Seducing The Billionaire

Seducing The Billionaire

last updateLast Updated : 2026-11-19
By:  Daddyjungkook_20Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Kaela Reign was once an ordinary woman who dreamed of being loved and accepted. Unfortunately, the world never treated her kindly. Because of her appearance, she endured humiliation, discrimination, and endless judgment—even from the people she trusted the most. Her life completely fell apart when she discovered that her boyfriend, Jereck, was cheating on her with her best friend, Rose. Heartbroken and determined to escape the painful memories of her past, Kaela decided to leave everything behind and start a new life. With the help of her older brother, she transformed herself into Laine—a beautiful, confident, and internationally recognized model admired by thousands. She finally became the woman she once dreamed of being. But beneath her glamorous appearance was a woman who still carried the scars of betrayal and rejection. Everything changed when she encountered a mysterious, handsome, and incredibly wealthy billionaire. Accustomed to getting everything he wanted, the billionaire was never interested in meaningless relationships. Cold, arrogant, and emotionally distant, he believed that love was nothing more than a weakness that could destroy a person's judgment. But Kaela had a different plan. Determined to capture his attention, she decided to seduce him. What started as a simple challenge slowly developed into something neither of them expected. As they spent more time together, attraction turned into affection, and affection gradually became love. However, their growing relationship was hiding a terrible secret. A secret connected to their families, a painful past, and the unexpected death of someone Kaela holds dear. What happens when the man she is beginning to love turns out to be connected to the greatest tragedy of her life? Will love survive when the truth finally comes out? Or will the weight of guilt, betrayal, and forbidden feelings destroy everything they have built?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Kaela Reign’s POV

"Kaela! Tama na nga 'yang kakakain mo! Mataba ka na nga pinapataba mo pa! Mamaya n'yan iwanan ka ni Jereck!" Saway ng kaibigan ko.

Eh sa sarap kayang kumain ng cake! With donuts! With ice cream, ugh!!

"Manahimik ka nalang, Rose. S'ya nga nagbigay nito kaya bakit ko sasayangin?? Wag mong sabihin na gusto mong ikaw lang kumain nito??”

Tanong ko sa kanya.

"Kaloka ka talaga! Hindi ko kayang ubusin yan! Ang dami kaya!"

"Kaya manahimik ka na lang okay?? Gusto niya akong busugin ng pagmamahal, eh, kaya sa pagkain niya pinapadaan." sabay subo ko nang isang donut.

"Basta wag kang iiyak kapag iniwan ka n'ya ah! Ayokong magastusan."

Masama ko naman siyang tinignan. "Kaibigan ba talaga kita, ha?!"

"Oo naman! Kaya nga concern ako sayo, 'di ba?? Bilisan mona at mag sisimula na tayong magturo."

Kumain nalang ako ng marami. Confident ako na hindi ako iiwan ni Jereck dahil lang sa mataba ako. Duh! Mahal niya ako kaya binubusog niya ako ng pagkain. At mahal ko din sya dahil ang sweet nya. Kung pagkain lang yon siguro ay pati siya kinain kona. Biro lang.

Nang matapos na ay niligpit nalang namin ang gamit namin at agad na bumalik sa faculty room. Kinuha ko ang lesson na ituturo ko ngayong araw.

"Kaela, mukhang lumaki kapa lalo, ah?"

Napatingin ako sa head teacher na may katandaan na. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Busog po ng pagmamahal." sabi ko.

"Baka palagi kang binubusog dahil pagkain na lang ang kaligayahan mo at hindi na s'ya?" biglang sabat ng isang teacher.

Nag pigil nalang ako at kinuha nalang ang ilan kopang gamit.

"Bawas-bawas din kasi ng timbang, Kaela. Mamaya niyan wala nang numero ang makakapag kilo ng katabaan mo." tukso naman ng isa pa.

Para namang hindi mga professional 'tong mga 'toh!

"Bakit ba ako nalang ang nakikita n'yo palagi??" Inis na baling ko sa kanila.

"Paano ba naman, eh, ang laki-laki mo. Sinong hindi makakakita sayo?? Bulag na lang ang magsisinungaling." at tumawa pa 'to.

Rinig ko namang tumawa din ang ilan na nandito sa loob. Agad na kinuha ni Rose ang kamay ko at kinaladkad palabas. Napaiwas ako nang tingin at nagpipigil ng mga luha.

"Wag mo na silang isipin."

"Bakit ko naman sila iisipin?? Eh, hindi naman sila si Jereck" sabi ko pa.

Pinapalakas ko lang ang loob ko.

Normal na araw lang 'to sa akin. Sanay na ako na kapag pumasok ako sa faculty ay ako na agad ang pina-paringgan nila.

"Tama 'yan! Sige na pumunta kana sa klase mo at pupunta na din ako sa klase ko." ngiti n'ya.

Tumango nalang ako sa kanya.

Habang tinatanaw siya ay agad akong nakaramdam ng insecurities. I don't know but seeing how the other praise her parang gusto ko din maging katulad n'ya. Rose, has this unique beauty. Bilugang mukha, mapupulang mga pisngi at labi. Matangos ang ilong at maganda ang mata. Malabong walang makakapansin sa ganda nya. Kaya minsan nakakailang na s'ya ang kasama ko dahil sa magkabaliktad kaming dalawa.

Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na sa klase ko. Pero nang pagbukas ko sa p***o ay agad na eraser ang tumama sa mukha ko. Shit!

Rinig ko ang tawanan ng mga estudyante ko kaya inis akong pumagitna at kinalampag ang mesa.

"Sit down!!!" Inis na sigaw ko sa kanila.

Agad naman silang nagsi-upo sa kanilang mga selya, pero nagpipigil parin ng mga tawa.

"Ma'am, maganda pala kayo kapag yung pulbora nang chalk ang gawin niyong pulbo." sabi ng isa kong estudyante.

Kinuha ko nalang ang panyo sa bag ko at pinunasan ang mukha ko. Pagkatapos ay inis ko silang tinignan isa-isa.

"Hala! Ngayon lang ako nakakita ng baboy na nagagalit HAHAHAH”

Sabay-sabay pa silang nagtawanan.

"Shut up!!! Mga wala talaga kayong galang!! Hindi niyo ba nakikita na may guro nang nasa harapan niyo!!???"

"Ay teacher pala natin, guys! Akala ko isang baboy na nagkatawang tao." sabay ulit silang nag tawanan.

Kung hindi ko magawang pigilan ang inis ko sa faculty, mas lalo din dito sa classroom. Sarili kong estudyante ay pinag kaisahan ako dahil sa pagiging mataba ko. At ang ganitong senaryo ay talagang normal na sa'kin. Pero hindi ko mapigilang magalit.

"Open your books on page 65!!" Inis na sigaw ko.

"Saan libro??"

"Pre libro daw.”

"Nasa basurahan 'ata satin."

"Luh? Mukhang nasunog ko kagabe."

Mga ilang bulongan ng mga estudyante ko. Ang hirap. Ang hirap nilang paamuhin. Ilang taon na akong nagtuturo sa paaralang ito pero kahit ni minsan wala akong narinig na mga good compliments, puro mga issue lang about sa akin.

Actually, I was supposed to get the elementary levels, dahil masaya ako kapag nakapagturo ako sa mga bata. But, I ended up taking high schools dahil sa kulang ang staffs nila. And they offered some good benefits kapag I take the HS. Pero mukhang mali ako. Sana ay sinunod ko nalang ang kung anong gusto ko talaga.

"Open your books now!!" Sigaw ko ulit pero walang ni isa na nagbuklat ng libro.

"I said-"

"Good morning grade 10 students."

Pare-pareho kaming napalingon sa pintuan. Napatingin ako sa mga estudyante ko nang magsi-ayos sila ng upo sabay ngiti kay Rose.

"Saan na ang mga libro n'yo?? Diba sinabi ng adviser n'yo na mag buklat kayo nang libro??" Mahinahon niyang tanong.

"Here, ma'am!"

"Ito po sa'kin!"

"Nandito po sa bag ko!"

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga sinabi nila.

"Good. Listen to your teacher, don't stress her." sabay ngiti niya pa at bumaling sa'kin.

Napangiti nalang ako nang pilit at agad na hinarap ang mga estudyante ko. Nang makaalis na si Rose ay nagsimula na ako.

"Okay. For today's lesson we will take up about physical health. Exercise is very important in a person-"

"Important daw, guys!" Sigaw ng isa kung estudyante. "Kung importante naman pala, eh, bakit hindi ikaw mag isa ang mag exercise?? Mukhang kailangan mo pa 'yon kesa sa'min-"

"Shut up, Will!!" Saway ko.

"Tama naman si Will, Ma'am. At ang boring kaya ng P.E" reklamo naman ng isa pa.

Talagang nag pipigil na ako. Araw-araw na lang ganito palagi. Hindi sila nakikinig sakin. Palagi pa nila akong pinag kakaisahan dahil sa malaki ako. Parang hindi isang teacher ang tingin nila sa'kin. Wala silang galang, pero sa iba hindi naman nila ginagawa ito, ah??

Dahil sa hindi ko makayanan ang bigat na nararamdaman ko ay nag walk out ako. Palagi lang naman. Walang araw na nagkakapagturo ako ng maayos.

Pero habang naglalakad ako ay may napansin akong pamilyar na tao. Anong ginagawa n'ya dito??? Pupuntahan n'ya ba ako?? Ang kaninang inis at galit ay agad na nawala ng makita ko si Jereck na may dalang bulaklak. Woy! Hanep din! Hindi na pagkain ibibigay niya! May pa bulaklak na siya! Napangiti ako na parang kinikilig sabay hawi ng buhok ko at lagaw sa tenga ko.

Tatawagin ko na sana s'ya at ng sa ganon ay hindi na n'ya ako hanapin. Pero agad kong naitikom ang bibig ko ng makitang masayang tumakbo papalapit sa kaniya si Rose.

Akala ko ba may klase siya??

Agad niyang tinanggap ang bulaklak at ngumiti na yumakap sa boyfriend ko!! Napatikom ang mga palad ko sabay singhap. Pero hindi ko dapat iniisipan silang dalawa nang masama, dahil sa pareho silang mahalaga sakin. Hindi nila magagawa ang bagay na 'to. Hindi ko maintindihan at naguguluhan ako!! Pero kahit na gusto kong ilayo ang tingin ko at wag ng umisip ng kong ano-ano ay hindi ko magawa, dahil sa hindi naman ako manhid at lalong-lalo na hindi ako bulag!!

Susugurin ko na sana sila nang mapatigil na naman ako sa paghakbang ng inabot niya ang labi ni Jereck para halikan!! Hindi na ako nakapag pigil at nanginginig na sa galit. Ang dalawang tao na pinig katiwalaan ko nang husto, ay niloko ako.

"Ang bababoy niyoooo!!!!" Sigaw ko dahil sa hindi na ako makapag pigil.

Agad naman silang nagulat at agad na humiwalay. Masama akong nakatingin sa kanila. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa sila natusta dahil sa nagbabaga kong tingin.

"K-kaela.."

"B-Bes-"

Agad ko siyang sinampal ng malakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko.

Hindi ako makapaniwala na nagawa nila sa akin 'to!! Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit kailangan na ang boyfriend ko pa?!!

"Wag mo akong matawag-tawag na bes!! Wala akong kaibigan na ahas!!" Napatingin ako kay Jereck. "We're over," At napabalik ang tingin kay Rose. "Simula ngayon hindi na tayo magkaibagan!! I can't believe you Rose!! I really can't...!!!”

To Be Continue.....

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status