“Are you okay? Are you sure you can walk?” nahimigan ko ang pag-alala sa boses niya habang nauunang maglakad papasok sa kanyang kwarto dito sa opisina niya. “I told you bubuhati—” “Hindi na. Kaya ko namang maglakad. Nanginginig lang ng konti ang mga hita ko,” dahilan ko at hilaw na ngumiti sabay kapit sa frame ng pintuan. “Mauna ka na—Raze!” singhap ko nang bigla niya akong buhatin. “S-Sabing hindi na.” Tinitigan niya ako ng mariin. “I can’t watch you wobble, Lyl.” His jaw clenched. “Ba’t kasi nagpumilit kung paika-ika naman.” Nag-iwas ako ng tingin at nakagat ang ibabang labi. “K-Kaya ko naman talaga. Nanginginig lang.” "Then you should have let me carry you," matigas niyang sabi. “Tss. Pinapainit na naman ang ulo ko.” “Eh ‘di pasensya. Ibaba mo na lang ako.” Ka-bwisit na kapitan! Kung mainit ang ulo niya, pwes ako kumukulo na ang dugô ko sa kanya! Tinangka kong bumaba ngunit hinigpitan nito ang pagkakahapit sa aking hita. “Kulit.” Rinig kong usal niya kaya mas lalo a
“H-Ha?” napakurap ako. Tama ba ‘yong dinig ko? He looked at me while twirling his pen around his finger. "You didn’t hear it? Want me to say it louder?" he challenged, and I noticed the corner of his lips twitch into a smirk. “Hindi ka ba mahihiya kapag narinig nila?” Napalunok ako. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ito oh. Kainin mo.” Alok ko ulit sa kanya sabay abot ng saging. Nag-iwas ako ng tingin nang hindi pa rin niya inaalis ang paninitig sa akin. Nakaka-ilang. Nangangalay na rin ang kamay ko. Ang arte arte ng kapitan na ‘to. Ako na nga ‘yong nagmamagandang loob para pakainin siya nito. Dapat kasi hindi ko na lang sinunod si Keano, eh. Pahamak. Parang ako pa ‘yong nag-iinitiate na magpapansin sa kanya na siyang dapat gumagawa dahil siya itong may kasalanan sa amin. “Ayaw mo ba? Eh ‘di—” napatitig ako sa kanya nang makita kong kagatin niya ‘yon. Kakainin din pala. “U-Ubusin mo.” “Inuutusan mo ba ako?” salubong ang kilay nitong tanong. “Ayoko na nga—” sinamaan niya
Keano’s POV “What’s with the long face, Raze?” tanong ko nang makalapit sa kinatatayuan ni Kapitan na halos patayîn na sa tingin ang kapatid niyang si Razen kasama si Lylia. “Hindi ka ba masaya na tinutulungan ka ng asawa at kapatid mo?” asar ko at napadaing nang apakan niya ang paa ko. “Ba’t ba? Nagtatanong lang ‘yong tao, eh.” Napangisi ako. Sa ekspresyon pa lang, alam kong mamamatáy na ‘to sa selos. Nandito kami ngayon sa barangay hall. Kaka-deliver lang ng mga tarp at dahil walang tao at gabi na rin, kami na lang ang nag-volunteer na mag-ayos no’n sa opisina niya. Kahapon pa sana dapat na-deliver kaso na-delayed dahil sa mga kandidatong nangangampanya sa syudad. “Asim ng mukha mo, Raze. Ikalma mo. Ano ba kasing nangyari? Nag-away ba kayo ni Lylia? Bakit halos hindi ka na pansinin? Kung hindi ko lang kilala si Razen, aakalain ko talagang siya ang asawa at hindi ikaw.” Pangre-realtalk ko sa kanya. As a dakilang chismoso na kaibigan niya, syempre nakaka-intriga ang nangyaya
THIRD PERSON POV Lylia was left alone at the granary. Hindi niya magawang umuwi dahil pakiramdam niya bibigay siya kapag nakita niya ulit na magkasama si Sheila at Raze. She felt alone, broken, weak and unwanted. Hindi niya lubos maisip na mapupunta siya sa gano’ng posisyon when all she wanted was to fix their misunderstanding. Akala niya maaayos pa nila pero mas lumalala pa. She felt betrayed, seeing how Sheila cared for Raze. Siya dapat ang gumagawa no’n dahil siya ang asawa ngunit sa nakita niya kanina, parang siya pa ang kabit. Nakiki-agaw. Nakagat nito ang ibabang upang pigilan ang paghikbi nito ngunit sa huli, hindi niya napigilan ang sarili at napahagulgol sa sakit at bigat na nararamdaman. She never wanted to be in that position. Akala niya magiging maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa dahil alam niya na pareho sila ng nararamdaman pero nagkamali siya. Siya lang pala ang hulog na hulog na. Bumuhos ang luha niya habang nakatanaw sa papalubog na araw. Minabuti
Kinuha niya ang kamay ko at nagpatangay sa kanya kung saan man niya ako balak dalhin, kung sa kamalig ba o saang lupalop ng hacienda. Nakangiti lang ako the whole time na nakasunod ako ng tingin sa kanya. It was nice to be with him, exploring his family’s hacienda and feeling the peacefulness of nature. Nilagay ko ang ilang takas ng aking buhok sa likod ng tenga habang tahimik na binabagtas ang daan. Dinaanan namin ang ekta-ektaryang lupain mula palayan, maisan, tuboan, at marami pang iba. Ngayon lang ako nakapunta rito kaya hindi ko maiwasang malula sa lawak. Maaliwalas ang paligid, napakatahimik na kapaligiran na tanging huni ng mga ibon ang naririnig, preskong hangin na gugustuhin mo na lang na dito tumira. Kung siguro mapupunta ako sa syudad, dito pa rin ako uuwi sa probinsya. Masyadong magulo ang pamumuhay sa Maynila. Dito kahit wala kang pera, pwede kang mamitas ng mga gulay-gulay. May makakain ka kahit walang-wala ka na. “What are you thinking?” biglang tanong ni Raze
“Oh, ba’t ka galit? Pinapabalik mo’ko kay Maximo ‘di ba? Ito na.” Lalampasan ko na sana siya nang mahawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. “Bakit? May kailangan ka pa?” He gritted his teeth. “Iniinis mo ba ako, Lyl?” Nagkibit balikat ako. “Hindi naman,” inosenteng sagot ko. “Iniis ba kita?” kunwari’y nag-isip ako. “Hindi naman. Sige ah? Balik na ako kay Maximo. Sakyan ko na lang siya.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking pulsuhan at mariing tumitig sa akin. “Imbes na ako ang sakyan mo, mas uunahin mo pa ngayon si Maximo?” Kumunot ang noo ko. “Huh?” bulalas ko. “Pinagsasabi mo? Sasakyan ko lang ‘yong kabayo. Bakit napunta sa’yo? Pwede ka bang sakyan?” Nakita kong natigilan siya at napamûra. “Bumibigay na naman ako, bwisit!” he murmured. “Bahala ka nga.” Binitawan niya ako. “Shiit! Shiit!” sunod-sunod niyang murá nang tumalikod siya sa akin. “Ano bang sinasabi…” natikom ko ang bibig nang marealize ko kung anong ibig niyang sabihin sa sasakyan. “Ah, gusto mong sakya
Natawa ako sa reaction niya. Hindi maipinta ang mukha. “Narinig mo naman siguro ng klaro? Gusto mo ulitin ko pa?” He gave me a sideway glance. “Tch. Di na lang sabihin ng maayos—” “Sino bang may ari kay Maximo?” tumingin ako sa kanya at ngumiti. I saw a ghost smile on his lips but faded when he looked at me. He’s trying to suppress it. Cute. “I want a name, Lyl.” Suplado niyang sabi. Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Ang sungit. “Like what? Raze?” pinilig ko ang ulo at landakang na ngumiti sa kanya. "My husband?" I said playfully. “S-Stop it. H-Hindi ka cute.” Nag-iwas siya ng tingin at napatakip ng bibig animo’y itinatago ang pagngiti nito gano’n din ang pamumula ng mukha niya. “Ayos lang kung hindi ako cute. Cute naman ang asawa ko.” Napatingin siya sa akin na tila nagulat. “A-Anong sabi mo?” Ngiti-ngiti akong humarap kay Maximo. “You heard me, Raze. Stop pretending.” “U-Ulitin mo.” Utos niya kaya natawa ako. “Huwag mo’kong pina
Ilang araw na ang nakalipas simula ng ikasal kami ni Raze at hanggang ngayon hindi pa rin naaayos ang away nilang magkapatid. It was clearly that I’m the root cause of their fight. Pero hindi ko maintindihan si Raze. May mali ba akong nagawa? Dahil nakita niya kaming magkasama ni Razen? Nagselos ba siya? Pwede naman niyang sabihin sa akin, hindi ‘yong bigla na lang manlalamig. The closeness, the silent treatment and tension speaks volume. It's slowly breaking me. Since that day, Raze became cold to everyone, especially sa akin. I tried to explain my side pero tinitigan lang niya ako ng malamig na para bang walang katuturan ang pinagsasabi ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na wala siyang pakialam sa sinasabi ko. The way he looked at me, it felt like he lost interest in me, and it hurts. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula bilang asawa niya. Pakiramdam ko naiwan ako sa isang gubat at hindi alam ang gagawin. “Hey, why aren’t you eating?” napatingin ako kay Raz
“A-Anong ginagawa mo rito?” kinakabahang tanong ko nang makalapit sa kinaroroonan niya. Hindi siya kumibo at nanatili sa kanyang posisyon na tila walang narinig. “H-Hinahanap na ba ako? T-Tapos na ba ‘yong party?” sunod-sunod kong tanong pero denedma lang niya ako. “Razen—” “Now, you're asking?” biglang sabi niya kaya bahagya akong napaatras. “Kuya is looking for you pero wala ka.” Napayuko ako. “S-Sorry.” “You're causing trouble in our family, Lylia. But I like that. You know why? Hindi ka katulad ni Sheila na bida-bida. Nakakainis ‘di ba? Na parang siya pa ang kinasal.” Natahimik ako. I don't know if he's being sarcastic pero gusto kong sangayunan ang sinabi niya. “Pero maging matapang ka naman. I don't like weak people. Ano hahayaan mo na lang na kunin niya sa'yo ang pagiging asawa kay kuya? Pathetic.” Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig. Hindi ako nakailag sa pangre-real talk niya. I know he's just being real and honest, at isinasampàl niya ‘yon sa akin para m