LOGIN"I hate my boss." That was Adriana Rivera's only certainty—until she was forced to marry him. To save the life of her sick half-sister, the illegitimate daughter of the Rivera family agrees to an arranged marriage with the last man she wants: Garvin Harrison, her cold-hearted CEO. Ang Boss niyang kinasusuklaman niya sa lahat. Ang Boss niyang halos isumpa niya na. At work, he makes her life miserable. At home, he acts like a caring husband. Dahil sa pilit na kasal, sinisiguro ni Adriana ang distansya sa pagitan nila ni Garvin. But as the line between hatred and attraction begins to blur, she starts to question everything she felt about Garvin. Unti-unti, nakilala nito ang totoong siya. Unti-unti, umiiba ang landas ng nararamdaman niya. She married her worst enemy. Now she’s in danger of falling for him. Is she able to fight for it or just accept the fact that she’s already falling?
View MoreTagaktak na ang pawis ko. Halos nakalimutan ko na kung paano huminga dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng oxygen sa katawan.
Ngunit higit pa sa pagod, mas nangingibabaw ang nag-aapoy kong galit. Pumasok ako sa loob ng opisina habang mahigpit na nakahawak sa makapal na folder na muli niyang pinarebisa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at inggit. Habang ako ay mistulang bruha sa kakabalik-balik sa iba’t ibang departamento para ayusin ang kontratang pinapaulit-ulit niya, heto siya ngayon—preskong-presko at ayos na ayos. Nakaupo siya sa mamahalin niyang swivel chair na para bang wala siyang pinahirapang tao ngayong araw. Nakaluwag nang bahagya ang itim niyang necktie habang nakabukas ang unang dalawang butones ng puti niyang polo. Nakasuklay paatras ang makapal niyang itim na buhok na tila bagong ayos lamang. Matangos ang ilong niya at matalim ang panga na para bang inukit nang perpekto. Ang manipis niyang labi ay bahagyang nakakurba sa isang nakakairitang ngisi habang nakatutok ang tingin sa laptop sa harapan niya. Kahit nakaupo lamang, hindi maitatangging taglay niya ang awtoridad ng isang lalaking sanay na utusan ang lahat sa paligid niya. Nakakainis. Sobrang nakakainis. Lalo na dahil sa kabila ng pagiging perfectionist, mayabang, at ubod ng sungit niyang boss, hindi maikakailang isa siya sa mga pinakaguwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko. At iyon marahil ang pinakamasakit na parte. Ang magalit sa isang taong napakadaling kamuhian ngunit napakahirap hindi titigan. Pabagsak kong nilapag ang dokumento sa harap niya. He looked at me while I was giving him my sharpest stare. He didn’t even bother the way I looked at him. Kinuha niya lang sa harapan niya ang folder at pinasadahan ng tingin. Wala pang minuto, nilapag niya ang folder sa mesa at tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “No, I don’t like this,” mariing wika niya. Ibinalik niya ang tingin sa laptop. Inis kong kinuha muli ang folder. Pabagsak kong isinara ang p***o paglabas. Nang maupo ako sa workstation ko, agad akong napahawak sa noo. Isang linggo na. Isang buong linggo na niyang pinapaulit-ulit ang kontratang iyon. Bilang Executive Secretary ng CEO ng Harrison Holdings, isa sa pinakamalalaking construction at real estate companies sa bansa, trabaho kong siguraduhing maayos ang iskedyul, dokumento, meeting, at mga kontrata ng boss kong si Gavin Harrison. Sa madaling salita, ako ang kanang kamay niya. O mas tamang sabihin, ako ang kawawang empleyadong sumasalo sa lahat ng sumpong niya. Mula alas-sais ng umaga hanggang minsan ay alas-diyes ng gabi, halos wala na akong ginawa kundi habulin ang mga utos niya. “Adriana, revise this.” “Adriana, reschedule that.” “Adriana, where’s my report?” “Adriana, fix it.” Pakiramdam ko nga ay mas madalas ko pang marinig ang pangalan ko mula sa kaniya kaysa sa pamilya. Napabuntong-hininga ako at binuksan muli ang folder. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya kaarte sa kontratang ito. Isa itong merger agreement sa pagitan ng Harrison Holdings at Rivera Infrastructure—ang pinakamalaking business rival ng kompanya nila. Ilang buwan nang pinag-uusapan ng dalawang kumpanya ang partnership na ito. Kaya naman bawat salita, bawat numero, bawat tuldok at kuwit sa kontrata ay para bang buhay niya ang nakataya. Ngunit kahit na ganoon, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para pabalik-balikin niya ako nang parang yoyo. Nakakainis! “Nakakairita talaga. Hindi porket gwapo siya at maganda ang pangangatawan ay may kakayahan na siyang kaawaan ang ganitong ganda ko,” nanggagalaiti kong bulong. Pakiramdam ko ay masisira na ang keyboard ko sa sobrang diin ng pagkakapindot sa keyboard ko. Hindi pa man ako nakakatapos ng kalahating pahina, tumunog na naman ang intercom sa mesa ko. Napapikit ako. “Huwag mong sabihing siya na naman,” inis na bulong ko. Pinindot ko ang receiver. “Adriana…” Putangina, siya nga! “Yes, sir?” “My coffee.” Kumunot ang noo ko. “Your coffee?” “Now.” Pagkatapos noon ay pinatay niya agad ang tawag. Napatingala ako sa kisame. “Lord,” mariin kong bulong. “Kung kukunin Ninyo na po ako, ngayon na sana.” Hindi ko siya sinunod. Pumuti man ang mata niya, bahala siya sa buhay niya! Pagod na pagod na ako sa mga utos niya. Pati ba naman kape ay sa akin pa rin dapat iaasa? Manigas siya! Nang matapos ako sa ginagawa ko, bumalik muli ako sa opisina niya. Hindi ko na kinatok ang p***o. Diretso ko iyong binuksan at pumasok. Nakayuko pa rin siya sa mga dokumentong nasa mesa habang abala sa pagbabasa. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. “Nasaan ang kape ko?” Napapikit ako nang mariin. Talaga ba? Talagang iyon ang una niyang itatanong? “Namatay,” inis na sagot ko. Doon lamang siya nag-angat ng tingin. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. “Who?” kunot-noong tanong niya. “Ang kape mo.” Naningkit ang mga mata niya. “Very funny.” “I know.” Tahimik siyang tumitig sa akin nang ilang segundo. Pagkatapos ay sumandal siya sa kaniyang upuan. “My coffee, Adriana.” “In case you forgot, sir, Executive Secretary po ako. Hindi barista.” Tumaas ang isang kilay niya sa sagot ko. “Part of your responsibilities is assisting me.” “Hindi kasama roon ang pagtimpla ng kape.” “Hindi rin kasama roon ang pagsagot sa boss.” Napairap ako. “Then fire me,” malakas ang loob na hamon ko sa kaniya. Nagkatinginan kaming dalawa. Tila naglalaban ang titig namin sa isa’t isa. “I can’t fire you,” mahinang bulong niya. Pareho naming alam kung bakit hindi niya madaling magagawa iyon. Kinuha niya na lamang ang folder ko. Pinasadahan niya iyon ng tingin. Ito na naman, wala pang minuto ay ibinagsak niya na muli iyon sa mesa. “No.” Napasinghap ako. “Ano na naman?!” halos pasigaw kong tanong. Halos wala na akong kain at pahinga dahil sa punyetang mga rejection niya sa mga dokumento ko. He’s the worst boss that I’ve ever met! Tumaas ang isang kilay niya. “Your tone.” “Forget my tone! Ano na naman ang mali?” Tahimik niya akong tinitigan bago itinuro ang isang pahina. “Clause 7.” Agad kong binuklat ang dokumento. Kumunot ang noo ko. “Clause 7?” “Yes.” Mabilis kong binasa ang nakasulat. Wala akong makitang mali. “Sir, ito iyong mismong wording na ipinagawa ninyo kahapon.” “And?” Napapikit ako. Huminga ako nang malalim. Pilit na nilalabanan ang intrusive thoughts ko na huwag ko lang sana mapukpok sa ulo niya itong folder na hawak ko. May natitira pa naman akong kaunting respeto sa kaniya bilang empleyado niya rito. “Kayo po mismo ang nag-approve nito kahapon,” pag-papaalala ko sa kaniya. “I’ve changed my mind.” Nanlaki ang mga mata ko. Ang simple lang sa kaniya sabihin no’n— na para bang hindi man lang niya ako pinahirapan! “You’ve changed your mind?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Yes.” “Basta-basta?” “That’s how decisions work.” “No! That’s how dictators work!” Napataas ang boses ko. Kahit maging ang mga empleyadong nasa labas ay napaangat ng tingin sa mga cubicle nila. Mabagal na sumandal si Garvin sa kaniyang upuan. “Careful, Adriana.” “No, you be careful!” wala sa sariling wika ko dahil sa labis na inis. “Excuse me?” “Alam n’yo bang tatlong departamento na ang pinagpabalik-balik ko para sa kontratang ito?” “That’s your job.” Hindi ko siya pinakinggan. “At alam n’yo bang limang beses ko nang ni-revise ito?” patuloy ko pa. “Then make it six.” Pakiramdam ko ay may pumutok na ugat sa ulo ko. “Hindi ako robot!” “Good. Because robots don’t complain this much.” Napahawak ako sa dibdib ko. “Lord, bigyan Ninyo po ako ng lakas,” madramang bulong ko ngunit narinig niya pa rin iyon. “You need patience, not strength,” pagtatama niya sa panalangin ko. Talagang kailangan ko rin ng pasensya dahil gusto ko na siyang sampalin! “At kayo po ang dahilan kung bakit ubos na ubos na ang pasensya ko!” inis na singhal ko sa kaniya. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Nakakairita. Habang mas galit ako, parang mas lalo naman siyang naaaliw. “Revise it.” “No,” matigas na sagot ko. “Adriana,” tawag pa niya sa pangalan ko. “No.” Manigas siya! Pagod na pagod na ako kaka-revise. “Adriana.” May diin na ang pagkakatawag niya sa pangalan ko pero napairap lamang ako sabay iling. “No!” “Adriana Harrison,” mariing tawag niya sa buong pangalan ko. Natigilan ako. Nagkatinginan kami. Inis kong hinablot ang folder sa kamay niya at padabog na lumabas sa opisina niya. Nang makarating sa station ko, ginawa ko ang trabaho ko. “Adriana, uwian na! Hindi ka pa kumakain simula pa kanina, ah,” tawag sa akin ng kasamahan kong bakla. “Mamaya na ako uuwi,” pagod na sagot. Ang mga mata ay nakatutok sa computer. “Favorite ka talaga ni Sir pagdiskitahan. Ito nga si Maria ay hindi pa nababasa, approve na agad,” I clenched my jaw. Nakakainis ang lalaki na iyon! Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Nag-commute lamang ako. Pagbukas ko ng p***o. Nakaupo ang walang hiya sa sala. He looked compose while sitting on the couch. His eyes were close. He still didn’t change his cloth. Kung ano ang suot niya sa opisina, iyon pa rin ang suot niya ngayon. I suddenly get annoyed in myself because I can’t help but still admire him. I looked at his ring, exactly the same as mine. Hindi ko akalaing maikasal sa kaniya. Hindi ko akalain matali sa isang lalaki na kinaiinisan ko. No other than, Garvin Harrison… my worst husband."Paubos na ang laman ng ref natin. I think we need to buy some groceries," bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Garvin.Ibig sabihin ay magkasama kaming bibili sa grocery? Hindi ako makapaniwala. Eh, dati nga, kung minsan ay siya lang mag-isa ang naggo-grocery at nagpapalista lang siya sa akin ng mga gusto kong bilhin. O hindi kaya'y ako ang nagte-take ng initiative na bumili kapag paubos na ang laman ng ref. Lalo pa't napapansin kong siya lagi ang nagluluto para sa aming dalawa."D-dalawa tayo?" nagtatakang tanong ko. Hindi ba siya natatakot na may makakita sa amin na kakilala namin?Narinig ko ang marahas niyang buntong-hininga. "Oo, dalawa tayo. Don't worry, walang makakakita sa atin," mahinang wika niya. Para bang may hinanakit siya nang sabihin iyon.Napasimangot ako. How funny. No one knows about us. Tanging kami lang dalawa at ang mga magulang namin ang nakakaalam.Even my parents won't let me reveal our marriage to everyone. Low-key lang daw dapat. Huwag pilitin si Garvin
Hindi ko alam kung paano kami nakauwi pagkatapos no'n. I can't believe how many years of secretly being married to him. Ngayon ko lang siya nahawakan ng ganoon. Ngayon ko lang naramdaman ang init na dala niya sa akin. Totoo't nakakaramdam na ako ng pagnanasa sa kaniya noon pa man. Kaya't aksidente ko siyang nasumbatan na ni kahit minsan ay hindi kami nakapagtalik na dalawa. Ngayon, hindi ko pa matatawag na p********k ang ginagawa namin. He just tasted me. And I tasted him. Iba pa rin kapag mag-isa ang katawan namin. I can't believe that I desire for this... I desired for him. Alangan naman sa ibang lalaki ko ito hahanapin. Eh, siya ang asawa ko. Even though it's a secret and we don't truly love each other. But I vowed that I won't cheat. Ayokong isipin niyang manloloko akong asawa. Kahit inaalila niya ako sa trabaho. Inaalila nga ba? Kahit pinapahirapan niya ako. Hindi ako manloloko. Kinaumagahan, nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Unti-unti akong napadilat.
"Pero hindi ka pumupunta sa bar, 'di ba?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Hindi naman talaga," sagot pa niya, bagay na mas lalong ikinapagtaka ko. "Pero sabi mo—" "Damn it. Isn't it obvious? Pupunta lang ako roon para sa 'yo," napasinghap ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay parang bumigat ang bawat paghinga ko. Pakiramdam ko ay naramdaman niya rin iyon. He looked at my chest as I breathed heavily. Kitang-kita niya ang pagtaas-baba nito. Kung isubsob pa niya ang mukha niya sa dibdib ko ay paniguradong pati ang walanghiyang kabog ng puso ko ay maririnig niya rin. Tila ba nakikipagkarera ang mga ito sa sampung kabayo sa sobrang bilis ng tibok. Damn it. Why am I suddenly melting? "Maybe I need to set a rule about that goddamn professional clothing," aniya habang nananatili ang tingin sa dibdib ko. Napatingin ako sa suot ko. Off-shoulder ang blouse ko, bahagyang nakalantad ang aking balikat at kaunting cleavage. Hindi naman iyon ganoon ka-revealing. At lalong hindi ko iyon sinuot
Sandaling hindi ako nakasagot sa biglaang tanong ni Clara. Sa huli ay napatikhim ako. "Iyon ba? Nagkita kasi kami sa daan. Naghihintay ako ng sasakyan, sakto rin namang nakita niya ako. Kaya nag-offer na lang siya na sabay na lang kami papuntang kompanya," pagsisinungaling ko pa. Naningkit ang mga mata ni Clara. Napakunok naman ako dahil doon. "Nakakapagtataka lang kasi. Magkaaway kayo pero kakaiba ang tinginan ninyo minsan," nag-iisip na wika pa niya. Halos magpasalamat ako nang biglang bumukas ang elevator. Papalabas pa lang ako bigla na akong hinila ni bakla. "Ang tagal mo naman doon kay Sir. Himala at hindi kayo nagsisigawan, ah," nakangising ani pa niya. Halos kaladkarin ako ni bakla. Habang naglalakad kami. Napasulyap ako kay Clara na nakasunod sa likod namin ngunit ramdam ko ang lalim ng titig niya sa akin. Pakiramdam ko nga ay parang hinuhukay niya ang kaloob-loobanbko sa pagitan ng tingin niya. Nakahinga ako ng maayos nang maupo siya sa station niya. "Ang weird ni






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.