Share

Chapter 3

Penulis: JV Writes
last update Tanggal publikasi: 2026-07-01 12:54:43

“I’m pretty sure you look familiar, Ms. Samaniego.” Pangiti-ngiti pang sambit ni Celeste habang kausap si Jane.

Ang huli naman ay tila naubusan na ng enerhiya kangingiti paulit-ulit para lang hindi maging awkward ang sitwasyon. Nasa labas na sila ngayon ng ospital dahil na-discharge na rin si Jane pagkatapos ng ilang oras. Matthew and Celeste were accompanying Jane out of the hospital since sila rin naman ang tumuling kay Jane gawa ni Joaquin.

Pinagmamasdan ni Jane si Matthew kung may sasabihin ito… sigurado kasi si Jane na naaalala ni Matthew si Amara sa kaniya. Matthew was silent. Hindi na rin ito nagsalita masyado nang dumating si Celeste kanina dahil ang huli na ang madalas magkwento.

At si Jane, walang sawang nakinig. Wala rin naman syang magagawa because she has nowhere else to go. Besides, nahihilo ito kanina. Ngayon ay okay-okay na rin naman ang pakiramdam nito kaya nakalabas na sila.

Alas-diyes na rin ng gabi.

“I already told you, ito ang unang pagkikita natin, Ms. Celeste.” Nakangiting sagot ni Jane. “Or you must have seen my calling card somewhere? I came from one of the biggest law firms here in Manila, that must be it.”

Ngumiti si Celeste at saka tumango. “Baka nga. Well, it was nice meeting you.” Walang bahid ng pagkukunwari, mabait ang ipinakitang ugali ni Celeste kay Jane. Ang naisip nga ni Jane ay baka nagbago na nga si Celeste over these past 6 years.

“Nice to meet you too.”

“And I’m really really sorry sa pananakit ng kapatid ko, Jane, ha? You can press charges para matuto rin siya, ikaw na ang bahala.” Celeste gave her calling card to Jane and then smiled. “I’ll have our legal team to face you. I’m sorry we’re busy.”

“No worries, you don’t have to remind me. I’ll exercise all the legal repercussions I can do.” Jane answered, bahagyang nakikipag-kompetensiya. She also gave her calling card to Celeste.

Talk about being a lawyer.

“Mauna na kayo. Hihintayin ko pa ang sundo ko.”

Tumikhim si Matthew at saka nagsalita. “We’ll have you fetched, Ms. Samaniego--!”

“Oh no, she can carry herself, Matthew.” Celeste rebutted, nakangiti lang ito ngunit deep inside, alam din naman ni Jane na baka nagseselos lamang ito bilang isang babae. “We’ll see you when we see you, I guess? Pahinga ka, Ms. Samaniego.”

Tumango si Jane at ngumiti. “I will. Ingat kayo pauwi.”

Pagkalabas ng ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Manipis ang suot niya, nakalantad ang legs, at nanginginig ang paa niyang walang sapatos. Sirang-sira na ang heels niya, pero hindi niya maitapon. Kaya pa iyong ayusin.

Gusto niyang mag-taxi, pero ang pamasahe pauwi ay katumbas na ng pagkain nila ng mga bata sa loob ng dalawang araw. She’s living paycheck to paycheck. Kahit na isa itong abogado ay tila hirap na hirap pa rin siya sa mga bayarin lalo na’t marami pa itong mga utang nitong nakaraang mga taon.

Bagama’t ganon, hindi pa rin nito ininda ang kaniyang nararamdaman. Tinawagan nito ang kaniyang tiyahin at saka sinubukang nagpasundo, habang iniisip kung paano niya kakausapin ang mga boss niya bukas tungkol sa naging misyon niya ngayon.

Bakit tila maghaharap na naman sila ni Matthew at Celeste sa hinaharap? Ngunit ngayon, hindi na si Amara Rivera ang kanilang kaharap.

Kundi siya, bilang si Jane Samaniego.

***

“Are you out of your mind?”

Mahigpit na ibinagsak ni Victor Villareal, senior partner ng Trinidad Law Firm, ang printed screenshots sa conference table.

Tahimik si Jane habang nakaupo sa harap ng mga boss niya. Nakapatong sa mesa ang tablet na nagpe-play ng video evidence na kuha niya sa bar—ang eksaktong footage kung paano sinaktan ni Joaquin Buenavista ang isang babaeng waiter.

“Do you even know who you offended?” galit na dagdag ng isa pang partner. “That’s Matthew Rivera’s brother-in-law!”

“I know.”

“Then why would you submit this to the firm?!”

Pinilit ni Jane na panatilihing diretso ang likod niya kahit gusto nang manginig ng katawan niya. Tatlong araw pa lang mula nang maaksidente siya sa bar, pero pakiramdam niya isang taon na ang lumipas.

“Because the victim deserves representation,” malamig niyang sagot.

Napatawa nang sarcastic si Victor. “Representation? Jane, ginagamit mo ba utak mo? This is madness!” Binuksan nito ang folder at isa-isang inilabas ang mga printed documents.

Narito ang mga police reports, medical records, video screenshots, at kahit ang pangalan ni Joaquin Buenavista at Matthew Rivera.

“Jane, Mr. Rivera himself requested a private meeting with the firm today,” sabi ni Victor. “And because ikaw ang nagsumite ng evidence, ikaw ang haharap.”

Bahagyang nanigas ang balikat ni Jane.

“Sir—”

“You started this. Finish it.”

Tumahimik siya.

Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis—ang katotohanang si Matthew mismo ang pupunta rito, o ang katotohanang simula noong gabing iyon, hindi na talaga ito mawala sa isip niya.

Parang sumpa.

“Jane,” malamig na sabi ni Victor, “you should know how this works. People like the Riveras don’t lose.”

Eksaktong pagkasabi nito, bumukas ang conference room door. Mabigat ang presensya ni Matthew nang pumasok ito sa lugar kung saan sila nagdi-diskusyon ngayon. Nakasuot ito ng itim na suit, malamig ang mukha, at gaya ng lagi, parang pagod na pagod sa mundo.

Agad na nagsitayuan ang mga partners ng law firm. Jane couldn’t help but frown his eyebrows because of the hypocrisy of this situation.

Bakit nga ba sila sumusunod sa isang tao, ngayong isang malaking law firm sila?

“Mr. Rivera.” sambit ng mga partners na nanatiling nakatayo.

“Please, sit.”

Napakurap si Jane. Parang ilang araw lang ang nakalilipas nang magtagpo ang mga landas nila. Ngayon, nasa harap na naman niya ang taong ito.

Hindi ito mapakali. Tila ba’y hindi na ito sanay sa presensya ng isang Matthew Rivera.

PAGKATAPOS NG MGA pormal na pakikipag-kamay, nakaupo na si Matthew sa kabilang side ng mesa habang malamig na nakatingin sa video evidence na naka-pause sa screen. Tahimik ang buong room at tila naghihintayan ang lahat kung sino unang magsasalita.

Then Matthew finally leaned back on his chair. He looked at Jane and smirked. “How much?”

Nanlamig ang mukha ni Jane. Ang kapal ng mukha! “Uhm, excuse me? Hindi binebenta ang ebidensya, Mr. Rivera.”

“Everything has a price.”

Jane chuckled. Natatawa ito sa kakapalan ng mukha ng nasa harapan niya. “And some people really think money fixes everything.” She’s pertaining to Matthew.

Bahagyang tumaas ang kilay ng mga partners. Halatang gusto na nilang himatayin sa kaba.

 “Ms. Samaniego,” malamig nitong sabi, “do you enjoy making things difficult?”

“And do you enjoy threatening people?”

“I’m negotiating.”

“You’re suppressing evidence.”

“Interesting.”

“Mr. Rivera,” singit ni Victor agad, “we can still settle this privately.”

“No.” Lahat napatingin kay Matthew… maging si Jane. Malamig na tumingin si Matthew sa video at saka nagsalita. “Release the evidence if you want. If Joaquin broke the law, then let him face the consequences.”

Hindi makapaniwala si Jane. Wala ni isa sa kanila sa kwarto ang makapagsalita bukod kay Matthew.

Akala nila, pagtatakpan ni Matthew ang bayaw nito.

Pero hindi.

 “Just make sure,” mababa nitong sabi, “that you know what kind of people you’re provoking.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets   Chapter 149

    Hindi kailanman pinag-isipang mabuti ni Matthew kung minahal ba talaga niya si Amara o hindi. Sa mundo niya, ang pag-ibig ay isang bagay na malabo, mahirap ipaliwanag, at halos hindi niya kayang unawain. Para sa kanya, isa lamang itong damdaming walang malinaw na anyo at walang kasiguraduhang hahantong sa magandang wakas.Mahal na mahal ng kanyang ina ang kanyang ama noon. Buong puso nitong ibinigay ang sarili sa kanilang pamilya at tiniis ang lahat para mapanatili silang buo, ngunit ano ang nangyari sa huli? Walang pag-aalinlangan silang iniwan ng kanyang ama at pinili nito ang ibang babae kaysa sa kanya at sa kanyang ina.Sa huli, ang pag-ibig ng kanyang ina ay nauwi lamang sa walang katapusang paghihintay, pagtitiis, at sakit. Mula noon, nabuo sa isip ni Matthew ang isang pananaw na mahirap baguhin pagdating sa relasyon.Para sa kanya, dalawang bagay lamang ang mahalaga—gusto mo ang isang tao o hindi mo siya gusto. Hindi na niya kailangang bigyan ng pangalan ang nararamdaman niya,

  • Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets   Chapter 148

    “Sa totoo lang, curious ako kung ano ang nangyari at pareho kayong napunta sa ganitong sitwasyon.”Kitang-kita kay Dominic ang interes habang nakatingin siya kay Rafael. Hindi siya madalas makialam sa mga personal na problema ng iba, pero sa pagkakataong iyon, tila gusto niyang malaman kung paano nagawa ni Jane na mapasuko silang dalawa.Nagbuhos si Rafael ng panibagong baso ng alak. Matapos uminom nang malaki, ikinuwento niya nang detalyado ang lahat ng nangyari, mula sa insidente sa ospital hanggang sa kanilang pagpunta sa police station at sa paraan kung paano sila hinarap ni Jane.Pagkarinig sa buong kuwento, hindi napigilan ni Dominic, na likas na mahinahon at tahimik, na matawa. Umiling siya bago magsalita.“Rafael, minaliit mo si Jane noon. Huwag mo siyang tingnan gamit ang parehong pananaw na ginamit mo sa mga babaeng nakilala mo dati. Huwag mong kalimutan na abogado siya, kaya natural lamang na matalas ang isip niya.”“Hindi ko talaga inakala na ganito pala katuso mag-isip si

  • Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets   Chapter 147

    “Kung gumanti tayo ng sampal sa kanya, magiging mutual assault na iyon. Kapag nakahanap pa siya ng ibang ebidensiya laban sa atin, magiging ibang-iba ang kalalabasan ng kaso.”“Pero kahit ano pa ang sabihin mo, Jane, ang galing mo talaga. Nagawa mong mapaatras si Matthew ngayon. Akala ko kailangan na lang nating lunukin ang kawalang-katarungang ito kapag nakialam siya.”Habang sinasabi iyon, hinawakan ni Claire ang braso ni Jane at tinulungan siyang tumayo. “Magpakabusog tayo ngayon. Halika, sabay tayong kumuha ng pagkain.”“Mauna ka. Magpapadala lang ako ng Messenger message.”“Sige.”Nang maiwan siyang mag-isa sa booth, kinuha ni Jane ang kanyang cellphone at tuluyang dinelete ang video kung saan hayagang nagreklamo si Athena laban kay Joaquin gamit ang tunay nitong pangalan. Pagkatapos, agad siyang nagpadala ng Messenger message kay Athena.【Athena, salamat sa pagiging handang tumulong sa akin ngayon. Na-delete ko na ang video.】Mabilis na nag-reply si Athena.【Atty. Jane, dati ay

  • Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets   Chapter 146

    Pagkasabi niyon, kalmado ngunit matalim na tumingin si Jane kay Matthew.“Bagama’t video report lamang ito, kapag inilabas ko ito sa publiko, hindi maiiwasang pag-usapan ito ng mga tao. Maaaring hindi kayanin ng mga pulis ang pressure mula sa publiko at mapilitan silang muling buksan ang imbestigasyon. Kahit wala silang makitang sapat na ebidensiya laban kay Joaquin, matapos ang lahat ng ingay na maidudulot nito, lalo na’t magkaugnay ang Rivera at Buenavista families, hindi maiiwasang maapektuhan ang reputasyon ng Rivera Corporation.”Bahagyang bumuka ang manipis na labi ni Matthew. “Maglakas-loob ka bang ilabas iyon sa publiko?”Huminga nang malalim si Jane bago siya sumagot. “Hindi ninyo ako binibigyan ng paraan para mabuhay nang maayos. Ano pa ang dapat kong katakutan? Sa pinakamasama, sabay-sabay na lang tayong babagsak.”Tahimik siyang tinitigan ni Matthew nang matagal. Ramdam ni Jane ang bigat ng titig nito, ngunit hindi niya agad iniwas ang kanyang mga mata.Matapos salubungin

  • Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets   Chapter 145

    Hindi pinansin ni Jane si Rafael at sa halip ay direktang hinarap ang pulis na naroon sa loob ng mediation room.“Officer, hindi ko tatanggapin ang mediation. Dahil malinaw na sa imbestigasyon kung ano talaga ang nangyari, mas gugustuhin kong ituloy na lamang natin ito sa legal na proseso.”Sandaling nag-alangan ang pulis bago napatingin kay Matthew. Mahigpit man ang pagpapatupad ng batas at sanay na siya sa iba’t ibang uri ng kaso, ngayon lamang siya nakakita ng isang babaeng buong tapang na humaharap sa isang miyembro ng pamilya Rivera nang walang anumang bakas ng pag-aatubili.Sa buong kabisera, sino ba naman ang basta-bastang maglalakas-loob na sumalungat sa Rivera family? Karamihan sa mga tao ay kusang umiiwas sa anumang sigalot na may kaugnayan sa kanila, lalo na kung alam nilang maaaring maapektuhan ng kanilang desisyon ang kanilang trabaho, negosyo, o maging ang kanilang kinabukasan.“Officer, maaari ba kaming makapag-usap nang pribado?” mahinahong tanong ni Matthew.Tumango a

  • Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets   Chapter 144

    Ngayon lamang naalala ni Jane na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya nakakahanap ng tamang pagkakataon para isauli kay Rafael ang bracelet na ibinigay nito sa kanya. Gayunpaman, ngayong kinukuwestiyon siya ni Matthew tungkol dito, wala siyang nakitang dahilan para ipaliwanag ang kanyang sarili, lalo na’t wala naman siyang obligasyong magbigay rito ng anumang paliwanag.Hindi rin niya pinansin si Rafael. Sa halip, malamig lamang siyang tumawa bago bumaling kay Matthew. “Mr. Rivera, sa pagkakataong ito, isinama mo na naman si Rafael. Ano naman ang balak mong gawin sa akin?”Bago pa man makasagot si Matthew, lumapit na ang kanina pa hindi pinapansin na si Rafael. “Atty. Jane, hindi ba medyo napakalamig mo naman sa akin?”Diretsong sumagot si Jane, “Magkakilala ba tayo nang ganoon kalalim?”Napangiti si Rafael at bahagyang kinulot ang labi. “Paano naman hindi? Hindi ba’t matagal na kitang nililigawan?”Agad na nagbago ang ekspresyon ni Jane na para bang may narinig siyang na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status