Three years later
AGAD na h*****k si Triana sa labi ni Caleb nang makita itong naghihintay sa kanya sa labas na malaking pinto ng bahay ng kaibigang si Lara. Sinusundo na siya nito dahil may usapan silang magkikita ngayong gabi.
Agad kasi siyang bumisita kay Lara kanina dahil broken hearted ito. Halos magkalapit lang ang bahay nila. Nalaman kasi nitong biglang nagpakasal ang long time Nepalese boyfriend nito nang umuwi sa Nepal ilang linggo pa lang ang nakararaan, dahil ni-arranged marriage ng magulang. Ayaw sana niya itong iwan kaya lang mapilit ang boyfriend niya na hindi raw puwedeng i-cancel ang date nila ngayon.
“I’m sorry for being pushy today, darling.” Muling h*****k si Caleb sa kay Triana.
Her lips turned up to smile. “It’s all right. I understand.”
She is dating her dream man, Caleb Ortega. Isa itong CEO ng kilalang construction firm sa Pilipinas. Dalawang taon na silang magkasintahan mula nang magkakilala sila sa isang business convention sa California. Wala na siyang ibang mahihiling pa sa relasyon nila dahil mahal na mahal nila ang isa’t-isa.
Caleb looked dashing in his moss-green long sleeve shirt paired with gray pants. He appeared so hot and dignified. Bahagyang nakatupi ang manggas nito na bumagay sa suot nitong gintong Rolex watch.
“You look so sexy.” She winked at him as she scrutinized him further. Hindi nalalayo ang kinis ng balat nito sa kanya, prominente ang tangos ng ilong nito na bumagay sa tsinito nitong mata.
Parang Korean superstar ang dating ng kasintahan kaya maraming babaeng napapatingin dito sa tuwing magkasama sila. At thirty, he appeared younger than his age.
“And so are you, my love.” Malambing na inayos ni Caleb ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa kanyang mukha at isinabit sa kanyang magkabilang tainga.
Pabiro niyang inamoy ang binata. “Gosh, I really love your scent. So manly, parang ang sarap mong kagatin.”
Natawa naman si Caleb. “This is one of the reasons why I love you so much, especially your sense of humor.”
Triana giggled. “’Love you,” malambing na anas ng dalaga.
But of course, hindi rin naman pahuhuli ang kanyang ganda. She stood five feet and seven inches, saktong-sakto lang sa height ni Caleb na five-eleven. She had a quarter Spanish blood kaya kitang-kita sa kanyang physical features.
She had naturally long wavy brunette hair, expressive brown eyes, and a proud nose that made her look intimidating.
“Shall we?” Inilahad ni Caleb ang kamay.
“Let’s go!” Tumango siya at kinikilig na inabot ang kamay nito. Sabay nilang tinungo ang malawak na garahe ng bahay ni Lara.
Agad niyang inayos ang suot niyang beige na bestida na tinernohan ng puting flat sandals. Hindi na siya masyadong nag-effort na magpaganda dahil alam naman niyang kahit ano pa ang kanyang maging itsura ay mamahalin pa rin siya ni Caleb.
NAGULAT si Triana nang bigla siyang piringan ni Caleb matapos ma-i-park ang dala nilang sasakyan nang marating ang kanilang destinasyon. It was the famous flower farm near the city. She immediately savored the richness aroma of the flowers around, kahit banayad lang ang hangin.
“What is this?” naguguluhang tanong ng dalaga. Pero hinayaan na lang niya ang binata kung ano man ang pakulo nito. Caleb loved surprises, and this was not new to her.
“Just trust me,” bulong ni Caleb sa puno ng kanyang tainga na nagbigay sa kanyang ng kakaibang kiliti.
Huminga nang malalim si Triana at humakbang ayon sa pag-alalay ng kasintahan. Amoy na amoy niya ang swabeng panlalaking pabango nito, parang ang sarap-sarap nitong yakapin. Lagot ito sa kanya mamaya at hindi niya ito titigilang yapusin. Isa kasi ito sa fetish niya pagdating sa binata, his scent made her feel calm.
“Can you remove my blindfold now?” nakangiting tanong ng dalaga.
“Just a little more, darling.” Nakaakbay pa rin ito sa kanya at iginigiya siya kung saan man sila papunta.
“What are you planning?” Natatawang saad niya.
“Sshhh.”
Ilang sandali pa ang lumipas. Muling nagsalita si Caleb.
“Now, everything is ready.” Unti-unting tinanggal ni Caleb ang piring sa kanyang mata at agad na tumambad sa kanya ang isang pabilog na mesa na may nakasinding kandila. There were also scattered red rose petals on the ground.
“Wow, you prepared a candlelight dinner. I love it!” She gave her boyfriend a quick peck on his cheek.
“Silly, not that. Look up!”
Agad na umangat ang ulo ni Triana at hindi siya halos makapaniwala sa nakikita. It was a drone show giving vibrant red lights in the sky, slowly forming the words: WILL YOU MARRY ME?
“What—” Hindi na niya magawang deretsuhin ang iba pang sasabihin dahil nang lumingon siya, nakita niyang nakaluhod si Caleb at may hawak na singsing.
“Will you be my wife, darling?” nakangiting wika ni Caleb habang inaabot ang kanyang kaliwang kamay.
Maluha-luhang tumango si Triana. “Yes, yes, of course!”
Dahan-dahang isinuot ni Caleb ang singsing. It was a princess cut diamond ring na tamang-tama ang sukat sa kanyang daliri.
Tumayo si Caleb at agad siyang niyakap nang mahigpit.
“I love you much, Ria. I can’t wait to spend the rest of my life with you, waking up every morning by my side, sharing thousands of meals together.” Madamdaming hayag ni Caleb. He was teary-eyed. Ramdam na ramdam ni Triana ang nag-uumapaw nitong pagmamahal.
She kissed his cheek. “No words can explain how much I love you, Caleb. Thank you for coming into my life. You are not just my knight in shining armor, but my radiant universe. You always give me light when everything goes dark.” Her face was beaming. Sobrang saya niya dahil si Caleb ang una at huling lalaki sa buhay niya.
They were both ecstatic when they had their dinner. Panay ang sulyap ng dalaga sa suot niyang singsing. She was over the moon!
“This is why I said we couldn’t cancel our date tonight.” Nakangiting saad ni Caleb sabay lagok ng red wine mula sa kopitang hawak.
“I feel bad for Lara, though. She’s having a hard time right now.”
“You can be with her anytime from now on. Isama rin natin siya sa wedding preparations para malibang naman siya.”
“That will be perfect!”
“Shall we tell your mom about our engagement when you get home?” Muling nagsalin ng alak sa kopita si Caleb.
Sandaling hindi kumibo si Triana. She pretended to slice the medium-rare Kobe Beef Steak on her plate. Hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot sa kasintahan. Hanggang ngayon kasi, hindi pa niya pormal na naipakikilala si Caleb sa kanyang ina. Although her mother was aware that she had a boyfriend, but her mom would never conceal her displeasure every time she tried to open the topic.
“How about next week?” Nag-angat siya ng tingin at ngumiti, “We need to impress my mom about us. Don’t worry, I’m sure she’ll like you,” dagdag niya.
Triana silently cleared her throat. Alam niya sa sariling magiging mahirap ang mangyayari. Kahit kasi nasa edad na siya ay nangangamba pa rin siya na baka may ibang napupusuan ang ina para sa kanya.
AGAD na umuwi si Triana sa bahay matapos ang date nila ni Caleb. She was still stoked! Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang naglalakad patungo sa maindoor ng bahay. Ngunit gayun na lang ang pagkagulat niya nang agad na bumungad ang kambal. “Ate, where have you been?” tila nayayamot na wika ni Travis. Nasa tabi nito si Tristan habang hawak ang isang tablet. The twin was identical, the only noticeable differences were their hair cut and height. Travis was taller but a bit chubby with a short and tight curls hair, while Tristan was slimmer with messy curls. Sa edad nila, maraming mga ka-klase ang dalawa na nagkaka-crush sa mga ito. Sa ngayon pa lang, mukhang nakikita na niyang maraming babaeng luluha kapag nagbinata na ang kambal. “Mom is waiting for you.” Tristan looked bored. Agad itong tumalikod sa kanya. Samantalang humawak naman si Travis sa kanyang siko. “Ate, I think Mom is kinda mad,” ani Travis sabay nguso sa ina na nakaupo sa couch habang nakahalukipkip. “Why, what hap
HINDI na nag-alinlangan pa si Triana nang nag-book siya ng flight patungong Nepal kinabukasan matapos ang naging pag-uusap nila ng ina. She came back to the Philippines a month ago, just after she finished her master’s degree at Harvard University, where she majored in Business Administration. Tapos ganito kasaklap na pangyayari agad ang haharapin niya. Bullshit! She wanted to discern. Nakasalalay ang future niya sa kanyang magiging desisyon. Kaya susulitin niya ang bakasyon. She joined an international team that was scheduled to trek into the Everest Base Camp. It would take her two weeks. Tama lang ang panahon na iyon para makapag-isip siya. Gusto sanang sumama ni Caleb kaya lang sobrang busy ng schedule nito. Hindi pa rin niya nababanggit ang kasalukuyan niyang problema sa kasintahan. Ang tanging alam lang nito ay mag-a-unwind siya at mag-enjoy bago sila magpakasal. And surprisingly, Lara joined her. Awtomatikong pumayag ito nang sabihin niya ang kanilang destinasyon. Agad niya
PASALAMPAK na naupo si Devance sa itim na leather couch nang marating nila ang bahay sa siyudad ng Bhaktapur. Halos sampung minuto lang ang biyahe mula sa airport. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic kaya hindi naging stressful ang kanilang pag-uwi. “Shall I call Vijay to check the chopper for tomorrow?” agad na tanong ni Austin. Ang tinutukoy nito ay ang kanilang private pilot na siyang nangangalaga ng ilang sasakyang panghimpapawid ng mga Chaudhary dito sa Nepal. They had two helicopters at home. At pareho iyong nasa helipad sa ika-anim na palapag ng kanilang mansion. Madalas nilang gamitin iyon sa tuwing kumpleto ng pamilya para sa mabilis na transportasyon kapag gusto nilang magmuni-muni sa Everest Region. “Yeah, let him check the engine. I’ll pilot the chopper going to Lukla.” Devance breathed out. Kahit easy-go-lucky ang binata, isa siyang licensed private pilot. He had a rank of Captain, carrying four stripes in his uniform. He attended a prestigious aviation school in
“CALL me Nim, and I’ll be your guide for this EBC trek.” Pagpapakilala ng lalaki. Tumingin ito sa dalawang kasama, “These are Adesh and Hem, your porters,” dagdag pa nito. The porters lightly arched their heads. Parang nahihiya ang dalawa. Samantalang nakipagkamay si Nim sa kanilang limang naroon. “I’m Nehan,” pagpapakilala nito mula sa tabi ni Lara. “Lara.” Itinaas ng dalaga ang kanyang kamay. “I’m Austin,” nakangiting anas ng lalaki. At itinuro nito ang katabi, “And this is Devance.” Napaangat ang isang kilay ni Triana at hindi nakatiis na magkumento. “Is your friend mute or something?” pasaring ng dalaga. Laking gulat ni Triana nang biglang nilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. “I didn’t know you want my name that bad. You can call me, Dev. What’s your name?” Napuno ng katiyawan ang paligid. Pakiramdam ni Triana ay umakyat ang kanyang dugo sa mukha dahil biglang uminit iyon. Tumingin si Triana sa mga kasama at atubiling tinanggap ang kamay ng lalaki. “Triana.” Mabilis na bi
KINABUKASAN ay bumalik sila sa trail ilang oras matapos mag-agahan sa inn. Iwas na iwas si Triana kay Devance dahil sa insidenteng nangyari kaninang madaling araw. Tiyak na papatulan niya ang pagiging presko nito kapag nagpang-abot uli sila. Lalong umiinit ang ulo siya sa lalaki. His presence alone made her feel uneasy. Kung makaasta ito ay kakambal na yata ang lakas ng hangin sa katawan at kayabangan. And speaking of the devil, parang nananadya ito. Naglakad ito patungo sa kanya at nagsalubong ang kanilang mata “Hey, Austin! Pakitingnan nga kung may butas itong hydration pack ko,” tila nang-aasar na sabi nito sa kasama pero sa kanya nakatingin. Mabilis naman si Austin na lumapit dito. “Bakit, may leak ba? Na-check ko naman ‘yan nang maigi. Sinigurado kong walang butas,” wika ni Austin. Hindi maiwasan ni Triana ang magulat. Bumuka ang bibig niya na hindi makapaniwala sa mga naririnig. Deretso talagang managalog ang dalawa! Tumingin si Austin sa gawi niya. Halatang pinagti-tripan
NAGISING si Triana sa hindi pamilyar na silid. Nahilot niya ang sentido dahil sa bahagyang pagkirot niyon. Unti-unti niyang inalala ang mga nangyari. Her eyes widened when she realized what had happened during the trek. She remembered her severe altitude sickness. Malamang ay pinag-alala niya ang kaibigan at sinira niya ang itinerary ng mga kasama patungong basecamp. Mabilis siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Her eyes traveled around as she studied the room, mukhang wala naman siya sa hospital kung pagbabasehan niya ang mga mamahaling muwebles na naka-display sa paligid. She even recognized some famous paintings that were proudly hanged on the wall. Nasaan ba siya? And where was Lara? Tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili. Hindi na naman siya nahihilo. Kaya lumabas siya sa terrace ng silid na kanyang kinaroroonan. Mataas na ang araw, pero bigla siyang sinalubong ng malamig na ihip ng hangin mula sa labas. It appeared that her room was located on the fourth floor.
MAINGAT si Devance sa pag-drive kaya maayos naman ang kanilang naging biyahe nang marating ang kanilang destinasyon sa Nagarkot. May mga nadaanan silang lubak kaya panay ang reklamo ni Triana kung bakit hindi pa iyon pinapaayos samantalang papunta iyon sa isang kilalang tourist destination. Bumaba sila sa motor at saglit na nag-mini trek papunta sa mataas na bahagi ng burol kung saan makikita ang overlooking view ng Himalayas. Kaso pagdating nila sa itaas ay walang clearing. Napailing na lang si Devance at apologetic na ngumiti. “Sorry girls, ang kapal ng ulap. It might rain anytime.” “This place is heavenly if only it’s not cloudy,” sabi ni Austin. Si Lara ang sumagot. “It’s all right. We are thankful for your efforts to drive us here. Besides, unpredictable talaga ang weather sa bundok.” And as if on cue, it began to drizzle. “Let’s go, it’s raining!” yakag ni Devance sa lahat. Nagsitakbuhan sila paibaba dahil mabilis na lumakas ang ulan. Pumasok sila sa loob ng isang maliit n
MAAGANG kinatok ni Triana sa kuwarto si Lara. It was almost dawn, and her friend moved lazily as she opened the door. Magulo ang buhok nito at halatang-halata ang eyebags dahil marahil sa puyat. “What’s the matter? It’s too early. I’ve only been asleep for an hour!” palatak ni Lara sa kaibigan. “Come on, Lars. Get a shower, quick! We need to leave here now.” Mabilis na itinulak ni Triana ang babae patungo sa comfort room. “Bakit ba?” Naiinis na sambit ni Lara. “I’ll explain later. Come on!” “It’s impolite to leave without saying goodbye to our host. Hindi ka ba nahihiya?” Napahawak sa sentido si Lara. Tila unti-unti na itong nagkakaroon ng energy kahit tinatamad. “I know! But something happened last night.” Parang biglang nahimasmasan si Lara sa sinabi niya. “Bakit anong nangyari?” “Well…” bigla siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba rito ang nangyari kagabi. Lihim siyang napalunok bago muling nagsalita, “H-He tried to kiss me last night.” “Okay, and?” “That’s it! Hindi ni