Share

189 (Unedited)

"Selena! Hoy! May ahas ba?! Ano? Natuklaw ka?!" rinig kong sunod-sunod ding tanong ni Paulo habang hindi alam kung saan ako aalalayan dahil sa patuloy kong paglilikot.

Napa-paranoid ako na baka kung saan sumuot sa damit o buhok ko yung kaninang gumagapang kaya todo-pagpag talaga ako. Hindi ako tumitigil kahit pawis na pawis na ako at gulo-gulo na ang kanina kong nakapusod na buhok.

Isa talaga sa mga ayaw ko ay mga insekto lalo na yung nakakadiring tignan at maramdaman sa balat. Natatakot akong makagat nito at ang mga itsura pa lang nila ay hindi ko na magawang titigan ng matagal dahil sa kakaiba at kahindik-hindik nitong mga pigura. Nakakatakot din na baka pumasok ito sa tenga, ilong, o maging sa bibig ko kaya ang isipin ko pa lang na baka nasa loob na sya ng katawan ko ay gusto ko na lang sumuka.

Isang pares ng kamay ang humawak sa magkabilang siko ko dahilan para mapatigil ako sa ginagawa at mapatingin sa lalaking nasa harapan kong nililibot rin ang mata sa buo kong katawan. Sinabay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status