JENNIFER POV "Are you sure busog ka na? May gusto ka pa bang kainin? Tell me, para maipadeliver kaagad natin." masuyong wika ni Elijah sa akin pagkatapos kong maubos ang pagkain na nasa pingan. Hindi ko alam kung normal lang ba sa akin ang pagiging matakaw pero naubos ko talaga ang pagkain na unti- unti niyang isinusubo sa akin at ngayun nag-offer pa siya kung gusto ko pa raw ba. "Naku, ayos na! Busog na ako!" pilit ang ngiting sagot ko sa kanya! Ngayun ko lang lubos na narealized na baka nga siya ang asawa ko. Para kasing kabisado nya ako at ang pagkain na pinakain niya sa akin ngayun lang ay gustong gusto ko ang lasa. Nabangit niya sa akin na paborito ko daw iyun kaya siguro sobrang gana kong kumain. "Elijah, pwede ba akong magtanong sa iyo?" kimi kong muling bigkas pagkatapos kong uminom ng tubig. Ngayung hindi pa nanumbalik ang memory ko parang mas gusto kong makilala siya para naman alam ko kung paano ko siya iapproach! Kay hirap naman kasi kung nangangapa ka at hindi mo
JENNIFER POV Mabilis na lumipas ang mga oras. Sa wakas, binigyan na din kami ng go signal ng aking Doctor na pwede na daw akong lumabas ng hospital. Excited akong nagyaya kay Elijah na uuwi na kami. Gusto ko na kasing masilayan ang baby namin. Pagkauwi namin ng bahay, isang mainit na pagsalubong ang natangap ko mula sa mga kasambahay, mga guards at kung sinu-sino pang nadatnan namin dito sa bahay. Kaagad akong nagyaya kay Elijah na pumanhik ng nursery room dahil gusto ko nang makita so Baby Alexa. Pagdating sa nursery room, pigil ko ang sarili ko na maluha habang pinagmamsdan ko ang batang nasa harap ko. Walang duda, anak ko nga ang batang nasa harap ko. Siya ang panganay naming anak ni Elijah! Si Baby Alexa? "Look at her! Hindi ba't kamukhang kamukha natin siya? Kay tagal ka naming hinintay at ngayung nandito ka na, hindi ko na hahayaan pa na muli kang mawalay sa amin." mahinang wika ni Elijah! Nasa likuran ko siya habang nakatunghay naman ako sa batang natutulog. Paran
JENNIFER POV Hinayaan ko na lang muna si BAby Alexa na matulog nang mahimbing kahit na ang totoo, gusto kong gisingin ito para makita niya din ako! Nabangit ni Elijah sa akin na kaya na daw nitong magsambit ng mga salitang Mama at Papa at gusto kong marinig iyun. Gusto ko din sanang makarga siya kahit na malaki na ang tiyan ko. Gusto kong iparamdam ang init ng aking pagmamahal sa aking anak na hindi ko naiparamdam sa kanya noong mga sandaling wala ako sa tabi niya Hindi bale, babawi naman ako eh! Ngayung nandito na ako, hindi ko na hahayaan pa na muli akong mawalay sa kanya! Lalo na at magkakaroon na siya ng mga kapatid. "I think hayaan na muna natin si Baby Alexa dito. Don't worry, may nagbabantay sa kanya dito sa nursery room at well monitored din naman ng cctv ang buong paligid ng bahay." narinig kong sambit ni Elijah at naramdaman ko nalang ang muling pagyapos niya mula sa likuran ko kasabay ng pagpatong ng kanyang mukha sa balikat ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapang
THIRD PARTY POV "NASAAN si Mia? Nangako ka sa akin na ibabalik mo dito si Mia, Amery! Nasaan na siya?" galit na sigaw ni Luis sa kapatid niya! Nanlilisik ang mga mata niya sa galit habang titig na titig siya sa kapatid niya na noon ay kitang kita din sa mga mata ang takot. Hindi inaasahan ni Amery na magagalit ng husto sa kanya ang kanyang kapatid dahil kusa niyang ibinalik si Jennifer sa tunay nitong pamilya. Hindi niya na din kasi kaya ang mga pinanggagawa ng kapatid niya. Alam niya din kung bakit gusto nitong dalhin si Jennifer sa Amerika dahil gusto niya itong angkinin ng tuluyan. Pati na din ang batang nasa sinapupunan nito ay gusto niya ding akuin na siya ang ama. Hindi na kaya ni Amery na dalhin sa konsensya ang lahat at habang nagtatagal, lalo siyang naaawa kay Jennifer. HIndi niya kaya itong lokohin lalo na at sister in law ito ng lalaking matagal niya nang kinahuhunalingan. Si Elias Villarama Valdez Yes...si Elias! Matagal na siyang may gusto dito at ayaw niyang ma
THIRD PARTY POV Pagkatapos mag-impake ni Amery, kaagad na din niyang hinila ang kanyang luggage palabas ng kanyang silid. Wala na siyang lugar sa pamamahay ng Kuya niya kaya kusa na siyang aalis Pagkalabas niya ng kanyang siild, sakto naman na palabas ang kanyang Kuya sa loob ng kwarto nito habang nakaupo sa kanyang high tech na wheelchair. Napansin niya pa ang pagkagulat sa mga mata nito nang tumingin ito sa kanya "Saan ka pupunta?" malakas ang boses na tanong nito sa kanya! Hindi naman napigilan ang mangilid ang luha sa mga mata ni Amery dahil sa tanong na iyun ng kanyang kUya. "Aalis na po.'" mahinang sagot niya. "Aalis? so, wala ka talagang balak ng sundin ang gusto ko?" galit na tanong ni Luis sa kapatid niya. Gustong sumabog ang puso niya sa pinaghalong pagkadismaya! Bakit nangyayari ito! Ang masunurin niyang kapatid ay biglang naging matigas ang ulo! Sino ang ipinagmamalaki nito? "Ito naman ang gusto mo Kuya diba? Wala akong balak na ibalik sa iyo si Jennifer kaya
AMERY DELGADO POV DAHIL nga pinalayas ako ni Kuya sa bahay namin, no choice ako kundi ang isangla ang kahuli-hulihang alahas na meron ako at sumakay ng jeep patungo sa hospital na pag-aari ni Elias Valdez! Sa ngayun, alam ko sa sarili ko na wala na talaga akong choice! Isa akong Doctor pero hindi ko dala ang mga Id's pati na din ang aking licence dahil pinaiwan din iyun ni Kuya! Hindi ako pwedeng mag-apply sa ibang hospital kung wala ako noon! Shareholders si Kuya sa hospital na pinapasukan ko ngayun at kailangan kong sanayin ang sarili ko na lumayo mula sa galamay niya para maiwasan ko ang kanyang galit. Ibig sabihin, simula ngayung araw, wala na din akong trabaho na babalikan. Haysst, kung bakit naman kasi baliw na baliw siya kay Jennifer eh! Oo, magkamukha si Jennifer at Mia pero ang layo naman ng ugali ni Jennifer kay Mia! Noong nabubuhay pa ang Mia na iyun, salbahe din iyun samantalang si Jennifer ay sobrang bait kahit na may amnesia. Hindi niya alam kung saan siya pup
AMERY POV"Bye Doc! Sa uulitin!" naulinigan ko pang sambit ng boses ng isang babae pero parang dumaan lamang iyun sa pandinig ko. Hindi pa rin kasi ako nakakabawi sa matinding pagkabigla at para pa rin akong lutang na tagus-tagusan ang tingin sa kung saan.Pambihira....iniiwasan kong makipanood ng porn movies kasama ang mga classmates ko noong college pa ako pero ngayun wala akong ligtas. Daig ko pa ang nanood ng Rated X na pelikula sa nakita ko kanina.Pero teka lang ganoon ba talaga kalaki ang batuta nitong si Elias? Ngayun pa lang parang gusto ko na yatang umatras. Parang ayaw ko nang magkagusto sa kanya at parang ayaw ko na din humingi ng tulong sa kanya.Baka pati ako mabiktima ng batuta niya eh! Isa pa, playboy ang loko! Akalain mo, nagawa niyang makipag-sex sa mismong opisina niya at hindi man lang dinouble check kung bukas ang pintuan. Nakita ko tuloy ang hindi dapat makita"Hey...Amery? Ikaw ba iyan?" hindi ko mapigilan ang mapapitlag sa gulat nang biglang may nagsalita sa
JENNIFER MADLANG -AWA VALDEZ POV NAGLINIS lang ako ng katawan, nagpalit ng kumportableng damit tsaka ako nagpasyang mahiga sa kama! Sobrang gaan ng pakiramdam ko! Kahit na wala akong maalala, alam ko sa sariil ko na safe ako sa mga kamay ni Elijah lalo na at siya ang asawa ko. "Gusto mo na bang matulog or kain ka na muna? HIndi ka ba nagugutom?" masuyong tanong ni Elijah sa aking pagkalabas niya ng banyo! Nakatapis lang siya ng puting tuwalya kaya kitang kita ko ang maganda niyang katawan! Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatitig sa kanya! Para kasing may nagtutulak sa akin na lapitan siya at haplusin ang kanyang namimintog na mga muscle! Para kasing kay sarap pisil-pisilin eh Ewan ko ba.. mahigit limang buwan din akong nawalay sa kanya at sa loob ng mahigit limang buwan na iyun no more sex. Six months na ang tiyan ko so ibig sabihin, bago ako nawalay sa kanya sagana kami ng sex sa isat-isa. "Ahmm, busog pa ako eh! Parang gusto kong umidlip na muna bago kumain." magaan ang
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay
THIRD PARTY POV PATULOY sa paghabol si Christopher sa babaeng nakita niya. Hindi siya papayag na makawala ito sa paningin niya. Hindi siya papayag na basta na lang itong makalayo. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makaharap. Samantalang, takot na takot naman si Katrina habang patuloy siya sa pagtakto. Balak niyang pumunta sa siyudad para mama-limos at makabili ng gamot para sa Ate Amery niya. Naaawa kasi siya dito. May sakit ito at ayaw niya nang lumala pa iyun. Alam niyang matagal na siyang pinagbabawalan ng Ate niya na lumuwas ng siyudad pero sa sitwasyon ngayun, kailangan niya na talagang kumilos. Lalo na at hindi din talaga siya papayag na mapahamak ito. Simula nong dumating dito sa gubat si Ate Amery itinuring niya na itong hindi iba sa kanya. HIndi man niya ito kadugo pero napamahal na siya dito. Parang kapatid na nga din ang turing niya dito eh. Lalo na at hindi ito nagsasawa na turuan siyang magsulat at magbasa. "Wait! Who are you? Saan ka pupun
THIRD PERSON POV "SHIT, diwata ba iyun, Pare?" seryosong bigkas ng kasama ni Christopher sa pangangaso. "Yes...siya Christopher Villarama. Isa sa mga triplets na magkapatid na sila Charles at Charlotte. Anak ng mag-asawang Carmela at Charles Villarama. Isa sa mga apo ng namayapang mag-asawa na sila Gabriel Villarama at Carissa Perez. "Diwata? May diwata sa gubat na ito? Ano ka ba naman, walang diwata. Tao iyung nakita natin " seryosong sagot naman ni Christopher sa kaibigan niya. Kakabili lang niya sa nakabuyangyang na property na ito na matatagpuan sa Rizal. Actually, basta niya na lang binili pero wala pa naman siyang concret plan kung ano ang gagawin niya dito since gubat nga at maraming mga hayop ang nasa paligid Nanghihinayang din kasi siyang sirain ang gubat para lang tayuan ng mga istraktura. Hindi na kailangan. Talagang biniili niya lang ito sa dalawang may edad nang mag-asawa dahil hindi na daw nila ito maaasikaso.. Well, kitang kita naman ang ibedensya. Sobrang suk
AMERY HEART POV "ATE, umiiyak na naman po kayo." kasalukuyan akong nakaupo dito sa tabing ilog habang nakatitig sa kawalan. Mula sa aking kinauupuan, naririnig ko kanina ang tawanan nila Baby Elizabeth at Katrina. Kay bilis lumipas ng tatlong taon. Feeling ko natulog lang ako at nang magising ako, heto na. Malaki na ang anak ko. Hindi na siya baby at lumaki siya dito sa gubat na hindi man lang kami nahanap ng ama niya "Yes...kahit na nabasa ko noon sa isang magazine na engaged na si Elias kay Rebecca, umaasa pa rin ako na hindi siya titigil sa paghahanap sa amin. Na gagawa siya ng paraan para mahanap niya kaming mag-ina pero mukhang malabo na ang lahat. Sa takot ko noon, nawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko na lumabas ng gubat. Hangang sa hindi ko na namalayan pa ang mga taon na lumipas. Na nandito pa rin pala ako habang unti-unti nang lumalaki ang anak ko. "limang buwan na lang ang bibilangin at magpo-four years old na si Baby Elizabeth. Ni sa hinagap, hindi ko akal
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud