LOGINBARBARA POV “Hindi mo ba gets kung ano ang ibig kong sabihin? Well, chimi-a-a ka nga pala kaya boba ka!” muli nitong wika. Kung hindi lang siguro masakit ang tahi ko, baka kanina ko pa sinugod ang babaeng ito eh. Paano ba naman kasi, masyadong pasmado ang bibig and as if naman maniniwala ako sa sinasabi nito. Maghintay lang talaga ang babaeng ito, isusumbong ko talaga ito kay Charles. Pero kaya ko ba talagang magsumbong kay Charles? Paano na lang kung totoo ang sinasabi nito? Pero hindi eh..gumagawa lang siguro ng kwento itong si Candy para paghiwalayin kami ni Charles. Okay na kami ni Charles eh. Maayos na ang pagsasama namin at hindi naman siguro ako nito lolokohin diba? Hyasst, ewan! Hindi naman ako bato para hindi din matamaan sa sinasabi ni Candy ngayun eh. Paano na lang pala kung totoo ang sinasabi nito? Saan ako pupulutin kung nagkataon? “Hindi ko kailangan ang openyon mo kaya umalis ka na.” malamig ang boses na wika ko. Napansin kong kaagad naman itong napangisi.
BARBARA POV PAGKATAPOS ng insidente sa restaurant, wala na akong naging balita kay Candy. Iniisip ko na lang at baka nananahimik na ito lalo na at naging okay na din naman ang relasyon naming dalawa ni Charles. Hangang sa sumapit na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Ang panganganak ko. Kambal na lalaki at labis ang galak ko na nararamdaman ng puso ko nang mapansin ko kung gaano kasaya si Charles. Sabagay, hindi lang naman ito ang masaya kundi ang halos buong angkan yata ng Villarama. Mahalaga pala sa angkan nila ang bawat miyembro na madagdag sa pamilya kaya naman lahat ay nag-celebrate. Lahat ay nagpahatid ng pagbati ang ilan sa mga ito ay dumalaw pa talaga sa hospital para makita ang mga babies. "Thank you, Sweetheart. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun. Sa wakas, nakaraos din at nakita ko na din ang kambal nating anak. Ang ku-cute nila." maluha-luhang wika ni Charles. Para itong isang larawan ng isang masayang ama. Ni hindi ko na nga mabilang kung
BARBARA POV “Ouch, ang sakit. Huhuhu! Charles, nagkasugat ako.” Pagsusumbong ni Candy. Natalsikan yata ng bubog ang paa nito at kung makapagsumbong akala mo may pakialam si Charles sa kanya eh. Paano ba naman, pagkabagsak pa lang ng baso sa sahig, mabilis na ding napatayo si Charles at tinanong ako kung nasaktan ba ako. “Ayos ka lang ba? Ano ang nangyari? Teka lang, may masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong pa nga nito sa akin. Kaagad naman akong umiling habang pigil ko ang sarili ko na matawa sa hitsura ni Candy. Nakaupo na ito sa sahig habang hawak nito ang isang paa kung saan nakita kong may bahid nang dugo. Natalsikan nga siguro ng bubog at nagkasugat. “Hindi ko sinasadya, Charles. Na-nadulas lang nag baso sa kamay ko tapos nahulog. Hindi ko naman akalain na sasaluhin iyun ng paa ni Candy.” Kunwari painosente kong bigkas. “Not your fault. Kung hindi sana siya lumapit, eh di hindi sana siya natamaan.” Seryoso nitong wika sabay tawag ng waiter. “Dalhin niyo siya sa
BARBARA POV Hindi ko alam kung nagseselan lang ba ako pero noong naiserved ang steak na gustong gusto kong kainin kanina, para bang bigla akong nawalan ng gana. May ibang pagkain ang hinahanap ang sistema ko na hindi ko lang din masabi kay Charles dahil nahihiya na ako dito. Baka kasi isipin nito na nag-iinarte lang ako eh. Eh, ito pa naman ang nag slice ng steak ko sa maliliit na piraso. ‘Kain ka na. Teka lang, may iba ka pa bang gusto?” nakangiting tanong nito sa akin. kaagad naman akong tumango “Pineapple juice.” Sagot ko. Mabilis naman nitong tinawag ang waiter at umorder ng isang fresh pineapple juice at isang orange juice. “Thank you, Charles.” hindi ko na nga mapigilang wika. Feeling ko, nagdi-date kami ngayun. Perfect kasi ang nasabing resto dagdagan pa na napapansin ko na halos mga couples lang din ang iba pang mga costumers. “For what? Teka lang, hindi mo ba gusto ang pagkain? Bakit parang hindi mo naman yata ginagalaw?” seryosong tanong nito sa akin. Napatitig ako
BARBARA POV Naging maayos ang lahat sa amin ni Charles sa paglipas ng mga araw. Kahit papaano, ipinapakita at ipinaparamdam naman nito sa akin ang pag-aalaga ng kagaya yata sa isang tunay na asawa. Palagi itong nasa tabi ko at palagi din nitong chini-check ang kalagayan ko. Kumbaga, hindi ito nagkulang sa akin kung ang pag-aalaga ang pag-uusapan na siyang labis ko namang ikinatuwa. Hangang sa dumating ang ika-walong buwan ng aking pagbubuntis. Mas lalo akong naging maingat sa aking sarili. Halos hindi na din humihiwalay si Charles sa tabi ko na siyang labis kong ipinagpasalamat. Akala ko talaga wala nang pag-asa ang relasyon naming dalawa ni Charles pero pinatunayan nito sa akin na dapat lang na muli akong magtiwala sa dito na siyang dahilan kaya naman unti-unti na namang nahuhulog ang loob ko dito. Yes, bigla ko na lang namalayan na para bang hindi ko na kayang mabuhay na wala siya sa tabi ko. Pero hindi pa naman talaga kami officially na kami na. Oo, magkasama kami sa iisan
BARBARA POV Muli akong nagising, umaga na. Nang imulat ko ang aking mga mata, ganoon na lang ang matindi kong pagkagulat dahil nasa bisig na ako ni Charles. Yes, hindi ako maaring magkamali, yakap-yakap na ako ni Charles na noon ay mahimbing nang natutulog. Ang unan na inilagay ko sa pagitan naming dalawa ay nawalan yata ng saysay at hindi ko na alam kung nasaan na iyun. Gusto kong itulak si Charles. Gusto kong bumangon kaya lang nag-aalala naman akong baka magising ito. Halatang mahimbing pa itong natutulog kaya lang, naisip ko din na hindi naman pwedeng habambuhay ako nitong yakap-yakap diba? Mahina akong napabuntong hininga. Buong ingat kong tinatangal ang braso nito na nakapulupot sa aking baiwang kaya lang, masyadong mabigat iyun. Hangang sa narinig ko ang mahinang pag-ungol nito palatandaan na magigising na din yata. “Ahmm, Barbara..saglit lang naman. Maaga pa. Matulog pa tayo.” Paos ang boses na bigkas nito. Nang muli kong titigan ito, nakapikit pa rin ang dalawa nito







