LOGINAng akala ni Amara ay hindi na sila muling magkikita ng mga taong kinamumuhian niya… ngunit tunay na mapaglaro ang tadhana.
Hindi nito akalaing muli na namang magtatagpo ang mga landas nila pagkatapos ng anim na taon.
“DO WE KNOW each other, Ms. Jane? Parang nakita na kita noon.” sambit ng isang lalaking malalim ang tingin na nasa harapan ngayon ni Jane.
Nanigas si Jane habang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag niya. Sa loob ng anim na taon, ilang beses niyang inisip ang muling pagkikita nila ni Matthew Rivera—pero hindi ganito. Hindi habang naka-heels siya sa isang police raid habang nakatitig dito ang lalaking minsang sumira sa buhay niya.
“Napagkamalan n’yo lang ako, Mr. Rivera,” pilit niyang sagot bago umiwas ng tingin.
Pero hindi gumalaw si Matthew. Diretso lang itong nakatitig sa mukha niya at tila may pilit inaalala.
“You look like someone I know,” mahina nitong sabi. “Someone who died from a fire six years ago.”
“Amara Rivera…” bulong ni Jane. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Matthew nang marinig ito.
“Anong sabi mo?” bahagyang nagtaas ang boses ni Matthew.
Inayos ni Jane ang kaniyang tindig at saka sumagot nang mas malakas. “I said, “I am not, Mr. Rivera.” I’m not the one you used to know.”
Pagkasabi noon ni Jane, agad na kumalma si Matthew at saka muling namagitan ang mga pulis.
“Mr. Rivera,” maingat na sabi ng officer, “kailangan po muna naming kunin ang statement niya.”
Napahinga nang malalim si Jane Samaniego, isa nang lawyer sa Trinidad Law Firm, dahil bukod sa problema niya kay Matthew, nasaktuhan namang nagka-aberya pa sa kaniyang misyon nito sa bar. Hindi nito naalalang konektado nga pala si Joaquin Buenavista, na bayaw pala nitong si Matthew sa asawa niyang si Celeste.
“Statement?” singit ni Joaquin. “Bayaw, malinaw naman. Siya ang nag-report sa bar ko. Dahil sa kaniya, nawalan ako ng ilang daang libo ngayong gabi!”
Hindi gumalaw si Jane. “Hindi ako nag-report nang walang dahilan.”
Napalingon sa kaniya ang lahat.
“Then explain,” malamig na sabi ni Matthew.
Ayaw niyang magsalita sa harap ni Matthew, pero wala na siyang choice. Kung tatahimik siya ngayon, lalabas na siya ang kriminal.
“As we speak, there’s still two men in the private room 809. Sigurado akong may mga tao na kayo doon, ngunit sa mga nakikita ko ngayon, hindi na ako sigurado kung nandon pa ang biktima nilang babae. Malamang ay naitago na itong muli.” Tumingin naman si Jane kay Matthew na tila may pinahihiwatig.
She knew who Matthew is. Kayang-kaya nitong itago ang ebidensya para pumabor sa kaniya ang panahon.
“Also, I think their names are Anthony and David? May illegal substances silang dala, kahit icheck niyo pa sa mga sofa nila.”
“Sino ka ho ba talaga, miss?”
“I’m Jane Samaniego, a lawyer from Trinidad Law Firm. Yung babaeng kasama nila kanina ang kliyente ko kaso mukhang hindi ko muna siya makikita ngayon.” Huminga ito nang malalim. “Pumasok ako sa Moonlight Bar para kumuha ng ebidensya dahil walang gustong magsalita para sa biktima.”
“Sinungaling!” sigaw ni Joaquin. “Hostess ka sa bar ko!”
“Disguise,” mabilis na sagot ni Jane. “Kung pumasok ako roon bilang abogado, may magpapakita ba sa akin ng ebidensya?”
Saglit na natahimik ang room, ngunit hindi ang mabigat na paghinga ni Matthew. Malalim na ang titig nito kay Jane ngayon. “You went undercover, Atty. Samaniego?”
Hindi na sumagot si Jane. Isang tingin lang nito ang naging kumpirmasyon ni Matthew. Samantala, napamura naman si Joaquin dahil nagpa-panic na ito. “Brother-in-law, huwag kang maniwala diyan. Gusto lang niyang sirain ako!”
“Sirain ka?” malamig na tanong ni Jane. “Kung walang nangyari sa bar mo, bakit ka kinakabahan? Officer, conduct a drug test kina Anthony at David—”
“Putangina mo!”
Hindi na natapos ang sinasabi ni Jane nang biglang sumigaw si Joaquin, dinampot ang ashtray sa mesa, at saka hinampas sa ulo ni Jane. Wala ni isang nakapagsalita bago pa man mangyari ang lahat. Mabilis ang lahat and the next thing they knew, nasa sahig na si Jane at sumisigaw.
“Fuck!!!” Dumudugo ang ulo ni Jane! Napaatras siya, nawalan ng balanse, at bumagsak sa sahig. Mainit na dugo ang dumaloy mula sa noo niya pababa sa mata.
Narinig niya ang sigaw ng officer. Narinig niya ang pagmumura ni Joaquin. Pero ang pinakamalinaw sa lahat ay ang mabilis na yabag ni Matthew papalapit.
“Ms. Samaniego!”
Boses niya iyon. Boses ni Matthew na mababa, mabilim, at bahagyang may bitak. Bago pa makagalaw si Jane, binuhat na siya ni Matthew.
Nanigas ang buong katawan niya nang bumalik sa kaniya ang pamilyar nitong init at amoy. “M-Matthew, bitawan mo ako…”
“Don’t move.”
Mahina lang ang utos ni Matthew pero tumagos iyon sa buto ni Jane. Parang muli siyang naging si Amara—takot, sugatan, at hawak ng lalaking minsan niyang minahal.
“Hindi kita kailangan,” halos pabulong niyang sabi.
Pero hindi siya pinakinggan ni Matthew. “Hospital. Now.”
Habang isinasakay siya sa police car, patuloy ang pagdurugo ng noo niya. Pilit siyang lumayo sa yakap nito, pero mas lalo lang humigpit ang mga braso ni Matthew sa kaniya.
At sa pagitan ng hilo, dugo, at takot, narinig niya ang kaniyang sariling puso.
Masyadong mabilis.
Masyadong takot.
Masyadong buhay.
Pagdating sa emergency room, agad siyang sinalubong ng doktor. “Ms. Samaniego? Teka, malalim ang sugat mo ah? Paano nangyari ito?” mabilis na sambit ng doktor sabay tingin sa kasama ni Jane na si Matthew.
“Tinamaan ng ashtray,” sagot ni Matthew.
Tiningnan ng doktor si Matthew, pagkatapos si Jane. “Asawa mo?”
“No,” mabilis na sabi ni Jane.
Pero halos kasabay niya, tahimik na nanatili si Matthew sa tabi ng kama.
Nang linisin ang sugat, napapikit si Jane sa sakit. Nang makita ng doktor na hindi agad humihinto ang dugo, kumunot ang noo nito.
“Ms. Samaniego, may blood-clotting disorder ka ba?”
Nang marinig iyon ni Jane, napatigil ito sa kaniyang paghinga hindi dahil di niya alam ang kaniyang kondisyon, kundi dahil narinig ni Matthew ang isang bagay na personal kay Jane at Amara. Isang sakit na hindi malilimutan ni Matthew, at nang makita nitong tumango si Jane bilang tugon sa doktor, agad itong napaisip muli.
“Amara…” halos hindi marinig na bulong ni Matthew habang nakatingin sa kawalan.
Napapikit si Jane. Alam nitong hindi ito dapat marinig ni Matthew, ngunit huli na ang lahat. Pinilit nitong paniwalaan ang sarili na hindi siya nakilala ni Matthew dahil napakalayo na ng hitsura nito noon.
Bago pa man mas lumalim ang pag-isip ni Jane at Matthew, biglang may pumasok sa loob ng kanilang silid kaya agad silang napatingin sa pinto.
Tumambad sa kanilang harapan ang isang babaeng mala-porselana ang balat, sexy, matatalim ang mga mata, at tila tuso ang mga ngiti. Naka-all white dress ito, bitbit ang kaniyang designer bag, at saka nag-aalalang tumingin kay Matthew.
It was Celeste Buenavista, Matthew’s wife.
“Matthew, what happened? I heard na nasa hospital ka raw--?” napatigil si Celeste sa pagsasalita nang makita na hindi nakahiga si Matthew ngunit tila ibang babae ang pasyente. Napataas ang kilay nito pero bahagya ring napakunot nang unang makita ang mga mata ni Jane.
“And who are you?” tanong nito at saka dahan-dahang lumapit. “You look familiar… do we know each other?”
Hindi kailanman pinag-isipang mabuti ni Matthew kung minahal ba talaga niya si Amara o hindi. Sa mundo niya, ang pag-ibig ay isang bagay na malabo, mahirap ipaliwanag, at halos hindi niya kayang unawain. Para sa kanya, isa lamang itong damdaming walang malinaw na anyo at walang kasiguraduhang hahantong sa magandang wakas.Mahal na mahal ng kanyang ina ang kanyang ama noon. Buong puso nitong ibinigay ang sarili sa kanilang pamilya at tiniis ang lahat para mapanatili silang buo, ngunit ano ang nangyari sa huli? Walang pag-aalinlangan silang iniwan ng kanyang ama at pinili nito ang ibang babae kaysa sa kanya at sa kanyang ina.Sa huli, ang pag-ibig ng kanyang ina ay nauwi lamang sa walang katapusang paghihintay, pagtitiis, at sakit. Mula noon, nabuo sa isip ni Matthew ang isang pananaw na mahirap baguhin pagdating sa relasyon.Para sa kanya, dalawang bagay lamang ang mahalaga—gusto mo ang isang tao o hindi mo siya gusto. Hindi na niya kailangang bigyan ng pangalan ang nararamdaman niya,
“Sa totoo lang, curious ako kung ano ang nangyari at pareho kayong napunta sa ganitong sitwasyon.”Kitang-kita kay Dominic ang interes habang nakatingin siya kay Rafael. Hindi siya madalas makialam sa mga personal na problema ng iba, pero sa pagkakataong iyon, tila gusto niyang malaman kung paano nagawa ni Jane na mapasuko silang dalawa.Nagbuhos si Rafael ng panibagong baso ng alak. Matapos uminom nang malaki, ikinuwento niya nang detalyado ang lahat ng nangyari, mula sa insidente sa ospital hanggang sa kanilang pagpunta sa police station at sa paraan kung paano sila hinarap ni Jane.Pagkarinig sa buong kuwento, hindi napigilan ni Dominic, na likas na mahinahon at tahimik, na matawa. Umiling siya bago magsalita.“Rafael, minaliit mo si Jane noon. Huwag mo siyang tingnan gamit ang parehong pananaw na ginamit mo sa mga babaeng nakilala mo dati. Huwag mong kalimutan na abogado siya, kaya natural lamang na matalas ang isip niya.”“Hindi ko talaga inakala na ganito pala katuso mag-isip si
“Kung gumanti tayo ng sampal sa kanya, magiging mutual assault na iyon. Kapag nakahanap pa siya ng ibang ebidensiya laban sa atin, magiging ibang-iba ang kalalabasan ng kaso.”“Pero kahit ano pa ang sabihin mo, Jane, ang galing mo talaga. Nagawa mong mapaatras si Matthew ngayon. Akala ko kailangan na lang nating lunukin ang kawalang-katarungang ito kapag nakialam siya.”Habang sinasabi iyon, hinawakan ni Claire ang braso ni Jane at tinulungan siyang tumayo. “Magpakabusog tayo ngayon. Halika, sabay tayong kumuha ng pagkain.”“Mauna ka. Magpapadala lang ako ng Messenger message.”“Sige.”Nang maiwan siyang mag-isa sa booth, kinuha ni Jane ang kanyang cellphone at tuluyang dinelete ang video kung saan hayagang nagreklamo si Athena laban kay Joaquin gamit ang tunay nitong pangalan. Pagkatapos, agad siyang nagpadala ng Messenger message kay Athena.【Athena, salamat sa pagiging handang tumulong sa akin ngayon. Na-delete ko na ang video.】Mabilis na nag-reply si Athena.【Atty. Jane, dati ay
Pagkasabi niyon, kalmado ngunit matalim na tumingin si Jane kay Matthew.“Bagama’t video report lamang ito, kapag inilabas ko ito sa publiko, hindi maiiwasang pag-usapan ito ng mga tao. Maaaring hindi kayanin ng mga pulis ang pressure mula sa publiko at mapilitan silang muling buksan ang imbestigasyon. Kahit wala silang makitang sapat na ebidensiya laban kay Joaquin, matapos ang lahat ng ingay na maidudulot nito, lalo na’t magkaugnay ang Rivera at Buenavista families, hindi maiiwasang maapektuhan ang reputasyon ng Rivera Corporation.”Bahagyang bumuka ang manipis na labi ni Matthew. “Maglakas-loob ka bang ilabas iyon sa publiko?”Huminga nang malalim si Jane bago siya sumagot. “Hindi ninyo ako binibigyan ng paraan para mabuhay nang maayos. Ano pa ang dapat kong katakutan? Sa pinakamasama, sabay-sabay na lang tayong babagsak.”Tahimik siyang tinitigan ni Matthew nang matagal. Ramdam ni Jane ang bigat ng titig nito, ngunit hindi niya agad iniwas ang kanyang mga mata.Matapos salubungin
Hindi pinansin ni Jane si Rafael at sa halip ay direktang hinarap ang pulis na naroon sa loob ng mediation room.“Officer, hindi ko tatanggapin ang mediation. Dahil malinaw na sa imbestigasyon kung ano talaga ang nangyari, mas gugustuhin kong ituloy na lamang natin ito sa legal na proseso.”Sandaling nag-alangan ang pulis bago napatingin kay Matthew. Mahigpit man ang pagpapatupad ng batas at sanay na siya sa iba’t ibang uri ng kaso, ngayon lamang siya nakakita ng isang babaeng buong tapang na humaharap sa isang miyembro ng pamilya Rivera nang walang anumang bakas ng pag-aatubili.Sa buong kabisera, sino ba naman ang basta-bastang maglalakas-loob na sumalungat sa Rivera family? Karamihan sa mga tao ay kusang umiiwas sa anumang sigalot na may kaugnayan sa kanila, lalo na kung alam nilang maaaring maapektuhan ng kanilang desisyon ang kanilang trabaho, negosyo, o maging ang kanilang kinabukasan.“Officer, maaari ba kaming makapag-usap nang pribado?” mahinahong tanong ni Matthew.Tumango a
Ngayon lamang naalala ni Jane na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya nakakahanap ng tamang pagkakataon para isauli kay Rafael ang bracelet na ibinigay nito sa kanya. Gayunpaman, ngayong kinukuwestiyon siya ni Matthew tungkol dito, wala siyang nakitang dahilan para ipaliwanag ang kanyang sarili, lalo na’t wala naman siyang obligasyong magbigay rito ng anumang paliwanag.Hindi rin niya pinansin si Rafael. Sa halip, malamig lamang siyang tumawa bago bumaling kay Matthew. “Mr. Rivera, sa pagkakataong ito, isinama mo na naman si Rafael. Ano naman ang balak mong gawin sa akin?”Bago pa man makasagot si Matthew, lumapit na ang kanina pa hindi pinapansin na si Rafael. “Atty. Jane, hindi ba medyo napakalamig mo naman sa akin?”Diretsong sumagot si Jane, “Magkakilala ba tayo nang ganoon kalalim?”Napangiti si Rafael at bahagyang kinulot ang labi. “Paano naman hindi? Hindi ba’t matagal na kitang nililigawan?”Agad na nagbago ang ekspresyon ni Jane na para bang may narinig siyang na







