MasukJILLIAN POV "NAGKITA ulit tayo, Charlotte?" wika ni Mama Maureen kay Ate Charlotte. Bigla tuloy akong kinabahan. Si Kuya Peanut naman, halatang biglang naging alerto Dalawang babae na naging magkaribal sa iisang lalaki noon. At hangang ngayun, alam kong hindi pa rin nakakalimutan ang mga alaala ng nakaraan "Ralph, baka naman, mag-away sila." pabulong kong bigkas kay Ralph. Kahit ako, kinakabahan din eh. Paano na lang kaya kung magpang-abot ang dalawa? Wala pa naman akong lakas para umawat. "Oo nga eh...akala ko pa naman, hindi ka na makakalabas. Akala ko talaga sa kulungan ka na mabubulok!" wika naman ni Ate Charlotte. "No! Ikaw na din ang nagsabi noon na ang masamang damo ay matagal mamatay. Well, huwag kang matakot at huwag ka ding mag-alala. Hindi na ako interesado kay Peanut kaya ipagpalagay mo ang kalooban mo.'" seryosong sagot naman ni Mama Maureen. "Tsk, kahit pa landiin mo ulit ang asawa ko, hindi ka na niyan papatulan." mataray na sagot naman ni Charlotte
JILLIAN POV Mahigit isang buwang buntis at ang biglang pagkawala nito sa sinapupunan ko ay napakahirap tangapin. Walang gabi na hindi ako umiiyak. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ito nangyayari sa akin Sa totoo lang, napakahirap tangapin. Ang akala ko magiging masaya na kaming dalawa ni Ralph hindi pa pala. Ang pagkawalan ng supling na nasa sinapupunan ko ay isang napakalaking dagok na nangyari sa buhay ko "Anak, kumain ka. Nabangit sa akin ni Ralph na ayaw mo daw kumain.'" malumanay na wika sa akin ng walang iba kundi si Mama Maureen. Nang malaman nito ang nangyari sa akin, hindi ito nagkulang na dalawin ako dito sa hospital sa kabila ng busy nitong schedule. Kasali kasi ito sa isang teleserye na umiire na ngayun sa television. Balik sa dating trabaho ang biological mother ko pagkatapos ng halos twenty years na pagkakakulong "Normal lang ang malungkot pero palagi mong tandaan na hindi pa ito katapusan ng mundo. Nakalimutan mo na ba...matapang ka. Anak kita kaya al
JILLIAN POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay, pero nang muli kong idilat ang aking mga mata, tila may matinding kirot na agad na sumalubong sa buong katawan ko. Gustuhin ko mang gumalaw, hindi kaya! Masakit at makirot ang buo kong katawan. Dahan-dahan kong kinapa ang aking noo at napangiwi ako nang maramdaman ang basa at malagkit na likido. Dugo? May dugo ako sa ulo ko? Nahihilo man, pinilit kong igalaw ang aking ulo at nakita si Russell. Duguan ito, halos hindi na makilala ang dating anyo. Nakasandal ito sa wasak na bahagi ng sasakyan, at kahit hirap na hirap, pilit nitong ibinabaling ang paningin sa akin. Nanginginig ang labi nito habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ko. “Jillian… ayos ka lang ba? I’m sorry… I’m so sorry…” mahina nitong sambit, tila bawat salita ay pinipilit niyang ilabas sa kabila ng sakit. Lalong bumigat ang dibdib ko. Hindi ko napigilan ang mapaiyak, magkahalong takot at sakit ang bumabalot sa aking sistema. Hindi ko ma
JILLIAN POV "Huwag kang sumama, Jillian. Hindi ako papayag!" seryosong wika ni Ralph sa akin. Luha lamang ang naging tugon ko. Muli akong napasulyap kay Russell na seryoso pa ring nakatutok ang baril, hindi na kay Ralph kundi sa akin. Alam kong ayaw nitong bigyan ng pagkakataon ang kahit sino na pigilan siya. "Come on, Jillian, mahal ko. Halika na. Umalis na tayo," seryoso nitong sambit. Wala na akong nagawa kundi ang bumitaw kay Ralph. Oo, masakit, pero kailangan kong unahin ang kaligtasan ng lahat. "Good girl! Sabi ko na nga ba, ako naman ang pipiliin mo," nakangisi nitong wika. Hindi ako nakaimik. Tahimik akong naglakad palapit sa kanya, at nang tuluyan na akong makalapit, niyapos niya ako mula sa likuran habang itinapat ang baril sa aking sintido. Kaagad akong napaiyak sa matinding takot. Ang lamig na nagmumula sa dulo ng baril ay nagdulot ng matinding kilabot sa buong katawan ko. "Russell, ano ang ginagawa mo? Diyos ko, huwag mong saktan si Jillian!" halos magh
JILLIAN POV "Try it on, Russell! Alam mo, isa kang duwag! Bakit ba kasi hangang ngayun, hindi mo matangap na akin si Jillian. Nakatakda siyang maging akin at wala ka nang lugar sa puso niya!'" galit na sigaw ni Ralph pabalik. Akmang susugurin na naman sana nito si Russell pero bigla nalang tumigil ang mundo naming lahat. Dahil sa isang iglap, may inilabas si Russell mula sa likod niya. Isang baril. Napasinghap kaming lahat. Pakiramdam ko, biglang tumalon ang puso ko sa matinding takot. Lalo na nang itutok ni Russell ang baril kay Ralph. Nakakasa iyun at ano mang sandali, ready na nitong uputok. At nang ilibot ko ang tingin sa paligid, doon ko din nakita ang pagkagulat ng lahat. May mga napaatras. May napahawak sa dibdib. May napapikit. “Russell… ano ang ginagawa mo?!” nanginginig na sigaw ni Ate Jeann. “Ibaba mo iyan!” dagdag niya, halos maiyak na. “Nababaliw ka na ba? Saan ka kumuha ng lakas ng loob para magdala ng baril dito?!” Sinubukang hawakan ni Ate Jeann a
JILLIAN POV “RELAX! Nandito lang ako… hinding-hindi kita pababayaan.” Mahigpit ang pagkakahawak ni Ralph sa kamay ko, tila iyon na lang ang natitirang bagay na pumipigil sa akin para tuluyang manghina. Ramdam ko ang init ng palad nito, pero taliwas iyon sa lamig na unti-unting gumagapang sa buo kong katawan. Dahil sa isang bagay at isang presensya na labis kong kinatatakutan. Si Russell. Mas lalong kinain ng matinding takot ang puso ko nang nakita ko itong naglalakad palapit sa amin. Ni hindi man lang nito pinakingan ang pagpigil ni Ate Jeann. Mabagal… pero siguradong hakbang. Ang bawat paghakbang nito ay tila may kasamang bigat na parang may bagyong paparating. Matalim ang kanyang titig, diretso sa akin. Makikita sa mga titig nito ang matinding pagkadismaya at galit. At sa bawat segundo na lumalapit siya, mas lalo akong kinakabahan. Pagdating niya sa harap namin, walang sabi-sabing iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. “Jillian… congratulations sa
JENNIFER POV "Elijah!" unang katagang lumabas sa bibig ko sa muling pagmulat ng aking mga mata. Hangang sa panaginip, dala-dala pa rin ng isipan ko ang mga nangyari. Natatakot pa rin akong isipin na baka may nangyaring masama dito. "Jen, Sweetheart! Hey, nandito lang ako! Nandito lang ako!"
AMERY HEART DELGADO POV Habang kumakain kami napansin kong para bang may malalim na iniisip itong si Elias. Ayaw ko na sanang pansinin pa kaya lang nang mapansin ko na ang pagiging balisa niya hindi ko na napigilan pa ang magtanong sa kanya "May problema ba?" Saglit itong natigilan bago ako ser
AMERY HEART POV"Huhhh? Te-teka lang! Elias...ano ba? Tigilan mo na nga muna iyan." mahina kong bigkas. Iyun nga lang, parang walang narinig ang muli niya akong hinalikan sa labi. Matagal at mapusok na kaagad ko din namang tinugon.Bahala na! Wala naman na sigurong mawawala sa akin kung sakaling p
AMERY HEART DELGADO POV '"Ano ang ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong sa kanya! Parang wala lang naglakad ito patungo sa may likuran ko kaya naman mabilis akong napatayo at dumistansya ng kaunti sa kanya. Mahirap na! Baka kung ano na naman ang maisipan niyang gawin at hindi na naman ako maka







