AGAD na umuwi si Triana sa bahay matapos ang date nila ni Caleb. She was still stoked! Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang naglalakad patungo sa maindoor ng bahay. Ngunit gayun na lang ang pagkagulat niya nang agad na bumungad ang kambal.
“Ate, where have you been?” tila nayayamot na wika ni Travis. Nasa tabi nito si Tristan habang hawak ang isang tablet.
The twin was identical, the only noticeable differences were their hair cut and height. Travis was taller but a bit chubby with a short and tight curls hair, while Tristan was slimmer with messy curls. Sa edad nila, maraming mga ka-klase ang dalawa na nagkaka-crush sa mga ito. Sa ngayon pa lang, mukhang nakikita na niyang maraming babaeng luluha kapag nagbinata na ang kambal.
“Mom is waiting for you.” Tristan looked bored. Agad itong tumalikod sa kanya. Samantalang humawak naman si Travis sa kanyang siko.
“Ate, I think Mom is kinda mad,” ani Travis sabay nguso sa ina na nakaupo sa couch habang nakahalukipkip.
“Why, what happened?” Agad siyang nagkunot ng noo.
Nagkibit naman ng balikat ang kapatid. “Ewan ko. Ah, there was a guy who came here earlier.”
“And?”
“Mom suddenly became agitated. Better talk to her na, I’m also worried.”
“All right. I’ll talk to her.” Tinapik niya ito sa balikat bago siya nito iniwan at pumanhik paitaas sa hagdan.
Tahimik siyang naglakad sa kinaroroonan ng ina at nagbeso rito.
“Mom, is there a problem? You look bothered.”
“Let’s talk inside the library.” Tumayo ang ginang at kinakabahang sumunod si Triana.
Kilalang-kilala niya ang ina. Kitang-kita niya sa mukha nito na may matindi itong suliranin na dinadamdam.
“I have something to tell you, hija.” Tila nanantiya ang bungad na salita ng ina.
Magkaharap silang naupo sa pagitan ng parihabang mesa nang makapasok sa loob ng mini library.
“What about it, Mom?”
Deretsong tumingin ang ginang sa mata ng dalaga.
“Our company is on the verge of closing, and I need your help to save it.”
Triana stared at her mother in disbelief. “What do you mean?”
“I’ve only learned about this three years ago. Itinago sa atin ng daddy mo na matagal nang papalugi ang kumpanya bago pa man tayo nagkaroon ng pandemya.” Nakagat ni Lucia ang pang-ibaba ang labi habang tinitingnan ang gulat na gulat na hitsura ng anak.
“W-what do you want me to do? Do you want me to take over?”
Mariing umiling ang ginang. “Honestly, management is not the problem for now. But we are losing the majority of the shares, and our investors are leaving. Kung hindi lang sa tulong ng kaibigan ng daddy mo, matagal nang wala sa atin ang kumpanyang pinaghirapang palaguin si Trevor.”
“I thought everything is going well! It had been three years since Dad left us. Maayos naman ngayon ang AGC ‘di ba?”
Lucia averted her gaze. “I gave a Special Power of Attorney to Akhil to manage everything, and in turn, he helped us with our finances…with only one condition.”
Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Triana. “W-What condition?”
“In order to save the company, we have to merge our business with his. And for that to happen, we need to merge our family as well. You must marry his son.”
Tila bombang sumabog sa harapan ni Triana ang mga sinabi ng ina. Kahit may idea na siya sa gustong sabihin nito, iba pa rin kapag narinig sa mismo rito.
Bumuka ang bibig ni Triana pero walang katagang lumabas. She was too stunned to process everything.
“I’m sorry, hija. I know this is too much for you.”
“No. No!” Mariing umiling si Triana nang makahuma. Akala niya tuluyan nang hindi mangyayari ang mga narinig niya three years ago. Pero bakit naman ngayon lang? Bakit ngayon pa na masaya na ang puso niyang natagpuan ang lalaking para sa kanya?
“Ria, think about your brothers. We’re literally beggars now, we’re living on someone’s mercy. Your dad mismanaged all our funds. Lahat ng property natin naisanla at naibenta na ng daddy mo, kasama ang bahay na ‘to. Hindi mo man lang ba napansin na dalawang kasambahay na lang ang natitira dito sa bahay? It’s because we can’t afford to have more!”
Natuptop ni Triana ang noo. “Oh, my! This is just a joke, right?”
“I’m really sorry. Pinakiusapan ko lang si Akhil na hayaan ka munang tapusin ang master’s mo. Dahil masyado ka pang bata three years ago.”
“Why me? Okay lang naman sa akin na maghirap tayo. I can get a decent job!”
“What about Travis and Tristan? They’re too young. Hindi sila sanay sa mahirap na pamumuhay, hija.”
Triana clenched her teeth. “This is unfair! ‘Di ba mayroon namang trust fund sina Tristan at Travis? Their future is secured!”
“No, Ria. Nagalaw ng daddy mo ang trust fund nila kasama ng sa’yo. Bless his soul, ayoko rin sanang malaman ninyo ito pero nalulong sa sugal ng daddy n’yo. Akhil financed everything since Trevor passed away, including your schooling at Harvard.”
“Damn!” Galit na naikuyom niya ang kamao. She was ecstatic earlier, pero bigla palang guguho ang mundo niya sa isang iglap lang.
“Please forgive me, I don’t know what to do. I have met Akhil’s son before, and I know he’ll be a good husband to you. You two will make a good pair.” Naluluhang wika ni Lucia. Wala na kasi siyang ibang paraan na naisip. Lubog na lubog na sila sa utang.
“Mom, I can’t marry a stranger. I’m in love with someone else, and I just got engaged.” Pinakita niya sa ina ang kamay niyang may suot na singsing.
Nagbuga ng hangin si Lucia. “If your boyfriend is a billionaire that can help us with our debts, go marry him. If not, forget about him.”
“Mom!” Napukpok ni Triana ang mesa at biglang napatayo.
He loved Caleb, and he was a self-made millionaire. Pero hindi naman niya gugustuhing idamay ito sa problema ng pamilya niya. Hindi naman pera ang habol niya rito. It would be unfair on Caleb’s part to pay off all their debts. Isa pa, hindi pa ganoon kalaki ang assets ng lalaki para maisalba ang pamilya nila sa matinding kahihiyan.
“Ria, please consider this option. Kung ako lang, wala naman sa akin na problema ang maghirap. Iniisip ko lang ang future ng mga kapatid mo.”
Liar!
Nahilot ni Triana ang sentido. Dinadaan siya ng ina sa pangongosensya. Kung tutuusin, puwede naman siyang magpakasal kay Caleb at iwanan ang mga ito. Pero kapag naiisip niya ang kambal ay nagdadadalawang-isip siya. She loved her brothers so much.
Ano ba ang dapat na gawin niya?
“THAT is unfair, Dad! I’m totally against it!” Mariing naikuyom ni Devance ang kamao nang marinig ang sinabi ng ama. Kasalukuyan silang nasa Kuala Lumpur dahil dumalo sila sa kasal ng kanyang pinsan.
“Dev, we’ve already talked about this.” Mahinahong wika ng kanyang ina.
“Arranged marriage? Oh, come on! Are we still in the fifteenth century?” Hindi maitago ng binata ang matinding frustration.
They were having dinner. Babalik ang kanyang magulang sa UK sa susunod na araw dahil may dadaluhan ang ama ng isang mahalagang business convention. His father, Akhil Chaudhary happened to be one of the richest Nepali in the world. He was the first businessman from his country to enter the Forbes billionaire list.
“I’ve already chosen a suitable wife for you. She is the daughter of my old friend,” walang anumang wika ni Akhil habang tinutusok ng tinidor ang paborito nitong maangang na momo. Isa iyong authentic Nepali dish na hawig sa dumplings.
“Kanchha, listen to your dad. Ayaw lang niyang mapasama ka,” anang kanyang ina sa mababang boses. His mother, Gracia Ayala was a well-known filipino-spanish supermodel during her time. Ngayon ay ito ang tumatayong private secretary ng kanyang ama kaya laging magkasama ang dalawa sa mga business travel.
“Come on, bro. There is always a divorce in case you can’t stand your soon to be wife,” pabirong sabat ng kanyang nakatatandang kapatid na si Dexa. Matapos ay uminom ito ng white wine.
“Shut up!” Pinanlakihan niya ito ng mata.
Dexa rolled her eyes. “I had an arranged marriage, and everything went well.” Nagkibit ito ng mga balikat.
Muli niyang nilingon si Dexa. “You married a celebrity because you cried to Dad to get him for you. Pathetic!”
Inanggilan naman siya ni Dexa. Muli sana itong magsasalita kung hindi lang tiningnan ng ama. There was a warning look in his eyes.
“My decision is final. If you don’t marry her, I will disinherit you,” seryosong anas ni Akhil sabay lagok ng red wine mula sa wine glass na hawak nito.
Parang tumigil ang oras sa paligid ni Devance nang sabihin iyon ng ama. Matapos ay natawa siya nang malakas.
“You’re joking, Dad. Of course, you can’t do that! I’m your only son and your heir to your business empire.”
Walang kibo ang mag-inang Dexa at Gracia dahil alam nilang anumang oras ay sasabog ang pasensya ng kanilang padre de pamilya.
“I’m a billionaire, not you. I can always donate ninety-nine percent of my wealth to charity. I’m not kidding. You’ll not receive a single dime from me.”
Tila nabitin sa ere ang iba pang sasabihin ni Devance. He glanced at his father who seemed unbothered while eating his momo.
“My answer is still no.” Tumayo si Devance sabay punas ng table napkin sa kanyang bibig, “Excuse me.”
Bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Mabilis niyang tinungo ang kanyang suite at nagbihis. Gusto niyang makasagap ng sariwang hangin. Hindi niya lubos maisip na seryoso ang kanyang ama na ipakasal siya sa isang estranghero.
Damn it! His jaw flexed. Kung sakaling idi-disinherit siya ng ama, kaya naman niyang mamuhay nang simple. May sapat naman siyang ipon para makapagsimula. Hindi rin biro ang kanyang mga investment. At isa pa, maaari siyang magbuhay ermitanyo na lang sa Himalayas. Mas mainam na ‘yon dahil mayroon siyang peace of mind.
TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya
THE Chaudharys yet again gathered as they mourned Eashta’s passing. Sa dami ng mga rebelasyon ay nanatiling magkasama sina Devance at Triana. Hindi sila iniwan ng kanilang malalapit na kaibigan nang malaman ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan. Lara and Austin had rescheduled their flight going back to London. Nagmadali ang mag-asawa na tinungo ang hospital na kinaroronan ni Eashta para damayan sila. Even the two could not believe what had happened. But they never blamed them and didn’t even utter a word to make them feel their negligence. Dahil kahit hindi sabihin nina Triana at Devance ay lihim nilang sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Caleb and Austin also postponed their honeymoon to be with them. Hindi naman hinihiling ni Triana na isakripisyo ang mahalagang milestone sa buhay ng dalawa para damayan sila, pero pinili ng mga itong manatili sa tabi nila hanggang sa maihatid na huling hantungan si Eashta. They were adamant that their honeymoon could wait. And Triana had appre
NANLAMBOT ang tuhod ni Triana sa narinig. Mabuti na lang at maagap ang kamay ni Devance at iginalaw nito ang wheelchair para masalo siya mula sa likuran. Mabilis na pumasok sa kuwarto si Eshvi at niyakap ang walang buhay na bata. “Eashta...” Eshvi began to wail. “I’m sorry for your loss. We did our best to revive her.” The doctor expressed their condolences. Magkakasabay itong lumabas sa silid para bigyan sila ng privacy. Triana came back to her senses. Nilapitan niya ang bata at pilit na hinihila ang siko ni Eshvi palayo. “Don’t touch her! You have no right!” Nanginginig ang mga kamay ni Triana sa sobrang galit. Pero tila walang naririnig si Eshvi. Kagaya niya, patuloy ito sa pagpalahaw ng iyak. “Eashta! Wake up baby, please...” ani Eshvi habang mahigpit na yakap ang bata. Samantalang si Devance hindi makuhang gumalaw dahil sa bigat ng mga pangyayari. Tulala lang siyang nakamasid sa walang nang buhay na anak. He lost his two precious children in a year! At mula noon hangga
THE beeping of the hospital apparatus surrounding Eashta was louder than usual in Eshvi’s ears. Bigla siyang nataranta nang magsulputan ang ilang doktor ng anak dahil sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. “My daughter… what’s is happening?” Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha. Kitang-kita niyang nire-revive na lang ang anak at kapag hindi ito nakayanan ng munting katawan nito ay baka malagutan ito ng hininga anumang sandali. “Please… no…” nauutal niyang sambit. Hindi siya naniniwala sa dasal pero nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang makapitan. She prayed hard to whoever deity listening to her pleading. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Eashta. “Miss Javier, please calm down,” anang babaeng nurse na naroon sa tabi niya. They both stood in the receiving area of Eashta’s private room. Pero kitang-kita nila ang nangyayari sa silid ng anak dahil sa dingding na salamin. “Shut up!” singhal niya sa babae. Bigla tuloy itong napaatras dahil sa ginawa niya. Dumista
HINDI namalayan ni Triana na walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang nakikinig siya sa kuwento ng asawa. Could it be true? “I’m really sorry, Kanchhi. I doubted you. But you know, it was just an excuse to make you hate me. Because despite learning that Devna is not mine, I still love her and nothing will change that she is our daughter.” Ilang ulit na pumiyok ang boses ni Devance. “Oh, God! Eashta!” Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Triana. Kung hindi lang siya nakahawak sa handle ng wheelchair ni Devance baka kanina pa siya bumagsak. “Please tell me you are joking, Dev. I never went to Doctor Alfonso’s office since I thought you were just making up that story to drive me away...” Nanginginig ang mga labi niya. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga impormasyong galing sa asawa. Had Devna been switched? That was impossible! Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang mga sinabi ni Devance. Since she and Eshvi gave birth on the same day in the same hospital. At k
BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang asawa. Akala niya talaga namamalikmata lang siya pero nang nilapitan ito ng kambal at maluha-luha itong yumakap sa mga anak saka niya napagtantong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Especially that he saw Grady showed up from the dining room holding a cup of tea. “Dev!” Hindi napigilan ni Triana ang sarili at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito. He was comfortably sitting in his wheelchair. Maaliwalas ang mukha nito kumpara nang huli silang magkita. He was clean shaven and wasn’t looking that much miserable compared when he was in his cabin. Pero nanatili ang kaseryosohan ng mukha nito pagdating sa kanya. “I miss you so much, Baba!” halos magkasabay na wika ng kambal na parang ayaw bumitaw mula sa pagkakayapos sa magkabilang braso ng ama. “I thought you broke your promise to come home with Nanay.” Nakangusong anas ni Rini. “But here you are now! Your wheelchair is cool!” inosenteng bulalas ni Ravi matapos ay pinagmasdan a