TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya
TAHIMIK na tumulo ang luha ni Triana habang hawak ang puting rosas at nilagay sa huling hantungan ng namayapang ama. Nasa loob sila ng malaking museleo ng pamilya Allende. Halos nagsiuwian na ang mga taong nakiramay sa libing at tanging pamilya na lang ang naroon. Biglaan ang mga naging pangyayari. She went home on vacation from the United States for Christmas Eve, pero isang masamang balita ang sumalubong sa kanya. Her father had suffered a cardiac arrest, and he died on arrival at the hospital. Hindi siya makapaniwala dahil masyado pa itong bata. Her dad was only forty-nine! At ngayon ay ni hindi na ito umabot ng bagong taon. Ito na yata ang pinakamalungkot na pagsalubong niya sa new year. “Ate…” Niyuko niya ang sampung taong gulang na kambal niyang kapatid na sina Travis at Tristan. Mugto rin ang mga mata ng dalawa sa kaiiyak dahil sobrang malapit ito sa kanilang ama. Their father would always spend quality time with them despite his busy schedule. “I bet Dad didn’t want us to m
Three years later AGAD na h*****k si Triana sa labi ni Caleb nang makita itong naghihintay sa kanya sa labas na malaking pinto ng bahay ng kaibigang si Lara. Sinusundo na siya nito dahil may usapan silang magkikita ngayong gabi. Agad kasi siyang bumisita kay Lara kanina dahil broken hearted ito. Halos magkalapit lang ang bahay nila. Nalaman kasi nitong biglang nagpakasal ang long time Nepalese boyfriend nito nang umuwi sa Nepal ilang linggo pa lang ang nakararaan, dahil ni-arranged marriage ng magulang. Ayaw sana niya itong iwan kaya lang mapilit ang boyfriend niya na hindi raw puwedeng i-cancel ang date nila ngayon. “I’m sorry for being pushy today, darling.” Muling h*****k si Caleb sa kay Triana. Her lips turned up to smile. “It’s all right. I understand.” She is dating her dream man, Caleb Ortega. Isa itong CEO ng kilalang construction firm sa Pilipinas. Dalawang taon na silang magkasintahan
AGAD na umuwi si Triana sa bahay matapos ang date nila ni Caleb. She was still stoked! Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang naglalakad patungo sa maindoor ng bahay. Ngunit gayun na lang ang pagkagulat niya nang agad na bumungad ang kambal. “Ate, where have you been?” tila nayayamot na wika ni Travis. Nasa tabi nito si Tristan habang hawak ang isang tablet. The twin was identical, the only noticeable differences were their hair cut and height. Travis was taller but a bit chubby with a short and tight curls hair, while Tristan was slimmer with messy curls. Sa edad nila, maraming mga ka-klase ang dalawa na nagkaka-crush sa mga ito. Sa ngayon pa lang, mukhang nakikita na niyang maraming babaeng luluha kapag nagbinata na ang kambal. “Mom is waiting for you.” Tristan looked bored. Agad itong tumalikod sa kanya. Samantalang humawak naman si Travis sa kanyang siko. “Ate, I think Mom is kinda mad,” ani Travis sabay nguso sa ina na nakaupo sa couch habang nakahalukipkip. “Why, what hap
HINDI na nag-alinlangan pa si Triana nang nag-book siya ng flight patungong Nepal kinabukasan matapos ang naging pag-uusap nila ng ina. She came back to the Philippines a month ago, just after she finished her master’s degree at Harvard University, where she majored in Business Administration. Tapos ganito kasaklap na pangyayari agad ang haharapin niya. Bullshit! She wanted to discern. Nakasalalay ang future niya sa kanyang magiging desisyon. Kaya susulitin niya ang bakasyon. She joined an international team that was scheduled to trek into the Everest Base Camp. It would take her two weeks. Tama lang ang panahon na iyon para makapag-isip siya. Gusto sanang sumama ni Caleb kaya lang sobrang busy ng schedule nito. Hindi pa rin niya nababanggit ang kasalukuyan niyang problema sa kasintahan. Ang tanging alam lang nito ay mag-a-unwind siya at mag-enjoy bago sila magpakasal. And surprisingly, Lara joined her. Awtomatikong pumayag ito nang sabihin niya ang kanilang destinasyon. Agad niya
PASALAMPAK na naupo si Devance sa itim na leather couch nang marating nila ang bahay sa siyudad ng Bhaktapur. Halos sampung minuto lang ang biyahe mula sa airport. Mabuti na lang at hindi masyadong traffic kaya hindi naging stressful ang kanilang pag-uwi. “Shall I call Vijay to check the chopper for tomorrow?” agad na tanong ni Austin. Ang tinutukoy nito ay ang kanilang private pilot na siyang nangangalaga ng ilang sasakyang panghimpapawid ng mga Chaudhary dito sa Nepal. They had two helicopters at home. At pareho iyong nasa helipad sa ika-anim na palapag ng kanilang mansion. Madalas nilang gamitin iyon sa tuwing kumpleto ng pamilya para sa mabilis na transportasyon kapag gusto nilang magmuni-muni sa Everest Region. “Yeah, let him check the engine. I’ll pilot the chopper going to Lukla.” Devance breathed out. Kahit easy-go-lucky ang binata, isa siyang licensed private pilot. He had a rank of Captain, carrying four stripes in his uniform. He attended a prestigious aviation school in
“CALL me Nim, and I’ll be your guide for this EBC trek.” Pagpapakilala ng lalaki. Tumingin ito sa dalawang kasama, “These are Adesh and Hem, your porters,” dagdag pa nito. The porters lightly arched their heads. Parang nahihiya ang dalawa. Samantalang nakipagkamay si Nim sa kanilang limang naroon. “I’m Nehan,” pagpapakilala nito mula sa tabi ni Lara. “Lara.” Itinaas ng dalaga ang kanyang kamay. “I’m Austin,” nakangiting anas ng lalaki. At itinuro nito ang katabi, “And this is Devance.” Napaangat ang isang kilay ni Triana at hindi nakatiis na magkumento. “Is your friend mute or something?” pasaring ng dalaga. Laking gulat ni Triana nang biglang nilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. “I didn’t know you want my name that bad. You can call me, Dev. What’s your name?” Napuno ng katiyawan ang paligid. Pakiramdam ni Triana ay umakyat ang kanyang dugo sa mukha dahil biglang uminit iyon. Tumingin si Triana sa mga kasama at atubiling tinanggap ang kamay ng lalaki. “Triana.” Mabilis na bi
KINABUKASAN ay bumalik sila sa trail ilang oras matapos mag-agahan sa inn. Iwas na iwas si Triana kay Devance dahil sa insidenteng nangyari kaninang madaling araw. Tiyak na papatulan niya ang pagiging presko nito kapag nagpang-abot uli sila. Lalong umiinit ang ulo siya sa lalaki. His presence alone made her feel uneasy. Kung makaasta ito ay kakambal na yata ang lakas ng hangin sa katawan at kayabangan. And speaking of the devil, parang nananadya ito. Naglakad ito patungo sa kanya at nagsalubong ang kanilang mata “Hey, Austin! Pakitingnan nga kung may butas itong hydration pack ko,” tila nang-aasar na sabi nito sa kasama pero sa kanya nakatingin. Mabilis naman si Austin na lumapit dito. “Bakit, may leak ba? Na-check ko naman ‘yan nang maigi. Sinigurado kong walang butas,” wika ni Austin. Hindi maiwasan ni Triana ang magulat. Bumuka ang bibig niya na hindi makapaniwala sa mga naririnig. Deretso talagang managalog ang dalawa! Tumingin si Austin sa gawi niya. Halatang pinagti-tripan