Mag-log inJACQUELINE POV SUOT ang kupasin kong bistida na ilang taon ko na ding ginagamit, bumaba ako ng bahay at direcho sa garden kung saan kausap daw ng mga ito ang mga bisita Parating pa lang ako, narinig ko na ang malakas nilang tawanan. Na para bang magkasundo na sila habang ako naman, mabigat ang kalooban Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang lumapit sa kanila kung saan kaagad kong napansin ang pagtitig sa akin ng isang babae Bata pa ito, kung hindi ako maaaring magkamali, nasa 40s pa lang. Maganda siya at higit sa lahat, kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang sinisipat ako ng tingin mula ulo hangang paa. "Who is she?' seryoso nitong tanong. Bigla naman akong kinabahan lalo na at pagkatapos nito akong sipatin mula ulo hangang paa, nagtagal ang paningin nito sa aking mukha "Ha? Ahhh, oo nga pala! Siya ang sinasabi ko sa inyo. Si Jacqueline Torres, anak ko." nakangiting wika ni Daddy at nang mapatingin ito sa akin, napansin ko ang matinding pagkadismaya sa mga m
JACQUELINE POV Pagkatapos kong makaligo, himalang nakatulog ako. Nang muli akong nagising, madilim na ang buong paligid. Lulugo-lugo akong bumangon at binuksan ang ilaw ng aking silid. Kaagad an bumaha ang liwanag kasabay ng malakas na katok sa pintuan ng aking kwarto Dali-dali akong naglakad patungo doon at binuksan iyun kung saan kaagad na bumungad sa paningin ko ang walang iba kundi ang aking ama. Hindi kagaya kanina, mahinahon na ang hitsura nito. Pero sa mga titig niya, ramdam ko ang awtoridad. "May mga bisita sa labas, mag-ayos ka at sumunod sa akin." seryoso nitong sambit. Kaagad namang napakunot ang noo ko sa sinabi nito "Po? Sino?" nagtataka kong bigkas "Wala nang maraming tanong pa, Jacqueline! Huwag na huwag mong paghintayin ng matagal ang mga bisita dahil nakakahiya. Sumunod ka kaagad sa akin, ngayun na." seryoso nitong sambit sabay bato sa akin nag isang pirasong bestida Isang puting bistida na kaaad ko din namang dinampot. "Ayusin mo ang sarili mo. I
JACQUELINE'S POV At tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Hindi dahil masakit ang likod ko dulot ng pagkakabangga sa gilid ng kama kundi masakit isipin na kahit na kailan, never kong makukuha ang pagmamahal na sarili kong ama. Dahan-dahan akong napupo sa sahig, hawak ang mga punit kong libro. Isa-isa kong pinulot ang mga pahina, pero kahit anong pilit ko… hindi ko na mabuo. Kagaya ng kinasadlakan ko ngayun. Feeling ko, wala akong kakampi. Feeling ko, nag-iisa lang ako sa mundo. At ang masakit, kahit na sarili ko pang kadugo, walang pakialam sa akin. Napayakap ako sa sarili ko habang tahimik na umiiyak. Walang sigaw, walang drama, kundi yung tipong iyak na ubos na ubos ka na. At sa unang pagkakataon, hindi lang sakit ang nararamdaman ko. Kundi, may kasamang galit na! Tahimik, pero unti-unting lumalalim. At sa kaibuturan ng puso ko, may isang bagay na malinaw na malinaw na ngayon Hindi ako pwedeng manatiling ganito habambuhay. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong
JACQUELINE'S POV PAGKATAPOS ng katakot-takot na sermon at sampal na natamo ko mula sa mga taong itinuring kong pamilya, nakaraos din akong nakarating sa sarili kong silid Ang silid kung saan naging tahanan ko sa loob ng dalawampung taon. Maliit ang kwarto na ito, ang mga kurtina ay pinaglamuan na pati na din ang kobre kama. May sariling maliit na banyo at malilit na cabinet na lagayan lang ng ilang pirasong mga damit meron ko Kung totoosin, taliwas ang hitsura na kwarto ko sa tunay na hitsura ng bahay sa labas. Kung gaano kalaki at kaganda ng kwarto ni Aimee, siya namang salat sa akin Paano ba naman kasi, ang silid na ginagamit ko ngayun ay isa sa mga silid ng mga kasambahay. Hindi ko na naman mapigilan ang maluha. HIndi ko alam kung malas lang ba talaga ako or baka naman, ipinanganak lang talaga ako sa isang mundo na hindi ako bahagi. At kanina, pinagbawalan na ako ni Dad na lumabas ng bahay. Ibig sabihin, hindi na ako makakpag-aral pa Nasa ganito akong sitwasyon n
JACQUELINE'S POV Maayos naman akong nakarating ng bahay. At ang isang libo na ibinigay sa akin ng istranghero, ibinayad ko sa taxi. Hindi na din ako nanghingi pa ng sukli.. At pagpasok ko pa lang sa loob, ang nakangising mukha ng half sister kong si Aimee ang sumalubong sa akin. "LAGOT KA NGAYUN!" nakangisi nitong sambit. Alam kong isa iyung malaking babala. Kasi nga, halos tanghali na akong nakauwi. "Aimee, ano ang ginawa mo kagabi? Pinahamak mo ako!" galit kong wika dito. "Pinahamak? Hmmm, ang sabihin mo, malandi ka! Mana ka sa Nanay mong malandi." nakangisi nitong sambit. Kaagad namang naningkit ang mga mata ko sa galit. Dulot ng pinaghalo-halong galit na nararamdaman sa puso ko, kaagad kong itinaas ang aking kamay at direchong lumagapak sa pisngi nitong si Aimee. Kaagad naman itong napasigaw sa galit "Jacqueline!" galit nitong sigaw habang hawak ang nasaktan nitong pisngi "Kulang pa iyan! Alam kong masama ka pero hindi ko akalain na-------" "Ano ang nangyay
JACQUELINE'S POV Medyo kalmaado na ako nang muling lumabas ng banyo. At ang lalaki, nakaupo sa kama at tahimik na humihithit ng sigarilyo Nang mapansin niya ang paglabas ko, kaagad itong nag-angat ng tingin at direktang tumitig sa akin "Aalis na ako." mahina kong usal. Hindi ko na hinintay pa ang maging sagot niya. Kusa na akong naglakad patungo sa pintuan ng kwarto "Here, tangapin mo ito." napatigil ako sa paghakbang nang bigla na lang itong nagsalita. Nang lumingon ako, napansin ko ang isang pirasong papel na iniaabot niya sa akin Nang sipatin ko iyun ng tingin ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa pagkagulat nang mapansin kong isang cheke iyun "Hi-hindi! HIndi ko kailangan iyan!" mahina kong sambit. Kaagad akong nakaramdam ng galit sa puso ko. Ano ang akala ng lalaking ito, na isa akong bayarang babae? Na isa akong pakawala? 'Tsk, tangapin mo na. Isipin mo na lang na compensation ko para sa iyo ang laman ng tseke na ito. Lalo na at mukhang napuruhan yata k
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "Low battery ang cellphone mo? Kaya pala hindi kita ma-contact kanina pa. Nag-aalala tuloy ako sa iyo." seryosong sagot ko din dito pero ang totoo, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagdududa. Bakit amoy pabangong pambabae si Neilson? May mga bagay ba akong da
CASSANDRA VILLARAMA POV "Teka lang, saan tayo pupunta? Kung gusto mong ikutin ang mall na ito, ikaw na lang. Huwag mo na akong idamay at pagod na ako." hindi ko mapigilang wika kay Neilson sabay hila ng kamay ko na hawak pa rin nito hangang ngayun Hindi ko alam kung saan kami patutungo. Kanina
CASSANDRA “CASSY” VIILLARAMA “HAYSST, ang bigat mo!” angal ko habang maayos kong ipinapasok sa loob ng kotse ang isang istrangherong lalaki na nasipa ko sa bayag kanina. Wala eh, kahit naman hindi kaaya-aya ang nangyari sa akin ngayung gabi, tao pa rin naman ako. May konsensya, damdamin at higi
CASSANDRA “CASSY” VILLARAMA POV “Cassandra! Cassandra, saan ka pupunta? Cassandra!” tawag sa akin ni Neilson. Yamot na yamot naman akong napatigil sa paghakbang at naiinis ko itong hinarap. “Ano ba? Bakit ka ba tawag nang tawag sa pangalan ko? May dapat pa ba tayong pag-uusapan, Mr. Bracken?” P







