Tumingala siya at nakita si Althea na nakasuot ng apron, may hawak na sandok. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang ngumiti si Althea at malumanay na bumati.
"Hi, bisita ka rin ba ni Tita Karen? Saktong may natira pang sopas, halika at umupo ka."
Ang tinig nito'y banayad, tila ba kalmado sa kabila ng sitwasyong hindi niya mawari. Ang kilos niya ay hindi nag-aalangan, at ang tindig niya—tiyak, puno ng kumpiyansa. Para siyang tunay na maybahay ng tahanang ito, habang si Vaiana naman ay isang estrangherang hindi kabilang.
Tama, malapit na siyang maging tagalabas.
Napalalim ang kunot sa noo ni Vaiana, hindi niya mapigilan ang biglang pag-igting ng kaba sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya'y para siyang isdang inilagay sa tuyong lupa—hindi makagalaw, hindi makahinga.
Nang ikasal siya kay Kyro, ipinaalam niya ito sa buong lungsod. Alam iyon ng lahat. Maging si Althea ay nagpadala pa ng liham ng pagbati noon. Imposibleng hindi nito alam na siya ang asawa ni Kyro.
Napansin ni Althea na nakatayo lang siya sa may pintuan kaya dali-dali itong lumapit at hinawakan ang kanyang kamay.
"Ang bisita ay pinapapasok. Huwag kang mahiya, pasok ka."
Sa bawat hakbang nito, sumasabay sa hangin ang mahinang amoy ng jasmine—ang pamilyar na halimuyak na hindi niya kailanman malilimutan. Isang pabangong eksaktong kapareho ng iniregalo sa kanya ni Kyro noong kaarawan niya. Ang kanyang lalamunan ay biglang natuyo, at isang bigat ang humila pababa sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya'y may pumipigil sa kanyang mga paa upang humakbang papasok.
"Vaiana, ano'ng ginagawa mo riyan? May bisita tayo, hindi mo man lang ba pagbibigyan?"
Napatingin siya sa kanyang biyenan, na nakakunot-noo, halatang naiinis sa kanyang pagkatulala. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip, ibinaling niya ang tingin kay Althea at marahang nagtanong.
"Mom, bakit siya nandito sa bahay natin?"
Kanina ay tawag niya lang kay Karen ay “Ma’am”, ngayon na nasa harap si Althea, pinilit niya itong tawaging “Mom.”
Saglit siyang tinitigan ni Karen bago sumagot, ang kanyang tinig ay puno ng awtoridad.
"Bumalik ng bansa si Althea, siyempre gusto niya akong bisitahin. Ano, bawal siyang pumunta rito? At saka, tinanong ko na si Kyro tungkol dito at wala naman siyang sinabi. Ikaw ba, may gusto kang sabihin?"
"Hindi ko naman ibig sabihin na gano'n," mahina niyang sagot, bahagyang yumuko.
"Ah, ikaw pala si Vaiana," ngumiti si Althea. "Hindi kasi ipinakita ni Kyro ang larawan mo noong kasal niya, kaya hindi agad kita nakilala. Huwag kang magalit ha."
Nanigas si Vaiana sa kinatatayuan niya. Tinitigan niya ang maliwanag na ngiti ni Althea.
Sa isipan niya, nakakainis ang bagay na iyon pero napagtanto niya rin, siyempre, bakit naman ipapakita ni Kyro ang wedding photo niya sa babaeng mahal niya?
"Bakit hindi mo pa pinagtitimpla ng tsaa si Althea?" malamig na tanong ni Karen.
Tumango na lang si Vaiana at walang imik na kinuha ang tsaa. Sa kabilang banda, magkasamang naupo sa sofa sina Althea at Karen, masayang nag-uusap, para bang silang dalawa lang ang nasa bahay. Hindi pa nagtatagal, tinanggal ni Karen ang apron ni Althea at isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi—isang ngiting hindi pa kailanman nakita ni Vaiana para sa kanya.
Pinilit niyang isantabi ang hindi maipaliwanag na kirot sa kanyang dibdib at inabot ang tasa ng tsaa kay Althea. Ngunit bago pa man ito makuha ng babae, naisip ni Vaiana na baka mapaso ito kaya awtomatiko niyang inawat ang kamay nito.
Sa hindi niya inaasahan, biglang naitulak ni Althea ang tasa, dahilan upang matapon ang mainit na tsaa sa kamay niya.
"Agh!" Napasinghap siya sa sakit.
Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang mas malakas na sigaw ang pumuno sa buong silid.
"Ahh!"
Napalingon si Karen, agad na nabahala. "Ano'ng nangyari?!"
May luhang bumuo sa mga mata ni Althea. "Ayos lang po, Tita. Hindi naman po niya sinasadya."
Pero nang makita ni Karen ang namumulang daliri nito, biglang lumamig ang kanyang tingin kay Vaiana. At bago pa siya makapagsalita, isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha.
Nanlaki ang mga mata ni Vaiana. Hindi siya makapaniwala. Ramdam niya ang kirot sa pisngi, ngunit mas matindi ang hapding dumaloy sa kanyang puso. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit—ang pananakit sa kanya ng biyenan o ang katotohanang hindi siya nito kayang ipagtanggol laban sa babaeng iyon.
"Ano ba ang ginawa mo?!" sigaw ni Karen. "Alam mo bang ginagamit ni Althea ang mga kamay niya sa pagtugtog ng piano? Paano kung mapinsala ang mga daliri niya? Kaya mo bang bayaran ang magiging pinsala, ha?"
Napapikit siya sa sakit, nanginginig ang kanyang mga kamay. "Siya mismo ang nagtapon ng tsaa. Anong kasalanan ko?"
Lalong sumama ang tingin ni Karen. "Nangangatwiran ka pa? Dalhin niyo siya at ikulong!"
Agad lumapit ang dalawang katulong at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang braso.
"Bitawan niyo ako! Pakawalan niyo ako!" desperadong sigaw niya habang nagpupumiglas.
Ngunit masyado siyang mahina. Wala siyang nagawa nang sapilitan siyang kinaladkad papunta sa isang madilim na silid. Itinulak siya sa loob at malakas na sumara ang pinto sa kanyang likuran.
Hindi niya makita ang kahit ano. Napakadilim. Nanginginig ang buong katawan niya, pinagpapawisan siya kahit malamig ang hangin. Pinaghahampas niya ang pinto, pero walang sumasagot. Napaupo siya sa malamig na sahig, hinawakan ang kanyang ulo, pilit na pinipigil ang mga luhang gustong kumawala.
Sa labas, patuloy ang pag-ring ng kanyang cellphone.
Abala si Karen sa pag-aalaga kay Althea nang marinig niya ang tunog ng telepono. Nang makita niya ang pangalang "Kyro" sa screen, agad niya itong sinagot nang walang pag-aalinlangan.
"Hello, Kyro."
Sa kabilang linya, nagulat si Kyro. "Mom?" Saglit na tumigil si Kyro, bahagyang naningkit ang mga mata. "Nasaan si Vaiana?"
Hindi nag-atubili si Karen sa sagot. "Ayos lang siya rito sa bahay."
Pagkababa ng telepono, agad na lumiwanag ang mukha ni Miss Althea at sabik na nagtanong, "Tita, si Kyro ba ang tumawag?"
"Oo," sagot ni Karen, may bahagyang kasiyahan sa tinig. "Pinapakuha niya kay Vaiana ang isang dokumento. Kung hindi lang dahil sa trabahong iyon, hindi sana siya nagkaroon ng pagkakataong maging asawa ni Kyro."
Tinitigan niya si Althea, hinawakan ang malambot nitong kamay, at bahagyang ngumiti na may halong panghihinayang. "Althea, kung hindi ka lang sana umalis noon, ikaw ang pinakasalan ni Kyro. Mahal na mahal ka niya. Siguro nga kung ikaw ang naging manugang ko, may apo na ako ngayon. Hindi tulad ngayon na nagpapakain lang ako ng isang inahing manok na hindi naman nangingitlog!"
Namula ang pisngi ni Althea, ngunit hindi niya maitago ang kislap ng pag-asa sa kanyang mga mata. "Tita, huwag mo namang sabihin 'yan..."
"Mas mabuti pang ikaw na lang ang magdala ng dokumento kay Kyro," putol ni Karen, mariing sinabi habang hinahaplos ang likod ng kamay ni Althea. "Siguradong matutuwa siyang makita ka ulit pagkatapos ng matagal na panahon."
Nag-aalinlangan man, hindi napigilan ni Althea ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. "Sigurado ka po bang tama 'yan?"
"Siyempre! At umaasa rin akong bigyan mo ako ng apo," biro ni Karen, ngunit may seryosong pagnanais sa kanyang tinig.
Napatungo si Miss Althea, hindi sigurado kung matutuwa ba siya o mahihiya. Gayunpaman, ang sinabi ni Karen ay nagbigay sa kanya ng isang panibagong pag-asa.
Ang kasal nina Kyro at Vaiana ay napagkasunduan lamang ng lolo ni Kyro. Sa loob ng maraming taon nilang pagsasama, wala silang anak, at alam ni Althea na hindi ito isang kasal na puno ng pagmamahal. Marahil, hinihintay lang talaga siya ni Kyro na bumalik.
Isinuot niya ang kanyang sunglasses at mask upang hindi makilala, at umalis sa lumang bahay sakay ng sasakyan ng yaya. May kaba sa kanyang dibdib, ngunit mas matimbang ang pananabik niyang makita ulit si Kyro.
Samantala, nasa opisina si Kyro, malalim ang tingin sa laptop screen habang sinusuri ang mga dokumento. Sinilip niya ang orasan. Malapit nang magsimula ang meeting, pero hindi pa rin dumarating si Vaiana.
Hanggang sa may kumatok sa pinto.
Hindi niya nilingon ang bisita at malamig na sinabi, "Alam mo bang anong oras na?"
Walang sumagot.
Napakunot ang kanyang noo. Itinaas niya ang tingin at doon niya nakita si Althea na nakatayo sa may pinto.
"Kyro..." tawag ni Althea, ang kanyang tinig may halong kaba at pananabik. Sa wakas, ang lalaking iniisip niya araw at gabi ay nasa harap na niya. Pakiramdam niya, isa itong panaginip na hindi niya inakalang magiging totoo.
Sandaling natigilan si Kyro. Mabilis siyang bumawi at iniwas ang tingin. "Anong ginagawa mo rito?" malamig niyang tanong.
Napangiti si Althea, pilit na hinuhugot ang dating koneksyon nila. "Pumunta ako sa lumang bahay para bisitahin si Tita kanina."
Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Kyro. May bumara sa kanyang lalamunan at lumamig ang kanyang boses. "Sino ang nagpaalam sa iyong pumunta roon?"
Napalunok si Althea, ramdam ang bigat ng mga salita nito. Alam niyang hindi siya dapat nagpakita nang biglaan, ngunit hindi niya naisip na ganito ang magiging reaksyon ni Kyro. Masakit, pero hindi niya gustong ipakita.
Pinilit niyang ngumiti. "Kakauwi ko lang mula sa Spain, kaya natural lang na bisitahin ko si Tita. Dinalhan din kita ng isang bagay."
Dahan-dahan niyang inilabas mula sa bag ang dokumento at iniabot kay Kyro.
Tinitigan ito ni Kyro nang may bahagyang pag-aalinlangan. Dapat ay si Vaiana ang may dala nito—pero paano napunta sa kanya?
Hindi na napigilan ni Anna ang sarili at napalakas ang boses sa galit.“Lara, magpakita ka naman ng respeto. Kailan ko ba sinabi ‘yan? Ilang beses nang napahamak ang asawa ko dahil sa inyo, tapos ngayon, may gana ka pang magtanong ng ganyan? Ano pa bang gusto mo?”Hindi na rin nagpaligoy-ligoy pa si Lara at diretsahang sumagot, “O sige, sasabihin ko na lang nang diretso. Paano niyo nga pala nalutas ‘yong utang na sampung milyon noon? Di ba dati, pareho niyong sinasabi na wala kayong pera, tapos sabay-sabay pa kayong naghanap ng paraan? Si Val nga halos araw-araw naghahanap ng pera noon—umabot pa sa punto na halos ibenta na niya ang bato niya sa katawan. Pero sa huli, parang biglang naayos lahat. Ang sabi niyo pa noon, bayad na raw ang utang, at hindi na raw namin kailangang problemahin.”Hindi man nila tuwirang sinasabi, matagal na ring may hinala ang pamilya nina Lara—na baka may tinatago pa rin na pera sina Vicente. Para sa kanila, parang napakadali lang bayaran ng ganoon kalaking h
Napakamasinop ni Kyro—napansin pa nito na palagi siyang nagkaka-stomachache kapag may dalaw.Hindi inasahan ni Vaiana ang ganoon. Ang buong akala niya, kahit isang buong buhay silang magkasama, hinding-hindi nito malalaman ang mga gusto niya o ang kondisyon ng katawan niya. Akala niya dati, kung sakaling magkasakit siya nang malubha at mamatay, si Kyro pa ang pinakahuling makakaalam.Pero ngayon… kahit pilitin pa niyang huwag alalahanin, kusa na itong naitatala sa isip niya—unti-unti na niyang natatandaan ang mga bagay na minsan niyang pilit na kinalimutan.Hinihipan ni Vaiana ang mainit na salabat para lumamig ito. Matapos ang ilang sandali, ininom niya iyon ng isang lagukan, kahit medyo mapakla sa dila.“Magpahinga ka nang maayos,” mahinang wika ni Kyro habang marahang isinapin ang kumot sa katawan niya.Tinitigan siya ni Vaiana, may bahid ng pagtataka sa mga mata. “Saan ka pupunta mamaya?”“Dito lang ako sa bahay. Wala akong lakad ngayon,” sagot ni Kyro.Bahagyang nagbago ang ekspr
Hindi na siya gumamit ng pormal na tawag na “Mr. de Vera.” Sa halip, diretsahan niya itong tinawag sa pangalan.Humarang siya sa harapan ni Kyro, tinapalan ang daraanan nito. Matalas ang tingin ni Kyro nang tanungin niya ito, malamig ang tono, “May kailangan ka ba, Miss Ariana?”Tiningnan siya ni Ariana, may bahid pa rin ng pag-aalinlangan sa mga mata nito, dala ng kanyang likas na kayabangan. “Totoo ba ang sinabi mo kanina?” tanong niya. “Totoo bang may asawa ka na?”Hindi pa niya naririnig kailanman na may asawa na si Kyro. Kaya ang hinala niya, baka ginagamit lang ito ni Kyro bilang palusot.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Kyro. “May dahilan ba para magsinungaling ako?” sagot niya, malamig at walang pakialam.“Pero wala akong narinig kahit kanino. Walang nakakaalam kung sino ang asawa mo. Feeling ko excuse mo lang ‘yan.”Sumagot si Kyro, mas malamig pa sa kanina, “That has nothing to do with you.”Sa halip na ma-offend, lalong natuwa si Ariana. Para bang tinitingnan niya si
Mahinahon niyang binati ang matanda, “Magandang araw po.”Napatingin si Mr. Manzano sa kanya, at bahagyang nagulat. Wala pa siyang narinig ni kaunti tungkol sa bagay na ito. Pero agad din siyang napangiti at tumawa ng masaya.“Aba, ganun ba? Kyro, kasal ka na pala. Kailan pa ito? Katulad ka talaga ng lolo mo—hindi mo man lang ako tinawagan sa ganyang kahalagang okasyon. Ngayon mo lang naipakilala ang asawa mo,” masayang saad ng matanda.Noong kabataan nina Mr. Manzano at Mr. de Vera, magkasama silang lumaban sa digmaan. Saksi sila sa bawat isa sa hirap at ginhawa. Pareho silang nakagawa ng pangalan at karangalan sa kanilang larangan. Ngunit kalaunan, nagkaiba sila ng landas—si Mr. Manzano ay pumasok sa pulitika habang si Mr. de Vera naman ay sa negosyo. Dahil dito, bihira na silang nagkita, ngunit nanatili ang respeto at alaala ng kanilang pagkakaibigan.Pinagmasdan ni Mr. Manzano si Vaiana at tumango, halatang nagustuhan niya ang dalaga.“Mabait ang napili mo, Kyro. Mukhang mabuting
Napatingin ang lalaki sa papel ng registration form na nahulog sa sahig. Kita sa mga mata niya ang pagtataka—bakit kaya narito si Vaiana ng ganito kaaga sa ospital?Dumukwang siya para pulutin ang form mula sa sahig.Nanlaki ang mga mata ni Vaiana nang makita ito. Mabilis siyang yumuko para maagaw ito, ngunit mas malapit na ang lalaki sa papel. Naunahan siya nito.“Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ng lalaki habang tinitingnan ang form sa kamay niya.Nabasa niya ang nakasulat, simpleng B-ultrasound lang iyon. Isang linya lang ang nakalagay pero sapat na para magduda siya.Napuno ng kaba ang dibdib ni Vaiana. Parang isang lihim na matagal na niyang itinatago ay unti-unti nang nabubunyag. Agad niyang inagaw ang form mula sa kamay ng lalaki at itinago ito sa bulsa. Pilit niyang itinago ang tensyon sa boses nang magsalita.“Check-up lang, gusto ko lang ipatingin ang katawan ko,” aniya, pilit ang ngiti at iwas sa tingin ng kausap.Ang lalaking kaharpa niya ngayon ay si Kyro, hindi sumag
Habang lalong pinag-iisipan ni Kyla ang mga nangyari, mas tumitibay sa isip niya ang hinala—tama ang kutob niya.Naalala niyang pinagsisihan ni Vaiana na isama siya pabalik. Obvious na ayaw talaga nito ng ibang babae sa paligid ni Kyro. Ayaw nitong maapektuhan ang pwesto niya sa buhay ng lalaki.Kaya pala nag-iba siya.Ngayon, sigurado si Kyla. May gusto si Vaiana kay Kyro. Kaya niya pinagsabihan si Kyla noon—hindi para tulungan siya, kundi para hadlangan.Naisip ni Kyla, kung hindi siya kusa ang lumapit, malamang ay hindi kailanman malalaman ni Kyro na siya ang babae mula sa gabing iyon.Sigurado siyang gagawa ng paraan si Vaiana para pagtakpan ang lahat—itatago ang totoo at palalayasin siya palihim.Sa totoo lang, noong una, hindi naman ganoon kalalim ang iniisip ni Kyla. Naguluhan lang siya, natakot, at hindi alam kung ano ang dapat gawin. Hindi naman niya inaasahang mananagot ang lalaki sa nangyari.Alam niyang hinahanap siya ni Kyro, pero ayaw niyang makagulo. Kaya gusto lang sana