MasukJACQUELINE POV Wala na, ang dating mayabang na Aimee ay hindi ko na mahagilap pa ngayun sa kanya. Ibang Aimee na ang nakikita ko ngayun sa harapan ko. At siguro, malaking bagay din ang pakakakulong nito kaya biglang nagbago ang ugali. “Ang sama ko! Sobrang sama kong kapatid sa iyo noon.” muli niyang wika. Hindi ako agad nagsalita. Hahayaan ko muna siyang ilabas ang lahat ng bigat na dala niya. Sa mga pagkakataong ganito, minsan hindi payo ang kailangan ng isang tao. Minsan, kailangan lang nilang may makinig. "Noong una akala ko masaya ako dahil ako ang pinili ni Martin. Pakiramdam ko noon panalo ako. Dahil nakuha ko na ang lalaking gusto mo. Pero, mali ako..maling mali ako.” umiiyak niyang wika. Hindi naman ako nakaimik lalo na at bigla ko din naisip na siguro, blessings in disguise din na naghiwalay kami ni Martin. Lalo na at ang kagaya niya ay mahilig palang manakit ng babae. Kung hindi kami naghiwalay, baka ako pa ang makakaranas ng mga naranasan ni Aimee ngayun. At m
JACQUELINE POV "SORRY, para saan?" seryosong tanong ko kay Aimee. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at hindi ko mapigilan ang magtaka nang makita ko ang maitim na pasa sa ilalim ng kanyang mga mata. At hindi lang iyun, halatang ilang araw na din siyang hindi nakakatulog nang maayos. Namamaga rin ang kanyang mga mata na para bang matagal na siyang umiiyak. "Ano ang nangyari diyan?" hindi ko mapigilang tanong. Si Daddy naman, napansin kong biglang napatiim bagang. Si Tita Norma, patuloy lang sa kanyang tahimik na pag-iyak Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na makikita ko sila sa ganitong sitwasyon. Ang mga taong dating nang-api sa akin ay parang mga basang sisiw na mga nakayuko sa harapan ko At dahil tao lang din ako at mabilis na maawa, kaagad kong tinawag si Manang Esther. Inutusan ko siyang maghanda ng miryenda para kina Daddy, Tita Norma at Aimee At nang marinig iyun ni Daddy, mabilis siyang nag-angat ng tingin at nahihiyang tumitig sa akin “Huwag na! Nakakahiya
JACQUELINE POV "MA'AM, may dumating pong bisita. Papapasukin ko po ba sila?" Kasalukuyan akong nagpapahinga sa aking silid nang marinig ko ang boses ni Manang Esther mula sa labas ng pinto. Balak ko pa naman sanang maligo maya-maya. Kakatapos lang naming mag-almusal ni Russell at maaga rin itong umalis upang magtungo sa opisina. Napabuntong-hininga ako habang marahang hinihimas ang aking tiyan. Kay bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nang malaman kong buntis ako, pero ngayon ay anim na buwan na pala ang dinadala ko. Malaki na ang aking tiyan at ramdam ko na rin ang bigat nito sa bawat kilos ko. Madalas tuloy akong tamarin at mas gusto ko na lamang magpahinga. Simula nang malaman kong may buhay na nabubuo sa aking sinapupunan, pansamantala muna akong huminto sa pag-aaral. Wala namang pagsisisi sa desisyong iyon. Sa ngayon, wala nang mas mahalaga para sa akin kundi ang batang ito. Ang panganay naming dalawa ni Russell. Ang munting buhay na araw-araw kong ipina
JACQUELINE POV “Pero, alam mo, sa kabila ng nagawa niyang kasalanan sa akin, hindi ko pa rin kayang magalit sa kanya. Russell, hindi ko kayang makita siyang nakakulong. Matanda na si Daddy at ayaw kong ako ang dahilan ng mabilis niyang paglisan sa mundo.” seryosong wika ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. “Jackie-----ano ang ibig mong sabihin?” seryosong tanong niya sa akin “Palayain mo na siya..bilang anak niya, iyun na lang ang huli kong magagawa sa kanya.” Seryosong sagot ko. Napansin kong ilang saglit din siyang natigilan. Pagkatapos noon, may ngiti sa labi na sunod-sunod siyang tumango “Okay, kung ano ang gusto mo, iyun ang masusunod.” sagot niya. Kaagad din naman akong nakahinga ng maluwag. “Alam mo ba kung bakit ito ang desisyon ko? Alam mo ba kung bakit sa kabila ng lahat, gagawin ko ito sa kanila?” muli kong wika. “NO! Hindi ko alam, pero kung sasabihin mo sa akin, makikinig ako.” seryosong sagot niya "Dahil pagod na akong balikan ang mga masasa
JACQEULINE POV "GRABE, sobrang na-miss ko ang kwartong ito." nakangiting wika ko kay Russell Kakarating lang namin dito sa bahay at pakiramdam ko ng sandaling ito, mas lalong lumuwang ang aking paghinga. Sa wakas, natapos din ang ilang linggo kong pagtitiis sa hospital. At least, sa ngayun, tuluyan na akong nakauwi at masasabi kong ligtas na kami ng baby na nasa sinapupunan ko "Mukhang namiss mo talaga itong bahay natin ah?" nakangiting tanong sa akin ni Russell "Hindi lang ang bahay kundi pati na din ang mga pagkain. Russell, parang gusto ko ng sinigang na sugpo." malambing kong wika sa kanya Mabilis naman siyang tumango "Sure, no problem. Ora mismo, palulutuan kita kina Manang ng mga pagkaing gusto mo." sagot niya naman sa akin Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pagkatakam Ito ang gusto ko kapag dito sa bahay...nagagawa at nakakain ko lahat ng gusto ko at higit sa lahat, mas nakakapaglambing ako dito kay Russell ************** Mabilis pang lumipas ang m
JACQUELINE POV "Oo nga," singit ni Jezzie habang napapailing. "Tama lang talaga na ipakulong sila. Noon pa man, wala na silang ginawa kundi pahirapan ka." Napalunok ako. Parang may kung anong kumikirot sa loob ng aking dibdib. "Kung alam lang namin na balak mo palang umuwi sa inyo noong araw na iyon, sana sinamahan ka namin. Hindi sana nila nagawa ang maitim nilang balak sa iyo." sabat naman ni Ernesto. "Maitim na balak?" mahinang bulong ko. Pakiramdam ko, biglang umikot ang buong paligid. Sa isang iglap, bigla na lang may lumitaw ng mga larawan sa isipan ko. Kagaya ng eksena sa mga panaginip ko., Isang babaeng umiiyak, malungkot at tumatakbo. Hangang sa----- Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking sentido. Sunod-sunod na eksena ang biglang bumalik sa aking alaala. Napakalinaw. Parang kahapon lang nangyari. Nakita ko ang mukha ng aking ama. Ang malamig niyang tingin. Ang galit sa kanyang mga mata. Narinig ko ang masasakit na salitang binitiwan
BARBARA POV Kung hindi pa siguro ako kinatok ni Mona, hindi pa ako magigising. Paano ba naman kasi, alas kwatro na ng madaling araw ako nakatulog kagabi dahil napuyat ako sa panonood. Hindi ko namalayan ang oras kaya naman ang ending, tinanghali na ng gising. “Barbara, alas dose na! Grabe, anon
BARBARA POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Pareho kaming nakalabas ni Charles ng hospital. Sa bahay kung saan kami nakatira pareho dumirecho kung saan isinama na din namin si Mona. Katwiran ni Madam Carmela, maganda na daw na may makakasama kaming dalawa ni Charles sa bahay nito para naman may
BARBARA POV Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng panlakad na damit. Nagpaganda na din ako at nang masigurado ko na okay na, lumabas na ako ng silid kung saan nadtanan ko si Mona sa sala na abala sa panonood ng palabas sa television. Nang maramdamam nito ang paglabas ko ng kwarto, napansin kon
BARBARA POV “Barbara, alam mo feeling ko, may maganda din na kahinatnan yata ang paghihiwalay niyo ni Sir Charles.” Maya-maya bulong sa akin ni Mona. Wala sa sariling nasiko ko ito. Ang sama ng ugali eh..masaya pa yata itong kaibigan ko sa paghihirap ng kalooban ko ngayun “haysst, huwag mo kasi







