“So, what do you think? Pipirmahan ba natin? Remember, isang malaking kumpanya ang nasa likod ng Villarama-Santillan beach resort kaya kahit na alam kong sobrang busy ka, talagang pinuntahan kita dito para isingit na maidiscuss ang offer nila. Once kasi na pumayag tayo, hindi ilang ito ang maging project mo sa kanila eh. Baka marami pa!” “Ate, pwede kaya? I mean…busy pa ako ngayun. Paano ko isisingit ang shooting sa company nila?” seryosong tanong niya dito. “Alam nilang busy ka sa pagso-shoot ng first movie mo pero makakapaghintay naman daw sila. Tatanungin ko din si Philip sa mga natitira mong mga eksena. Mabilisang shoot lang naman ito. Siguro matagal na ang one week kaya naman, kaya naman siguro ng schedule mo.” Nakangiting sagot ng Ate niya. Well, halata sa boses nito ang excitement kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango na lang. Sinabihan niya ang Ate niya na willing siyan pumirma ng kontrata kaya masaya itong umalis ng set. Mabilis lang din naman gawan ng paraan
“Maghunos dili ka nga, Christopher! Ano iyan, willing kang maging criminal dahil sa isang babae na hindi mo nga kayang lapitan?” May halong pagkadismaya sa boses ni Carmela na wika sa anak nito. Samantalang ang amang si Christian naman ay tahimik lang. Nakatitig sa anak habang tikom ang bibig nito. Kung ano man ang iniisip, siya lang ang nakakaalam. Nababaliw na nga siguro ang anak nilang si Christopher. Kung anu-ano na lang kasi ang lumalabas sa bibig nito eh. “Mom, ano ba ang dapat gawin! i love her! I really love her at ayaw kong makita na may ibang lalaking aali-aligid sa kanya! Hindi ko siguro kakayanin na makita siyang pagmamay-ari na ng iba!” Giit ni Christopher. “I know na you love her! Pero for God sake Christopher, gusto mo bang patayin ako sa nerbiyos? Kung mahal mo ang tao, lapitan mo! Suyuin mo! Hindi iyung kung anu-ano ang umaandar diyan sa kukute mo!” seryosong sagot ni Carmela sa anak! “Mom! What to do! Hindi ko po kaya!.” seryosong sagot naman ni Chrisotph
Christopher pov “Fuck! Fuck! Fuck!” galit na sigaw ni Christopher. Kakagising niya lang at dahil siya nga ang number one fan ni Katrina or Jullianne, updated siya sa mga kaganapan sa mga nangyayari dito. Dahil nga naka-follow siya sa lahat ng social media account na related kay Katrina, pagmulat pa lang ng mga mata niya, iyun kaagad ang tiningnan niya at kaagad na sumalubong sa paningin niya ang hindi magandang balita “Dexter and Jullianne, seen together at a coffee shop? Are the two really dating or maybe they're already in love?” maintrigang caption na mas lalong nagpakulo ng dugo niya. Walang sabi-sabing ibinato niya ang kanyang cellphone na siyang naging dahilan ng pagkabasag nito. Tiim bagang at puno ng galit sa mga matang tumitig siya sa kawalan “Tsk! Dating? Nakalimutan mo na ba ako dahil nagawa mo nang makipagdate sa iba, Katrina?” galit niyang tanong. Sa matinding frustrations na nararamdaman, wala sa sariling napasabunot siya sa kanyang sarili. Hindi siya papayag na ga
JULLIANNE/ KATRINA NAG-UMPISA na ang shooting na gaganapin sa isang probensya na matatagpuan sa norte. Mas lalong naging abala si Katrina. Naging smooth naman ang paganap niya sa script na para sa kanya. May mga araw na puyatan pero kagaya ng mga sinabi niya, kakayanin ang lahat Nakalipat na din ang triplets sa bahay na binili niya kung saan inuuwian din palagi ng kanyang Kuya Julius na labis niyang ipinagpasalamat. Naging abala man siya sa buhay, todo suporta naman sa kanya ang kanyang mga kapatid. “Nandito siya sa loob ng kanyang kotse at sinasaulo ang kanyang script nang bigla na lang siyang lapitan ni Sheena. Sinabi nito na siya na daw ang susunod kuhaan ng eksena. Pagakatapos ng eksena na ito, pwede na silang umuwi kaya naman, mabilis na siyang lumabas ng kanyang kotse kung saan unang sumalubong sa kanya ay ang mga staff at mga tao sa likod ng camera. Sinabi nito kung saan siya tatayo at kung sino ang kanyang ka-eksena. Si Dexter pala! Siya ang fairy at kasalukuyang naki
JULLIANNE Oh! Ang mga babies ko, ang mga anak ko!” Tuwang tuwa niyang wika. Kakarating lang ng bahay ng mga anak niya galing sa mahabang biyahe kasama ang Kuya niya pati na din ang tatlong mga yaya’s ng mga ito. Hindi siya magkamayaw sa kakahalik sa tatlo niyang mga anghel. Halos isang buwan din siyang nawalay sa mga ito at talagang na-miss niya ng sobra. “Kuya, kumusta ang biyahe? Hindi ba kayo nahirapan sa kanila?” nakangiting tanong niya sa Kuya niya. Mabuti na lang talaga at maaasahan ang Kuya Julius niya eh kung hindi naku, talagang mag-aalala siya ng sobra sa mga anak niya. “Ayos lang! Mababait ang mga iyan maliban na lang kay Carter.” Nakangiting sagot naman ng Kuya Julius sa kanya. Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti at seryosong hinawakan sa dalawang kamay ang Kuya niya para magpasalamat “Salamat, Kuya! Mabuti na lang talaga at nandiyan ka eh. The best Kuya in the world ka talaga!’” nakangiting wika niya dito. Natawa naman ito bago isa-isang tinitigan ang triplet
Next chapter. “Susundan pa ba natin siya? Bro naman, alam mo bang kanina pa tayo sunod nang sunod kay Katrina? Hindi ka ba napapagod?” seryosong tanong ni Charles sa kapatid. Hindi naman sumagot pa si Chritopher bagkos nakatutok ang mga mata sa bintana ng saksakyan. “Naku naman, kung gusto mo ako na lang kaya ang lalapit kay Katrina. Sabihin ko na gusto mo siyang makausap. Para matapos na ito. Once and for all para makapag usap na din kayo ng maayos.” Muling bigkas ni Charles. “Don’t dare! Masaya ako sa ganito at huwag mong pangunahan ang mga desisyon ko. Tsaka, ano nga pala ang problema mo? Bakit ka ba buntot nang buntot sa akin?” seryosong tanong niya dito. Ilang araw niya nang napapansin itong si Charles. Kung nasaan siya, nandoon din ito. Kumbaga, palaging nakadikit sa kanya na parang glue. “Utos nila Mommy at Daddy! Sundan daw kita kahit saan ka magpunta at baka kung ano ang gawin mo.” Sagot nito. Hindi niya naman mapigilana ng mapataas ang kabilang sulok ng labi. Utos pa