JENNIFER MADLANG-AWA POV
"Sino po ba kayo? Ano ang kailangan niyo sa akin?" muling tanong ko sa lalaking katabi ko ngayun! Parang hari ang kanyang awra samantalang para naman akong basang sisiw! Lamig na lamig dulot ng pagkabasa sa ulan! "Are you sure hindi mo ako kilala? Ang bilis mo naman yatang nakalimot, MIss. Madlang-awa!' seryoso nyang bigkas kasabay ng pagtangal niya sa kanyang suot na eyeglasses! Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hitsura niya! Shit, walang iba kundi ang ama ng batang nalunod! Shocks, sino ba ang hindi makakakilala sa kanya? Although iba ang awra niya ngayun alam kong siya lang naman ang ama ng batang si Ezekiel! "Ano ang kailangan mo sa akin? Mr. Valdez...kidnaping itong ginagawa niyo at malaking kasalanan ito sa batas!" kahit na natatakot, pinilit ko pa ring magtapang-tapangan! Hindi pwedeng makita niyang natatakot ako sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan sa nangyari sa anak niya! Biktima lang din ako! Sinungaling lang talaga si Ethel at idinawit ako sa kapabayaan na ginawa niya sa anak niya kaya nalunod ito! "Kidnapping? Kung iyun ang tingin mo, I don't care!" mahina niyang bigkas! Muli niyang isinuot ang kanyang eyeglass sabay dampot ng isa pang coat at pahagis na ibinigay sa akin! "Fix yourself! Sa panahon ngayun, bawal kang magkasakit dahil may mga bagay ka pang dapat gawin para naman mabayaran mo lahat ng mga pagkakasala mo sa akin!" walang emosyon niyang bigkas! Wala sa sariling muling napatitig akio sa kanya! "Nakulong na ako ng isang linggo dahil sa nangyari sa anak mo at kahit wala akong kasalanan tinangap ko iyun! Huwag kang abusado Mr. Valdez..pakawalan mo ako! Wala akong kasalanan na nagawa sa iyo kaya tigilan mo ako!" naiinis ko nang sagot sa kanya! Kahit na alam kong pamangkin siya ng mga may-ari ng Villarama-Santillan Beach resort hindi ko talaga siya uurungan! Tutal naman sanay na ako sa magulong buhay eh! "Kulang pa ang pagkakulong mo ng isang linggo sa kapabayaan na ginawa mo! Namatay ang anak ko dahil doon kaya dapat lang na mapagbayaran mo din iyun at sisiguraduhin ko sa iyo Ms. Madlang-awa...mahal akong maningil!" seryoso niya ding sagot sa akin! Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng matinding takot! Ano ang ibig niyang sabihin? Ano pa bang kabayaran ang gusto niya gayung malinaw pa sa dagat ng beach resort na wala akong kasalanan! Siguro naman nag-imbistiga siya pero bakit lumalabas pa rin ngayun na kasalanan ko? Baliw ba siya? "Wala nga akong kasalanan sa mga nangyari! Ginawa ko ang lahat para maisalba ang anak mo pero wala na talaga eh! Wala na siyang pulso noong naiahon ko siya sa dagat!" kaagad ko ding sagot sa kanya! Hindi siya nakaimik pero napansin ko ang lalong pagsalubong ng kilay niya! "Tsaka, hindi ako tutulungan ng mismong pamunuan ng beach resort kung kasalanan ko ang mga nangyari!" muling bigkas ko pero para bang wala na sa kanya iyun! Napansin ko kasing hindi na siya siya sumagot pa kaya nanahimik na din ako. Baka kasi kung patuloy pa akong kukuda, lalo siyang magalit sa akin at ihagis ako sa labas ng sasakyan! Lalong lumakas ang ulan at halos zero visibility na ang labas! Tsaka, kanina pa tumatakbo itong sasakyan at sure ako na medyo malayo na kami sa baryo kung saan ako nakatira! Sabagay, pinalayas na nga pala ako sa amin kaya wala na ding dahilan para pumalag pa ako! Katunayan nga hindi ko alam kung saan ako pupunta eh! Hindi niya naman siguro ako sasaktan diba? Mukhang hindi naman siya mamamatay tao! Nagkataon lang siguro na galit siya kaya medyo nakakatakot ang awra niya pero kung may balak siyang masama sa akin, baka kanina niya pa ginawa! Haysst! Bahala na nga siya! Wala naman na akong choice kundi ang sumunod sa agos ng buhay eh! Hindi niya naman siguro ako gagawan ng masama dahil kilala ko ang mga relatives niya! Dinig ko mabait ang angkan nila kaya hihdi niya naman siguro ako ipapatay nang dahil lang galit siya sa akin! Wala sa sariling napahigpit ang pagkakahawak ko sa jacket na ibinigay niya! Dahil sa pagkabasa sa ulan, nakakaramdam na ako ng panlalamig! Dagdagan pa na bukas pa yata ang aircon ng sasakyan! "Mr. Valdez..pwede bang pakipatay muna ng aircon? Tutal naman medyo malamig ang panahon eh! Basa ako at baka magkasakit ako!" Lakas loob kong bigkas! Tinitigan niya lang ako kasabay ng pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya! "Kung basa ka..maghubad ka, problema ba iyun?" seryoso niyang bigkas! Kaagad ko naman siyang pinanlakihan ng mga mata! Baliw ba siya? Maghubad daw, eh makikita niya ang pinakakaingatan kong yaman? Haysst, bahala na...titiisin ko na lang ang lamig kaysa naman maghubad ako sa harapan niya noh! Pervert yata ang gagong ito eh!“Bakit ayaw mo? Teka lang, bakit ka namumula? Shit, ang cute mo talaga!” sagot naman nito kaya hindi niya mapigilan ang mapalunok ng sarili niyang laway. Ano ba itong mga sinasabi ni Sir Kiel? Nakakkahiya. “Huhh? Ahmmm, Akala ko ba uuwi na tayo?” sagot niya dito. Ayaw niya nang isipin ang sinabi nitong si Sir Kiel. Nahihiya siya at naaasiwa siya. “Ahh, yeah, sure!’ nakangiting sagot nito sa kanya sabay bukas nito ng pintuan ng kotse. Akmang alalayan pa nga sana siya nito papasok ng kotse pero sinabi niyang--- “Sir, kaya ko na po.” Pagkasakay niya ng kotse, buong pag-iingat na isinara ni Sir Kiel ang pintuan ng sasakyan. Umikot ito patungo sa kabilang side ng pintuan at bago ito nakasakay, nagsalita na naman si Mona. “Barbara, narinig ko iyun. Gusto kang ligawan ni Sir Kiel?” wika nito pero hindi niya na nasagot pa dahil sumakay na si Sir Kiel ng kotse. Pumwesto ito sa harap ng manibela sabay titig na naman sa kanya. “Well, kailangan na nating bumiyahe. For your safety, c
“Barbara? Si Barbara na ba siya?” nakangiting tanong ni Sir Kiel kaya hindi tuloy mapigilang mapangiti ang magkaibigang Barbara at Mona. Patawa itong si Sir Kiel eh. Gulat na gulat sa bagong transformation ni Barbara. “Sir naman! Nagpapatawa, hindi naman kalbo! Alam niyo po kasi Sir, alam kong maganda ang kaibigan ko kaya huwag masyadong pahalata na crush mo na siguro siya.” Nakangiting wika ni Mona. Ang kaninang ngiti na nakaguhit sa labi ni Barbara, biglang naglaho. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya sa sinabi ni Mona. Oo, nakakakahiya. Napaka- bulgar naman kasi ng babaeng ito eh “Hala, Mona…parang sira! Nakakahiya kay Sir Kiel.” Pabulong niyang wika pero tinawanan lang siya ni Mona samanatalang si Sir Kiel naman, nakatitig pa rin sa kanya. “Yeah, I think crush ko na si Barbara. Grabe, ang ganda mo!” nakangiting wika ni Sir Kiel kaya naman hindi na siya nakapagpigil pa. Kaagad niya nang niyaya si Mona na uuwi na sila. Baka kasi kung saan-saan pa mapunta ang usapan nila eh.
“Ha? Talaga? Gusto niyong kunin na model ang kaibigan ko?” gulat na tanong ni Mona. Samantalang hindi naman makapaniwala si Barbara sa narinig. Ni sa hinagap kasi, hindi niya inaasahan na may mag-aalok sa kanya ng mga ganitong bagay eh. “Parang ganoon na nga! Tumpak, girl! Pero siyempre, may kapalit ang pagkuha ko bilang model sa kanya! Iyung serbisyo namin sa inyo ngayun, free na!” nakangiti nitong sagot. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Mona sabay ngiti “Ano, Barbara? Palagay mo?” tanong ni Mona. “Hindi ko alam. Ano ba ang ginagawa ng isang model?” nagtataka niya ding tanong “Madali lang! Ayusan ka lang namin ng kaunti, tapos pipicturan ka namin. Tapos ang larawan mo, ididikit namin dito sa salon. Bumagay kasi sa iyo ang gupit mo at baka sa pamamagitan ng larawan mo, makahiyakayat kami ng maraming costumer. Ano, payag ka?” nakangiti nitong tanong sa kanya. Muli siyang napatingin kay Mona. Hindi kasi siya talaga makapagdesisyon eh. “Huhh! Ahhh, sige…pero—pero matagal ba
BARBARA NAGING maayos ang mga sumunod na oras nilang dalawa ni Mona. Siyempre, ganado silang nagtrabaho pagkatapos nilang matangap ang bonus mula kay Sir Charles at lalong mas naging ganado sila nang matangap nila ang isang kinsenas nilang sahod galing naman kay Madam Carmela. Hindi makapaniwala si Barbara. Labinlimang araw pa lang siyang nagtatrabaho sa mga Villarama pero ang sahod na natangap niya ay pang isang buwan at kalahati na. Mabuti na lang talaga at mabait si Sir Charles at nagbigay ng pang-isang buwan na sahod na bonus daw nila at kahit baguhan siya, kasama pa rin siya sa nakatangap. “Hayyy grabe! Ang daming nangyari ngayung araw.” Nakangiting wika ni Mona sa kanya! Nandito na sila ngayun sa kwarto nila. Kakatapos lang nilang kumain ng dinner at oras na nang pahinga nilang dalawa. Nabangit din ni Mona sa kanya kanina na pumayag daw si Madam Carmela na mag day-off sila kinabukasan kaya naman, balak nilang matulog ng maaga ngayung araw. “Oo nga eh! Pero kahit na mar
“Ehh, sorry po Sir. Hindi ko po sinasadya. Ku—kumatok po kasi ako ng maraming beses kanina pero hindi po kayo sumasagot eh. A-akala ko po kasi, walang taon dito sa kwarto niyo kaya---kaya---” “Kaya pumasok ka at dumirecho ka ng banyo? Tsk!” yamot nitong sagot sa kanya. Kaagad naman siyang napayuko. “Sorry po, Sir! Hi-hindi na po mauulit!” mahinang wika niya. Sa totoo lang, nahihiya talaga siya eh. Hindi niya talaga alam kung paano ito pakiharapan. Baka wala na siyang aasahan na bonus mula dito dahil sa ginawa niya kanina eh. Tsaka, bago pa lang siyang kasambahay ng mansion na ito tapos umaasa na kaagad siya sa bonus? Haysst, dapat pala, hindi na lang siya pumunta kung ganito man lang na para bang sasabunin siya ni Sir Charles. Samantalang si Charles naman, pigil niya ang sarili niya na matawa sa nagiging reaction ni Barbara ngayun. Namumula ang pisngi nito habang nakayuko kaya naman mabilis siyang bumaba ng kama at naglakad palapit dito “Okay, pinapatawd na kita..pero sa isa
BARBARA HANGANG sa makabalik siya sa laundry area, ramdam niya pa rin ang malakas na kabog ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya kanina lang. Gusto niyang pagsisihan kung bakit nagpadalos-dalos siyang pumasok ng kwarto ni Sir Charles kanina. “Hyasst, ano ba itong katangahan na nagawa ko ngayun araw? Wala pa akong isang buwan sa bahay na ito pero may kapalpakan na kaagad akong ginawa. Lagot talaga ako nito kay Sir Charles. Nakita ko pa naman na parang nagalit siya sa akin dahil naabutan ko siyang nakaupo siya sa iniduro.” Mahina niyang sambit. Maayos niyang nailapag ang laundry basket na dala niya at para siyang nanghihinang napaupo. Pakiramdam niya, bigla siyang nawalan ng lakas. Nag-aalala din siya. “Barbara? Nasaan si Mona?” nasa ganoon siyang sitwasyon nang biglang dumating si Manang. Wala sa sariling mabilis siyang napatayo at hilaw na napangiti dito “Manang…ka-kayo po pala.” Nakangit niyang wika. “Nasaan si Mona? Teka lang, ano ang nangyari? Baki