Share

200 (Unedited)

Napatingin ako sa outfit niya. Naka-onesie kasi siya, pero hindi 'yong pang-costume. Basta 'yong hoodie at jogger pants, pinagdugtong.

"Thank you." I smiled. "Ganda ng outfit mo."

"Sinabi mo pa. Bet nga 'to no'ng mga tropapits ko." Tumayo siya sa likuran ko. "Ang haba ng pila, 'no? Weekends kasi."

"'Yanga. Uh-ano pala pangalan mo?"

"Andra." Hinablot niya ang hands ko at nakipagkamay. "Nawiwirduhan ako sa name ko. Hindi ko nga alam kung ano'ng origin no'n. Buti ka pa, ang cute ng pangalan mo, Chasseley Richie. Ano 'yong A mo?"

"Aero."

"Aero-bics?" biro niya na hindi naman nakakatawa. "Sino'ng kasama mo?"

Tinuro ko 'yong dalawa na nagkukwentuhan.

"Si Jace Liu Feng ba 'yon?" Naningkit ang mga mata niya.

"Tumpak ka jan. Paano mo siya nakilala?"

"Sikat kaya ang Liu Feng College dahil sa mga estudyanteng pogi tulad niyan."

Nagbibiro na naman ba siya?

"Oo nga, pogi nga siya, kaso bully. Ang dami na kaya niyang pinaiyak, kasama na ako roon," paninira ko kay Mokong. "Alam mo ba, noong nakaraan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status