaktan ako sa paraan ng pagsigaw niya sa akin, ngunit mas masakit makitang mas pinapaburan niya si Sarah.

“Theo, malaking kahihiyan ito. Tingnan mo pinagpipyestahan na tayo ng mga tao. Kanina pa nag eexplain ang mga magulang natin dahil sa gulong ginawa ni Ara. Wala na tayong mukang ihaharap sa mga tao lalo kana. Paano kapa magpapakasal sa babaeng nagalaw na ng iba!”

“No, wala ng kasalang magaganap,” Bumagsak ang luha ko dahil sa sinabi ni Theo, agad akong lumapit sa kanya at lumuhod upang magmakaawa.

“Please Theo wag mong gawin to, pag-usapan natin, paniwalaan mo naman ako. Hindi ko yun magagawa sayo,” Patuloy ako sapag-iyak alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa pagluhod at pagmamakaawa ko, ngunit wala akong pakialam.

“Were over Ara, kahit ano pang paliwanag ang gawin mo, hindi ko na kayang magpakasal sayo,”

Tuluyan na akong napaupo sa buhangin, hindi ko na napigilan ang pag alis ni Theo dahil wala na akong lakas. Nasasaktan ako ngunit wala na akong magawa kundi ang lumuha. Hindi ko matanggap na nangyare sakin ito, masakit bakit tila kay dali para kay Theo na bitiwan ako.

“Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo my dear sister?” nanlamig ako dahil sa bulong ni Sarah sa akin. Nanlilisik ang mga mata kong napatingin sa nakangisi niyang pagmumuka. Siya nga, siya nga ang may gawa nito, si Sarah.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status