Share

207 (Unedited)

Ang kaninang galit na postura nito ay napalitan ng ngisi sa labi. Ngunit hindi nagpatinag si Louisse, sinalubong niya ang mga mata nito nang walang bahid ng takot.

Naputol lang ang titigan nila nang marinig niya ang malamig na boses ni Zairus. Iniwas niya ang tingin kay Reese at naibaling niya ang mata sa kamay nitong hinarang nito sa pinto. "You can now leave my office, Reese. Don't make me call the guards to send you out."

Tila wala namang pakialam ang lalaki sa sinambit ni Zairus. Nakita pa niya na mula sa kan'yang peripheral vision na mas lalo lamang itong napangisi. "This make me more interested," bulong lamang iyon pero sapat ng dahilan para muli niyang lingunin si Reese. Ang mga mata nito ay tila naghuhumiyaw na may nalalaman itong isang sikreto.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang tuluyang umalis ang lalaki at makasakay ng elevator. Nagkibit-balikat na lamang siya saka niya pa lang naisipang ibaling ang mga mata kay Zairus na noon ay nakaupo sa swivel chair. May mga iilang pap
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status