LOGINMinamahal kong Readers, Aminado ako na kahit ako ay nalilito sa mga pangalan na binangit ko. Kay hirap magbalik tanaw. Pero ito iyun eh, gusto kong ituloy-tuloy ang kwento na ito. Sana po ay subaybayan niyo pa din. Fast pacing na po ang story at maximum 100 chatpers lang kada series kaya asahan niyo na walang maraming pasikot-sikot ang bawat episode. Para sa mga bagong readers, pwede niyo pong basahin ang book 1 ng Billionaires True Love para mas makilala niyo po ang mga characters na sinusulat ko. Maraming Salamat po! Cathy
JILLIAN POV KUMPLETO ang halos buong angkan ng Pamilya Villarama. Ngayong araw ang paggunita sa death anniversary ni Grandmama Carissa Villarama at ang araw na ito ay isang sa pinagkamahalagang araw para sa buong pamilya. Wala namang ibang bisita. Puro kamag-anak lang, pero halatang pinaghandaan talaga ang okasyon. Mula sa eleganteng ayos ng hardin hanggang sa maayos na pagkakaayos ng mga pagkain sa mahabang mesa---lahat ay nagpapakita ng respeto at pagmamahal para sa yumaong pinakamamahal na ilaw ng tahanan. Makikita sa paligid ang mga apo nina Grandmama at Grandpapa, masaya, nagkukwentuhan, nagkakamustahan. Kumpleto din ang mga anak na sila Tita Miracle, Tito Christian, Tita Arabella at Daddy Rafael na ama ni Ralph. Mga asa-asawa ng mga anak at mga apo ay nandito din…. Pero sa kabila ng lahat… may isang presensya ang hindi mapakali kong hinahanap. Si Russell. Sa totoo lang, ayaw ko sanang dumating siya. Ayaw ko siyang makita lalo na pagkatapos ng nangyari sa m
JILLIAN POV PAGKAALIS nila Ate Jeann at Kuya Drake, mas lalo akong hindi mapalagay. Para bang ang bawat salitang binitawan nila kanina ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Takot at pag-aalala. At isang hindi maipaliwanag na kaba ang bumabalot sa dibdib ko. Yes, iyun ang nararamdaman ko ngayun lalo na at hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang epekto ni Russell sa akin. Tahimik lang ako sa sofa, walang tigil sa pag-iisip, nang maramdaman kong umupo sa tabi ko si Ralph. “Sweetheart… ano ang iniisip mo?” mahinahon niyang tanong. Napanasin marahin nito na tulala ako. Napansin marahil nito ang pagiging balisa ko. Napalingon ako sa kanya, pero hindi agad nakasagot. “Kung tungkol kay Russell,” dugtong niya, sabay marahang hinawakan ang kamay ko, “ako na ang bahala doon. Huwag mo nang isipin pa ang taong iyon.” Nakangiti nitong wika. Alam kong wala itong gustong mangyari kundi ang tuluyang mapanatag ang kalooban ko. Pero, hindi iyun sapat. Lalo na sa sandaling ito, m
JILLIAN POV "WELL, kung ayaw mong ipaalam sa kanila, humihingi ako ng paumanhin sa mga nasabi ko kanina. Oo, pinsan ko si Ate Charlotte pero minsan, wala na din kasi sa lugar ang mga sinabi niya kanina eh. Naiinis talaga ako!" muling wika ni Moira Kristina. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Kahit papaano, masaya din ako na malaman at makita na gusto pala ako nitong ipagtangol. Pero, kagaya nang nasabi ko kanina, gusto ko na lang isekreto sa lahat ang tungkol sa pagiging anak ni Kuya Peanut Ayaw ko na talaga kasing ako ulit ang maging dahilan ng kaguluhan ng pagsasama nila ni Ate Charlotte. Pagkatapos namin kumain, muli kaming nag-ikot-ikot sa buong paligid. Habang nasa isang boutique kami, hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang bigla nalang dumating si Ralph. Halatang galing pa ito ng opisina at sinadayang daanan ako nito dito sa mall "Marami na bang napamili ang asawa ko?" nakangiti nitong tanong sa akin sabay halik sa noo ko Napayakap naman ako dito "Hmm, ye
JILLIAN POV "MOIRA, linawin mo nga iyang sinabi mo?" sa pagkakataon na ito, salubong na ang kilay ni Ate Charlotte. HIndi na maitago ang init ng ulo nito kaya naman, lalong dumuble ang kaba sa puso ko Nag-aalala akong tumitig kay Moira Kristina. Feeling ko kasi talaga may alam ito eh. "Moira, may laman ang sinabi mo kanina at dinig na dinig ko iyun. Gusto kong linawin mo para maintindihan naman. Hindi ka pwedeng magkalat ng issue lalo na kung hindi naman sigurado." ani naman ni Kuya Peanut May halong awtoridad ang tono ng boses nito kaya naman kaagad akong napayuko "Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kanina at kung gusto mo nang mas malinaw ng katotohanan, mas mabuting makipag-ugnayan po kayo kay Maureen." seryosong sagot naman ni Moira. Muling tumitig ang nakikiusap kong mga mata sa kanya. Gusto ko nang tigilan niya ang tungkol sa usaping ito. Lalo na at alam kong walang magandang kahihinatnan ang lahat. "Si Maureen? Siya na naman? come on, alam ko ang karakas ng baba
JILLIAN SANTILLAN POV 'HELLO, GIRLS!" nakangiting bati sa amin ni Ate Charlotte. Mukhang tapos na silang kumain at kusa na silang umapit sa table namin "Hi po, Ate! Kumusta po? sila Charmaine at Penelope, nasaan po sila?" nakangiting tanong ni Sofia sa kanila. "Ayun, may kanya-kanyang lakad din. By the way, pakisabi sa Mommy niyo na dadalaw kami sa Monday sa mansion ha? Para gunitain ang death anniversary ni Grandmama." nakangiting wika nito Ang Grandmama na sinabi niya ay ang Lola Carissa Villarama. Asawa ni Gabriel Villarama. Mga magulang sila ni Daddy Rafael, Tita Arabella, Tita Miracle at Tito Christian. Taon-taon na ginugunit ng buong angkan ng mga Villarama ang kamatayan ni Grandmama Carissa kaya naman alam kong medyo malaking selebrasyon ito. At sa bawat selebrasyon, kung hindi sa Carissa Villarama Beach Resort, ginugunita, kadalasan naman ay sa mansion Villarama. "Sure, Tita. Actually, last month pa naghahanda si Mommy tungkol diyan. May mga nakausap na yata slyan
JILLIAN SANTILLAN POV 'SINO IYUN? SI RUSSELL? Ano daw ang kailangan niya?" tulala akong napalingon nang marinig ko ang seryosong boses ni Moira Kristina "Jillian, teka lang, ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka yata?" muli nitong wika. Tuluyan na itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay "Huhh? Ahm, wala....wala!" mahina kong sambit. Ramdam ko ang matinding kaba ng puso ko pagkatapos namin mag-usap ni Russell. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang akong nakaramdam ng takot. "Ano ba kasi ang problema? May sinabi ba si Russell kaya ka nagkakaganiyan?" muli nitong tanong sa akin. "Ahmm, I---dont know pero, sinabi ni Russell sa akin na gusto niya ako at hindi daw niya matatangap na--nagpakasal ako kay Ralph." mahina kong sambit. "God! Sinabi niya iyun? Nababaliw na ba ang Russell na iyun?" seryoso nitong sambit Hindi ko na mapigilan ang maluha "Moira, natatakot ako. Paano kung totohanin niya ang sinabi niya? Paano kung----kung may gagawin siyang hindi kanais
BARBARA POV KAGAYA ng sadya nila Mommy Carmela at Daddy Christian, wala nang sinayang na oras at pormal na hiningi ng mga ito ang aking kamay kina Nanay at Tatay. Napag-usapan din ng six months from now, nakatakda kaming ikasal ni Charles na labis kong ikinatuwa. At least may plano na. May buwa
Barbara Sabi ni Barbara sa sarili niya, ayaw niya nang maging marupok eh pero bakit ganoon? Bakit kusa niyang tinutugon ang halik ni Sir Charles? Ni hindi niya na nga namalayan kung paano sila nakarating sa living area. Yes, sa living area talaga kung saan muli niyang naramdaman ang langit mula d
BARBARA POV ILANG buwan din akong nawala dito sa bahay na ito at masasabi kong sobrang namiss ko itong lugar. Dati kasi, noong maayos pa ang pagsasama naming dalawa ni Charles, itinuring ko na din kasi talaga itong tahanan ko kaya lang, iba na ngayun. Hangat hindi pa kasi bumabalik ang alaala ni
BARBARA POV Muli akong nagising, umaga na. Nang imulat ko ang aking mga mata, ganoon na lang ang matindi kong pagkagulat dahil nasa bisig na ako ni Charles. Yes, hindi ako maaring magkamali, yakap-yakap na ako ni Charles na noon ay mahimbing nang natutulog. Ang unan na inilagay ko sa pagitan na







