AMERY HEART POV PAGKATAPOS naming magpaaraw ni Baby Elizabeth, ang kanyang tagapag-alaga na ang bahala sa kanya. May Yaya ang anak namin ni Elias na magbabantay bente kwatro oras. Gusto ko lang talaga na every morning ako ang magpapaaraw sa kanya. Bonding na din naming mag ina iyun habang baby pa siya. Acually, kaya ko naman sanang alagaan si BAby na ako lang. Kaya lang hindi maaari. Naiipit kasi ako sa sitwasyon ng pagiging Ina ko at pagiging Doctor ko. Next month, nakatakda akong bumalik sa pangagagamot. Yes, wala akong planong tuluyang talikuran ang profession na ilang taon ko ding pinaghirapan. Pangarap kong maging Doctor simula noong bata pa ako kaya naman hindi ko basta-basta matatalikuran ang propesyon kong ito porket kaya naman ibigay ni Elias ang lahat sa amin ng anak ko. Pagkatapos kong ipagkatiwala ang anak ko sa yaya on duty nito, mabilis na din akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Pagkapasok ko pa lang, umagaw na sa paningin ko ang mga bulaklak na galing kay El
AMERY HEART POV "Hahaha! Bakit ganiyan ka kung makasagot? Feeling ko napipilitan ka lang eh." natatawang reklamo ni Elias sa akin habang nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi ko na din mapigilan pa ang matawa at kaagad na napakalas mula sa pagkakayakap niya. Pagkatapos noon masuyo ko siyang tinitigan sa kanyang mukha. Oo, galit ako sa kanya dahil babaero siya pero sa akin naman siya palaging umuuwi eh. Sa akin lang din naman yata siya nagproposed ng kasal. May anak na din naman kami kaya hindi din talaga pwede na basta ko na lang siyang pakawalan. Wala naman sigurong masama kung muli akong sumugal diba? Wala naman sigurong masama kung ibibigay ko sa kanya ang second chance na hinihilng niya. "Amery, gusto ko nang maayos na sagot mula sa iyo...please!" muli siyang bigkas. Nagkunwari akong napasimangot. Ano ba ang inaasahan niyang maging sagot ko? Eh, itong proposal niya din kakaiba eh. Idinaan niya sa pa note niya sa bulaklak samantalang ang kadalasang proposal na nalalaman k
AMERY HEART POV NASA mainit na kaming halikan ni Elias nang walang sabi-sabing mabilis ko siyang naitulak na siyang dahilan kaya naman bigla akong nakawala sa pagkakayapos niya. Ayun na eh. Naramdaman ko na ang dahan-dahang paglulumikot ng palad niya pero bigla kong narealized na hindi pa pala pwede. "Why? Akala ko ba ayos na tayo? Akala ko ba hindi ka na galit sa akin?" seryosong tanong niya. "Hindi pa pwede. Hindi porket umu-o na ako sa iyo pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo." seryosong sagot ko sa kanya habang pigil ko ang matawa sa hitsura niya ngayun. Para kasi siyang nalugi eh. Halata sa expression ng mukha niya na nabitin siya. "Amery, come on! Hindi ka ba naaawa sa akin? Mahigit limang buwan na akong walang sex eh. Tsaka, sobrang sabik na sabik na ako sa iyo. Kahit Isa lang... please!" nakikiusap niyang bigkas "No! Hindi pwede. Ayaw ko! Tsaka na lang kapag naikasal na tayo. Tsaka hindi porket pumayag na akong magpakasal tayo, ganoon ganoon lang ang lahat. May k
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "SURE ka na ba dito. I mean isang beses lang naman tapos ayos na. Hindi ka na namin yayayain at kukulitin." nakangiting wika ni Christopher sa akin. Bilang na bilang ko ang mga araw na nagdaan at halos hindi na ako makatulog dahil excited na ako sa nalalapit na kasal naming dalawa ni Amery. "Hindi nga pwede. Nangako na ako kay Amery na hindi na ako gagawa ng kalokohan." seryosong sagot ko sa kanya. Ilang araw na kasi nila akong inaawitan na magpa-bachelor party daw pero hindi ako pumayag. Hindi na kailangan dahil ayaw kong bigyan ng chance na muling magselos si Amery. Ilang araw na lang at ikakasal na kami at ayaw kong mapuranada iyun kaya nga ingat na ingat ako nitong mga nakaraang araw. Hospital at bahay na lang ang naging routine ko ngayun. Wala eh, gusto ko talagang patunayan kay Amery na nagbago na ako. Na hindi na ako gagawa ng mga bagay na makakasira sa relasyon namin. Nakakasawa na din pala ang pagiging happy go lucky. Ready na akong puma
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Elias, dumaan lang pala ako para magpaalam sa iyo. Magkikita kami nila Jeann at Charlotte kasama na din si Vernonica sa Mall." nakangiting wika niya pagkatapos kong pakawalan ang labi niya. Mula sa pagkakaupo mula sa swivel chair mabilis siyang tumayo at dinampot ang paper bag na dala nya. "Dinalhan na din kita ng food para sa lunch mo.Ako ang nagluto niyan. Hope you like it! Gustuhin ko mang mag stay hangang lunch kaya lang nandoon na daw si Jeann eh." muli niyang sambit. "Okay lang. Enjoy your pasyal, Sweetheart. Kapag matapos ako ng mas maaga, susundan di naman kita kaagad. Mag-enjoy ka lang.." nakangiti kong sagot. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi niya bago siya naglakad patungo sa pintuan ng aking opisina "Okay, see you later, Elias. Tatawagan kita kapag nasa mall na ako." nakangiti niyang sambit bago niya ako tuluyang iniwan dito sa ospisina. Pagkaalis ni Amery, punong puno ang puso ko ng tuwa at muli kong itinoon ang buo ko
ELIAS POV 'HINDI KITA PIPILITIN na panagautan ako pero sana kilalanin mo ang anak natin. Huwag ka naman sanang maging unfair sa kanya, Elias. Sana mahalin mo din siya kagaya ng pagmamahal mo sa anak niyong dalawa ni Amery." seryosong wika ni Rebecca. Hindi ako nakaimik. Kung anak ko nga ang nasa sinapupunan niya, gaano ba ako kawalang kwentang ama para itakwil siya. "After kong manganak, balak kong tuluyang ipaubaya sa iyo ang kustudiya ng bata. Alam ko kasing mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan. Alam kong mas mapabuti siya sa iyo kumpara sa akin. I am sorry Elias! Patawarin mo ako kung bakit ngayun ko lang ito sinabi sa iyo. Patawarin mo ako sa panibagong problema na hatid ko sa iyo." muli niyang bikgas "It's okay, Rebecca. Nandiyan na iyan at kung talagang anak ko iyan, ibibigay ko ang nararapat para sa kanya!" seryosong sagot ko. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ni Rebecca nang sabihin ko iyun. "Thank you! Thank you Elias! Don't worry, last na it
AMERY HEART POV "I am so happy for you, Amery. Imagine, ilang araw na lang at ikakasal na kayong dalawa ng pinsan naming si Elias. Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon noh!" nakangiting wika ni Charlotte sa akin. Kasama sila Jennifer, Jeann at Rebecca nandito kami sa isang coffee shop at masayang nag-uusap. Balak naming magshopping kaya lang, nauwi ang lahat sa pag-upo dito sa loob ng coffee shop habang hindi matapos-tapos ang pag-chika. Ngayun ko lang din lubos na na-feel na kay sarap palang maging fiancee at future wife ni Elias. Imagine, lahat ng mga pinsan niya kasundo ko. Tapos hindi din nagkakalayo ang edad namin kaya naman nagkaroon ako ng hindi lang mga kaibigan kundi best friends na din. "Masayang masaya din ako lalo na at hindi ko akalain na may chance pa palang magbago ang isang babaero na si Elias." nakangiting sagot ko naman sa kanila. "Well, halos lahat ng mga lalaki, babaero. Naku, mas worst pa ang pinagdaanan ko sa pinagdaanan mo bago naging maayos ang pa
AMERY HEART POV "Elias, may problema ba?" nagtatakang tanong ko kay Elias habang magkaharap kami dito sa dining area. Kitang kita ko kasi sa mukha niya na para bang may malaki siyang problema. Nag-uusap kami tapos bigla na lang siyang napatulala. Hinintay ko siya kanina sa mall pero hindi siya nakarating. May biglaan daw kasi siyang meeting at naiiintindihan ko naman iyun. Alam ko din namang busy siya eh at hangat maari ayaw kong makaapekto pagdating sa trabaho niya dahil alam ko namang hindi birong responsibilidad ang nakaatang sa balikat niya. "Ayos lang ako, Sweetheart! Masyado lang talaga akong napagod kanina sa trabaho. Pasensya ka na kung hindi na ako nakarating kanina sa mall ah? Bawi na lang ako next time." may pilit na ngiti sa labi na bigkas niya. "Ayos lang iyun. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa bagay na iyun. Marami pa namang next time eh." seryosong sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, kusa ko nang nilagyan ng pagkain ang pingan niya. "Kain ka na para makap
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay