Home / Romance / Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage / Kabanata 7 – Unti-unting Pagbukas ng mga Sugat

Share

Kabanata 7 – Unti-unting Pagbukas ng mga Sugat

Author: Alymié
last update Last Updated: 2025-11-07 12:00:01

“Ano ang kinatatakutan mo?”

Mababa, halos pabulong ang tanong ni James habang marahan niyang niyayakap si Vanessa. May kakaibang lambot sa boses niya—’yung tipong kayang tunawin ang yelo sa gitna ng taglamig. Sa sandaling iyon, mukha siyang lalaking kayang lumaban sa buong mundo para sa babaeng nasa harap niya.

Huminga nang malalim si Vanessa, pilit kinakain ang sariling pangamba. “Natatakot ako na paghiwalayin tayo ng pamilya Alcantara. Natatakot akong si Liam at ako ay manatiling walang pangalan… at natatakot ako na kapag tumanda ka, magbago ang isip mo.”

Nanginginig ang boses niya, para bang bibigay na ang luha anumang oras.

“Hindi mangyayari ’yon,” bulong ni James, mas banayad pa sa mahinang hangin.

Hinawakan ni James ang mukha ni Vanessa, pinapawi ang bawat patak ng luha gamit ang kanyang mga daliri. Para bang sinasabi ng bawat haplos: hindi kita iiwan.

“Sabi ko na sa’yo, poprotektahan kita. Walang sinuman ang makakapigil sa akin para makasama ka. Hindi ko kailanman babaguhin ang isip ko.”

Pagkarinig nito, parang may natunaw na pader sa puso ni Vanessa. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata at hinalikan si James—isang halik na puno ng pag-asa at pag-angkin.

Kahit abala si James sa pagpe-prepare ng kumpanya para maging public, sinunod pa rin niya ang hiling ni Vanessa na umuwi. Ngunit sa ilalim ng malambing na kilos na iyon, may bigat na bumabalot sa puso ng babae. Gano’n talaga ang mga babae—kahit sinasabing okay ang lahat, ramdam pa rin ang maliliit na pagbabago.

At oo, nagbago si James.

Hindi na ito kasing baliw o obsessed kay Chloe noong una. Mas nagiging “present” ito kay Vanessa. Mas malambing, mas madalas tumabi.

Pero ang kakaawang katotohanan: kapag mas nagiging mabait ang isang lalaki, mas kinakabahan ang isang babae.

Habang mainit ang halikan nila at papunta na sana sa mas malalim na pagniniig, biglang—sa pinaka-sensitibong sandali—isang imahe ang lumitaw sa isip ni James.

Si Chloe.

Parang siyang isang malamig na tubig na ibinuhos sa apoy.

Bigla siyang natigil.

“What’s wrong…?” bulong ni Vanessa, halatang nagulat. Hinawakan niya ang braso ni James, parang takot na mawala muli ang sandaling iyon.

Pero hindi siya sinagot ng lalaki.

Tumayo si James, mabigat ang bawat hakbang, at dumiretso sa banyo. Ilang sandali lang, bumukas ang gripo—malinaw na sinusubukang patayin ang init na unti-unti nang nawawala.

Sa loob, humarap si James sa salamin. Magulo ang isip. Bakit bigla kong naisip si Chloe? Nainis siya sa sarili, parang bigla siyang nagkasala.

Paglabas niya, mahinahon niyang sabi, “Parang may kinain akong hindi maganda. Sumama bigla tiyan ko.” Puro lambing at halik ang sinunod, paulit-ulit ang sorry, halos magmakaawa ng katahimikan kay Vanessa.

At gaya ng sanay magmaanghang-tiim na babae, tumahimik si Vanessa—pero may bahagyang kirot sa kanyang mga mata.

Kinabukasan, maagang nagpunta sa kumpanya si James. Pagdating niya, sinalubong agad siya ng kaguluhan.

“Mr. Alcantara! Tatlong partner po ang umatras!”

Galit niyang sigaw: “Ano’ng nangyari?!”

Nag-alinlangan ang isa. “Nahuli po ang bayad… at kahapon po, wala kayo at hindi makapirma—”

Doon niya naalala.

Tinawagan siya kahapon—but he was with Vanessa. Sinabi niyang pupuntahan niya si Chloe. Pero… wala ngang kapangyarihang pumirma ang babae.

Kaya siya ang may mali.

“Mga inutil! Lumabas kayo!”

---

Pagpasok ni Chloe sa opisina, agad siyang pinatawag. Pagharap niya kay James, bumaba ang tensyon sa mukha ng lalaki.

“Finally, you're here!”

“Kahapon, nasa meeting ako. Alam mo namang wala akong authority para pumirma sa’yo. Kung may mangyaring mali, pati ikaw madadamay.” malumanay na paliwanag ni Chloe.

Hindi siya umiwas. Hindi siya nagpalusot. At lalong hindi niya sinigawan ang sinuman.

At doon, unti-unting kinain si James ng guilt.

“Bigyan mo ako ng konting authority. Para hindi tayo nauubusan ng oras sa ganito.”

Nagulat siya na si Chloe pa ang humiling.

Pero tumango siya. “Partial access muna ang ibibigay ko.”

Sa oras na nabuksan ni Chloe ang system, alam niyang hawak niya na ang mga datos na kayang magpagalaw sa buong kumpanya.

Hindi niya kailangang magmadali—dahil kung gusto niyang pabagsakin si James, kailangan niya iyon unti-unti.

---

Habang abala sa trabaho, tumawag si Aurelia.

“Chloe! Gusto ni Basty na ikaw ang magluto! Pumunta ka na dito!”

Utos, hindi pakiusap.

At dalawang taon na niyang tiniis iyon.

Pero ngayon, habang hawak ang cellphone, may malamig na liwanag sa mga mata ni Chloe. Ibinaba niya ang tawag at bumalik sa screen ng computer.

Tinawagan niya si James—ngunit si Vanessa ang sumagot.

“Chloe, are you looking for James? We’re at the hospital. Liam fell. Minor injury lang.”

“Ay ganun ba? Mas mahalaga si Liam. Sige, gawin niyo muna kailangan niyo.”

At ibinaba niya agad.

Naiinis si Vanessa. Walang modo talaga, isip niya.

Pagbalik ni Liam, halatang nag-iinarte ang bata.

“Dad! My leg hurts!”

Napailing si James. Alam niyang drama lang iyon.

“Are you calling her back?” tanong ni Vanessa, malamig ang tono.

“Yes”, sagot ni James. 

“Mamaya mo na siya tawagan, kailangan tayo ngayon ni Liam. Please.” paglambing ni Vanessa.

“Pero importante ‘to, may problema sa kumpanya.” may pagmamadaling sagot ni James.

“Please”? Pagsusumamong pakiusap ni Vanessa.

Pero ilang lambing pa, napilit niyang huwag tumawag kay Chloe.

---

Kalahating oras pa lang, muling tumawag si Aurelia.

“Chloe! Ano ka ba? Pagong?! Ang tagal mo!”

Ngumiti si Chloe—isang ngiting malamig pero maginaw sa tapang.

“Ma, nasa meeting po ako. IPO stage kami. Kung iiwan ko ang trabaho ngayon, malaking pagkalugi ang mangyayari.”

Tahimik ang kabilang linya.

Hindi makapaniwala si Aurelia.

Si Chloe—na dalawang taon niyang tinapakan—ngayon, sumasagot?

“Walang hiya ka! Nakalimutan mo na ba ang patakaran—”

“Ma, hindi po ako makakaalis. At sabi niyo nga, dapat unahin ang mas importante.” kalmado ngunit matalim na tugon.

“Pero para kay Basty—sabihin niyo kung ano gusto niya. I'll have James’s assistant order Michelin. Or magpapadala ako ng chef. Charge it to the company account.”

Tumigil ang mundo ni Aurelia.

At sa kauna-unahang pagkakataon…

Si Chloe ang may hawak ng huling salita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cecille Tolentino
ibalik nyo ako sa last chapter kung sn natapos ang author. hinihintay ko lang ang oasunod. nagbayad ako.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 68 — Valentine's Day

    Nang gabing iyon, pagdating pa lamang ni Chloe sa bahay, agad niyang tinawagan si Julian.Pinagmasdan niya ang regalong pinili niya, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pananabik.“Ano’ng nangyari?” agad na tanong ni Julian nang masagot ang tawag.Normal ang kanyang tono, ngunit hindi niya alam kung guni-guni lang niya na parang mas banayad at mas malambing ang boses ng lalaki ngayong gabi.Napakalambot nito na parang natutunaw sa bibig.“Ahm… may itatanong lang sana ako, Julian. May oras ka ba bukas ng gabi para makapaghapunan tayo nang magkasama?”Bahagyang natigilan si Julian, na para bang may hinihintay siyang marinig.Tumingin siya kay Mark na nasa tabi niya, iniabot ang kamay at hiningi ang iskedyul. Mabilis niya itong sinulyapan at nakita niyang puno ang buong araw kinabukasan.Hindi maiwasang makaramdam ng awa si Mark para kay Julian.Buong taon itong abala sa trabaho. At ngayon na mayroon na siyang fianceé, halos wala pa rin silang oras na magkasama at mas magkakilala pa.

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 67 — Patuloy na Panlilinlang at Kasinungalingan

    “Ah… Ma’am, napakamahal po nito. Hindi ko po ito matatanggap…”“Kunin mo na. Marami namang pera ang asawa ko. Palagi siyang nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan niya ng ganito. Nakita mo naman kanina, hindi ba?”“Kung ganoon…sige po, tatanggapin ko po. Maraming salamat po!”Halos mangisay sa tuwa ang saleslady. Kanina pa niya pinapanood ang buong pangyayari at malinaw na naintindihan ang sitwasyon ng tatlo.Sabi nga ng lahat, mahirap maging asawa ng isang mayaman. Kahit na mayroon ka nang napakagandang asawa, bakit kailangan mo pang humanap ng ibang babae?Ngunit ang ginawa ni Chloe ay talagang

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 66 — Harap-harapang Kataksilan at Kasinungalingan

    “Napansin ko lang Chloe, ang pinakamurang item sa store na ito ay nagkakahalaga ng isa hanggang isa’t kalahating milyong piso. Mukhang hindi rin basta basta yang relo na binili mo. Para ba kay James ‘yan?”Nakita ni Vanessa ang shopping bag ni Chloe at agad na tumawa nang malamig.“Hindi nanganganak ng pera si James, lalo na sa sitwasyon ngayon ng kumpanya. Kung gusto mo talaga siyang pasayahin, mas mabuti pang tulungan mo siya sa mga importanteng gawain sa kumpanya. Paano mo pa nagawang bumili ng ganyang kamahal na luho?”“Sa ugali mong ganyan, kahit gustuhin pa ni James na ibigay sa’yo ang shares ng ALC Corp, paano ako magkakaroon ng kapanatagan na hindi mababalewala ang mga pagsisikap niya?”Ang mga

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 65 — Mga Katotohanan sa Likod ng Lihim na Pagtataksil

    Naka-park ang sasakyan ni James sa parking garage ng mall.Sa loob ng kotse, nakaupo si Vanessa, patuloy na pinupunasan ang luha ng hinanakit. Ngayon lang sila nagkita matapos palayasin si Vanessa sa kumpanya.Dalawang matinding dagok ang dinanas niya nitong nakaraang mga araw.Una, pinalayas siya ni Madam Aurelia mula sa kanilang bahay. Ikalawa, pinahiya siya ni Don Faustino sa kumpanya.Ilang araw nang hindi makaharap ni James si Vanessa, alam niyang nabigo niya ito.“Sige na, hon, huwag ka nang umiyak,” mahinang sabi ni James.“Sabi ko naman babawi ako. Piliin mo na lang kahit ano ang gusto mong bilhin ngayon

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 64 — Ang Bagong Opisyal na Miyembro ng Valdez Group

    “Ako si Chloe Valdez. Ako ang tunay na anak ni Mr. Alexander Valdez at ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Valdez, gaya ng malinaw na nakasaad sa kanyang huling habilin.”Nagkaroon ng dalawang segundong katahimikan sa conference room, saka sumunod ang marahang bulungan.Bagama’t may mga usap-usapan na noon, ito ang unang pagkakataong hayagang inilahad ni Chloe ang kanyang pagkakakilanlan sa isang pulong ng mga pangunahing opisyal. Marami pa rin ang nananatiling nagmamasid at naghihintay.Itinaas ni Chloe ang kanyang kamay bilang senyas sa assistant.“Ipamigay ang mga inihandang dokumento.”Agad namang ipinamahagi ng assistant ang mga dokumento ayon sa a

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 65 — Unang Pagkatalo ni Marcus

    “Julian…”Magpapaliwanag na sana si Chloe tungkol kay James.Ngunit nauna nang nagsalita si Julian.“Hinding-hindi ako makikialam sa mga personal mong bagay, at hindi rin ako manghihimasok. Pero ngayon ay engaged na tayo, at naniniwala akong kaya mong ayusin nang maayos ang mga bagay na naiwan sa iyong nakaraan.”Wala siyang tinanong. Wala ring hiningi.Dahil doon, nakaramdam si Chloe ng bahagyang pagkakonsensya.Noong una, inakala niyang dahil sa katayuan ni Julian, tiyak na pakikialaman nito ang kanyang nakaraan at baka tanungin pa siya ng mga detalye. Ngunit hindi niya inaasahan na hindi man lang ito magtatanong.“Ako, oo gusto… aayusin ko agad. Kung malalaman mo lang, pero wag kang mag-alala at magtiwala ka sa akin. Ako na ang bahala.” mariing sabi ni Chloe.Sa sandaling iyon, bigla niyang napagtanto na ang lalaking nasa harap niya ay seryosong tinatrato ang engagement nilang dalawa at maging ang pakikitungo nito sa kanya ay puno ng respeto.Tumango si Julian bilang tugon.Ngunit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status