Share

CHAPTER 3

HINDI na nag-alinlangan pa si Triana nang nag-book siya ng flight patungong Nepal kinabukasan matapos ang naging pag-uusap nila ng ina. She came back to the Philippines a month ago, just after she finished her master’s degree at Harvard University, where she majored in Business Administration. Tapos ganito kasaklap na pangyayari agad ang haharapin niya.

Bullshit!

She wanted to discern. Nakasalalay ang future niya sa kanyang magiging desisyon. Kaya susulitin niya ang bakasyon. She joined an international team that was scheduled to trek into the Everest Base Camp.

It would take her two weeks. Tama lang ang panahon na iyon para makapag-isip siya. Gusto sanang sumama ni Caleb kaya lang sobrang busy ng schedule nito. Hindi pa rin niya nababanggit ang kasalukuyan niyang problema sa kasintahan. Ang tanging alam lang nito ay mag-a-unwind siya at mag-enjoy bago sila magpakasal.

And surprisingly, Lara joined her. Awtomatikong pumayag ito nang sabihin niya ang kanilang destinasyon. Agad niya kasi itong tinawagan matapos ang naging pag-uusap nila ng ina.

Lara was her childhood friend, anak ito ng business associate ng daddy niya na isa sa investors ng AGC. May sinabi rin sa buhay ang pamilya nito kaya kahit sa America ay magkasama silang nag-aral. Although Lara was more focused on arts, rather than business. She was the sole heiress of the infamous Tan Holdings, the top manufacturer of well-known designer’s bags in Asia.

Mahilig silang dalawa sa adventure. Kung saan-saan sila pumupunta kapag may libreng oras. Kagaya ngayon, pareho naman silang athletic ng kaibigan kaya kayang-kaya nila ang high altitude trek. Kailangan lang nilang makapag-acclimatize nang maayos. At saka mukhang may ibang plano si Lara kaya napapayag niya itong mag-trek sa Nepal.

There was no direct flight from Manila to Kathmandu. Kaya kinailangan nilang mag-stop over ng Kuala Lumpur. Dalawang oras lang naman ang hihintayin nila bago ang susunod na biyahe.

They were in the lounge waiting for their plane when Lara started blabbering nonsense as usual. Hindi na lang niya pinapatulan. Mas mabuti na iyong maingay ito kaysa tulala sa kakaisip sa nangyari sa love life nito.

“Gosh, kailangan ‘atang mag-adjust ng mata ko. These Nepali guys looked almost the same!” bulalas ni Lara habang abala ang mata nito sa mga taong naroon.

“Parang hindi naman.”

“These young men are hot, parang si Nehan—”

Agad namang natigil si Lara nang tingnan niya ito nang masama. Ang tinutukoy nito ay ang dating kasintahan. The two were classmates in art class at Harvard. Nehan also came from a well-off family in Nepal, at naging kasundo naman niya ito dahil panay ang tanong niya rito tungkol sa plano niyang hike sa Mount Everest. Isa kasi iyon sa bucket list niya, training na lang ang kulang.

Hindi na nagkumento pa si Lara hanggang sa pumasok sila sa eroplano nang walang naging aberya. It was a first-class flight, kaya hindi sila masyadong nakapagingay ni Lara sa loob.

Sandaling inayos ni Lara ang hand carry nito at nagulat si Triana nang bigla itong tumayo malapit sa kanyang harapan at pasimpleng sinipa ang kanyang paa.

“What?” Pinanlakihan niya ito ng mata.

Sumenyas ito sa tagiliran nito at wari ay biglang kinilig. Kung makaasta ito parang hindi broken hearted.

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito. At nakita niya ang dalawang lalaking magkasunod na naupo sa gawi nila sa bandang center aisle. One of them seemed to be a westerner, and the other, she assumed to be a Nepali. Kung pagbabasehan niya ang tangos ng ilong nito at ang stubble nito sa mukha.

The Nepali guy had a clean-cut hair, wearing dark sunglasses and a plain black shirt. Malaki ang pangangatawan nito na halatang alaga sa gym. Hindi nakaligtas sa kanya ang tribal tattoo sa kanang braso nito. While the westerner guy was carrying something for his companion.

“Pogi!” mahinang usal ni Lara.

Namilog ang kanyang mata. “Not my type. Umayos ka na nga!”

Malay ba naman nila kung mag-jowa ang dalawang iyon. It was none of their concern, anyway.

Naupo naman si Lara. Sinuot na lang ni Triana ang kanyang airpods at ipinikit ang mga mata. Mahigit apat na oras ang hihintayin nila bago makarating sa Kathmandu. Mabuti pang itulog na lang niya ang biyahe.

“SIR, are you really sure about this?” nag-aalalang tanong ni Austin kay Devance.

Austin Wright was his private bodyguard, a Filipino-British who used to serve the British Army. Kinuha ito ng kanyang ama para maging tagabantay niya. Mahigit isang taon na itong nagtatrabaho sa kanila kaya kaibigan na rin ang turing niya rito. Maasahan kasi niya ito sa lahat ng bagay, lalo na sa mga babaeng naghahabol sa kanya.

Wala itong nagawa kundi sumama sa kanya nang bigla siyang nagdesisyon na umuwi sa Nepal.

“I told you to call me, Dev.” He took a long deep breath.

Hindi na sila muling nakausap ng ama mula nang gabing sabihin nitong ipakakasal siya sa anak ng kaibigan nito. He wanted to clear his mind and getting back home in Nepal would give him freedom to be in touch with nature. It would help him process everything that had just happened. Kailangan niyang makagawa ng plano kung paano malulusutan ang kagustuhan ng ama. Kung magpapakasal man siya in the future, he would make sure that love is involved.

“Let’s have a rest at home in Bhaktapur when we arrive.” Tumingin siya sa kanyang relong pambisig at tinantiya kung anong oras sila makakarating.

THE flight went smooth as they landed at Tribhuvan International Airport in Kathmandu. Agad na pumila sina Triana at Lara sa immigration booth. Maliit lang ang arrival area sa airport kaya medyo siksikan ang mga pasaherong dumating.

“Kasabay na naman natin sina pogi,” bulong ni Lara sa kanya. Both of them had their sixty liters hiking bag. Hindi talaga sila nagdala ng mga non-essential things dahil mas dadagdag lang iyon sa bigat na dadalhin nila sa trek. Plano rin kasi nilang bumili na lang ng ilang hiking gears sa Thamel, na siyang ipadadala nila sa porters kapag nagsimula na ang trekking.

“Oh, come on, Lars. Pinag-iinteresan mo ang dalawang ‘yan, e mukhang mag-jowa,” pang-aasar niya sa kaibigan. Mahina lang ang pagkakabigkas niya dahil magkakasama sila sa iisang pila.

Lara smiled mischievously, and she whispered. “I don’t think so. Lemme check if they are love birds.”

Pagwika niyon ay biglang pumihit si Lara. Nagkunwari itong natapilok sa harapan niya at buong lakas na dumagan sa kanya dahilan para mawalan siya ng balanse.

Muntik nang mapasigaw si Triana dahil biglang umiwas ang babaeng caucasian na nakapila sa kanyang likuran. Mabuti na lang at may isang matipunong katawan na sumalo sa kanya. Mabilis rin ang reflexes ng kamay nito na agad na tinakpan ang bibig niya.

“Hey, easy! And be quiet,” anang isang baritonong tinig.

Pangiti-ngiti naman si Lara sa tabi at nagkunwaring inosente sa mga pangyayari. She pretended to massage her legs as if it was injured.

Mabilis na tumayo si Triana nang makahuma. Lumingon siya para mapagsino ang lalaking sumalo sa kanya at laking gulat niya nang makilala ito. Ang isa sa mga lalaking kasama nila sa eroplano na siyang pinagtitripan ni Lara.

The Nepali guy!

This time, she could give a glimpse into his eyes. She was mesmerized for a moment when she realized his unique eye color that gave more appeal to his tanned skin. The man was green-eyed! Bagay na bagay iyon sa makapal nitong kilay at mapilantik na pilik mata. Mukhang six-footer din ang lalaki dahil umabot lang sa leeg nito ang height niya.

“Are you okay?” tanong kasama nitong tisoy na siyang may hawak ng travelling bag. Tanging passport at arrival card lang kasi ang hawak ng kasama nito. Halos magkasingtangkad ang dalawa.

Pasimple naman siyang tumango. Samantalang tila iritado naman ang lalaking sumalo sa kanya.

“So clumsy.” Halos magsalubong ang makapal na kilay nito.

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Triana ang ibinulong ng lalaking may berdeng mata. Tila umakyat yata ang lahat ng dugo sa ulo niya imbes na magpasalamat dito sa ginawang pagsalo sa kanya kanina.

“What the—” Sisitahin sana niya ito pero dumeretso na ang lalaki sa immigration counter sa kabilang banda.

Antipatiko! She glared in the man’s direction. Hindi niya agad gusto ang vibe nito. Mukhang mayabang at mataas ang bilib sa sarili. Walang-wala sa mala-angel na karakter ng kanyang kasintahan.

“What do you say?” tanong ni Lara sa kanya na pilya ang gumuhit na ngiti.

“Kung nasa labas lang tayo baka nasabunutan kita sa ginawa mo. Are you out of your mind?”

Lara rolled her eyes. “They’re both hotties. Hayaan mo na, hindi na naman natin sila makikita.”

Triana sighed. Hindi na lang siya nagkumento. She just waited for her turn to present her passport and get a stamp.

“Namaste!” Magiliw na bati ng babaeng nasa immigration counter.

Isang ngiti lang ang isinagot niya rito.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Grecia Rei
Ngayon ko lang nakita to. Huhu. Maraming salamat.
goodnovel comment avatar
Analyn Cepe
I think this story is going to be exciting .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status