CHRISTOPHER SA loob ng kwato, wala nang ibang ginawa si Christopher kundi ang titigan ang mga larawan nilang dalawa ni Katrina na nasa gallery ng kanyang cellphone. Lalo siyang nakaramdam ng lungkot sa puso niya. Alam niya sa sarili niyang sobrang na miss niya na ang dalaga. Ito ang laman ng puso at isipan niya. Walang oras na hindi niya nababangit ang pangalan nito Ano ang nangyari sa kanila? Paanong napalitan ng luha ang dating masaya nilang relasyon? Nangako siya noon sa dalaga na mamahalin at aalagaan niya ito pero naging kabaliktaran ang lahat. Sinaktan niya ito. Pinaasa at pinaluha niya at ngayun mukhang wala nang pag-asa ang relasyon nilang dalawa. Siya na itong kusang sumuko. Siya na itong kusang nagtulak sa dalaga na layuan siya pero bakit ganoon? Bakit sobrang sakit pa rin? “Katrina? Mahal ko! Mahal na mahal kita” mahina niyang bulong sa kanyang sarili. Mariin siyang napapikit ng kanyang mga mata kasabay ng pagpatak ng lua sa kanyang mga mata. Miss na miss niya n
Mablis na lumipas ang mga araw. Matagumpay ang naging biyahe ni Katrina patungo sa Japan. Isang linggo lang silang namahinga at nag-umpisa na kaagad ang pictorial tungkol sa produkto na i-endorse niya. First time gawin ni Katrina ang ganitong bagay pero hindi naman siya nahirapan dahil palaging nakaalalay sa kanya ang Ate Jasmine niya. Palagi nitong sinisigurado na ayos lang siya kaya naman naging magaan lang sa kanya ang lahat-lahat. Feeling niya nga naglalaro lang siya eh. Samantalang si Christopher naman ay mas lalong naging mainitin ang ulo. Wala na itong ginagawa sa magahapon kundi ang magkulong sa kwarto. Ayaw din nitong makipag-usap kahit kanino na labis na nagbigay ng sakit ng ulo sa kanyang mga magulang. “Mom, baka naman nagpapakipot lang iyang si Christopher. Baka naman hinihintay lang niya na dalawin siya ni Katrina kaya siya nagkakaganiyan? Minsan kasi, pinapairal ang pride eh. Ni hindi man lang naiisip na masyado na palang nakakasakit sa damdamin ng iba.” Seryosong
“Katrina!” nakangiting salubong ni Amery kay Katrina. Hindi akalain ni Amery na dadalaw sa kanya ang dalaga. Balita niya, halos hindi daw lumalabas itong si Katrina sa condo unit nito dahil nga sa mga nangyari. Masyado nitong dinamdam ang pandi-deadma dito ni Chritopher. Well, kahit naman siguro sino, masasaktan ng sobra diba? “Ate…kumusta po kayo? Si Elizabeth po? Nasaan siya?” nakangiting wika naman ni Katrina kay Amery. Nakipagbeso-beso pa siya sa Ate niya bago niya iginala ang paningin sa buong paligid. “Nasa School pa siya. Teka lang, kumusta ka na? Mabuti naman at naisipan mong dalawin ako. Teka lang, bakit parang ibang kotse yata ang gamit mo?” nagtatakang tanong ni Amery sa dalaga. Saglit na natigilan si Katrina. Sa totoo lang, gusto niya sanang ikwento sa Ate niya ang tungkol sa pagkikita nila ng mga kapatid niya kaya lang, wala siyang balak na magtagal eh. Nangako siya sa Ate Jasmine niya na dadaan siya sa opisina nito at isa pa…flight niya na bukas. Kailangan niya n
Katrina KINABUKASAN, sabay ulit silang magkakapatid na kumain ng breakfast. Walang katapusan ng kwetuhan pero sa pagkakataon na ito, wala nang luha. Puro na masayang tawanan ang umaalingawngaw sa buong paligid. Masayang kausap sila Kuya Julius at Ate Jasmine. Iyun ang napatunayan ni Katrina. ‘”Kuya, hindi ka ba sasama sa amin bukas patungo sa Japan?” tanong pa nga ni Jasmine sa Kuya nila. Kaagad namang tumango si Julius. Gustuhin niya mang sumama hindi talaga pwede! Lalo na at may mga business meeting siyang dadaluhan. “susunod ako sa inyo! Promise, maybe next week nasa Japan na din ako.” Nakangiti nitong sagot. “Okay, asahan namin iyan ha? Siguro uunahin na lang naming ang pictorial ni Julllianne/ katrina para pagdating mo, mamasyal na lang tayo.” Nakangiting sagot naman ni Ate Jasmine “Pictorial? Hindi ba pwedeng ipagpaliban na muna iyan? Hindi ba pwedeng pagkatapos na lang manganak ni Katrina gawin ang project na iyan?” sa isang iglap, biglang naging seryoso si Julius.
Katrina “Kuya….” Mahinang tawag ni Katrina sa lalaking kakarating lang. Tuluyan niya nang iniwan ang condo unit kung saan siya nakatira at nandito siya sa ngayun sa Mansion San Juan. Bahagi siya ng pamilya na ito kaya dapat lang na dito na siya titira. “Jullianne! Ikaw na ba iyan, bunso?” nakangiti nitong wika sa kanya. Iniunat pa nito ang dalawang kamay habang mabilis ang hakbang na naglakad palapit sa kanya at nang makalapit sila sa isat-isa, mahigpit siya nitong niyakap “Kuya! Ikaw ba ang Kuya ko?” umiiyak niyang sambit.Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao. Masaya siya dahil sa wakas nakilala niya na din sa wakas ang Kuya niya at malungkot siya dahil hindi na pala siya nabigyan ng pagkakataon na makapiling ang mga magulang nila. “Yes! Bunso, I am sorry! Patawarin mo ako kung natagalan bago ka namin nakita. Pero maniwala ka sa akin or hindi, ginawa namin ang lahat para lang matagpuan ka pero bigo kami.” Madamdamin nitong wika sa kanya. Hindi niya naman
KATRINA Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang napagising sa kamalayan ni Katrina. Halos alas dos pa lang naman ng hapon at hindi niya man lang namalayan na nakaidip pala siya. Pupungas-pungas siyang bumangon at basta na lang hinablot ang isang roba at ibinalabal iyun sa kanyang katawan. Ni hindi na nga siya nag-abalang magsuot ng tsinelas. Basta na lang siyang lumabas ng kwarto at direchong naglakad patungo sa pintuan ng unit kung saan pagkabukas niya pa lang, hindi niya mapigilan ang magulat nang mabungaran niya si Mam. Jasmine. Bago siya nakapag react, nagulat pa siya nang bigla na lang siyang yakapin nito ng mahigpit. “Jullianne! Ikaw si Julianne!” wika nito kasabay ng impit na pag-iyak. Kaagad na namilog ang mga mata niya sa gulat. Hindi niya ito inaasahan “Ha? Anong? Teka lang po. Paano niyo nasabi na ako talaga si Jullianne? Ang nakababata niyong kapatid?” gulat niyang tanong dito. Kahit na mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, pilit pa rin siyang kumakawala at hindi n