LOGINHabang si Vanessa, nasa kwarto, umiiyak ng halos isang oras na dahil sa nangyari kanina. Pero hindi man lang siya sinundan ni James.
Nang maramdaman ni Liam ang pag iyak ng ina, mas lalo siyang nalungkot. Niyakap niya si Vanessa.
“Ma… ayaw na ba sa atin ni Daddy? Sinaktan niya ako dahil lang sa masamang babae…”
“Liam,my baby, huwag ka nang umiyak… h-hindi tayo iiwan ni Daddy…”
Kahit sinasabi ni Vanessa ang mga salitang ito, ni siya mismo ay hindi na sigurado.
Ang daming beses nang nagwala ni James dahil kay Chloe.
Maaaring… totoo nga... na mahal na nito si Chloe.![]()
Nang gabing iyon, pagdating pa lamang ni Chloe sa bahay, agad niyang tinawagan si Julian.Pinagmasdan niya ang regalong pinili niya, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pananabik.“Ano’ng nangyari?” agad na tanong ni Julian nang masagot ang tawag.Normal ang kanyang tono, ngunit hindi niya alam kung guni-guni lang niya na parang mas banayad at mas malambing ang boses ng lalaki ngayong gabi.Napakalambot nito na parang natutunaw sa bibig.“Ahm… may itatanong lang sana ako, Julian. May oras ka ba bukas ng gabi para makapaghapunan tayo nang magkasama?”Bahagyang natigilan si Julian, na para bang may hinihintay siyang marinig.Tumingin siya kay Mark na nasa tabi niya, iniabot ang kamay at hiningi ang iskedyul. Mabilis niya itong sinulyapan at nakita niyang puno ang buong araw kinabukasan.Hindi maiwasang makaramdam ng awa si Mark para kay Julian.Buong taon itong abala sa trabaho. At ngayon na mayroon na siyang fianceé, halos wala pa rin silang oras na magkasama at mas magkakilala pa.
“Ah… Ma’am, napakamahal po nito. Hindi ko po ito matatanggap…”“Kunin mo na. Marami namang pera ang asawa ko. Palagi siyang nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan niya ng ganito. Nakita mo naman kanina, hindi ba?”“Kung ganoon…sige po, tatanggapin ko po. Maraming salamat po!”Halos mangisay sa tuwa ang saleslady. Kanina pa niya pinapanood ang buong pangyayari at malinaw na naintindihan ang sitwasyon ng tatlo.Sabi nga ng lahat, mahirap maging asawa ng isang mayaman. Kahit na mayroon ka nang napakagandang asawa, bakit kailangan mo pang humanap ng ibang babae?Ngunit ang ginawa ni Chloe ay talagang
“Napansin ko lang Chloe, ang pinakamurang item sa store na ito ay nagkakahalaga ng isa hanggang isa’t kalahating milyong piso. Mukhang hindi rin basta basta yang relo na binili mo. Para ba kay James ‘yan?”Nakita ni Vanessa ang shopping bag ni Chloe at agad na tumawa nang malamig.“Hindi nanganganak ng pera si James, lalo na sa sitwasyon ngayon ng kumpanya. Kung gusto mo talaga siyang pasayahin, mas mabuti pang tulungan mo siya sa mga importanteng gawain sa kumpanya. Paano mo pa nagawang bumili ng ganyang kamahal na luho?”“Sa ugali mong ganyan, kahit gustuhin pa ni James na ibigay sa’yo ang shares ng ALC Corp, paano ako magkakaroon ng kapanatagan na hindi mababalewala ang mga pagsisikap niya?”Ang mga
Naka-park ang sasakyan ni James sa parking garage ng mall.Sa loob ng kotse, nakaupo si Vanessa, patuloy na pinupunasan ang luha ng hinanakit. Ngayon lang sila nagkita matapos palayasin si Vanessa sa kumpanya.Dalawang matinding dagok ang dinanas niya nitong nakaraang mga araw.Una, pinalayas siya ni Madam Aurelia mula sa kanilang bahay. Ikalawa, pinahiya siya ni Don Faustino sa kumpanya.Ilang araw nang hindi makaharap ni James si Vanessa, alam niyang nabigo niya ito.“Sige na, hon, huwag ka nang umiyak,” mahinang sabi ni James.“Sabi ko naman babawi ako. Piliin mo na lang kahit ano ang gusto mong bilhin ngayon
“Ako si Chloe Valdez. Ako ang tunay na anak ni Mr. Alexander Valdez at ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Valdez, gaya ng malinaw na nakasaad sa kanyang huling habilin.”Nagkaroon ng dalawang segundong katahimikan sa conference room, saka sumunod ang marahang bulungan.Bagama’t may mga usap-usapan na noon, ito ang unang pagkakataong hayagang inilahad ni Chloe ang kanyang pagkakakilanlan sa isang pulong ng mga pangunahing opisyal. Marami pa rin ang nananatiling nagmamasid at naghihintay.Itinaas ni Chloe ang kanyang kamay bilang senyas sa assistant.“Ipamigay ang mga inihandang dokumento.”Agad namang ipinamahagi ng assistant ang mga dokumento ayon sa a
“Julian…”Magpapaliwanag na sana si Chloe tungkol kay James.Ngunit nauna nang nagsalita si Julian.“Hinding-hindi ako makikialam sa mga personal mong bagay, at hindi rin ako manghihimasok. Pero ngayon ay engaged na tayo, at naniniwala akong kaya mong ayusin nang maayos ang mga bagay na naiwan sa iyong nakaraan.”Wala siyang tinanong. Wala ring hiningi.Dahil doon, nakaramdam si Chloe ng bahagyang pagkakonsensya.Noong una, inakala niyang dahil sa katayuan ni Julian, tiyak na pakikialaman nito ang kanyang nakaraan at baka tanungin pa siya ng mga detalye. Ngunit hindi niya inaasahan na hindi man lang ito magtatanong.“Ako, oo gusto… aayusin ko agad. Kung malalaman mo lang, pero wag kang mag-alala at magtiwala ka sa akin. Ako na ang bahala.” mariing sabi ni Chloe.Sa sandaling iyon, bigla niyang napagtanto na ang lalaking nasa harap niya ay seryosong tinatrato ang engagement nilang dalawa at maging ang pakikitungo nito sa kanya ay puno ng respeto.Tumango si Julian bilang tugon.Ngunit







